• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 24th, 2026

Para palakasin ang pondo ng LGU at matiyak na direktang makinabang ang mga Pilipino…PBBM INILUNSAD ANG ‘SA BAGONG PILIPINAS, BAWAT BAYAN MAKIKINABANG’

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes ang inisyatibong “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang,” na naglalayong palakasin ang kapasidad ng mga local government units (LGUs) sa pamamagitan ng mas mataas na suporta sa pananalapi upang mas epektibong matugunan ang pangangailangan at hinaing ng kanilang mga komunidad.
Sa paglulunsad ng programa sa Palasyo ng Malakanyang, binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga LGU bilang frontliners sa serbisyo publiko, na alam ang sitwasyon sa ground level at unang nakakarinig sa hinaing ng kanilang nasasakupan at kumikilos tuwing may emergency.
“Ngayong araw, inilunsad natin ang ‘Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang,” isang inisyatiba na naangkla sa prinsipyo na dapat patatagin ang kapangyarihan ng lokal na pamahalaan na tumugon sa pangangailangan ng mga tao.,” ayon sa Pangulo.
“Bilang local chief executives, kayo ang unang nakakaramdam ng problema at unang nakakarinig ng hinaing dahil kayo ang nakakaalam ng tunay na kalagayan sa inyong komunidad, sa inyo nagsisimula ang pagbabago,” aniya pa rin.
Winika pa ng Pangulo na sa loob ng higit tatlong dekada, ang Local Government Support Fund (LGSF), bilang karagdagan sa National Tax Allocation (NTA), ay nagsilbing tulay sa pagitan ng pambansang pamahalaan at lokal na komunidad, na nagpopondo ng maraming proyekto na nakatulong sa pagpapabuti ng buhay ng mga mamamayan.
Gayunpaman, inamin ng Pangulo na ang LGSF ay gumana sa ilalim ng demand-driven system na kinakailangan munang kumpletuhin ng LGUs ang lahat ng requirements bago maipalabas ang pondo, at madalas ay naantala ang implementasyon ng proyekto, lalo na sa maliliit at geographically isolated na lugar.
Upang matugunan ang problemang ito, nagsagawa ang Pangulo ng konsultasyon sa mga pangunahing grupo ng local government, kabilang ang Union of Local Authorities of the Philippines, League of Municipalities of the Philippines, at League of Cities of the Philippines.
Ngayong taon, itinaas ng pamahalaan ang allocation ng LGSF sa higit PhP34 bilyon, na nagdala sa kabuuang pondo ng halos PhP58 bilyon – pinakamataas sa kasaysayan.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang pinalaking LGSF ay magpo-prayoridad sa mga programang tulad ng pamamahagi ng 60 kilo ng bigas sa higit limang milyong pamilya; pagtatayo ng mga ospital at health stations at pagbili ng karagdagang medical equipment; pagtatayo ng evacuation facilities; pagpapaunlad ng farm-to-market roads; at pagpapabuti ng water supply systems at rural electrification projects.
“Upang matiyak na ang bawat sentimo ng pondo ay may malinaw na direksyon, nagtakda tayo ng mga prayoridad na programa na magpapalakas ng ating mga sektor,” sabi ng Pangulo.
“Bahagi ang LGSF ng mas malawak nating layunin na isulong ang Bagong Pilipinas kung saan ang pag-unlad ay nararamdaman sa bawat rehiyon at bawat komunidad,” dagdag pa niya.
Bukod dito, iniutos din ni Pangulong Marcos ang direktang pagpapalabas ng pondo sa mga LGU upang matiyak na ang mga komunidad ay makatatanggap ng tulong nang walang hindi kailangang pagkaantala.
“Pinabilis at pinadiretso na natin ang pagdating ng LGSF sa bawat lokal na pamahalaan. Ginawa namin ito dahil sa pagkilala na ang pangangailangan ng tao, gaano man kaliit o gaano kalaki ay hindi pa naghihintay pa,” sabi ng Pangulo.
(Daris Jose)

Shabu laboratory sa Valenzuela, nadismantol

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NADISMANTOL ng pinagsamang mga operatiba ng PDEA Cavite Provincial Office, at PDEA RO-NCR Northern District Office, kasama ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City Police sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil ang isang shabu laboratory sa loob ng isang warehouse Brgy., Viente Reales, Valenzuela City matapos ang pagkakaaresto sa isang High-Value Drug Personality na si alyas “John”, 30, sa ikinasang buy bust operation sa lugar. Tinatayang nasa bilyong piso halaga ng ilegal na droga, mga kemikal, at mga kagamitan sa paggawa ng shabu ang nasamsam. (Richard Mesa)

PAGKAKATALAGA KAY MATIBAG SA NBI, HINDI REWARD

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng bagong talagang National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag na hindi in-offer o inalok sa kanya ang posisyon kundi dumating lang ang pagkakataon na siya’y magbalik serbisyo publiko.
Ginawa ni Matibag ang pahayag matapos siyang mag courtesy call sa Department of Justice (DOJ) kung saan kinontra ang naging pahayag ni Atty Harry Roque na nakuha niya na ang premyo o reward mula sa administrasyong Marcos sa pagtatalaga sa kanya sa NBI.
Ayon pa kay Matibag noon pa man ay matagal na siyang nanungkulan sa gobyerno at naramdaman niya na panahon na para bumalik sa serbisyo publiko at siya ay dati nang nag-apply sa NBI.
“Noon pa man po ay mayroon na akong mga sinasabi na gusto kong makatulong sa ating administrasyon –siguro po nag-align lang ang mga bituin kaya tayo tinawag para manungkulan sa posisyon” pahayag pa ni Matibag sa ambush interview ng mga mamahayag.
Magugunitang naghain ng disbarment case si Matibag laban kay Roque matapos nitong inilabas ang video na nagpapakitang gumagamit ng iligal na droga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, pero iginiit at kinumpirma ni Matibag na peke ang naturang video.
Samantala nangako naman si Matibag na magiging transparent sila sa lahat ng iniimbestigahan nilang mga kaso para sa kapakanan ng publiko .(Gene Adsuara)

QC gov’t nilinaw na walang tinanggihang permit sa EDSA 40th anniversary rally

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

AGAD nilinaw ng Quezon City local government na wala silang tinanggihang permit para sa mga pagtitipon sa Pebrero 25, kasabay ng ika-40 anibersaryo ng People Power Revolution.

Ayon kay Retired Gen. Elmo San Diego, hepe ng QC Department of Public Order and Safety (DPOS), binigyan ng permiso ang pagtatayo ng common stage sa People Power Monument na inorganisa ng Trillion Pesos March Movement.

Gayunman, may ilang grupo na tumangging sumama sa iisang programa at mas piniling magsagawa ng hiwalay na kilos-protesta sa EDSA Shrine.
Ipinaliwanag ni San Diego na hindi sakop ng Quezon City ang EDSA Shrine kaya ang pagbibigay ng permiso ay nakadepende sa Mandaluyong LGU at Eastern Police District.
Samantala, nakatakdang magsagawa ng “Prayer Power sa EDSA” sa EDSA Shrine na pinangungunahan ng mga church leaders at civic groups.
Bukod dito, muling maglulunsad ng protesta ang Trillion Pesos March Movement laban sa korapsyon at political dynasties.
Tiniyak ng Quezon City LGU na nakakalat ang mga tauhan ng pulisya upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa araw ng anibersaryo.
Mahigpit din nilang babantayan ang mga grupong posibleng maglunsad ng hiwalay na rally kahit walang permiso.
(DARIS JOSE)

PBBM, PINAPABILIS ANG PAGTATAYO NG MGA SILID-ARALAN SA BUONG BANSA SA PAMAMAGITAN NG DEPED–LGU PARTNERSHIP

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

UPANG pabilisin ang pagtatayo, rehabilitasyon, at pagkukumpuni ng mga silid-aralan sa buong bansa, pormal na pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes ang isang makasaysayang pakikipagtulungan sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at ng mga City Local Government Units (LGUs)
“Ang bawat silid-aralan na ating itinatayo ay nagbibigay ng mas magandang kinabukasan para sa ating mga kabataan,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ay nagmamarka ng ikalawang batch ng mga partnership sa ilalim ng Nationwide Classroom Building Program ng administrasyon, na layong agarang tugunan ang kakulangan sa silid-aralan sa bansa, na tinatayang umaabot sa 144,758 yunit noong Enero 2026.

Hindi natin puwedeng hintayin pa ng mga dekada, o kahit mga taon, para mabigyan ang bawat estudyante ng ligtas at angkop na silid-aralan para sa epektibong pagkatuto,” sabi ni Pangulong Marcos.

“Kapag kulang ang classroom, masikip ang klase. Nahahati sa ilang shift ang pasok ng mga estudyante. Mas nahihirapang matuto ang mga mag-aaral, mas nabibigatang magturo ang mga guro, at mas nangangamba ang mga magulang,” aniya pa rin.

Sa ilalim ng kasunduan, ang mga pamahalaang lungsod ang mangangasiwa sa procurement, konstruksyon, at pamamahala ng proyekto upang masiguro ang mas mabilis at epektibong implementasyon sa ground level, habang ang DepEd ang magtatakda ng pamantayan at magpapatunay ng pagsunod bago ang pinal na turnover at pagbabayad.

“Sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement na nilagdaan ninyo ngayon, binibigyan natin ng mas malaking papel ang mga lungsod sa bansa,” sabi ng Pangulo.
“Tiyakin natin hindi maaantala ang mga proyekto. Tiyakin natin de-kalidad ang ating maitatayo na silid-aralan. Tiyakin din natin na ang bawat sentimo na pinaghirapan ng ating mga kababayan ay gagamitin sa tama,” aniya pa rin.

Sinusuportahan ang inisyatibang ito ng malaking pondo mula sa 2026 General Appropriations Act, na naglaan ng mahigit PhP85 bilyon para sa Basic Education Facilities.

Mula sa halagang ito, P9.6 bilyon ang nakalaan para sa pagtatayo ng humigit-kumulang 4,000 silid-aralan sa unang tranche, habang karagdagang P5.96 bilyon ang gagamitin para sa humigit-kumulang 1,700 pang silid-aralan sa pamamagitan ng bagong nilagdaang mga kasunduan. (DARIS JOSE)

NAANTALANG SAHOD NG JO AT MGA COS PERSONNEL SA MAYNILA, BABAYARAN NA

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINIGURO ng pamahalaang lungsod ng Maynila na mababayaran na ngayong linggo ang naantalang sahod ng Job Order (JO) at Contract of Service (COS) personnel mula sa Manila Health Department at mga ospital na pinatatakbo ng lungsod para sa Enero 2026 matapos ang pagpapalabas ng ng P66,821,000 bilang clothing allowance para sa mahigit 9,000 kawani ng pamahalaang lungsod.
Sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na makakatanggap ng P7,000 bawat isa ang 8,543 regular na empleyado bilang kanilang clothing allowance para sa 2026.
“Imbes na ibili ko kayo ng bagong uniporme, pinabuti ng inyong lingkod na ibigay na lang sa inyo nang cash ‘yung P7,000,” ani ng Alkalde.
Sinabi rin ng alkalde na babayaran na ang 1,063 empleyado na hindi nakatanggap ng clothing allowance mula 2021 hanggang 2025.
Dagdag niya, 10 empleyado ang hindi nakakuha noong 2021; 62 noong 2022; 131 noong 2023; 181 noong 2024; at 679 noong 2025.
Ipinaliwanag ng Alkalde na ang natitirang payroll para sa clothing allowance ay ilalabas mula Pebrero 24 hanggang 27.
Ayon pa kay Mayor Isko , minabuti niyang gawing cash ng distribusyon upang mabigyan ang mga empleyado ng kaluwagan sa kanilang gastusin.
“Mas pinabuti kong i-cash na lang para may mabubunot kayo ngayong linggong ito,” saad niya.
Bukod sa regular na empleyado, tinugunan din ni Domagoso ang mga alalahanin ng JO at COS workers mula sa Manila Health Department at mga ospital ng lungsod ukol sa naantalang sahod para sa Enero 1–31, 2026.
Ayon kay Domagoso , ang delay ay dulot ng pagbabago sa charging ng sahod mula General Fund patungo sa Special Health Fund.
“We changed the charging. ‘Yung charging of salary from General Fund, inilipat natin sa Trust Fund ng health fund natin,” sabi ni Domagoso.
Ang payroll ay sumasaklaw sa mga kawani mula sa Manila Health Department; Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center; Ospital ng Tondo; Justice Jose Abad Santos General Hospital; Ospital ng Sampaloc; Sta. Ana Hospital; Ospital ng Maynila Medical Center; at President Corazon C. Aquino General Hospital.
Sinabi ni Domagoso na ang fiscal maneuvering ng administrasyon simula Enero ay naglalayong tiyakin ang katatagan sa kompensasyon ng mga empleyado habang sumusunod sa legal at accounting requirements.
“Hindi po perpekto ang inyong lingkod. Hindi po perpekto ang gobyerno ng Maynila. Ngunit pipilitin ko laging maging mahinahon, masinop, at episyente na makapaglingkod sa ating kapwa,” dagdag pa niya .
(Gene Adsuara)

LTFRB, NAKIPAGPULONG SA MGA OPERATOR NG BUS AT IBA PANG PUV TERMINALS SA LOOB NG MGA MALL

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKIPAGPULONG ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa pangunguna ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez, sa mga operator ng bus at iba pang public utility vehicle (PUV) terminals sa loob ng mga mall upang talakayin ang mga kinakailangang pagpapabuti sa pasilidad na maghihikayat sa mas maraming tao na gumamit ng pampublikong transportasyon.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II, bahagi ito ng mas malawak na plano sa transportasyon para sa mabilis at maginhawang biyahe ng milyun-milyong Pilipino, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.

Sa naturang pagpupulong, binigyang-diin ni Chairperson Mendoza ang mga repormang nakasentro sa pampublikong transportasyon na layong hikayatin maging ang mga may-ari ng sasakyan na iwan muna ang kanilang mga kotse at sumakay sa tren, bus, at jeepney.

“Gusto nating pagandahin ang commuter experience ng ating mga mananakay para hindi na magdala ng kotse at mas piliin nilang sumakay sa pampublikong transportasyon,” ani Chairperson Mendoza.

Kasalukuyang nagsasagawa ang LTFRB ng masinsinang inspeksyon sa mga bus at PUV terminals sa buong bansa, kung saan hindi bababa sa 116 terminal operators ang nabigyan ng show cause orders at notice of violation.

Kamakailan, dalawang operator ng PUV terminals sa loob ng mga mall ang ipinatawag dahil sa kakulangan ng pasilidad para sa mga pasahero, partikular na para sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs).

Binigyang-diin ni Chairperson Mendoza na nagiging mahalagang bahagi na ng pampublikong transportasyon ang mga mall dahil sa pagkakaroon ng ilang train stations at PUV terminals sa loob ng kanilang mga gusali.

“Kailangan nating pagandahin ang mga pasilidad dahil hindi natin mahihikayat ang mga tao na mag-commute kung hindi komportable ang mga terminal. Sa kaso ng mga mall, maaaring iwan ng mga motorista ang kanilang sasakyan sa parking area at mag-commute na lamang,” dagdag pa ni Chairperson Mendoza.

“Ang pampublikong transportasyon ay hindi lamang ang mga sasakyan kundi pati ang mga nakapirming pasilidad. Ang terminal sa loob ng mall ay hindi na simpleng imprastraktura—ito ay nagiging mahalaga kaya’t nakikipag-ugnayan tayo upang mapabuti ang mga pasilidad para sa mas maayos na commuting experience,” aniya.

Dumalo sa pagpupulong ang ilang operator ng mall terminals na nagbahagi ng kanilang pananaw at nangakong susunod sa mga alituntunin ng LTFRB. Ipinahayag naman ni Chairperson Mendoza ang kanyang optimismo na ang mga napag-usapan at rekomendasyon ay maisasakatuparan sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan para sa kapakanan ng mga mananakay.
(PAUL JOHN REYES)

PNP, alerto vs protesta sa ICC hearing ni Duterte

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INALERTO na ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr. ang lahat ng police units kasunod ng pagdinig ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte simula Pebrero 23.

Ayon kay Nartatez, kasalukuyang mino-monitor ng PNP ang mga posibleng malawakang pagtitipon para matiyak na hindi magagambala ang kaayusang pampubliko.
“Our security measures are in place and it is intended to ensure the peaceful conduct of any activity in public places. Regardless of the affiliation of the groups, our personnel will be there to protect their rights and maintain peace and order,” ani Nartatez.

Iniutos din nito sa mga regional unit na mag-preposition ng mga Civil Disturbance Management (CDM) team at tiyaking nakaantabay ang mga medical emergency responder para sa mga posibleng rally.

Bagama’t iginagalang ang karapatan ng mga mamamayan na ipahayag ang kanilang mga pananaw, sinabi ni Nartatez na nananatiling prayoridad ng PNP ang kaligtasan ng publiko.

“Maximum tolerance will be strictly observed, but the law will be upheld. Our personnel are instructed to remain professional and avoid any confrontation,” dagdag pa ni Nartatez.
Sasailalim ang dating pangulo sa pre-trial na “confirmation of charges” hearing sa ICC sa The Hague kaugnay ng mga alegasyon ng crimes against humanity na may kaugnayan sa kanyang kampanya kontra droga.

Ang apat na araw na pagdinig ay magpapasya kung may sapat na ebidensya upang ituloy ang paglilitis.

“Like Mother, Like Daughter” featurette for “SCREAM 7”

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

#Scream7
Photo credit: Paramount Pictures

GO behind-the-scenes with Neve Campbell and Isabel May as they discuss the relationship between Sidney and her daughter, Tatum – and how Sidney’s past comes back to haunt them both – in this new featurette for Scream 7. The latest film in the cult favorite franchise is directed by co-creator and co-writer Kevin Williamson, and also stars Courteney Cox, Anna Camp, Joel McHale, Mckenna Grace, Ethan Embry and Mark Consuelos.

Watch the “Like Mother, Like Daughter” featurette: https://youtu.be/BaaXZ1fLqQo

In Scream 7, when a new Ghostface killer emerges in the quiet town where Sidney Prescott (Campbell) has built a new life, her darkest fears are realized as her daughter (May) becomes the next target. Determined to protect her family, Sidney must face the horrors of her past to put an end to the bloodshed once and for all.

Get ready for a bloody good time when Scream 7 slashes its way into cinemas on February 25.

About Scream 7:

Paramount Pictures and Spyglass Media Group Present “Scream 7”

SYNOPSIS

When a new Ghostface killer emerges in the quiet town where Sidney Prescott (Neve Campbell) has built a new life, her darkest fears are realized as her daughter (Isabel May) becomes the next target. Determined to protect her family, Sidney must face the horrors of her past to put an end to the bloodshed once and for all.

PRODUCED by William Sherak, James Vanderbilt, Paul Neinstein

BASED ON CHARACTERS CREATED by Kevin Williamson

STORY by James Vanderbilt & Guy Busick

SCREENPLAY by Kevin Williamson and Guy Busick

DIRECTED by Kevin Williamson

CAST Neve Campbell, Courteney Cox, Isabel May, Jasmin Savoy Brown, Mason Gooding, Anna Camp, Joel McHale, Mckenna Grace, Michelle Randolph, Jimmy Tatro, Asa Germann, Celeste O’Connor, Sam Rechner, Ethan Embry, Tim Simons and Mark Consuelos

(ROHN ROMULO)

Ads February 24, 2026

Posted on: February 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments