Mga nagsarang gas stations, ipa-audit
- Published on March 31, 2026
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ng isang mambabatas sa Department of Energy na magsagawa ng audit sa mahigit 400 nagsarang gas stations sa bansa.
Ayon kay Manila Rep. Rolando Valeriano, Chairman ng Committee on Public Order & Safety, kapag nagsara ang gas stations ay hindi ito posibleng dahil lamang sa
hoarding at profiteering.
Sinabi nito na ang pagsasagawa ng inspection sa mga gas tanks ng istasyon ay magbubunyag sa katotohanan kung mayroon pang nalalabing gasolina o wala.
Posible rn aniya na ilan sa nagsarang 400 gas stations ay dumanas ng financial distress at hindi kayang makapag-stock ng langis dala na rin sa mataas na presyo nito ngayon.
Sa pagsasagawa ng audit sa records sa gas stations ay magpapakita kung nakaranas ito ng financial distress sa tunay na dahilan ng kanilang pagsasara.
Kabilang na ang pagsusuri sa
records ng deliveries, fuel inventories, at compliance sa sahod at benepisyo ng mga trabahador.
“If they were in financial distress, they would replenish fuel stocks just enough or minimally. Their tanks are not filled to the brim. They would miss paying bank loans, wages, and SSS and PhilHeath premiums,” anang mambabatas.
Kasabay ng ipinatutupad na State of National Energy Emergency, hinikayat ng kongresista ang DOE na protektahan ang 23-day supply ng LPG sa pamamagitan nang paglilimita sa bilang ng tangke ng LPG na maaaring bilhin o pag-freeze sa presyo ng LPG.
(Vina de Guzman)