• July 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

Pilipinas bukas sa posibleng VFA sa Germany – PBBM

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BUKAS ang Pilipinas sa posibilidad na magkaroon ng isang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Germany. Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa joint press conference kasama si German President Frank-Walter Steinmeier.

Ngunit aminado ang punong ehekutibo na malayo pa ito sa kasalukuyan.

Ipinagmalaki naman ng Pangulo, na patuloy na lumalawak ang ugnayan ng Pilipinas at Germany, lalo na sa larangan ng militar, depensa, at seguridad. 

Aniya, kapag dumating ang tamang panahon at nagkaroon ng kasunduan, handang pag-aralan at tanggapin ng Pilipinas ang naturang kasunduan.

Binigyang-diin naman ni Pang. Marcos na mahalaga ang pagkakaroon ng mas maraming pakikipag-alyansa sa gitna ng pabago-bagong sitwasyong geopolitical issues sa mundo.

Dagdag niya, ang multilateral na pakikipagtulungan ay susi upang mapanatili ang katatagan at seguridad ng mga bansa.

( DARIS JOSE)

Sandiganbayan, ipinag-utos ang preventive suspension kay Sen. Jinggoy Estrada

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAG-UTOS ng Sandiganbayan Second Division ang 90-araw na preventive suspension kay Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng kanyang kasong graft na may kinalaman sa umano’y flood control kickback scheme.

Ayon sa korte, ang preventive suspension ay bahagi ng proseso upang matiyak na hindi makakaapekto si Estrada sa imbestigasyon habang nakabinbin ang kaso.

Sa ilalim ng batas, ang sinumang opisyal na nahaharap sa kasong graft ay maaaring ipataw ng preventive suspension upang mapanatili ang integridad ng mga proceedings.

Ang kasong kinakaharap ni Estrada ay kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects, kung saan sinasabing may nakuhang kickback mula sa pondo ng pamahalaan. ( DARIS JOSE) 

Mga Pilipino sa Mexico, aktibong nanonood, sumusubaybay sa mga FIFA match – Consul

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

AKTIBO ring sumusubaybay at nanunuod ang mga Pilipino sa Mexico sa mga match ng FIFA World Cup 2026.

Ayon kay PH Embassy in Mexico First Secretary and Consul Ralf Roldan, marami sa mga Pilipino ang masayang nanunuod sa mga itinalagang public viewing center, kasama ang mga Mexican.

Paliwanag ng PH consul, ang football ay isang malaking sports sa Mexico at halos lahat ng mga mamamayan doon ay interesadong talakayin ito sa mga normal conversation.

Dahil dito, marami sa mga Pinoy aniya ang na-eenganyo ring magtungo sa mga viewing center, manood sa mga pasilidad kung saan sila nagtatrabaho, at makinood sa kanilang mga kakilala.

Sa kasalukuyan ay nasa ‘ce;ebratory mood’ pa rin aniya ang mga Mexican kasunod ng kanilang matagumpay na panalo noong opisyal na nagbukas ang hosting ng Mexico nitong nakalipas na lingo.

Ang bansang Mexico ay isa sa tatlong bansa na nagsisilbing host ng FIFA World Cup.

Ayon kay Consul Rodan, nananatiling matatag ang latag ng seguridad sa kabuuan ng naturang bansa, sa kabila ng mga serye ng kilos protesta sa mga kalsada na isinasabay sa hosting nito sa FIFA.

2026 FIFA World Cup: Cape Verde, nakapagtala ng 0-0 draw kontra Spain

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

GINULAT halos ng Cape Verde ang fans ng 2026 FIFA World Cup matapos magtabla sa iskor na 0-0 kontra football powerhouse na Spain sa Group H match nitong Lunes (araw sa Amerika).

Dahil inaasahang madali lamang para sa Spain ang laban kontra Cape Verde na nasa ika-64 na puwesto at unang beses pa lamang na sumali sa World Cup.

Gayunpaman, kabaligtaran ang nangyari sa aktuwal na laban.

Bagama’t dominado ng Spain ang paghawak ng bola at lumikha ng mas maraming pagkakataon para maka goal, hindi nila nagawang makalusot sa matatag na depensa ng Cape Verde.

Naging pangunahing bida ng laban ang beteranong goalkeeper na si Vozinha, 40 taong gulang, matapos ang pitong magagandang saves na nagpanatili ng clean sheet para sa kanyang koponan. Kabilang dito ang pagharang sa mga tira nina Ferran Torres at Aymeric Laporte.

Sa kabuuan, umabot sa 74% ang possession ng Spain at nagtala sila ng 2.29 expected goals (xG), ngunit nanatiling matibay ang depensa ng Cape Verde na halos hindi nabigo sa kanilang taktika sa laro.

Para sa Cape Verde, sapat na ang isang shot on target at disiplinadong depensa upang makuha ang makasaysayang resulta laban sa isa sa pinakamalakas na koponan sa mundo.

Naging pangunahing bida ng laban ang beteranong goalkeeper na si Vozinha, 40 taong gulang, matapos ang pitong magagandang saves na nagpanatili ng clean sheet para sa kanyang koponan. Kabilang dito ang pagharang sa mga tira nina Ferran Torres at Aymeric Laporte.

Sa kabuuan, umabot sa 74% ang possession ng Spain at nagtala sila ng 2.29 expected goals (xG), ngunit nanatiling matibay ang depensa ng Cape Verde na halos hindi nabigo sa kanilang taktika sa laro.

METAL DEBRIS NATAGPUAN SA BAYBAYIN NG BATANGAS 

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MINO-MONITOR ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang hindi pa matukoy na debris na may mga dayuhang marka na natagpuan sa baybayin ng Sitio Talim, Barangay Luyahan, Lian, Batangas.

Ito’y makaraang makatanggap ng ulat mula sa isang concerned citizen tungkol sa presensya ng metal na debris malapit sa dalampasigan, agad namang bineripeka ng mga tauhan ng Coast Guard at sa isinagawang inspeksyon, natuklasang ang bagay ay may habang humigit-kumulang 20 talampakan at lapad na 10.5 talampakan, at tila gawa sa aluminyo na may nakikitang mga banyagang karakter o marka.

Batay sa paunang pagsusuri gamit ang mga available na translation tool, ang mga nakasulat na marka ay maaaring tumutukoy sa “Antenna Transmission Window 5.” Gayunman, hindi pa matukoy ang pinagmulan ng nasabing debris.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PCG ang debris para sa wastong dokumentasyon, pagmamanman, at karagdagang pagsusuri. Patuloy din ang pakikipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensya upang matukoy ang pinagmulan at kahalagahan nito. 

(Gene Adsuara)

IMUS, NAGKAISA SA PAGDIRIWANG NG IKA-128 ARAW NG KALAYAAN AT PAG-ALALA SA MGA BAYANI

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MATAGUMPAY na idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang paggunita sa ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw, Hunyo 12, upang ipagdiwang ang kasarinlan ng bansa mula sa pananakop ng mga Kastila.

Ang makasaysayang seremonya ay pinangunahan ng Ama ng Lungsod, Mayor Alex Advincula, kasama sina Vice Mayor Homer Saquilayan at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Narito ang mahahalagang bahagi ng naging pagdiriwang:

Karugtong ng Flag Day: Ang aktibidad ay kasunod ng naging pagdiriwang ng National Flag Day noong nakaraang Mayo 28 na ginanap sa Battle of Alapan Heritage Park—ang makasaysayang pook kung saan unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas noong 1898.

Pagpupugay sa mga Bayani: Sentro rin ng okasyon ang pag-alala sa kadakilaan at sakripisyo ng mga pambansang bayani na sina Gat Jose Rizal, Andres Bonifacio, at ang dating Pangulong Manuel Luis Quezon.

Layunin ng Lungsod: Ayon sa pamunuan, layon ng pagtitipon na muling buhayin ang diwa ng nasyonalismo at pagkakaisa sa bawat puso ng mga Imuseño sa makabagong panahon.

Naging mapayapa at puno ng pagkakaisa ang pagtatapos ng programa na dinaluhan ng iba’t ibang kawani ng pamahalaan at mga sektor ng komunidad.

 (Jeremiah Solomon/ Boy Morales Sr.)

House Bill No. 831 o “Chocolate Hills Geological Monument Act”, balangkasin panawagan ng mambabatas

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANANAWAGAN si Bohol 3rd District Rep. Kristine Alexie B. Tutor sa House Committee on Natural Resources na balangkasin ang House Bill No. 831 o “Chocolate Hills Geological Monument Act” sa lalong madaling panahon dahil sa naapektuhan ang kabuhayan ng mga residente na naninirahan sa paligid at loob Chocolate Hills Natural Monument. 

Ayon kay Tutor, natapos na ng Technical Working Group na balangkasin ang HB 831 at hinihintay na lamang ang konsiderasyon ng House Committee on Natural Resources.

 “Batid ko pong inabutan na ng sine die adjournment ang House Bill 831. Ngunit maaari pa rin naman itong talakayin ng Committee on Natural Resources kahit naka-recess kung gugustuhin. Tapos na ang Technical Working Group noong Abril.    Umaasa tayo na mabibigyan ito ng pagkakataong umusad dahil libu-libong Boholano ang matagal nang naghihintay ng malinaw, makatarungan, at pangmatagalang solusyon sa mga usaping may kinalaman sa kanilang lupa at kabuhayan,” pahayag ni Tutor. 

Sa ilalim ng HB 831, palalawakin ang framework ng Chocolate Hills Natural Monument habang environmental protection ito at tinutugunan ang concerns ng mga residente, landowners, local communities at local government units sa isyu ng lupain at kabuhayan sa lugar.

Maraming residente sa lugar ay may titulo ang kanilang lupain na sakop ng Chocolate Hills Natural Monument, ayon kay Tutor.

 “Hindi natin kailangang mamili sa pagitan ng pangangalaga sa Chocolate Hills at kapakanan ng ating mga kababayan. Kaya nating protektahan ang ating likas na yaman habang binibigyan ng makatarungan at praktikal na solusyon ang mga apektadong residente at komunidad,” sinabi ni Tutor. 

(Vina de Guzman)

5 ESTUDYANTE, SUGATAN SA SAKSAK NG KAPWA ESTUDYANTE

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SUGATAN ang limang estudyante na pawang mga Grade 5 student makaraang sugurin sa loob ng kanilang classroom ng isang Grade 8 student sa isang eskuwelahan sa Gen Trias City, Cavite Martes ng umaga.

Ang biktima, mga Grade 5 students ng Bethel Academy habang ang suspek ay isang grade 8 student na babae mula sa nasabi ring eskuwelahan

Sa ulat, bandang alas-8:00 ng umaga nang naganap ang insidente sa loob ng Bethel Academy School na matatagpuan sa Brgy Sta. Clara corner Navarro sa Gen Trias City, Cavite.

Ayon sa salaysay ng saksi, bandang alas-8:20 ng umaga nang dumating ang suspek na galing sa kanilang classroom sa 2nd floor at bumaba ito at pumasok sa kuwarto ng mga biktima sa ground floor at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang mga biktima gamit ang isang kutislyo.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa pananaksak . (Gene Adsuara)

Grade 12 student na akusado sa panggagahasa sa Valenzuela, himas-rehas

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SHOOT sa hoyo ang isang grade 12 student na kelot na inakusahan ng panggagahasa sa isang babaeng biktima matapos masilo ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.

Sa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado ay edad 18-anyos na lalaki at residente ng Brgy., Bignay, ng lungsod.

Bitbit ang arrest warrant na inisyu ng Valenzuela Regional Trial Court, Branch 282, kaagad ikinasa ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela CPS ang operation laban sa akusado.

Nang makorner ang akusado ng tumutugis na mga tauhan ni Col. Talento, kaagad isinilbi sa kanya ang nasabing warrant para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.

Matapos nito, isinailalim sa medical examination ang akusado bago tinurnover sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang utos ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.

Ayon kay Gen. Capili, ang matagumpay na operation ng Valenzuela Police ay bahagi aniya ng pinaigting na kampanya ng NPD laban sa mga wanted na indibidwal at sa patuloy na pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at hustisya sa naturang lungsod. (Richard Mesa)

Ads June 17, 2026

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments