• September 1, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 29th, 2026

Itulong na lang daw sa nasasakupang lugar…HERLENE, inoperan ng P150K para maka-one night stand si ‘Gov’` (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA kanyang Instagram story ni Herlene Budol noong Biyernes, June 26, ini-revel niya nakatanggap siya ng indecent proposal mula sa isang ‘Gov.”At sa kanyang Facebook post naman ay nilagay na ang caption na, “women are not for sale!” 

Makikita nga sa post ang screenshot na may isang “Gov” na nag-message kay Herlene at nagtatanong kung pwede ba siyang makaniig ng isang gabi.

“Hello I’m Gov. 

“Can I ask if available ka for one night stand and magkano?”

Nag-miss call pa ito kay Herlene, at sabay offer ng P150,000 ang naturang ‘Gov’.

Sinagot naman ito ng aktres at beauty queen…“Hello gov pakyu sayo na 150k mo!” naiinis na sabi ni Herlene.

Dagdag pa niya, “Itulong mo nalang yan sa nasasakupan mong lugar godbless haha!”May mga netizen naman na talagang nag-react at maging ang social media personality na si Senyora ay humirit kay Herlene ng, “Pano papahirapan mo pa kami mag-isip kung sino yan.  Dapat may clue!”Deadma naman ang Kapuso actress sa mga detalye ng naturang “gov” na gustung-gusto talagang malaman ng netizens.Nakakaaliw din basahin ang mga komento at isang netizen na nagbiro ng, “Stand lang naman eh. Biruin mo yun tatayo ka lang naman ng isang gabi may 150k ka na…”Oh well, abangan na lang natin kung kailan malalantad ang pangalan ni ‘Gov’.

Mag-isa lang at halos wala pa dahil araw-araw nagti-taping…BARBIE, na-shock din sa paglobo ng electric bill sa condo unit (ROHN ROMULO) 

Posted on: June 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NA-SHOCK din ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial dahil lumobo rin ang electric bill sa condo unit na nagkakahalaga ng P18,964.82.

Hindi nga napigilang i-post ng girlfriend ni Richard Gutierrez sa Facebook ang kanyang Meralco bill para sa buwan ng Hunyo, 2026. 

Ang mababasa sa caption ng post niya sa FB, “Yung mag isa ka lang sa condo halos wala kapa araw araw dahil 12-14 hours ka sa taping.

“Meralco wild!!!”

Takang-taka nga ang dalaga na sobrang laki ang kailangan niyang bayaran sa Meralco.

Sa ngayon ay wala pang pahayag o reaksyon ang Meralco tungkol sa hinaing ni Barbie.

Last week lang ay nagreklamo rin ng kapatid ni Regine Velasquez na si Cacai Mitra dahil sa napakataas na electric bill na umabot nang higit P94K.

Bagay na binigyang linaw na ng taga-Meralco, kaya malamang sasagutin din nila ito.

Samantala, sina Richard at Barbie sa The 9th EDDYS na magaganap pa ngayong Lingo, ika-5 ng Hulyo.

***

ANG Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at ang digital entertainment company na PlayTime Entertainment ay opisyal na nagsanib pwersa sa paparating na ika-9 na Entertainment Editors’ Choice. 

Ang prestihiyosong taunang parangal na pampelikula ay opisyal na itinanghal bilang The 9th EDDYS na ipinakita ng PlayTime Entertainment sa ilalim ng bagong nilagdaang kasunduan. 

Ang partnership ay nagtapos sa isang contract signing ceremony na ginanap sa PlayTime Entertainment noong Hunyo 22. Ang ugnayang ito ay pinagsama-sama ang mga nangungunang lupon ng mga entertainment  editor sa bansa kasama ang digital entertainment platform upang ipagdiwang at i-kampeon ang pinakamahuhusay na tagumpay sa pelikulang Pilipino. Ang mga nominado sa kaganapan na mangyayari sa Hulyo 5 ay siya ring inihayag sa pamamagitan ng livestream sa SPEEd’s Facebook page noong nakaraang Hunyo 25, na ginanap sa Luxent Hotel. 

Pinangungunahan ng mga pangunahing kategorya para sa parangal ngayong taon ay ang mga sumusunod na magkakatunggali:

Best Picture: Bar Boys: After School, Eraserheads: Combo on the Run, I’m Perfect, Journeyman, Quezon, Sunshine, and UnMarry. 

Best Actress: Mylene Dizon (Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan), Barbie Forteza (Kontrabida Academy), Krystel Go (I’m Perfect), Angelica Panganiban (UnMarry), Maris Racal (Sunshine), and Charo Santos (Only We Know). 

Best Actor: Carlo Aquino (Bar Boys: After School), Dingdong Dantes (Only We Know), Vice Ganda (Call Me Mother), Joshua Garcia (Meet, Greet & Bye), Jericho Rosales (Quezon), and JC Santos (Journeyman). 

Best Director: Sigrid Andrea Bernardo (I’m Perfect), Antoinette Jadaone (Sunshine), Jeffrey Jeturian (UnMarry), Christian Paolo Lat and Dominic Lat (Journeyman), Kip Oebanda (Bar Boys: After School), Jerrold Tarog (Quezon), and Maria Diane Ventura (Eraserheads: Combo on the Run).

Ang mga pangunahing kinatawan sa magkabilang panig ang dumalo sa naturang lagdaan. Para sa PlayTime Entertainment, ito ay pinangunahan ng kanilang pangulo na si Roy Alcid at kanilang tagapagsalita ng kompanya na si Adela Mae Marshall. Ang kinatawan naman sa SPEEd ay ang entertainment editor ng The Manila Times at pangulo ng SPEEd na si Tessa Mauricio kasama ang pangalawang pangulo para sa internal na si Maricris Valdez. 

“PlayTime Entertainment is deeply honored to partner with SPEEd in celebrating the brilliant minds and exceptional talents of the Philippine film industry and reflects our commitment to supporting local arts, and we are excited to help bring an unforgettable edition of The EDDYS to Filipino audiences,” pagbabahagi ni Marshall. 

“We are thrilled to welcome PlayTime Entertainment as our official presenter for this year’s awards, as their vision aligns with SPEEd’s mission to champion outstanding Filipino filmmaking. With their support, the 9th EDDYS is well-positioned to shine an even brighter spotlight on the best contributions to our national cinema,” dagdag ni Mauricio.

Ipinagpapatuloy ng EDDYS ang tradisyon na kilalanin ang kahusayan sa sining, dedikasyon at masidhing pagmamahal sa sining ng mga lokal na aktor, tagagawa ng pelikula at mga malikhaing nagtatrabaho sa likod ng kamera na silang nagtutulak sa mga hangganan ng pelikulang Pilipino. 

PlayTime Entertainment. Born for Happiness.

Matapos mabalitang naghiwalay at nadamay pa si Bianca…CELESTE, matibay ang relasyon nila ni JONATHAN at naka-focus sa magiging baby (ni: REY PINEDA) 

Posted on: June 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

JUSTIFIED nga ba si Bianca Manalo sa post ni Celeste Cortesi?

Bagama’t hindi nadawit na may third party involved sa sinasabing hiwalayan nina Celeste at Jonathan Sterling, may pasaring naman ang dating beauty queen.

Maging ang partner nitong si Jonathan ay nagbigay din ng pahayag.

Ayon sa post ni Jonathan sa kanyang IG stories…

“There have been a lot of false allegations going around online and in the media about me recently. 

“So I’d like to break my silence, come back on social media, and take a moment to correct the record: I am not a millionaire. I’m a billionaire,” biro nito.

Binanggit din nito na malalaman din ng publiko ang mga detalye sa mga susunod na araw.

At lahat daw ng mga haka-haka at espekulasyon ay makikita sa upcoming project ng kanyang girlfriend na si Celeste.

May tituto itong “Celeste Unscripted”.

Isa itong 8-part docuseries na ilalabas bago matapos ang taong ito. Sa nasabing docu-series, matutunghayan ng kanilang mga followers ang lahat-lahat sa personal na buhay ng dating beauty queen. Maging ang mga naikabit ditong kontrobersiya ay bibigyang linaw.

Dagdag pa ni Jonathan sa kanyang post…

“But seriously, if you want the full story, watch Celest Unscripted when it comes out later this year.”

Ayon pa kay Celeste, going strong ang relationship nila ni Jonathan at naka-focus sila sa kanyang ipinagbubuntis na pinangalanan ng Sergio.

Sa post ni Celeste, nagpahiwatig ito na bigyan ng respeto at konsiderasyon ang kanilang relasyon lalu na para sa batang nasa kanyang sinapupunan.

“Johnny and I are good. Our focus remains on caring for our child, Sergio, and supporting our family. I believe some situations call for greater consideration and respect, especially when a child and family are already involved. 

“Our priority is our family, and that is where our time, energy, and attention will remain. With that said, people can now relax and focus on their own lives instead.”

Nangangahulugan ba ito na hindi dawit o sadyang hindi idinawit ang pangalan ni Bianca.

May mga bulung-bulungan kaming narinig na naagapan daw yata ang papausbong na sanang pagiging malapit sa isa’t isa nina Jonathan at Bianca.

Kung too man ito, eh! At least hindi naman pala home wrecker itong si Bianca.

Baka naman nakonsensya!

Ads June 29, 2026

Posted on: June 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PBBM, ipinag-utos ang mabilis na resolusyon ng LRT-1 Cavite Extension right-of-way issues

Posted on: June 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Transportation (DOTr) na agad na lutasin ang usapin hinggil sa long-standing right-of-way na dahilan ng pagkaantala para matapos na ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension project.

Giit ng Pangulo, hindi na dapat na nagtitiis pa ang commuting public sa konsikuwensya o resulta ng natigil na imprastraktura.

Sa katunayan, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na inatasan ni Pangulong Marcos si Transportation Secretary Giovanni Lopez na madaliin ang resolusyon ng right-of-way concerns, kabilang na ang mga usapin na may kinalaman sa pinlanong Las Piñas Station.

“Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matapos ang LRT-1 Cavite Extension para sa ikagiginhawa nang mas maraming mananakay,” ang sinabi ni Castro.

“Matagal na nakabinbin ang nasabing proyekto at hindi dapat ang taumbayan ang magdurusa sa pag-delay nito dahil lamang sa usapin ng right-of-way,” aniya pa rin.

Hangad kasi aniya ni Pangulong Marcos na matapos na ang proyekto sa lalong madaling panahon upang makapagbigay ng kaginhawaan sa mga mananakay

“Mabilisang pagtatapos ng proyekto ang nais ng Pangulo para sa ikagiginhawa ng taumbayan,” ang winika ni Castro.

Ang LRT-1 Cavite Extension ay inaasahan na magpapalawak sa umiiral na rail line na mas malayo sa southern Metro Manila at Cavite, mapahusay ang connectivity at mabawasan ang travel time para sa daan-daang libo na mga pasahero.

Ayon sa Malakanyang, ang LRT-1 Cavite Extension ay isang P64.9-billion project na ipinapatupad sa pamamagitan ng public-private partnership kabilang ang national government, the Japan International Cooperation Agency (JICA), at private concessionaire Light Rail Manila Corporation (LRMC).

Ang proyekto ay tinustusan sa pamamagitan ng official development assistance (ODA) mula Japan kasabay ng investments mula sa pribadong sektor.

Tinuran pa ni Castro na ang gobyerno ay hindi responsable para sa kasalukuyang pagkaantala at hinikayat ang lahat ng partido na sangkot na makipagtulungan para matapos ang proyekto.

“Hindi po gobyerno ang dahilan ng delay sa pag-usad ng proyektong ito, kaya sabay-sabay nating kalampagin ang iba pang stakeholders na makipagkaisa at makipagtulungan na huwag maging balakid sa mabilisang pagtatapos ng proyekto,” diing pahayag ni Castro.

Dapat aniyang mangibabaw ang kapakanan ng mga mananakay kaysa sa interest ng interests ng private entities o mga politiko.

“Ang dapat na mangibabaw ay ang interest ng mananakay at hindi ang interes ng ilang kumpanya o politiko,” ang sinabi ni Castro.

Sa kasalukuyan, ang LRT-1 ay nago-operate ng 25 stations, sa kahabaan mula Fernando Poe Jr. Station in Quezon City hanggang Dr. Santos Station sa Parañaque, kasunod ng pagbubukas ng first phase ng Cavite Extension noong November 2024.

Sa oras na ang buong Cavite Extension ay nakompleto na, ang tatlong istasyon gaya ng Las Piñas, Zapote, at Niog, may kabuuang bilang na LRT-1 stations sa 28. ( DARIS JOSE)

Pamahalaan, pinalawak ang mga umiiral na programa laban sa pagkabansot ng mga bata- Malakanyang

Posted on: June 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINALAWAK pa ng pamahalaan ang mga umiiral na programang direktang tumutugon sa suliranin ng stunting o pagkabansot sa mga batang Pilipino. 

Ginawa ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang pahayag sa isang press briefing sa Malakanyang nang tanungin kung paano tinutugunan ng pamahalaan ang problema ng stunting sa kabila ng pagpapatupad ng iba’t ibang programa laban dito.

“Nakikita iyan kaya ini-expand ang programa, mas pinapahaba pa at mas dumadami pa ang mga benepisyaryo na mga kabataan,” ani Castro.

Kabilang sa mga programang kasalukuyang isinasagawa ang Food Stamp Program na inilunsad noong 2023, ang First One Thousand Days Program, at ang Supplementary Feeding Program na ipinatupad noong nakaraang taon, na pawang naglalayong labanan ang stunting.

Ayon kay Castro, alam ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang problema sa stunting kaya’t naglunsad siya ng iba’t ibang inisyatiba noong nakaraang taon tulad ng pagtatatag ng mga child development center at daycare center.

Dagdag pa niya, ipinatutupad din ng Department of Education (DepEd) ang School-Based Feeding Program para sa taong 2026–2027 na pinaglaanan ng pondong PhP25.6 bilyon upang matugunan ang kagutuman sa mga mag-aaral na Pilipino.

“Ang mabebenepisyuhan nito ay aabot sa 4.63 million learners nationwide at mas pinahaba na ang araw para sila ay makatanggap ng masustansiyang pagkain. Aabot na sa 200 days, mas mahaba po kumpara sa nakaraang taon na 120 days,” paliwanag ni Castro.

“At ang mabibiyayaan nito para sa universal feeding ay ang Kinder to Grade 1 at ang mga undernourished learners naman para sa Grade 2 to Grade 6 kasama na rin ang pregnant adolescent learners, vulnerable and marginalized students na beyond Grade 6.”

Bukod dito, ipinatutupad din ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Walang Gutom Program at Supplemental Feeding Program na nakatuon sa 1.8 milyong batang naka-enrol sa mga child development center na pinatatakbo ng mga lokal na pamahalaan.

“Ito ay sa buong bansa ipapatupad ng DSWD. So, dito naman, 180 feeding days ang maibibigay natin sa mga tatlo hanggang limang taong mga bata,” dagdag pa ni Castro.

Sa datos, umabot sa mahigit 20 porsiyento ang kaso ng stunting sa mga batang Pilipinong wala pang limang taong gulang noong nakaraang taon, na nakaaapekto sa isa sa bawat apat na bata.

Ang stunting ay isang kondisyon kung saan hindi sapat ang paglaki at pag-unlad ng mga bata dahil sa kakulangan sa nutrisyon, kakulangan ng angkop na psychosocial stimulation, at madalas na pagkakasakit o impeksiyon. (DARIS JOSE)

Baliko na talaga ang pag-iisip ni VP Sara ayon kay Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña

Posted on: June 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ITO ang naging reaksyon ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña kaugnay sa depensa ng kampo ni Vice President Sara Duterte na “freedom of expression” ang kanyang pagbabantang asasinasyon laban kina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Marcos at dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

“Baliko na talaga ang pag-iisip ni VP Sara. Only consistent corrupt lawbreakers will call threatening the life of another person as freedom of expression. Totoo nga, when you are accustomed to impunity, justice feels like oppression. Pag nasanay kang hindi sinisita tuwing nananakot ng kapwa o nangungulimbat ng pera ng bayan, nagmimistulang pang-aagrabyado ang pagpapanagot sa mga kasalanan mo,” pahayag ni Cendaña.

Ang pagbabanta umano ay ginawa sa isang live video noong November 2024.

Bukod sa freedom of expression, tugon pa ng kampo ng VP na confidentiality ng bank records at Anti-Money Laundering Council reports, at kakulangan ng supisyenteng ebidensiya sa apat na articles of impeachment laban sa nasabing opisyal.

(Vina de Guzman)

PNP sa mga iskul:Ipaalam mga off-campus activities 

Posted on: June 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAYUHAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga paaralan sa bansa na makipag-ugnayan muna sa pulisya bago magsagawa ng mga off-campus activity upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Ito ayon kay PNP chief PGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. ay upang maiwasan ang mga insidente tulad ng pagkalunod ng dalawang student-athlete ng Ateneo de Manila University na sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa isang team-building activity sa Aurora noong Hunyo 8.

Sinabi ni Nartatez na mahalaga ang koordinasyon upang maisagawa ang tamang security assessment, emergency response planning, traffic management, at pakikipag-ugnayan sa mga rescue at medical service.

Inatasan na rin ni Nartatez ang lahat ng regional offices at mga lokal na himpilan ng pulisya na magkaroon ng regular na koordinasyon sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) kaugnay ng mga aktibidad ng mga paaralan.

Samantala, hinikayat ng PNP ang mga school authorities na paigtingin ang mental health at psychosocial support para sa mga mag-aaral matapos ang mga madugong insidente tulad nang nangyaring pananaksak sa Cavite at pamamaril sa Tacloban.

 ( Daris Jose)

Trial vs. VP Sara:Posibleng pinakamahabang impeachment trial sa PH 

Posted on: June 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

POSIBLENG maging pinakamahabang impeachment trial sa kasaysayan ng bansa ang paglilitis laban kay VP Sara Duterte, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug.

Batay sa pagtaya ng impeachment clerk of court, maaaring umabot sa pitong buwan ang trial, dahil tatlong araw kada linggo ang target na iskedyul ng paglilitis.

Ang pitong-buwang projection, ayon kay Bantug, ay nakabatay sa 92 trial days na hiningi ng House Prosecution Panel at 30 araw na hiningi ng Defense Panel upang maipresenta ng dalawang panig ang kanilang ebidensiya at mga testigo.

Gayunpaman, posible pa rin aniyang mapapaikli ang proseso kung mas maraming witness ang maipresenta bawat araw.

Kung ikukumpara sa mga nakaraang impeachment trial, umabot lamang sa 44 araw ang paglilitis kay dating Chief Justice Renato Corona noong 2012.

Samantala, ang naunang trial laban kay dating Pangulong Joseph Estrada noong 2001 ay tumagal lamang ng 23 araw, matapos mag-walkout ang House Prosecution Panel dahil tumanggi noon ang Senate Impeachment Court na buksan ang tinaguriang “second envelope.”

Ang naturang insidente ang nagtulak sa ikalawang EDSA People Power Revolution na tuluyang nagpatalsik kay Estrada mula sa puwesto. (DARIS JOSE)

LTFRB, SINUSPINDE ANG OPERASYON NG EV TAXI DAHIL SA VIRAL ROBBERY PRANK

Posted on: June 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINATAWAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa pamumuno ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez, ng 30-araw na preventive suspension ang isang electric vehicle (EV) taxi matapos masangkot ang driver nito sa isang viral robbery prank na isinagawa kasama ang dalawang vlogger.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II, mananatiling suspendido ang operasyon ng naturang taxi habang isinasagawa ng ahensya ang imbestigasyon.

“Hindi ito nakakatuwa. Sa halip, naghahatid ito ng takot sa ating mga kababayan na regular na sumasakay ng taxi at TNVS. We will look into this and we assure that appropriate disciplinary measures will be done,” ani Chairman Vigor.

Naglabas din ang LTFRB ng show cause order (SCO) laban sa Green and Smart Mobility Philippines, Inc., ang operator ng EV taxi, matapos maakusahan ang driver na nakipagsabwatan sa dalawang vlogger upang isagawa ang naturang prank.

Sa viral na video, inanunsyo ng driver ang umano’y holdap bago sumakay ang dalawang vlogger na nagpanggap na mga holdaper.

Ayon kay Chairman Vigor, nagdudulot ito ng takot sa publiko at maling impresyon na hindi ligtas ang pampublikong transportasyon sa bansa.

Aniya, lalo itong nakababahala dahil kasalukuyan ring iniimbestigahan ng LTFRB ang dalawang taxi driver na umano’y nangholdap sa dalawang dayuhang modelo na bumisita sa bansa noong Hunyo 13 para sa isang fashion show.

Binigyang-diin ni Chairman Vigor na malinaw itong paglabag sa obligasyon ng mga PUV na magbigay ng ligtas at maayos na serbisyo sa publiko.

Nanawagan din siya sa mga operator at driver ng public utility vehicles (PUVs) na makiisa sa pagpapanumbalik ng tiwala at kumpiyansa ng publiko sa pampublikong transportasyon. (PAUL JOHN REYES)