• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2026

LCHNS BATCH ’76, 50th Jubilee Alumni

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

LACASTELLANA National High School Batch ’76 will be celebrating their Golden Jubilee on April 7-8, 2026 at Lacastellana National High School.

Come and have fun as we gather with batchmates, families, and friends for this special reunion.

Let’s reconnect, share stories, and relive the good old days together.

Congratulations to Lacastellana National High School Batch ’76!

TESDA CAMANAVA TVET FORUM

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

DUMALO si Navotas City Mayor John Rey sa TVET Forum 2026, kasama ang kanilang mga partners mula sa iba’t ibang lungsod ng CAMANAVA dahil mahalaga aniya ang ganitong pagtitipon para masigurong ang mga trainees ay handa sa trabaho at may tunay na oportunidad pagkatapos ng kanilang training.

Ani Tiangco, patuloy niyang sinusuportahan ang mga programang nagpapalakas ng kakayahan ng Navoteños dahil sa pamamagitan ng matibay na partnership at tuloy-tuloy na pagtutulungan, mas marami pa ang magkakaroon ng maayos na trabaho at magandang kinabukasan. (Richard Mesa)

Mga nagsarang gas stations, ipa-audit

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng isang mambabatas sa Department of Energy na magsagawa ng audit sa mahigit 400 nagsarang gas stations sa bansa.
Ayon kay Manila Rep. Rolando Valeriano, Chairman ng Committee on Public Order & Safety, kapag nagsara ang gas stations ay hindi ito posibleng dahil lamang sa
hoarding at profiteering.

Sinabi nito na ang pagsasagawa ng inspection sa mga gas tanks ng istasyon ay magbubunyag sa katotohanan kung mayroon pang nalalabing gasolina o wala.
Posible rn aniya na ilan sa nagsarang 400 gas stations ay dumanas ng financial distress at hindi kayang makapag-stock ng langis dala na rin sa mataas na presyo nito ngayon.
Sa pagsasagawa ng audit sa records sa gas stations ay magpapakita kung nakaranas ito ng financial distress sa tunay na dahilan ng kanilang pagsasara.
Kabilang na ang pagsusuri sa
records ng deliveries, fuel inventories, at compliance sa sahod at benepisyo ng mga trabahador.
“If they were in financial distress, they would replenish fuel stocks just enough or minimally. Their tanks are not filled to the brim. They would miss paying bank loans, wages, and SSS and PhilHeath premiums,” anang mambabatas.
Kasabay ng ipinatutupad na State of National Energy Emergency, hinikayat ng kongresista ang DOE na protektahan ang 23-day supply ng LPG sa pamamagitan nang paglilimita sa bilang ng tangke ng LPG na maaaring bilhin o pag-freeze sa presyo ng LPG.
(Vina de Guzman)

Meeting para sa update ng NavGate, Coastal Dike, pinangunahan ni Tiangco

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Navotas Congressman Toby Tiangco ang isinagawang meeting kasama ang Department of Public Works and Highway (DPWH) at kanilang Japanese consultant para sa pag-update ng preventive maintenance ng Navotas NavGate.

Ayon kay Tiangco, mahalaga ang ganitong pag-update sa maintenance ng NavGate kung saan may napalitan ng pin pero dahil may tumutunog pa din kaya may binigay na rekomendasyon ang Japanese consultant na paraan ng pag-grasa sa pin.

Nagpa-update rin siya sa DPWH kung kailan matatapos ang mga ginagawang mga Coastal Dike Floodgate at mga gap sa Coastal Dike kasama na yung pinapagawa ng Manfel na nabanga nila.

Sinabi pa ng mambabatas na magre-request din sila sa San Miguel Corporation na hukayin ang mga bahagi ng Coastal Dike mula Judge Roldan hanggang Bacog.

“Tuloy-tuloy po tayong mag mo-monitor sa pag-mentana nito dahil kailangan all working at nasa kondisyon po ang lahat ng depensa natin sa baha bago pa man mag tag-ulan,” ani Cong. Tiangco. (Richard Mesa)

Cavitex ay magiging toll-free ng buong Abril… PBBM, pinangunahan ang pagbubukas ng CAVITEX segment

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagbubukas ng Manila-Cavite Toll Expressway-C5 Southlink Segment 3B, araw ng Lunes, Marso 30, 2026.

Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na makatutulong ito sa pagtitipid ng gasolina dahil sa mas maiksing biyahe mula Taguig papuntang Parañaque, ang dating isang oras at kalahatina byahe ay magiging 15 minuto na lamang ito.

“Itong seksyon na ito ay Parañaque hanggang Taguig. It’s a two-kilometer section. At ang dadaan dito mga 36,000 na vehicles ang dadaan dito.

Kaya malaking bagay ito kasi made-decongest, mababawasan ang traffic doon sa mga maliliit na kalsada dahil dito na lang dadaan. At ‘yung biyahe na dati ay isang oras, isang oras at kalahati, magiging 15 minutes na lang,” ayon sa Pangulo.

Binigyang diin ng Pangulo na napakalaking bagay ito dahil may malaking savings sa oras ng mga commuter.
” Pangalawa, kagaya ng ating mga laging iniisip ngayon dahil nga sa kaguluhan sa Middle East, ay napakalaking savings ito sa gasolina, sa krudo, sa fuel. At hindi maliit na bagay ang babawasan mo ang biyahe mo mula sa isang oras at kalahati hanggang 15 minutes. Malaking savings ‘yan,” aniya pa rin.
“Kaya ito ay kasama sa ating utos na nanggaling sa UPLIFT na ating ginagawa na buksan lahat ng mga daan upang maging mas maginhawa ang pagbiyahe ng ating mga traveling public,” dagdag na wika nito.
Inanunsyo rin ng Pangulo na ang segment na ito ng Cavitex ay magiging toll-free ng buong Abril.

Layon aniya nito na mapagbigyan ang mga Filipino na dumadaan dito lalong-lalo na ngayong Holy Week na maraming bumabiyahe.

Samantala, tiniyak naman ng Pangulo na patuloy ang ginagawa nilang ito dahil nais niyang talagang maging mas mabilis, mas maginhawa, at mas ligtas ang pagbiyahe ng mga Filipino. (Daris Jose)

Tulong pinansiyal sa buong bansa… ₱651-M NA FUEL SUBSIDY DISTRIBUTION MAAYOS NANG NAIPAMAHAGI

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAAYOS na naipapatupad ang pamamahagi ng fuel subsidy para sa sektor ng pampublikong transportasyon, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), matapos nitong ipahayag na mahigit ₱651 milyon na ang naipamahaging tulong-pinansyal sa mga benepisyaryo sa buong bansa.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II, inatasan na niya ang lahat ng Regional Directors na ipagpatuloy ang validation process katuwang ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang mabilis, maayos, at walang abala na pamamahagi ng tulong.

“May ilang maliit na hamon tayong naranasan lalo na sa Metro Manila, ngunit nagsilbi itong aral upang maiwasan ang kaparehong sitwasyon sa mga probinsya sa mga nakalipas at darating na araw,” ani Chairperson Mendoza.

“Nanatili ang ating layunin—ang mabilis na pamamahagi ng fuel subsidy. Tinitiyak namin sa ating mga kaibigan at katuwang sa PUV sector na nasa tamang direksyon tayo,” dagdag pa niya.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na agad ipalabas ang fuel subsidy sa gitna ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.

Nauna nang sinabi ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez na may nakalaang ₱2.4 bilyon para sa fuel subsidy at inatasan ang LTFRB na maghanda bago pa man maramdaman ang epekto ng tensyon sa bansa.

Mula Marso 17 hanggang kasalukuyan, umabot na sa ₱651,185,000.00 ang naipamahagi. Pinakamalaking bahagi nito ay sa Metro Manila (₱181.278 milyon), CALABARZON (₱98.215 milyon), at Central Luzon (₱73.416 milyon).

Saklaw ng pamamahagi ang mga drayber at operator ng modern at tradisyunal na jeepney, UV Express at Shuttle Transport, mga pampasaherong bus at P2P buses, TNVS partners, Filcabs, taxi, tricycle, at delivery services.

“Hindi pa tapos ang ating tungkulin. Marami pang dapat gawin, ngunit tiniyak namin sa ating mga kababayan na nagtutulungan ang buong pamahalaan hindi lamang upang maipamahagi agad ang fuel subsidy, kundi upang makahanap pa ng iba pang paraan para matulungan ang PUV sector,” ani Chairperson Mendoza.

Nauna ring nanawagan ang LTFRB sa mga may-ari at operator ng PUV terminals na bawasan ng hindi bababa sa 50 porsyento ang renta, habang binawasan din ang toll fees para sa mga PUV. (PAUL JOHN REYES)

MALABON LGU, KINONDENA ANG KUMAKALAT NA PEKENG TARPAULIN NI MAYOR JEANNIE

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon na peke ang kumakalat na larawan ng umano’y tarpaulin ni Mayor Jeannie Sandoval na kahalintulad ng Mahal na Birheng Maria.

Ayon sa LGU, hindi ito totoo at batay sa kanilang pagsusuri ay AI-generated at manipuladong nilalaman na hindi nagmula at hindi inaprubahan ng tanggapan ng Punong Lungsod.

Peke rin anila ang kumakalat na pahayag ng umano’y paghingi ng paumanhin at hindi rin nagmula sa Mayor o sa alinmang opisyal na channel.

Iginiit ng Pamahalaang Lungsod na mahigpit sinusunod ng LGU ang mga alituntunin ng DILG na nagbabawal sa paglalagay ng larawan ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga tarpaulin. Malinaw anila na ang kumakalat na imahe ay hindi lehitimo at walang kaugnayan sa alinmang opisyal na programa o komunikasyon ng lungsod.

“Ang ganitong paggamit ng banal na imahen ay isang kalapastanganan (sacrilege). Bilang isang debotong Katoliko, hindi kailanman gagawa o papayag si Mayor Jeannie Sandoval sa anumang makalalapastangan sa ating pananampalataya,” pahayag ng LGU.

Hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ang publiko na maging mapanuri at huwag basta magbahagi ng hindi beripikadong impormasyon at sumunod lamang sa mga opisyal at mapagkakatiwalaang pahayag. (Richard Mesa)

LTFRB, INATASAN ANG LAHAT NG RD NA MAGSAGAWA NG ROAD WORTHINESS INSPECTION SA MGA BUS AT PUV TERMINAL

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa pamumuno ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez, ang lahat ng Regional Directors na magsagawa ng road worthiness inspection sa mga bus at iba pang pampublikong sasakyan sa mga terminal.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II, mahalaga ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at mga ahensiya ng batas upang masiguro ang maayos na pagpapatupad ng mga patakaran sa kaligtasan sa kalsada.

“Taun-taon ay inaasahan natin ang pagdagsa ng mga pasahero at sasakyan patungo sa mga probinsya para sa mga gawaing panrelihiyon, bakasyon, at iba pang aktibidad,” ani Chairperson Mendoza.
“Layunin natin na masiguro ang kaligtasan ng mga mananakay at iba pang gumagamit ng kalsada sa pamamagitan ng pagtiyak na ligtas ang mga bus at PUV, gayundin ang pisikal at mental na kahandaan ng mga tsuper.”

Dagdag pa niya, dapat tiyakin ng mga lokal na opisyal ng LTFRB na ang mga operator ng terminal ay sumusunod sa mga regulasyon para sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero.

Kamakailan, pinaigting ng LTFRB ang inspeksyon sa mga terminal ng PUV matapos ang mga reklamo hinggil sa mga sira at hindi ligtas na pasilidad. Daang-daang terminal operators ang nabigyan ng show cause orders at notice of violations, habang ang ilan ay ipinasara dahil sa matinding paglabag sa mga patakaran.

“Bukod sa kaligtasan ng mga PUV sa kalsada, mahalaga ring masiguro na komportable at maayos ang pagtrato sa mga pasahero sa loob ng mga terminal,” dagdag ni Mendoza.
“Walang dapat palusot—ang mga lumalabag ay dapat papanagutin.”

Inaasahang milyon-milyong Pilipino ang uuwi sa kani-kanilang probinsya upang samantalahin ang mahabang bakasyon ngayong Semana Santa. Naghahanda na rin ang mga pwersa ng pulisya, at binigyang-diin ni Chairperson Mendoza na dapat handa rin ang LTFRB para sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero. (PAUL JOHN REYES)

COVID-19 variant na ‘Cicada’ wala pa sa Pinas – DOH

Posted on: March 31st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Department of Health (DOH) na wala pa sa Pilipinas ang bagong COVID-19 variant na “Cicada” na natagpuan na sa may 24 nasyon, kabilang ang Estados Unidos.

“As of March 14, 2026, there have been 60 percent fewer cases of COVID-19 than in the same monitoring period last year…337 [cases] this year [compared to] 838 in 2025 from January 4 to March 14,” ayon kay DOH spokesperson Undersecretary Albert Domingo.

“Genomic sequencing for COVID-19 does not happen as frequently as before because it is no longer a Public Health Emergency of International Concern (PHEIC). It hasn’t been for quite some time now, and as mentioned, there are 60 percent fewer cases. We have not detected any, but even if we did, it is not a cause for alarm or concern,” aniya pa.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang Cicada strain (BA.3.2) na unang natukoy sa South Africa noong Nobyembre 2024, ay nagmula sa Omicron lineage ng virus na nagdudulot ng respiratory disease. Iklinasipika ito ng WHO bilang COVID variant under monitoring.

Ads March 31, 2026

Posted on: March 31st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments