• October 17, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 17th, 2026

Papasok din sa AI-driven media venture…GISELLE, pinabilib ang international audience sa Netherlands (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULING pinatunayan ng singer-comedienne at TV personality na si Giselle Sanchez ang kanyang husay sa pagpapatawa matapos magtanghal sa harap ng libu-libong Pilipino at dayuhang manonood sa pagdiriwang ng Philippine Independence Day sa Netherlands noong Hunyo 13.

Naging tampok si Sanchez sa Kalayaan Fiesta Foundation Netherlands (KFFN) Independence Day Celebration na ginanap sa Spaarnwoude Houtrak grounds sa Halfweg, Netherlands, kung saan umani siya ng masigabong reaksiyon mula sa mga dumalo sa kanyang stand-up comedy performance.

Ayon sa mga nakasaksi, naging matagumpay ang kanyang interactive comedy act na naghatid ng tuluy-tuloy na tawanan sa magkakahalong audience ng mga Pilipino at Europeo. Marami rin umano sa mga dumalo ang nagpahayag ng paghanga sa kakayahan ni Sanchez na makapaghatid ng katatawanan na nauunawaan at naa-appreciate ng iba’t ibang kultura.

Sa kanyang social media post matapos ang programa, nagpasalamat si Sanchez sa mga organizer, kaibigan at sponsors na naging bahagi ng nasabing selebrasyon. Tampok din sa okasyon ang iba’t ibang pagtatanghal, pagkaing Pilipino at cultural presentations bilang paggunita sa Araw ng Kalayaan at pagpapakita ng pagmamalaki sa kulturang Pilipino.

Bukod sa matagumpay na pagtatanghal sa Europa, isa rin umano sa pinakamahalagang yugto ng karera ni Sanchez ang buwang ito.

Kamakailan ay inanunsiyo ang kanyang paglahok sa executive team ng NDMstudios, isang pandaigdigang multimedia company. Inaasahan ding mauupo siya bilang isa sa mga board members ng isang bagong dibisyon ng kompanya na nakatuon sa mga proyektong may kaugnayan sa artificial intelligence o AI.

Bagama’t hindi pa inilalabas ang buong detalye ng naturang venture, sinasabing bahagi ito ng mas malawak na plano ng kumpanya na pagsamahin ang teknolohiya at media sa pamamagitan ng isang future-ready business model.

Samantala, naghahanda rin si Sanchez para sa isa pang malaking proyekto sa pelikula. Nakatakda siyang gumanap sa isang full-length romantic-comedy film na kukunan sa Japan at ipapalabas sa international market sa pamamagitan ng streaming platform na NDM PLUS.

Hindi pa inaanunsiyo ang kompletong cast ng pelikula, ngunit inaasahang si Sanchez ang magiging pangunahing bida sa proyekto.

Sa sunod-sunod na tagumpay sa larangan ng entertainment, media at teknolohiya, tila patuloy na lumalawak ang saklaw ng karera ni Giselle Sanchez sa loob at labas ng bansa.  

Nakamit muli ang ‘Most Outstanding Swimmer’…Anak nina ALFRED at YASMINE na si CRISTIANO, balik-swimming na (ni: ROHN ROMULO)

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BALIK-SWIMMING competition na ang anak nina Alfred at Yasmine Vargas na si Cristiano.Ito ang masayang ipinost ng mag-asawa sa kanilang social media accounts, na kung saan makikita sa video ang kaganapan nang muling pag-compete ng kanilang anak.

“Our comeback kid! “After months of serious challenges, setbacks, and deprived opportunities, Cristiano was finally able to compete in swimming once again. And what a comeback it was,”masayang panimula ni Yasmine.Pagpapatuloy pa niya, “returning to the pool at the Milo Swim Competition after a long absence from the sport he loves so much, he delivered his best performances yet, improving in every single event and posting personal best times across the board.

“What made it even more special was seeing him race with the bigger kids in the 9–10-year-old division and show his strength in the pool.

“Cristiano persevered and never gave up despite all the noise, obstacles, and distractions. He stayed focused, trusted the process, and rose to the occasion.”Pagmamalaki pa ng wifey ni Councilor Alfred, “on his long-awaited return to competition, he earned Most Outstanding Swimmer (MOS), Category A, making it his second consecutive year as a Most Outstanding Swimmer at the Milo Competition.”

Pasasalamat pa ni Yasmine mga coaches ng anak, “Our deepest gratitude to Coach Manny Thruelen for taking Cristiano under your wing even though you are already retired from coaching.

“Thank you for welcoming him, believing in him when he needed it most, and generously sharing your time, knowledge, and heart. Your guidance, patience, and unwavering support helped make this comeback possible. We will always be grateful for the impact you have made on Cristiano’s journey.

“Thank you as well to the swimming community for the warmth, support, and love we received that day. Thank you to our former Brittany Swimming Team for cheering Cristiano on.

“And thanks also to his former coaches, Coach Gary and Coach JM, for their continued support and for cheering him on despite no longer being his coaches.”Sa pagtatapos ng post, lalo pa nilang ipagmalaki ang latest achievements ni Cristiano, na muling ipinamalas ang husay sa paglalangoy.”Hard work always rewards those who persevere and trust the long and arduous process.

“The stopwatch never lies.

“Genuine character transcends distortion & distractions. And God really protects and blesses the good and faithful hearted.

“We are so proud of you, anak!

“Ad Majorem Dei Gloriam!”

Congrats Cristiano!

Tinawag niyang mga sinungaling at makakapal ang mukha…SHARON, pumalag na sa pagdawit kay Sen. KIKO sa flood control issue (ni:  ROSE GARCIA) 

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PUMALAG na ang Megastar na si Sharon Cuneta dahil una, sa pagdawit sa kanyang mister na si Senator Kiko Pangilinan sa flood control issue. 

Isang umaatikabong “sinungaling” ang post niya. Ipinaliwanag niya rin kung bakit sila nagpunta ng Marawi.

Ayon sa kanyang social media post, “MGA SINUNGAAAALING!!!!!!! SOBRA TALAGA KAYO!!!!! I vlogged about this visit my family and I made to Marawi to thank the Governor, Mayor, and other officials and their families for their support for Kiko. Talaga ba, magbibigay kayo ng maleta sa amin SA MARAWI PA???!!! 

“Ang kakapal ng mukha ninyo talaga sukdulan!!! Eto nagte-taping pa ako ngayon-nagbabanat pa rin ng buto at lumalaban ng patas, dahil lahat ng meron kami, PINAGHIHIRAPAN NAMIN!!! Hindi kami tulad ninyong mga sinungaling!!! 

“Kaya sabi nga nila, KAPATID NG SINUNGALING ANG MAGNANAKAW!!! Bahala na ang PANGINOONG Diyos sa inyo. ALAM NIYA KUNG SINO ANG TOTOONG SUMUSUNOD AT SUMASAMBA SA KANYA!!! WALA KAYONG KWENTANG TAO!!!”

Bago ang post ni Sharon, naglabas na rin ng statement si Sen. Kiko dahil sa pagdawit pa sa kanyang pamilya.

Sey niya, “STATEMENT ON SUITCASES

“Puro pasaring. Puro alegasyon. Puro palabas.

“Gusto lang mantsahan ang naiulat na pag-upo ko bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Subcommittee na mag-iimbestiga sa flood-control scam.

“Wala ni katiting na basehan ang mga tangkang pagdungis sa aking pagkatao ng mga nagpa-presscon tungkol sa mga maletang kaugnay sa bilyon-bilyong pisong ninakaw sa kaban ng bayan.

“At dahil dinamay niyo pa ang pamilya ko, makakatikim kayo ng hindi pasaring, alegasyon, o palabas na kaso sa korte. Pananagutan ninyo ang paninirang ginagawa niyo.”

‘Yun na!

***

GERALD, nanguna sa ‘Brilliant Sports League 2026’

NAPUNO ng hiwayan ang Morong Town Plaza sa Morong, Rizal dahil sa ginanap na Brilliant Sports League 2026. 

Ito ay bahagi ng sampung taong pagkinang ng Brilliant Skin Essentials sa pangunguna ng kanilang owner at CEO na si Glenda Dela Cruz o mas kilala bilang Miss Glenda. 

Present sa Brilliant Sports League 2026 ang celebrity basketball superstars na The Th3rd Floor team sa pangunguna ni Gerald Anderson. Kasama n’ya sa celebrity team sina Marco Gallo, Argel Saycon, Jeremiah Lisbo, Binsoy Namoca, Elyson De Dios, Ashton Salvador, Tristan Ramirez at Young JV. 

Pinasaya rin ang volleyball fans sa presensya ng PVL 11-Time champions na Creamline Cool Smashers sa pangunguna naman ni Michele Gumabao kasama sina Jia De Guzman, Bea De Leon, Jema Galanza at iba pa. 

Siyempre, hindi mawawala ang mga Brilliant Skin Essentials Muses tulad nina Andrea Brillantes, Rabiya Mateo, Jelai Andres, Empress Schuck, Mikee Quintos, Kim Rodriguez, Gwen Tuazon at Thamara Alexandria. 

Masayang-masaya si Miss Glenda sa naging tagumpay ng Billiant Sports League 2026 kunsaan, nanalo rin ang Team Brilliant sa The Th3rd Floor

“As part of our celebration of 10th Brilliant Years ng Brilliant Skin Essentials, naisip ko to mount this Brilliant Sports League as a breather na din for my employees at para na din mabigyan ng kasiyahan ang mga 

“I am very thankful sa lahat ng celebrities na nakisaya at nagpasaya sa aking employees at sa lahat ng taga dito sa Morong. It’s really one for the books playing with the sports superstars and for celebrating our decade of brilliance and success with them.”

Mahigit 50 baril na nakapangalan kina VP Sara at asawa, maaaring magpataas ng net worth – Rep. Ridon

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IBINUNYAG ni House impeachment prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na hindi bababa sa 50 baril ang umano’y nakarehistro sa pangalan ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawang si Manases “Mans” Carpio, na maaaring magpataas sa kanilang aktuwal na net worth kumpara sa nakasaad sa mga Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng Bise Presidente.

Ayon kay Ridon, hihilingin ng prosecution panel sa Philippine National Police (PNP) ang mga rekord ng pagmamay-ari ng mga baril at maaaring ipatawag ang mga firearms dealer at valuation expert sa impeachment trial upang matukoy ang halaga ng mga ito.

Iginiit ni Ridon na dapat naideklara sa SALN ang mga baril dahil kabilang ito sa mga rehistradong personal na ari-arian na kailangang isa-isang ilista ng mga opisyal ng gobyerno.

Sinabi rin ni Ridon ang mga nasabing armas ay binubuo umano ng mga rifle, revolver, shotgun, at pistol na nakalista sa pangalan ng mag-asawang Duterte-Carpio. 

Aniya, posibleng umabot sa milyun-milyong piso ang kabuuang halaga ng mga ito.

Nilinaw naman ng mambabatas na hindi pinag-uusapan ng prosecution kung paano ginagamit ang mga baril, kundi kung bakit hindi umano ito naideklara sa SALN ni Duterte.

Bahagi ang isyu ng mga baril sa mga ebidensyang inihain ng prosecution sa impeachment case laban sa Bise Presidente. 

Nakatakdang magsimula ang paglilitis sa Hulyo 6. (Vina de Guzman)

20 sa 117 baril ni Bato isinuko na sa PNP

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASA kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) ang 20 sa 117 baril na nakarehistro kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon sa PNP Civil Security Group (CSG), isinuko ng kampo ni Dela Rosa ang mga baril sa Regional Civil Security Unit sa Davao City noong Hunyo 11 kung saan dumaan ang mga ito sa karaniwang proseso bago tanggapin ng pulisya, kabilang ang inventory, beripikasyon ng serial numbers, at pisikal na inspeksyon.

Sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na ipinapakita ng hakbang na ito ang patuloy na pagsisikap ng organisasyon na tiyaking propesyonal, transparent, at naaa­yon sa tamang proseso ang pagpapatupad ng batas. Aniya, patuloy na pinalalakas ng PNP ang mga internal system nito upang matiyak ang pare-pareho at maayos na pagpapatupad ng mga batas hinggil sa mga baril.

Samantala, hinimok din ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag si Dela Rosa na isuko rin ang sarili, kasunod ng pagsuko ng 20 armas nito. Sinabi pa ni Matibag na dapat ay lahat ng 117 nakarehistrong baril ni Dela Rosa ang iturn-over na niya sa PNP.

Si Dela Rosa ay may warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa umano’y pagkakasangkot sa extrajudicial killings noong war on drugs ng administrasyong Duterte. (DARIS JOSE)

Impeachment trial ni VP Sara, maaaring mangailangan na lamang ng 15 boto — Rep. Ortega

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INIHAYAG ni Deputy Speaker Paolo Ortega V na maaaring 15 boto na lamang ang kailangan upang mahatulan si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial kung 22 senador lamang ang aktuwal na makakalahok sa paglilitis.

Ayon kay Ortega, dapat pag-aralan ng Senado kung ang two-thirds vote requirement ay ibabatay sa bilang ng mga senador na aktibong nakagaganap ng kanilang tungkulin.

Lumitaw ang usapin matapos ang mga argumento na hindi dapat isama sa bilang ang mga senador na hindi makadalo o hindi makapagampan ng kanilang tungkulin.

Sinabi ni Ortega, mahalagang malinaw na matukoy ang kinakailangang bilang ng boto bago umabot sa yugto ng paghatol ang impeachment court upang maiwasan ang mga legal na usapin at dagdag na pagkaantala sa paglilitis. (Vina de Guzman)

Pilipinas bukas sa posibleng VFA sa Germany – PBBM

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BUKAS ang Pilipinas sa posibilidad na magkaroon ng isang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Germany. Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa joint press conference kasama si German President Frank-Walter Steinmeier.

Ngunit aminado ang punong ehekutibo na malayo pa ito sa kasalukuyan.

Ipinagmalaki naman ng Pangulo, na patuloy na lumalawak ang ugnayan ng Pilipinas at Germany, lalo na sa larangan ng militar, depensa, at seguridad. 

Aniya, kapag dumating ang tamang panahon at nagkaroon ng kasunduan, handang pag-aralan at tanggapin ng Pilipinas ang naturang kasunduan.

Binigyang-diin naman ni Pang. Marcos na mahalaga ang pagkakaroon ng mas maraming pakikipag-alyansa sa gitna ng pabago-bagong sitwasyong geopolitical issues sa mundo.

Dagdag niya, ang multilateral na pakikipagtulungan ay susi upang mapanatili ang katatagan at seguridad ng mga bansa.

( DARIS JOSE)

Sandiganbayan, ipinag-utos ang preventive suspension kay Sen. Jinggoy Estrada

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAG-UTOS ng Sandiganbayan Second Division ang 90-araw na preventive suspension kay Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng kanyang kasong graft na may kinalaman sa umano’y flood control kickback scheme.

Ayon sa korte, ang preventive suspension ay bahagi ng proseso upang matiyak na hindi makakaapekto si Estrada sa imbestigasyon habang nakabinbin ang kaso.

Sa ilalim ng batas, ang sinumang opisyal na nahaharap sa kasong graft ay maaaring ipataw ng preventive suspension upang mapanatili ang integridad ng mga proceedings.

Ang kasong kinakaharap ni Estrada ay kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects, kung saan sinasabing may nakuhang kickback mula sa pondo ng pamahalaan. ( DARIS JOSE) 

Mga Pilipino sa Mexico, aktibong nanonood, sumusubaybay sa mga FIFA match – Consul

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

AKTIBO ring sumusubaybay at nanunuod ang mga Pilipino sa Mexico sa mga match ng FIFA World Cup 2026.

Ayon kay PH Embassy in Mexico First Secretary and Consul Ralf Roldan, marami sa mga Pilipino ang masayang nanunuod sa mga itinalagang public viewing center, kasama ang mga Mexican.

Paliwanag ng PH consul, ang football ay isang malaking sports sa Mexico at halos lahat ng mga mamamayan doon ay interesadong talakayin ito sa mga normal conversation.

Dahil dito, marami sa mga Pinoy aniya ang na-eenganyo ring magtungo sa mga viewing center, manood sa mga pasilidad kung saan sila nagtatrabaho, at makinood sa kanilang mga kakilala.

Sa kasalukuyan ay nasa ‘ce;ebratory mood’ pa rin aniya ang mga Mexican kasunod ng kanilang matagumpay na panalo noong opisyal na nagbukas ang hosting ng Mexico nitong nakalipas na lingo.

Ang bansang Mexico ay isa sa tatlong bansa na nagsisilbing host ng FIFA World Cup.

Ayon kay Consul Rodan, nananatiling matatag ang latag ng seguridad sa kabuuan ng naturang bansa, sa kabila ng mga serye ng kilos protesta sa mga kalsada na isinasabay sa hosting nito sa FIFA.

2026 FIFA World Cup: Cape Verde, nakapagtala ng 0-0 draw kontra Spain

Posted on: June 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

GINULAT halos ng Cape Verde ang fans ng 2026 FIFA World Cup matapos magtabla sa iskor na 0-0 kontra football powerhouse na Spain sa Group H match nitong Lunes (araw sa Amerika).

Dahil inaasahang madali lamang para sa Spain ang laban kontra Cape Verde na nasa ika-64 na puwesto at unang beses pa lamang na sumali sa World Cup.

Gayunpaman, kabaligtaran ang nangyari sa aktuwal na laban.

Bagama’t dominado ng Spain ang paghawak ng bola at lumikha ng mas maraming pagkakataon para maka goal, hindi nila nagawang makalusot sa matatag na depensa ng Cape Verde.

Naging pangunahing bida ng laban ang beteranong goalkeeper na si Vozinha, 40 taong gulang, matapos ang pitong magagandang saves na nagpanatili ng clean sheet para sa kanyang koponan. Kabilang dito ang pagharang sa mga tira nina Ferran Torres at Aymeric Laporte.

Sa kabuuan, umabot sa 74% ang possession ng Spain at nagtala sila ng 2.29 expected goals (xG), ngunit nanatiling matibay ang depensa ng Cape Verde na halos hindi nabigo sa kanilang taktika sa laro.

Para sa Cape Verde, sapat na ang isang shot on target at disiplinadong depensa upang makuha ang makasaysayang resulta laban sa isa sa pinakamalakas na koponan sa mundo.

Naging pangunahing bida ng laban ang beteranong goalkeeper na si Vozinha, 40 taong gulang, matapos ang pitong magagandang saves na nagpanatili ng clean sheet para sa kanyang koponan. Kabilang dito ang pagharang sa mga tira nina Ferran Torres at Aymeric Laporte.

Sa kabuuan, umabot sa 74% ang possession ng Spain at nagtala sila ng 2.29 expected goals (xG), ngunit nanatiling matibay ang depensa ng Cape Verde na halos hindi nabigo sa kanilang taktika sa laro.