• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 21st, 2026

Pasabog na anunsyo ni VP Sara na tatakbo sa pagka-pangulo sa 2028 elections, ‘irrelevant’- Malakanyang

Posted on: February 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na ‘irrelevant’ ang pasabog na anunsyo ni Vice President Sara Duterte sa kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2028 elections.
Ang katuwiran ng Malakanyang, dedma lang kasi ang Pangulo sa pasabog na ito ni VP Sara dahil nananatling naka-pokus ang Pangulo na makamit ang agenda nitong pag-unlad.
“Bakit irrelevant? Hindi po iyan ang nakikita ng Pangulo sa ngayon dahil hindi po kinakailangang magwatak-watak ang Pilipino,” ang sinabi ni Castro.
“Sa mga kababayan naman po natin, lalung-lalo na po ang leaders at public servants, hindi po dapat nagkakampihan sa ngayon,” aniya pa rin.
Kamakailan lamang ay pormal nang nagdeklara si VP Sara ng kanyang intensiyong tumakbo sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa 2028 national elections.
“Ako si Sara Duterte tatakbo bilang pangulo ng Pilipinas,” ang anunsiyo ng Bise-Presidente.
At nang hingan naman ng reaksyon sa posibleng pag-endorso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay dating Bise Presidente Leni Robredo, sinabi ni Castro na hindi napapanahon na magkomento ukol sa bagay na ito lalo pa’t ang prayoridad ng Pangulo ay mapabuti ang bansa.
“Sa pananaw po ng Pangulo, katulad ng ating sinabi kanina, kung anuman ang dahilan ng Bise Presidente sa kaniyang pag-aanunsiyo, it doesn’t matter at all sa ngayon,” ani Castro.
“Hindi po iyan ang focus ng Pangulo. Ang focus ng Pangulo, magtrabaho hindi para mangampanya at i-promote lamang ang sarili para sa susunod na eleksiyon,” dagdag na wika ng ni Castro. ( Daris Jose)

Ilegal seller ng Wildlife, nadakma ng Maritime Group sa operation sa Marikina

Posted on: February 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TIMBOG ang 45-anyos na lalaki na ilegal umanong nagbebenta ng widelife species sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Maritime Group sa Marikina City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Poypoy”, residente sa nasabing lungsod at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 27(e) ng Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) Chief P/Major Dandy Ferriol Jr., hinggil sa umano’y illegal na pagbebenta ng suspek ng wildlife species kaya ikinasa nila ang entrapment operation laban sa kanya.

Nang iabot umano ng suspek ang isang Ball Python sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng napagkasunduang halaga, kaagad lumapit ang mga operatiba ng Maritime Group sabay nagpakilala bilang mga pulis bago inaresto si ‘Poypoy’, dakong alas-5:20 ng hapon sa Marikina Heights, Marikina City.

Nakumpiska sa suspek ang isang buhay na Ball Python at buy bust money na ginamit sa operation.

Wala namang naipakita ang suspek ng anumang dokumento o permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magpapatunay na siya ay may awtoridad na magbenta at magmay-ari ng nasabing wildlife species.

Ang nasabing Ball Python ay nai-turnover na sa pangangalaga ng Biodiversity Management Bureau (BMB) ng DENR para sa tamang disposisyon.

Nagpaalala naman si Major Ferriol sa publiko na ang ilegal na pagbebenta at pag-aari ng wildlife species ay may kaakibat na kaukulang parusa sa ilalim ng batas. (Richard Mesa)

LTFRB MAGSASAGAWA NG PUBLIC CONSULTATION HINGGIL SA OPERASYON NG MGA BUS AT IBA PANG PUV TERMINALS

Posted on: February 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na magsagawa ng mga reporma upang mapabuti ang sistemang pampublikong transportasyon sa bansa, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng pamumuno ni Kalihim Giovanni “Banoy” Z. Lopez ng Department of Transportation (DOTr), ay magsasagawa ng pampublikong konsultasyon hinggil sa operasyon ng mga bus at iba pang public utility vehicle (PUV) terminals.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II, nakapagpadala na sila ng mga imbitasyon sa iba’t ibang stakeholders upang mas mapalawak ang talakayan at matiyak ang pagsunod sa mga regulasyon, gayundin ang pagpapabuti ng operasyon ng mga PUV terminal sa buong bansa.

“Ang pampublikong konsultasyon ay pangunahing tatalakay sa mga rekisito at akreditasyon ng terminal. Inaasahan din natin ang masinsinang diskusyon sa pagbabahagi ng mga best practices na maaaring maangkop at maipatupad,” ani Chairperson Mendoza.

Gaganapin ang konsultasyon sa Pebrero 20, 2026 sa LTFRB Central Office, Kalayaan Avenue, Quezon City.

Binigyang-diin ni Chairperson Mendoza ang kahalagahan ng konsultasyon lalo na’t nagpapatuloy ang mas pinaigting na inspeksyon sa mga PUV terminal na may mga pasilidad na hindi maayos. Batay sa pinakahuling datos, mahigit 240 bus at PUV terminals ang na-inspeksyon at 116 sa mga ito ang natukoy na hindi sumusunod sa itinakdang pamantayan ng LTFRB para sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero. Isa sa mga terminal ay nabigyan na ng cease-and-desist order, habang ilan pa ang posibleng mabawi ang kanilang awtoridad na mag-operate.

Kabilang sa mga karaniwang paglabag na natukoy ay:

• Hindi komportableng at delikadong waiting areas
• Hindi gumagana at maruruming comfort rooms
• Kawalan ng aksesibilidad para sa senior citizens at persons with disabilities
• Kakulangan ng sapat na safety at security plan

“Dahil sa dami ng lumalabag, kailangan nating pag-usapan ito at makabuo ng mga hakbang na katanggap-tanggap sa lahat ng sektor—ngunit nakabatay pa rin sa umiiral na mga patakaran at regulasyon,” dagdag ni Mendoza.
“Patunay din ang konsultasyong ito na hindi lamang inspeksyon ang aming pokus, kundi ang paghahanap ng mga paraan upang mapabuti ang serbisyo sa mga mananakay sa tulong ng iba’t ibang stakeholders, transport groups, at mga kumpanya.”

Dagdag pa ni Chairperson Mendoza, mahalagang talakayin ito kasama ang mga terminal managers at operators, lalo na’t ang regular na random at surprise inspections sa mga bus at PUV terminals ay magiging bahagi na ng bagong normal.
(PAUL JOHN REYES)

Hirit na fare hike ng mga jeepney operators at jeepney driver: Hindi napapanahon, premature- Malakanyang

Posted on: February 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa napapanahon ang hirit ng mga jeepney operators at jeepney drivers na fare hike o taas pasahe simula sa susunod na linggo.
Ito ay sa gitna ng magkakasunod na linggong pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ‘premature’ ang hirit na fare hike dahil mayroon aniyang provisional fare increase sa halagang P1.00 at ayon aniya sa computation ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang provisional grant na ito na fare hike na P1.00 ay nako-cover pa ang fuel cost para sa jeepney.
Ang sinabi pa rin aniya ni LTFRB chairperson Atty. Vigor Mendoza III, ang hiling ng mga jeepney operators at jeepney drivers ay hindi partikular sa fare hike kundi labanan ang colorum.
Ang prayoridad aniya ngayon ng LTFRB kung magkakaroon ng fare hike ay ang mga buses.
“Dahil wala po silang temporary fare hike. So, iyon po ang priority nila ang pag-uusap tungkol sa pag-increase ng pamasahe sa bus.
Sa kabilang dako, kahit aniya sabihin na premature ang hirit na fare hike, sinabi aniya ni chairman Mendoza na pinag-aaralan pa rin aniya ang maaaring maibigay na tulong sa mga jeepney operators at jeepney drivers.
Nauna rito, sinabi ni Castro na pinaigting ng Land Transportation Office (LTO) ang kampanya laban sa mga hindi lisensyado o colorum na mga sasakyan, kasabay ng pagpapalakas ng pagpapatupad ng batas-trapiko, inspeksyon sa mga terminal, at operasyon sa mga checkpoint.
Ayon kay Castro, patuloy na tinutugunan ng LTO ang operasyon ng mga hindi lisensyadong sasakyan bilang bahagi ng kampanya kontra colorum, na nagresulta sa daan-daang nahuli at na-impound sa loob lamang ng tatlong araw.
“Simula noong Pebrero 9 hanggang 11 ngayong taon, umabot sa 353 na colorum na sasakyan ang nahuli ng LTO. Sa nasabing bilang, 107 dito ay na-impound habang 246 ay isinailalim sa ‘technical impoundment’ kung saan ang mga plaka lamang ng sasakyan ang kinukumpiska ng LTO,” ani Castro.
Bukod sa kampanya kontra colorum, sinabi rin ni Castro na nag-deploy na ang LTO ng K-9 units upang mapahusay ang inspeksyon sa mga terminal ng transportasyon at sa mga checkpoint.
Inilunsad din ang Mobile Command Center (MCC) upang matiyak ang tuloy-tuloy na monitoring ng trapiko at mapalakas ang pagpapatupad ng road safety. Ang MCC ay may kakayahang mag-monitor ng trapiko sa real-time, pagkilala ng plaka ng sasakyan, at beripikasyon kung rehistrado, nakaw, o ilegal na nabago ang mga sasakyan.
“Ang mga programang ito ay ilan lamang sa mga hakbang ng pamahalaan, sa ilalim ng liderato ni Pangulong Marcos Jr., na naglalayong unahin ang seguridad ng mga motorista sa bansa,” ani Castro.
“Naniniwala si Pangulong Marcos Jr. na ang kaligtasan sa mga lansangan ay bahagi ng pag-unlad ng bayan—na patuloy na isinusulong sa ilalim ng Bagong Pilipinas,” dagdag pa niya.

Mababaw lang daw at naggagamitan… AIKO at ONEMIG, inalmahan ang mga namba-bash sa kanilang relasyon

Posted on: February 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INALMAHAN nina Aiko Melendez at Onemig Bondoc ang mga namba-bash sa kanilang relasyon, na kesyo naggagamitan lamang daw sila.
Sa YouTube vlog ni Aiko nitong mismong Valentine’s Day ay binuweltahan nila ang mga nagdududa sa sincerity ng kanilang pagmamahalan sa bawat isa.
“May nababasa kaming mga comments na hindi daw kami magtatagal, nagagamitan na kami,” umpisang pahayag ni Aiko.
“Una po sa lahat, we’re of age already. We know what we’re getting into.
“And tandaan niyo po, hindi ko lang po siya kakilala kahapon, 29 years ko na po siyang kakilala.
“So, meron po kami na-build na foundation even before na we got to this stage.
“Alam ko lahat, lahat ng past niya, and I was willing to accept it because it comes with a package, e.
“Pag ka nagmahal ka, kailangan tanggapin mo kung ano yung karugtong nung past niya, kasi it’s something that cannot be deleted or erased…
“Mayroon man kami gustong i-edit, pero when you come to think of it, mas okay na lang na dumaan yun sa buhay namin because it made us stronger individuals.”
Lahad naman ni Onemig, “Guys, tao lang naman, di ba? Nahe-hurt din naman ako pagka nagko-comment kayo na, ‘Sobrang dami nang lalaki ni Aiko, sobrang dami nang nagdaaan.’
“Lahat naman tayo, di ba, may mga past? Wala naman tao na walang past, e. So siyempre, di ba, kung mahal niyo yung tao, ina-accept niyo yung past.
“Wala naman din hindi nagkakamali dito. So, sana tigil-tigilan niyo na yun ganun, di ba?
“Kasi yung mga nagsasabi diyan na medyo bastos, pero sasabihin ko na rin dahil masakit, e. Kasi mahal ko yung tao, di ba?”
“You can’t please everyone,” dagdag naman ni Aiko.
Pinuna rin ni Onemig ang mga nag-iisip na mababaw ang kanilang relasyon.
“Ayoko naman makakita ng mga ganung comment. Na ‘bembang’ ganyan. I mean, e, hindi naman kami nandito para bumembang.
“I mean, pag mahal mo yung tao, hindi mo sasabihing ‘bembang,’ di ba? You make love to the person, but hindi bembang.”
Ang “bembang” ay kolokyal na termino na tumutukoy sa sex.
Pagpapatuloy pa ni Onemig.
“So sana tigilan niyo na yung ganun. Kasi hindi maganda, e.
“Isa pa, marami ang nakakabasa, mga bata. Yun ba ang gusto natin ipakita sa mga bata, di ba?
“Bago kayo maglagay ng mga comment na kabastusan or walang katuturan, sana tingnan niyo rin muna yung mga batang makakabasa nito.
“Kasi we’re setting a good example. Sana you should also set a good example also.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Handa na ang kanyang isusuot sa kasal… JODI, labis na ikinatuwa nang malamang engaged na sina IWA at PAMPI

Posted on: February 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

LABIS na ikinatuwa ni Jodi Sta. Maria nang malamang ikakasal na si Iwa Moto ang dati niyang asawa na si Pampi Lacson.

Sa Instagram post ni Iwa, ibinahagi niya ang naganap engagement habang nagbabakasyon sa Japan.

Caption ng dating aktres, “So… this happened… [red heart emoji]
“Mahal, you are my always and forever. Thank you for making me happy. I can’t wait to be your wife, mahal”

Dagdag pa ni Iwa, “We have been together for almost 14 years and God knows we have been through a lot but in His grace ito tayo, nagmamahalan.”

“I can’t wait to marry my best friend.” [red heartsemoji]

Isa nga sa mga nagpadala ng pagbati ay si Jodi mismo.

“Life has a beautiful way of unfolding. Congratulations on your engagement Madam and Pampi!” komento ni Jodi.

“Rejoicing with you both! This milestone is truly significant for the whole family!”

Nagbiro pa ang aktres na ready na raw para sa kanilang kasal: “Handa na po ang susuotin ko!”

Nag-reply naman si Iwa at ipinahayag niya na si Jodi ang isa sa unang nakakaalam tungkol sa proposal.

“[Jodi] grabe ka mag predict amor. Love you. As promised ikaw ang isa sa mga naunang nakaalam hahaha. See you pag uwi namin,” wika ni Iwa.

Kung matatandaan, nagpakasal sina Jodi at Pampi noong 2005 at naghiwalay noong 2011. Nagkaroon sila ng isang anak na si Thirdy.

Samantala, sina Iwa at Pampi at mayroon silang dalawang anak na sina Hiromi at Caleb.

Alam ng lahat na naging mabuti magkaibigan sina Jodi at Iwa. At palaging nagbabahagi ng kanilang blended family moments sa Instagram at TikTok.

Congrats Iwa and Pampi.

(ROHN ROMULO)

Wala pa raw balak na makipagbati sa mag-asawa… SARAH at MATTEO, patuloy na iniiwasan ni Mommy DIVINE

Posted on: February 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

EVERT year ay may reunion sa side ng pamilya ni Mommy Divine Tua Geronimo.
At parating present sa reunion ito si Sarah Geronimo na nakakasalumuha niya ang mga kapatid ng kanyang Mommy Divine na galing pa sa probinsya gayundin ang mga kamag-anak.
At kung noong hindi pa nag-aasawa kay Matteo Guidicelli itong si Sarah ay si Mommy Divine ang madalas mag-host ng party para sa kanilang malaking angkan.
Ngayon magmula ng ikasal si Sarah kay Matteo ay hindi na raw nagpapakita si Mommy Divine sa said reunion, at ayaw nilang magtagpo ni Sarah at Matteo rito.
Chika kasi ng kakilala namin na kalapit lang ng mansiyon ng mga Geronimo sa St. Charbelle sa Mindanao Avenue.
At bawal raw pag-usapan si Sarah lalo na kapag nasa bahay si Mommy Divine. At ito pa ang nakalolokang chika noong ikasal few years ago ang brother ni Sarah na si Ezekiel ay um-attend ang singer-actress pero sa reception lang at iniwasan raw talaga sila ni Matteo ni Mommy Divine.
Well, panahon na lang ang makakapagsabi kung kelan magkakabati o reconcile ang mag-ina na dating super close sa isa’t-isa.

***

MALAKI ang potential ng bunsong anak ni Dovie San Andres, na si Elrey Binoe Alecxander na maging magaling na Chef in the future.
At dahil mahilig magluto ng pasta, mag-bake ng pizza at gumawa ng special sandwich sa bahay ay pwedeng sa Italian Restaurant mag-work ang gwapong Pinoy-Canadian na 6’2 ang height.
At dahil gwapo at matangkad nga ay pwede ring maging career ni Elrey Binoe ang ramp modeling at mag-endorse ng brand. At siyempre hindi pa rin nawawala ang pangarap nitong maging action star.
And according, to his social media personality Mom Dovie, nahihilig rin sa music si Binoe at mahusay raw itong tumugtog ng gitara.
After maibili ng car at matutong mag-drive ng anak ay gustong pakunin ito ng voice lesson ni Dovie.
Malay natin at maging recording artist siya.

MUDBORN—TAIWAN’S NO. 1 SUPERNATURAL HORROR BLOCKBUSTER SET TO HAUNT PH CINEMAS

Posted on: February 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

THE No. 1 supernatural horror blockbuster in Taiwan, “Mudborn,” is coming to the Philippines this March 18. Encore Films Philippines brings this horror-mystery-thriller phenomenon to Filipino horror fans, a chilling ride where the rhyme continues to sing its terror long after the lights come on.

Watch the trailer: https://youtu.be/WMD0FRHwnc8

image.jpeg

Cecilia Choi (left), Yo Yang (right)

Photo credit: Encore Films Philippines

“Mudborn” tells the story of a VR game developer named Hsu-Chuan (played by Yo Yang), who accidentally brings home a broken clay baby doll from a haunted house. His pregnant wife, Muhua (played by Cecilia Choi), an artifact conservator, becomes obsessed with the doll and continues restoring it. As strange and terrifying events unfold in their family, they seek the help of a psychic exorcist to uncover the horrifying secrets behind the doll and the forbidden curses of the “rhyme” that bind it.

image.jpeg

Yo Yang (left), Cecilia CHOI (right)

Photo credit: Encore Films Philippines

When Director SHIEH Meng-ju was asked, “Is there a mysterious story hidden behind this rhyme?” He initially found it intriguing to use such a familiar children’s rhyme as the starting point. As he dissected each line of the lyrics, he realized that phrases like “The clay baby doll has eyes but doesn’t blink” and “It’s actually not a real doll” become even more eerie. From this perspective, Director SHIEH crafted “Mudborn,” framing the story through the lens of a clay baby doll harboring an evil spirit attempting to possess a person.

image.jpeg

Photo credit: Encore Films Philippines

Horror fans are invited to experience a story where a nursery rhyme turns into a nightmare. Catch “Mudborn” thrill the audiences in Philippine cinemas starting March 18.

For more chilling updates and releases, visit Encore Films Philippines on Facebook and @encorefilmsph on Instagram.

(ROHN ROMULO)

Ads February 21, 2026

Posted on: February 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments