• June 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 16th, 2026

Single at wala talagang karelasyon…BIANCA, itanggi na third party sa hiwalayang CELESTE at millionaire boyfriend (ni: REY PINEDA)  

Posted on: June 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INVOLVED ngayon ang pangalan ni Miss Universe-Philippines 2009 Bianca Manalo sa sinasabing hiwalayan ng magkarelasyong Celeste Cortesi, dating Miss Universe-Philippines 2022 at ng boyfriend nitong tech millionaire, British national, at philanthropist na si Jonathan Michael Sterling. 

     Ang masaklap pa nito, kasalukuyang buntis si Celeste at si Jonathan ang sinasabing ama nito.

     Maagap naman ang Sparkle GMA Artist Center sa paglalabas ng pahayag at tahasan nitong dineny ang nasabing akusasyon.

     Ayon sa pamunuan ng Sparkle…

     “On behalf of our Sparkle Artist, Bianca Manalo, we woud like to clarify that there is no truth to rumors circulating about her involvement with another couple. 

“She is single and not in any relationship. we hope this settles the matter and that we all continue to spread and click kindness instead”.

     Ni-repost ito ni Bianca sa kanyang social media account.

     Kung ating matatandaan, si Senator Sherwin Gatchalian ang huling napabalitang nakarelasyon ni Bianca.

     Pero nung January 2025, nagkaroon ng intriga ang kanilang relasyon, nang mapansin ng mga netizen na in-follow na nila ang isa’t isa sa knai-kanilang social media account.

     Nag-post nuon ang senador ng kanyang holiday photos pero wala na si Bianca sa mga ito.

     Samantalang nung 2024, nasa Japan naman si Bianca para doon mag-spend ng kanyang holiday season.

     Tinuldukan ni Senator Sherwin ang mga spekulasyon ng sa isang interview nuong January 21, 2026 sinabi nitong “non-existent” ang kanyang lovelife.

     Ang tanong… Hindi ba’t nasangkot din sa isang kontrobersya itong si Bianca nung kasalukuyan nitong ginagawa ang pelikulang “Magandang Dilag” sa kanyang co-star na si Rob Gomez?

     Naglitawan ang mga screenshots ng usapan nina Bianca at Rob sa halos lahat ng social media platform, na nagpapatunay na nagkaroon sila ng ugnayan.

     Agad naman itong pinabulaanan ni Bianca. Tinawag niya itong “false rumors” at unfounded accusations”.

     Hindi kaya ito ang naging dahilan para hiwalayan ni Senator Sherwin itong si Bianca?

     Marami tuloy ang nagtatanong at humuhulang may katotohanan ang mga paratang dito. 

     May mga nagsasabing may pattern na raw kasi.

     Walang basehan ang mga paratang kay Bianca. 

     Napakaganda naman nito, para lang maging isang third wheel.

     Well, prangkahan lang tayo, kayo ba naniniwalang si Bianca ang posibleng dahilan ng hiwalayang Celeste at Jonathan? 

***  

UMAMIN si Pasig City Mayor Vico Sotto na inokupa ng pulitika ang kanyang kabataan.

     Nagsimula sa pulitika ang binata nuong siya ay twenty nine years old. Ngayong thirty six na siya at last term na ng kanyang serbisyo, wala pang plano si Mayor Vico tungkol dito.

     Sa isang panayam kay Mayor Vico ni Bernadette Sembrano sa kanyang social media account, inilahad nito ang kanyang saloobin.

     “I gave my entire thirties, last term ko ito kaya I’m excited.

     “Imagine I started at twenty nine years old, so, ngayon ano na ‘ko thirty six.

     “I’ll end my term at thirty eight. I gave my best years naman.

     “Halos wala na akong ibang nagawa. I mean in my personal life, ha! Halos wala ng iba. Kasi you need to focus,e. It’s a full time job. 

     “Siyempre, may gusto rin akong gawin na iba, di ba pero di puwede, e. Kailangan focused, kasi the people trusted you,e. 

     “Ito yung naging open door para sa akin. Ako naman, pumasok lang sa open door. and when you’re there, you want the best of every moment and every opportunity.

     “Hindi ko naman gagawin na half-hearted ang isang bagay. Kasi I was given a chance to do this job.

     “I want to do this to the best of my ability.” banggit nito.

     Sa ngayon, wala pang balak si Mayor Vico kung ano ang kanyang susunod na hakbang pagkatapos ng kanyang termino.

Nagbigay na rin ng opinyon sa ‘halfies issue’…PIA, ipinagdiinang proud na proud sa pagiging Filipino (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINDI na rin napigilan ni Miss Universe 2015 Pia Wirtzbach ang magbigay ng kanyang opinyon tungkol sa “halfies” issue sa pageantry world. 

Sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, June 12, sinabi ng beauty queen-actress na hindi nasusukat ang identity ng isang tao sa lugar kung saan siya ipinanganak.

“I have always believed that identity isn’t measured by where you were born, how you look, or how others see you,” say ni Queen Pia.

Pagpapatuloy niya, “It’s shaped by the values you carry, the roots you honor, the love you have for where you come from, and the pride you feel whenever you see our flag represented anywhere in the world. “

Diin pa ng beauty queen, walang isang paraan sa pagiging Pilipino dahil… 

“There is no single way to be Filipino. We each carry that connection in our own way…through our experiences, our families, and the values that bring us home,” paniwala pa ni Pia.

“Today, I’m celebrating that connection and everything it means to me. I hope you are too.

“Proud to be Filipino. Always,” pagtatapos ni Pia. 

Nag-ugat ang “halfies” issue dahil, sanaging pahayag ng Filipino-American pageant titleholders na sina Brandon Espiritu at Jether Palomo.

Samantala, nag-sorry na si Brandon noong June 10, 2026 matapos na i-bash ng netizens.

Kasunod nito ay tuluyan nang nag-deactivate ng social media pages ang kontrobersyal na si Brandon, at biglang pagbaba ng social media followers niya dahil sa sobrang inis at galit ng mga Pinoy. 

Sobrang happy nang makasama si Aga… XIA, gustongmakagawa muli nang magandang MMFF project (ni: NONIE NICASIO) 

Posted on: June 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAHAYAG ng teen actress na si Xia Vigor na wish niyang makagawa muli ng magandang MMFF project na tulad ng “Miracle in Cell No. 7” na tinampukan nila ni Aga Muhlach at ng iba pang magagaling na actors. 

Aniya, “Yes po, kasi malaking opportunity po ang mga ganoong projects, especially when I work with veteran actors po. Kasi, marami po akong natututunan sa kanila and nadadala ko po talaga ang mga itinuturo nila sa akin throughout my whole acting career.

 “So, sana po talaga in the future I can have another big project like iyong Miracle in Cell No. 7 at sa MMFF din po sana ito,” masayang wika niya.

Ayon pa sa half Filipino-half British na bagets, ang MMFF entry nilang ito ni Aga ang itinuturing niyang biggest break sa showbiz. 

Esplika ni Xia, “Ito pong movie ang masasabi kong biggest role ko at most challenging po sa acting at ang mga kasama ko po roon ay talagang mga veteran actors po.

“So, its such an honor po talaga and that’s really the most memorable project for me.”   

Na-miss na ba niyang muling makatrabaho si Aga?

Tugon ng tisay na teen actress, “Siyempre po, naging tatay ko talaga siya sa set… and sobrang sweet po ni tito Aga, parang naging tunay na tatay ko siya sa set. And I realized, parang ang fun niyang maging tatay. So, super fun working with him po talaga.”

Si Xia ay 16 years old na ngayon at isang magandang teenager na. May bagong seryeng aabangan sa dalagita, ngunit hindi pa niya alam ang mga detalye nito.

“Series po siya, sa Viva po, pero wala pa po akong alam pa kung sino ang mga kasama ko, wala pa po akong idea,” nakangiting pakli pa niya.

Ngayon ay pumasok na rin sa pagkanta si Xia. Ang debut single niya ay “Aminin” na sinundan ng “Mahal Kita, Bahala Na” mula sa Viva Records. 

***

DIVINE, thankful na kasama sa health advocacy show

NAGPAPASALAMAT ang sexy actress na si Divine Villareal na kasali siya sa isang health advocacy show. Ito ang “Itanong Natin Kay Dok Larry,” tampok si Doctor Larry Sambrano na siyang gaganap bilang Doc Larry.

Bukod kina Doc Larry at Divine, kasama rin sa cast sina Tabs Sumulong at Enki Gray.

Ang show ay isang informative series na tatalakay sa usaping pangkalusugan na mapapanood sa Facebook, YouTube, at TikTok. Nagsimula na ito last June 13, 4pm.

Nagkuwento si Divine hinggil sa bago niyang show.

Aniya, “Isa po akong nurse rito na laging kasama po ni Doc Larry. Ito po ay directed by direk Roman Pererz Jr.

“Parang isa siyang short series po, na every episode po ay iba’t ibang kuwento ang mapapanood, pero same character po.”

Dagdag pa ni Divine, “Marami po tayong matututunan dito about sa mga health at sakit po. At the same time ay maaaliw at matatawa rin po kayo sa mga story.”

Thankful din ang aktres na mabigyan ng ganitong klase ng show.

Saludo rin ang magandang aktres kay Doc Larry sa adbokasiya nito hinggil sa health.

“Napakabuti pong doctor ni doc Larry, kasi ginawa niya po talaga itong show na ito para marami po tayong matutunan about sa ating health,” sambit pa niya.  

Para makasunod sa mga updates sa naturang programa, maaaring mag-follow sa kanilang Facebook account sa link na: https://www.facebook.com/share/14ebuB2BXz6/

UFC pres. White pinuri ang tagumpay ng laban sa harap ng White House

Posted on: June 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINURI ni UFC chief executive officer Dana White ang matagumpay na hosting ng White House ng isang laban.

Isinagawa ang UFC fight sa harap ng White House kasabay ng ika-250 kaarawan ng America.

Sinabi ni White na walang anumang political agenda at sinabi nyang nais nitong ulitin sa susunod na mga taon.

Umaasa ito na ang nasabing laban ay siyang magbubuklod sa mga mamamayan ng US.

Sa nasabing laban ay tinalo ni Justin Gaethje si Ilia Topuria sa main event.

Coach Tab Baldwin, nagbitiw bilang head coach ng Ateneo Blue Eagles

Posted on: June 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGBITIW si Coach Tab Baldwin bilang head coach ng Ateneo Blue Eagles, at agad itong tinanggap ng pamunuan ng Ateneo de Manila University.

Kasunod ito ng trahedya noong Hunyo 8, 2026 sa Aurora kung saan nalunod ang dalawang manlalaro ng koponan sa isang team-building activity.

Bukod kay Baldwin, nagbitiw rin si team manager Epok Quimpo bilang bahagi ng responsibilidad sa insidente.

Si Baldwin ay nagsilbi bilang coach ng Ateneo mula 2016 at nakapagdala ng apat na UAAP championships at anim na finals appearances, kabilang ang three-peat mula 2017 hanggang 2019.

Sa ngayon, nagsasagawa ng imbestigasyon ang Ateneo at iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang matukoy ang pananagutan at mga pagkukulang sa safety protocols.

Ang pagbibitiw ni Baldwin ay nagmarka ng pagtatapos ng isang matagumpay ngunit kontrobersyal na yugto sa kasaysayan ng Blue Eagles.

SCHOLARSHIP SA 6 NA KAPATID NI BATERBONIA, INALOK NG ATENEO

Posted on: June 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAG-ALOK ang Ateneo de Davao University ng buong scholarship sa anim na kapatid ni Rene Clert “Bobet” Baterbonia, isa sa dalawang estudyanteng namatay kamakailan na nagbunsod sa mga Heswita na amining mas marami pa sana ang kanilang nagawa sa pagtugon sa trahedya.

Sa isang pahayag sa social media, inanunsiyo ito Fr. Karel S. San Juan, S.J., Pangulo ng Unibersidad ang pagkakaloob ng scholarship matapos ang banal na misa na inialay para kay Baterbonia noong Hunyo 13.

Saklaw ng scholarship ang pag-aaral ng kanyang mga kapatid mula sa basic education hanggang kolehiyo, ayon sa unibersidad.

“Matapos ang Banal na Misa bilang paggunita kay Rene Clert ‘Bobet’ N. Baterbonia, inanunsyo ni University President Fr. Karel S. San Juan, SJ na magbibigay ang Ateneo de Davao University ng buong scholarship—mula Basic Education hanggang College—sa lahat ng kapatid ni Bobet,” ayon sa pahayag.

Sinabi rin ng unibersidad na layunin ng tulong na ito na makatulong sa pagtupad sa isa sa mga pangarap ni Baterbonia para sa kanyang pamilya.

“Ito ay isang maliit ngunit taos-pusong paraan ng unibersidad upang makatulong sa pagtupad ng isa sa mga pangarap ni Bobet—ang magkaroon ng mas magandang kinabukasan ang kanyang anim na kapatid,” dagdag pa nito.

Ang anunsyo ay ginawa isang araw matapos sabihin ni Jesuit Provincial Fr. Xavier Olin na kinikilala ng kongregasyon na “mas marami pa sana ang maaaring nagawa” sa paraan ng pagharap at pakikipag-ugnayan tungkol sa pagkamatay nina Baterbonia at Divine Adili.

Sa kanyang pahayag noong Hunyo 12, sinabi ni Olin na pinakikinggan ng mga Heswita ang dalamhati at galit na ipinahayag ng mga miyembro ng komunidad ng Ateneo at kinikilala nila ang mga pagkukulang sa naging pagtugon sa insidente. (Gene Adsuara)

Kawatan na wanted sa Bulacan, arestado sa pagnanakaw sa Valenzuela

Posted on: June 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NABISTONG wanted din pala sa pagnanakaw ang isang lalaki na naaresto ng pulisya makaraang pasukin at pagnakawan ang isang electronic service center sa Valenzuela City, Linggo ng tanghali.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang suspek na si alyas “Rolly”, 31, at residente ng Brgy., Malinta, ay nahaharap sa kasong paglabag Article 293 (Robbery with Force Upon Things) of the Revised Penal Code at R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Base sa imbestigasyon, nagpapatrolya ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento sa Brgy., Malanday nang mapansin nila ang suspek na lumabas sa nasabing establishmento na may bitbit na cellphone, tablet, at camera bag.

Nang lapitan nila para sa beripikasyon, naglabas ang suspek ng baril kaya bahagyang napaatras ang mga pulis sa pag-aakalang tunay na baril ang dalang toy gun na dahilan upang makatakbo palayo ang kawatan patungong Gaanan Street na naging dahilan upang magkaroon ng hot pursuit operation.

Mahigit isang oras ding tinugis ng mga pulis ang kawatan bago tuluyang masukol nang tumalon sa mula bubong ng isang lumang warehouse na naging dahilan upang magkaroon ito ng mga pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at narekober sa kanya ang ninakaw nitong items at isang replica revolver.

Matapos nito, isinugod si alyas Rolly sa pagamutan para magamot habang sa isinagawang ocular inspection ng pulisya, nagawang mapasok ng suspek ang naturang establishmento sa pamamagitan ng pagsira ng padlock sa entrance nito.

Nang suriin ang kanyang record, nadiskubre na may standing bench warrant of arrest ang suspek na inisyu ng Regional Trial Court Branch 12, Malolos City, Bulacan para sa kasong Robbery na may inirekomendang piyansa na P100,000. (Richard Mesa)

P665K tobats, nasamsam sa Caloocan drug-bust, 3 timbog

Posted on: June 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMABOT sa mahigit P.6 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects kabilang ang dalawang bebot matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City. 

Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth, ang mga naarestong suspek ay dalawang babae na edad 52, at 25-anyos at 30-anyos na lalaki na pawang residente ng Brgy., 176, Bagong Silang.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Col. Goforth na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng isa mga suspek.

Nang positibo ang report, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA matapos isa sa kanyang mga tauhan ang nagawang makipagtransaksyon sa isa sa mga suspek.

Matapos umanong tanggapin ng isa mga suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng nabiling shabu, kaagad siyang inaresto nina Lt. Mables kasama ang kanyang dalawang kasabwat sa Barangay 176, Bagong Silang.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 97.8 grams ng hinihinalang shabu na may estimated street value ona P665,040 at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26, Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang ayon sa NPD, ang matagumpay na operasyong ito ay bahagi ng kanilang pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga. 

(Richard Mesa)

Pagdiriwang ng Ika-128 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, Masiglang Ginunita sa Lungsod ng Calamba

Posted on: June 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKIISA ang buong Lungsod ng Calamba sa pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas sa isang makasaysayang seremonya na ginanap sa harapan ng Pamahalaang Gusali nitong Biyernes, Hunyo 12, 2026.

Ang pagtitipon ngayong taon ay naglayong sariwain ang kabayanihan ng mga ninuno na nagbuklod para sa kalayaan ng bansa, kaalinsabay ng maagang pagpupugay sa nalalapit na ika-165 na kaarawan ng pambansang bayani na si Gat Jose Rizal sa darating na Hunyo 19.

Pinangunahan ni Mayor Roseller “Ross” Rizal, katuwang si Vice Mayor Angelito “Tottie” Lazaro Jr. at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, ang sabay-sabay na pagtataas ng pambansang watawat at maringal na pag-aalay ng bulaklak.

Naging kabahagi rin sa aktibidad si Kongresista Charisse Anne “Cha” Hernandez ng Solong Distrito ng Calamba, na nagpaabot ng kanyang mensahe ukol sa kahalagahan ng pagpapanatili ng diwa ng EDSA, rebolusyon, at tunay na kalayaan sa puso ng bawat Calambeño.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Rizal na ang kalayaang tinatamasa ng bansa sa kasalukuyan ay bunga ng dugot at sakripisyo ng mga bayani, kaya’t marapat lamang na ito ay pangalagaan sa pamamagitan ng tapat at tumpak na paglilingkod sa bayan.

Dumalo rin sa makabayang okasyon ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor, at mga kapulisan na nag-alay ng kanilang pagsaludo para sa bansa.

(Yvonne Bagang/Boy Morales Sr.)

Cong. Rodolfo Ompong Ordanes ng Senior Citizens Partylist Duyan Ka Ng Magiting Awards ng Gawad Pilipino

Posted on: June 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINIGYANG pagkilala sa katatapos lamang na Duyan Ka Ng Magiting Awards ng Gawad Pilipino si Cong. Rodolfo Ompong Ordanes ng Senior Citizens Partylist bilang Natatangging Pilipino sa Larangan ng Paglilingkod sa Tao at sa Bayan kaalinsabay ng selebrasyon ng ika-128 Independence Day nitong June 12, 2026 na ginanap sa AFP Commissioned Officers Clubhouse sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Kinikilala si Ordanes bilang kakampi ng mga nakatatanda sa pagtaguyod ng kanilang mga karapatan sa tagapag tanggol tuwing naaabuso ang naturang sektor.

 (PAUL JOHN REYES)