• July 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 1st, 2026

Ads May 1, 2026

Posted on: May 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Pagkakaisa at pagbubuklod sa mga kapatid na Muslim, panawagay ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III

Posted on: May 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANAWAGAN si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ng pagkakaisa at pagbubuklod sa mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Adha nitong Miyerkules.
“Sa ating mga kapatid na Muslim dito sa Pilipinas at sa iba’t ibang panig ng mundo, isang mapayapa at makabuluhang pagdiriwang ng Eid’l Adha,” pahayag ni Dy sa isang video message.
Ang Eid’l Adha, o Feast of Sacrifice, ay isa sa pinaka-sagradong selebrasyon sa Islam kung saan ipinapakita ang kadakilaang pagsunod ni Prophet Ibrahim kay Allah. Naunang idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Mayo 27 bilang isang regular non-working holiday.
“Ang banal na okasyong ito ay paalala ng kahalagahan ng pananampalataya, sakripisyo, pagmamalasakit, at pagsunod sa kalooban ng Diyos — mga pagpapahalagang patuloy na nagbibigay-liwanag at inspirasyon sa ating lipunan,” sinabi ni Dy.
“Nawa’y magsilbi ang Eid’l Adha bilang paalala na sa kabila ng ating pagkakaiba sa pananampalataya at kultura, nananatiling mas matibay ang ating pagkakaisa bilang mga Pilipino na may iisang hangarin para sa kapayapaan, pagkakapatiran, at pag-unlad ng ating bayan.”
Binigyan diin ni Dy ang kahalagahan ng pang-unawa, respeto at malasakit sa kapwa “upang lalo nating mapatatag ang pagkakaisa ng ating sambayanan. Eid Mubarak po sa inyong lahat.”
(Vina de Guzman)