• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 24th, 2026

Home crowd isang malaking tulong para sa laban ng Gilas Pilipinas – Cone

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAITUTURING na dagdag lakas ng Gilas Pilipinas ang mga fans na manonood ng 2nd FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Ayon kay Gilas coach Tim Cone, na isang malaking tulong para sa kanila ang mainit na pagsuporta ng mga fans.

Sa araw ng Huwebes kasi ay makakaharap nila ang New Zealand habang sa Marso 1 naman ay ang Australia sa opening game ng Group A.

Maituturing na isang malaking karangalan ang paglalaro ng Gilas sa harap ng Pinoy fans.
Naniniwala si Cone na sa mga line up niya ngayon ay kaya nilang makipagsabayan sa mga malalaking manlalaro ng New Zealand at Australia.

Jessica Pegula nagkampeon sa Dubai Open

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAMPEON sa WTA 1000 Dubai Open si Jessica Pegula.

Tinalo ng American tennis star si Elina Svitolina sa score na 6-2, 6-4.

Ito na ang pangatlong titulo ni Pegula sa northern emirate.

Bago makapasok sa finals ay tinalo nito si Amanda Anisimova sa semifinals rounds.

Speaker Faustino “Bojie” Dy III, nagpaabot ng pasasalamat sa lahat ng lumahok sa pagdinig ng Anti-Political Dynasty Bill

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT ng lubos na pasasalamat si Speaker Faustino “Bojie” Dy III nitong Lunes sa lahat ng lumahok sa pagdinig ng Anti-Political Dynasty Bill.
Bagama’t may mga tumutol sa panukala, sinabi ni Dy na mahalaga na makuha ang opinyon sa saloobin ng lahat ng nakilahok bilang simbolo ng pag unlad ng demokrasya sa bansa.
Ang mga pagdinig ay pinangunahan ni House Committee on Suffrage and Electoral Reforms chairman Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na ginanap sa Cavite, Cebu at Cagayan de Oro, kung saan nilahukan ito ng mga nag-aaral, civil society groups, local officials, mga professionals at ordinaryong mamamayan sa Luzon, Visayas at Mindanao.
“Sa lahat ng nakilahok sa Anti-Political Dynasty Bill consultations sa Cavite, Cebu, at Cagayan de Oro—taos-puso po kaming nagpapasalamat,” pahayag ni Dy sa isang video message.
“Hindi madali ang maglaan ng oras upang makinig, magsalita at makipag-ugnayan sa usaping mahalaga sa ating demokrasya. Ngunit pinili ninyong makilahok. Pinili ninyong magpahayag ng inyong damdamin. Pinili ninyong maging bahagi ng proseso,” dagdag ni Dy.
Ang committee na pinangungunahan ni Adiong ay dinidinig ang total na 24 na panukalang anti-political dynasty bills, kabilang ang House Bill No. 6771 ni Speaker Dy at House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, na isinasaad ang limitasyon sa mga magkakamag-anak na lalahok sa mga eleksyon at mga posisyon na lalahukan.
“We may not agree on every provision. We may not see eye to eye on every detail. But the fact that we can sit down, listen to each other, and debate with respect—that is democracy in action,” pahayag ni Dy. “Sa bawat talakayan, nakita natin ang tapang at talino ng ating mga kababayan. Naging maayos, makabuluhan, at nakaugat sa tunay na karanasan ang inyong mga pananaw.”
(Vina de Guzman)

‘Political differences’, hindi dapat maging hadlang sa mga tao para maglingkod sa bayan- PBBM

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINDI dapat maging hadlang ang ‘political differences’ sa mga tao para magtrabaho para sa bayan.
”Differences in politics should never prevent us from working together for our people,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang social media post kung saan ibinahagi niya ang clip ng panayam sa kanya ng media sa Naga City.
”Nation first. Personal agendas later,” ayon pa sa Pangulo sa isang panayam habang katabi si Naga City Mayor Leni Robredo.
Sa hiwalay na post, binigyan naman ito ni Pangulong Marcos ng kapsyon na ”Serve first. Argue later. Less noise. More nation-building.”
Binibigyang-diin ng Pangulo na ang kanyang pagbisita sa Naga City ay nakatuon sa pampublikong serbisyo at pagtugon sa mga agarang suliranin ng lungsod, at hindi sa pulitika.
Dumating si Pangulong Marcos sa Naga City upang inspeksyunin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Oplan Kontra Baha, na inilunsad sa lungsod para isagawa ang malawakang paglilinis ng mga daluyan ng tubig.
Sinalubong ang Pangulo nina Naga City Mayor Maria Leonor “Leni” Robredo, DPWH Secretary Vince Dizon, at iba pang lokal na opisyal.
“Hindi namin pinag-uusapan ‘yun. Alam mo, I think the mayor (Robredo) will agree with me na ano, serbisyo muna bago politika,” ani Pangulong Marcos nang tanungin sa isang panayam tungkol sa posibleng alyansa sa politika para sa pambansang halalan noong 2028.
“The most political thing that we did today, I wore my pink socks. My pink socks in honor of Mayor Leni,” dagdag ng Pangulo.
Una rito, tinanong din ng media si Mayor Robredo kung saan ay sinabi nito na ang pagbisita ng Pangulo ay naka-iskedyul na ilang buwan na ang nakalipas at wala pa siyang isang taon bilang alkade ng Naga City. “Marami pa kaming gagawin,” diin pa niya.
Sinabi ni Pangulong Marcos na hindi siya makikipag-usap sa politika sa pagbisita, at binigyang-diin na ang kanyang layunin sa Naga City ay maghanap ng solusyon sa problema ng pagbaha sa lungsod, na inilarawan niya bilang isang “napakahalagang isyu” na nakakaapekto hindi lamang sa Naga City kundi pati na rin sa Camarines Sur at buong Bicol Region.
“That’s what we are concentrating on,” ani Pangulo, binibigyang-diin ang kahandaan ng pambansang pamahalaan na tulungan ang mga lokal na pamahalaan kapag kinakailangan.
“Kung sino ang nangangailangan ng tulong, the national government is here to help. I came from local government kaya I have great sympathy for the situations of local government,” dagdag niya.
Dagdag ng Pangulo, “Kaya, whoever comes to us for help, we will do what we can to help. This is not an increase, not a decrease. It’s not political. It’s only because it depends on the need, and that’s why we are here today.”
Nagsimula ang Oplan Kontra Baha (OKB) operations sa Naga City noong Pebrero 18, 2026, at inaasahang matatapos sa Hulyo 31, 2026. Saklaw ng proyekto ang 29 ilog at sapa at dalawang lawa, kabilang ang paglilinis at clearing ng drainage system ng lungsod. (DARIS JOSE)

Gawing regular national holiday ang komemorasyon ng 1986 People Power Revolution tuwing Pebrero 25, ipinanukala ng mambabatas

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINANUKALA ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno na gawing regular national holiday ang komemorasyon ng 1986 People Power Revolution tuwing Pebrero 25.

Kasama sina Akbayan Partylist Representatives Perci Cendaña at Dadah Kiram Ismula, at kabilang Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao, naghain sila ng House Bill No. 7911 na gawing regular holiday ang February 25 bilang pagpupugay sa mga nakilahok sa mapayapang rebolusyon sa EDSA na naging simbolo ng pakikipaglaban sa rehimen ng yumaong Ferdinand E. Marcos Sr. at pagbabalik ng demokrasya sa bansa.
“February 25, 1986 is more than a date etched in history — it marks the moment when the Filipino people peacefully rose to reclaim their democracy. It stands as a testament to courage, unity, and the enduring power of collective action,” sinabi ni Diokno.
“It is our responsibility to honor this defining moment with the full recognition and dignity it deserves as a regular national holiday,” dagdag ni Diokno.
Sinabi ni Diokno na naging inconsistent ang komemorasyon ng EDSA revolution. Naging special non-working holiday noon 2023, regular working day noong 2024, at special working holiday sa 2025 at 2026.
“Nawala na ‘yung historic at civic significance ng EDSA Revolution. We must end the uncertainty and institutionalize its commemoration once and for all,” pahayag ni Diokno.
Sa ilalim ng HB 7911, inaatasan ang National Historical Commission of the Philippines na manguna sa mga preparasyon at koordinasyon sa mga educational institutions, government agencies at civil society organizations sa mga programa at selebrasyon ng 1986 People Power Revolution.
“Institutionalizing EDSA People Power Day affirms that the spirit of people power remains central to our national identity,” Diokno said. “Democracy survives not by accident, but because the people choose to defend it.” (Vina de Guzman)

Shabu laboratory sa Valenzuela, nalansag

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NALANSAG ng mga tauhan ng Philipine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang shabu laboratory sa loob ng isang warehouse, kasunod ng pagkakaaresto sa isang High-Value Drug Personality sa buy bust operation sa Valenzuela City, Linggo ng madaling araw.

Sa ulat, ikinasa ng pinagsamang mga operatiba ng PDEA Cavite Provincial Office, PDEA RO-NCR Northern District Office, kasama ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City Police sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil laban sa isang alyas “John”, 30, ng Cubao, Quezon City.

Matapos umano ang transaksyon sa pagitan ni alyas John at ng isang PDEA Agent na nagpanggap na buyer dakong alas-4:10 ng madaling araw sa Brgy., Viente Reales, ng lungsod, ay biglang tumakbo umano ang suspek papasok sa loob ng isang warehouse.

Dahil dito, hinabol siya ng mga operatiba hanggang sa maaresto sa loob ng warehouse at nakumpiska sa kanya ang isang plastic bag na naglalaman ng humigi’t kumulang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P3.4 milyon at buy bust money.

Kasunod nito, nadiskubre ng mga operatiba ng PDEA sa loob ng nasabing warehouse ang isang shabu laboratory kung saan ginagawa ang shabu.

Nasamsam sa nasabing shabu laboratory ang humigi’t kumulang 25 kilos ng umano’y shabu, mga kemikal at kagamitan sa paggawa ng shabu at ilang drum na naglalaman ng suspected cocaine.

Ayon sa PDEA, tinatayang aabot lahat sa bilyong piso ang halaga ng mga nasamsam na ilegal na droga, mga kemikal at mga kagamitan sa paggawa ng shabu habang inaalam pa kung sino ang nagpapatakbo ng naturang shabu laboratory. (Richard Mesa)

CALOOCAN LGU, KINILALA NG GCASH

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KINILALA ng pinakamalaking financial technology (FinTech) na GCash ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pagsisikap na maisama ang teknolohiya sa pagkakaloob ng serbisyo at digitalize na transaksiyon sa lungsod.

Sa ginanap na GCash Digital Excellence Award (GDEA), tinanggap ng pamahalaang lungsod ang Excellence in Digital Transformation Award at ang Palengke Digital Breakthrough Growth Award na patunay sa patuloy nilang pakikipag-partner sa FinTech para sa pagbibigay ng buwanang allowance sa mga Solo Parents, Senior Citizen Birthday Cash Gift, at Agapay sa Manggagawa.

Nagpahatid ng lubos na pasasalamat si Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa GCash sa ipinagkaloob na parangal at tiniyak na magpapatuloy ang ganitong inisyatiba sa paggamit ng teknolohiya para na rin sa kaginhawahan ng kanilang mamamayan.

“Malaking bagay po ito para sa atin dahil dito, nakikita natin na nasa tamang direksyon ang ating mga programa, Mula nga po nang nakipagtulungan tayo sa GCash, mas napagsilbihan natin ang mga mamamayan lalo na ang mga taxpayer at mga miyembro ng vulnerable sectors dahil hindi na nila kailangan pang pumunta sa city hall at pumila para lang makapagbayad o matanggap ang benepisyong para sa kanila,” pahayag ni Mayor Along.

Sabi pa ng alkalde, malaking bagay aniya ang magkaroon ng katuwang ang lokal na pamahalaan tulad ng GCash dahila ang kanilang programa at serbisyo ay mabilis at maayos na maipapaabot sa mga Batang Kankaloo. (Richard Mesa)

Proud na proud na flinex ni Dingdong ang photo… SIXTO, kitang-kita ang saya nang ma-meet na finally si MICHAEL V.

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PROUD na flinex ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa Facebook ang photo ng kanyang anak na si Sixto kasama si Michael V, na iniidolo pala ng bagets.
Caption ni Dong, “At six years old, his Michael universe is simple: Schumacher for speed, Jordan for hoops, and Michael V for good vibes and comedy.
“Today, he finally met one of his favorite Michaels…definitely a highlight.
“Salamat, Kuya Bitoy sa piktyur.”
Tuwang-tuwa naman ang netizens sa kaguwapuhan ni Sixto, na manang-mana sa kanyang Daddy Dong.
Kinaaliwan din ang suot niyang viral na CNY jacket.
Ilang sa comments na nabasa namin…
“Legit na may taste and high standard ang Sixto. Yown!”
“Poging pogi mana sa daddy.”
“Bigay todo smile ni kuya sixto gwapo talaga.”
“Ngiting may kilig dito si Sixto.”
“Six na si Sixto”.
“Ang laki na nya in pwede na mag-alaga ng isa pang kapatid Dong!”
“Matalinong bata to! matalino yung inidolo e.”
“Mukhang mabait na bata like ate.”
“Ay gwapo ni Sixto yan ang swerte ng DongYan mga anàk nla idol nya pla si bitoy genius Michael v.”
***
SPEAKING of Dingdong Dantes, silang dalawa ni Iza Calzado-Wintle ang mag-i-induct sa mga bagong opisyal ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Magaganap ito ngayong alas-onse ng umaga, Pebrero 24.
Pangungunahan nina AKTOR — League of Filipino Actors Founding President at Chairman na si Dingdong at President na si Iza ang panunumpa ng mga opisyal ng organisasyon sa Induction and Recognition Ceremony sa JY Hall ng The Bayanihan Center sa Pasig City.
Itatalaga bilang pangulo si Tessa Mauricio-Arriola, Entertainment and Lifestyle Editor ng “The Manila Times.”
Kasama rin ang mga bagong opisyal na sina Maricris Valdez Nicasio (“Hataw”), bise-presidente para sa panloob na gawain; Gerardine Trillana (“Malaya Business Insight”), bise-presidente para sa panlabas na gawain; Ervin Santiago (“Inquirer Bandera”), kalihim; Rohn Romulo (People’s Balita), kapwa-kalihim; Dondon Sermino (“Abante TNT” at DWAR 1494), ingat-yaman; Anna Pingol (Pika-Pika.com), kapwa-ingat-yaman; Jerry Olea (PEP.ph), tagasuri; at mga opisyal ng ugnayang-pampubliko na sina Nickie Wang (“Manila Standard”), Janice Navida (“Bulgar”) at Neil Ramos (“Tempo”).
Ang iba pang miyembro ng SPEEd ay sina Eugene Asis (“People’s Journal”), Ian Farinas (“People’s Tonight”) at Salve Asis (“Pilipino Star Ngayon” at “PangMasa”), kasama sina Nestor Cuartero (“Manila Bulletin” at “Tempo”), Dinah Ventura (“Daily Tribune”), Jun Lalin (“Abante”), Nathalie Tomada (“Philippine Star”), Bobby Requintina (“Manila Bulletin”), at mga nagretiro nang patnugot na sina Dindo Balares (“Balita”) at Rito Asilo (“Philippine Daily Inquirer”).
Bilang bahagi ng programa, ibibigay ng SPEEd ang kauna-unahang Recognition Awards nito sa mga katuwang na nanindigan sa organisasyon sa mga nakaraang taon. Pararangalan sina Claire Papa, assistant vice-president at head ng external affairs and social partnerships ng Unilab Inc.; Maria Yolanda “Yoly” Crisanto, chief sustainability at corporate communications officer ng Globe Telecom; Joy Andrade, direktor para sa Corporate Communications sa Newport World Resorts; Angeli Pangilinan-Valenciano, board member ng SoundCheck Inc.; Juancho Robles, presidente at punong ehekutibo ng ChanRobles & Company CPAs; at Rhea “Rei” Anicoche-Tan, presidente at chief executive officer ng Beautéderm.
“Habang minamarkahan natin ang ating ika-10 taon bilang isang organisasyon, nararapat lamang na parangalan natin ang mga katuwang na tumulong sa atin na umunlad, mapanatili ang The Eddys at mabigyang-parangal ang talentong Pilipino sa bawat matagumpay na yugto,” ayon sa bagong pangulo na si Mauricio-Arriola.
“Ang kanilang patuloy na suporta ay sumasalamin sa aming pangako na mapahusay pa ang Philippine entertainment.”

Samantala, kikilalanin din ng SPEEd ang kanilang mga miyembrong publikasyon bilang pasasalamat sa kanilang patuloy na suporta para sa misyon ng organisasyon na itaguyod ang integridad, propesyonalismo at responsableng entertainment journalism.

Gaganapin ang seremonya sa Bayanihan Center, isang kilalang event venue sa loob ng compound ng Unilab sa Kapitolyo, Pasig City. Kilala sa mga flexible na pangunahing bulwagan, modernong teknikal na pasilidad at on-site na paradahan, matagal nang tinutugunan ng center ang mga corporate conference, award ceremonies at malalaking pagtitipon sa industriya.

Sa panunumpa ng mga opisyal ng SPEEd para sa taong 2026 at pagkilala sa mga katuwang nito sa industriya, sumusulong ang organisasyon nang may panibagong determinasyon at muling pinagtitibay ang pangako nitong kilalanin ang talentong Pilipino at itaguyod ang kredibilidad at may prinsipyong pamamahayag sa larangan ng aliwang-lokal.

(ROHN ROMULO)

Sa laki ng kinikita sa projects at social media platforms… IVANA, humahabol kina SHARON, BEA at MARIAN sa pagiging bilyonarya

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

WOW ang laki talaga ng kinikita ni Ivana Alawi sa kanyang social media platforms tulad ng Youtube channel, IG, at Facebook.
Idagdag pa ang mga income ng famous sexy vlogger sa projects sa TV at movie plus her endorsements.
Hindi imposible na humahabol na siya sa pagiging bilyonarya nina Sharon Cuneta, Bea Alonzo, Marian Rivera, atbp.
Sa latest interview nga kay Ivana ni Korina Sanchez ay tumawa lang ito sa tanong kung ilang daang milyones na meron ang sexy actress.
Say pa ng isang advertising agency, nasa 10 to 20 million raw ang bayad kay Ivana sa bawat endorsement nito ng produkto, pagkain, at online bingo.
May mga alok pa na corporate and out-of-town shows kay Ivana na limitado lang o pinipili lang ang kanyang tatanggapin, dahil ayaw niyang mag-suffer ang vlog, lalo’t dito nanggagaling ang bulk of income.
As of presstime, ay meron nang 20.3 million (and still counting) subscribers si Ivana sa kaniyang official Youtube Channel.

***

MALIBAN sa magandang takbo ng singing career ni Janah Zaplan, na bahagi ng Star Pop Artists ng Star Music Philippines, ay napabilang lang naman ang latest single niya na “I LUV U” sa Spotify Fresh Find PH Playlist.
Ibig sabihin nito malakas ang dating ng song ng pretty singer-celebrity endorser. At happy at inspired siyempre si Janah sa naging magandang outcome ng single niyang ito sa Star Music Ph.
At pagdating naman sa pagiging celebrity endorser, very proud na i-pinost sa Facebook ng daddy nitong si Mr. Boyet Zaplan na as of Feb 23, ay umabot na sa 100 million views, ang said new endorsement ni Janah para sa San Miguel Flavored Beer ( Apple, Lemon, & Lychee flavors) siyempre still counting pa ito.
Aba’y yung mga ganitong nakalululang views at pagtanggap ng public sa social media sa beer commercial ni Janah.
Lume-level na siya kina Anne Curtis, Kathryn Bernardo, Marian Rivera, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, etc.
Kaya naman super proud ang kanyang Mommy Dencie.
By the way, ilan pa sa endorsement ni Janah ay ang Watsons Summer Beats na Ad campaign ng Watsons Philippines.

(PETER S. LEDESMA)

Walang mai-share si Barbie dahil hindi pa naliligawan… CHARO at BOOTS, aminadong may humangang kapwa-babae noong kabataan nila

Posted on: February 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL tungkol sa lesbian love ang pelikulang ‘Until She Remembers’, tinanong namin ang lead cast members ng pelikula, sina Ms. Boots Anson-Rodrigo, Barbie Forteza at Ma’m Charo Santos-Concio, kung naranasan na ba nila na maligawan ng isang tomboy.

Lahad ni Ms. Boots, “Nung nasa… I was in a girls’ school ano, so hindi nawawala iyon, yung girls’ crushes na tinatawag nila.

“Some of the… when I was in my senior high school year, we used to keep study periods for the lower classmates, and I was told that some of these younger women took a fancy on me and…

“Kasi ako yung pinakamataas dun sa klase namin.

“Siguro I was active, I was in honors, I did theater and all of that, so maybe it was some kind of admiration or looking up to, which at that time siguro na-interpret nila as a crush.

“I receive letters, mayroon silang mga sulat, mga little notes.

“And it was good for the ego ‘no, magandang pakiramdam na makatanggap ka.

“Hindi ako, ni minsan hindi ako ba nandiri at the thought na ‘Eeewww, babae ito, babae ako…’

“Wala.

“Ang tiningnan ko yung kanilang attitude, yung pagtingin nila which I think is the, parang the core, the virtue, the value of this film.

“Hindi tumitingin sa kung lesbyana sila, kung same gender sila, pero ang tutok nandun sa pagmamahal,” pagbabahagi pa ni Ms. Boots.

Si Barbie naman ay wala raw maikukuwento dahil wala siyang karanasan na may nanligaw o nagkagusto sa kanya na isang lesbian.

“Wala po,” at tumawa si Barbie, “sorry po, wala akong mase-share, wala po.”

“Siguro may nagka-crush sa akin pero yung sulat-sulat wala, paghanga lang,” pahayag ni Ma’m Charo.

Samantala ay palabas na ngayong February 25 ang ‘Until She Remembers’ sa panulat at direksyon ni Brillante Mendoza at mula sa executive producer na si Wilson Tieng.

Mula ito sa Center Stage Productions at Solar Studios, Inc. kung saan tampok rin sina Eric Quizon, Albert Martinez, Angel Aquino, Vince Rillon, Erlinda Villalobos, Carlitos Siguion-Reyna, Perla Bautista, Angel Latorre, Bianca Kierulf, at iba pa.

***

IKINASAL si Kenneth Villamayor, bunsong anak ng Superstar na si Nora Aunor, nitong Sabado ng gabi, February 21 sa longtime girlfriend nitong si Sam de Leon.

Ang pinagdausang ng napakagandang garden wedding nina Kenneth at Sam ay ang malapalasyong tahanan ng tita ni Sam na si Ruby Lim.

Si Lotlot de Leon ang kasabay ni Kenneth na naglakad patungo sa harap mismo ni Pastor John David Auxtero dahil ang nasa US for a concert tour ang ama ni Kenneth na si Christopher de Leon with wife and my kumare Sandy Andolong, pareho kaming ninang at ninong sa kasal naman nina Lotlot at mister niyang si Fadi El-soury years back.Parte ng entourage ang dalawa pang mga kapatid ni Kenneth na sina MateT de Leon at KikoVillamayor, gayundin ang mister ni Matet na si Mickey Estrada.

Kabilang sa mga principal sponsors ang actress na si Shyr Valdez, Senator Robin Padilla, Senator Bong Go (represented by Phillip Salvador) and Senator Jinggoy Estrada na represented ng husband ni Arlene Muhlach na malapit kay Senator Jinggoy.

In attendace rin siyempre ang mga pamangkin ni Kenneth tulad nina Janine Gutierrez and siblings Jessica, Maxine and Gutierrez, and actress Nadia Montenegro.

A month ago ay idinaos na ang church wedding nina Kenneth at Sam na very intimate dahil close family members lamang ang pinapunta, kaya muli sila ikinasal in a much fabulous garden

wedding, kasama rin nila siyempre ang anak na si Summer.

Congratulations, Sam and Kenneth!