• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 21st, 2026

LUMANG JUAN LUNA BUILDING, MULING NAGNINGNING SA MAYNILA

Posted on: February 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang seremonyal na pagpapailaw sa naibalik na harapan ng makasaysayang Juan Luna Building sa Binondo, bilang bahagi ng panibagong pagtutulak na pangalagaan at itampok ang pamanang arkitektura ng Maynila.Dating kilala bilang First National City Bank of New York Building at kalaunan bilang Ayala Building, ang estruktura ay itinayo noong 1922 at nananatiling isa sa mga natitirang komersiyal na gusali mula sa panahon ng mga Amerikano sa dating sentrong pangnegosyo ng kabisera.“Mula sa dilim, muling nagniningning ang Juan Luna Building, ang dating First National City Bank of New York Building o Ayala Building, sa Binondo!” pahayag ni Domagoso sa ginanap na seremonya.Itinayo noong 1922, ang limang-palapag na gusali ay patuloy na nakatayo bilang mahalagang bahagi ng makasaysayang tanawin ng arkitektura ng Maynila.“Sa tulong ng ating mga private partners na patuloy na nagtitiwala sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila, sisikapin nating buhayin, pangalagaan, at pagandahin ang mga makasaysayang pook at pasyalan sa Kapitolyo ng bansa,” aniya.Isinagawa ang rehabilitasyon sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga pribadong katuwang at ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.Hinimok din ni Domagoso ang mga may-ari ng iba pang heritage properties sa distrito na makipag-ugnayan sa pamahalaang lungsod para sa kahalintulad na mga proyekto sa pagpapailaw.“We are encouraging owners of heritage buildings sa Binondo—kabilang ang El Hogar Building at iba pang makasaysayang gusali. Bukas po ang inyong Pamahalaang Lungsod na makipagtulungan sa inyo upang mapailawan din natin at maipakita ang ganda ng inyong mga istruktura sa gabi!” dagdag niya.Matatagpuan ang Juan Luna Building sa kanto ng Juan Luna Street at Muelle de la Industria, sa loob ng dating pangunahing distritong pinansiyal at komersiyal ng Maynila noong panahon ng kolonyalismong Amerikano.Ang pagtatayo nito noong 1922 ay kasabay ng mabilis na paglawak ng mga dayuhang bangko at kompanyang pangkalakalan sa Pilipinas.Dinisenyo sa estilong Beaux-Arts at Neoclassical ng mga Amerikanong arkitekto na Murphy, McGill at Hamlin, tampok sa gusali ang mga klasikong haligi, arched openings, at rusticated na ground floor—mga elementong karaniwang ginagamit ng mga internasyonal na bangko noong unang bahagi ng ika-20 siglo upang magpahiwatig ng katatagan at pagiging permanente.Orihinal itong natapos bilang Pacific Commercial Company Building at pinasinayaan noong Nobyembre 13, 1922. Kalaunan ay naging tanggapan ito ng First National City Bank of New York noong dekada 1930 at 1940, na lalong nagpatibay sa Binondo at kalapit na Escolta bilang sentrong pinansiyal ng bansa sa panahong iyon.Mula 1940 hanggang 1959, nabili ang ari-arian ni Enrique Zobel at nakilala bilang Ayala Building, patunay ng patuloy nitong paggamit bilang mahalagang komersiyal na address sa Maynila matapos ang digmaan.Sa paglipas ng mga dekada, sumailalim ang gusali sa iba’t ibang pagbabago ng pagmamay-ari at gamit, kabilang ang malaking renovasyon noong 2007 at mga sumunod na plano para sa adaptive reuse. Nasira rin ang ilang bahagi nito noong Mayo 2018 nang kumalat dito ang sunog mula sa katabing gusali at naapektuhan ang ilang bahagi ng itaas na palapag.Sa kasalukuyan, ang naibalik na harapan ng gusali ay nagsisilbing paalala ng pag-angat ng komersiyo ng Maynila noong unang bahagi ng ika-20 siglo at ng matibay na pamana ng arkitektura mula sa panahong Amerikano—isang panahong ang Escolta at Binondo ang sentro ng pagbabangko, kalakalan, at aktibidad pangkorporasyon sa bansa.(Gene Adsuara)

US figure skater Alysa Liu nagwagi ng gintong medalya

Posted on: February 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAGI ng gintong medalya sa figure skating si American superstar Alysa Liu sa Winter Olympics

Sa unang bahagi ng event ay nasa pangatlong puwesto ito matapos magkamit ng mga errors.

Subalit nakabawi ito sa performance of the ages sa free skate.

Nakasuot ng gold dress at isinagawa ang pagtatanghal sa kanta ni Donna Summer.

Mayroon kabuuang puntos itong nakamit na 226.79 na tinalo ang pambato ng Japan na si Kaori Sakamoto .

Ang 20-anyos na si Liu ay naging unang American Olympic champion sa women’s figure skating mula noong si Sarah Huhes sa taong 2002 at unang USA medalist mula noong nakuha ni Sasha Cohen sa taong 2006.
Yahoo Mail: Search, Organize, Conquer

Alex Eala bigong makapasok sa semis ng Dubai Open

Posted on: February 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINDI umubra si Pinay tennis star Alex Eala kay world number 4 Coco Gauff sa quarterfinals ng Dubai Open Championships.

Nakuha ng American tennis star ang panalo sa score na 6-0, 6-2 para tuluyang tapusin ang kampanya ni Eala sa nasabing torneo.

Sa simula pa lamang ng laro ay dominado ng American tennis star ang laro kung saan tinapos nito ang unang set ng wala pang 30 minuto.

Ang Dubai Tennis Championships ay siyang pang-anim na torneo ni Eala ngayong taon.

Pagkatapos naman ng Dubai tennis ay magtutuno na si Eala sa US para sa pagsali nito sa Wells Open o BNP Paribas Open sa California na magsisimula mula Marso 4 hanggang 15.

Muli din ito ng maglalaro sa MiamiOpen na magsisimula naman sa Marso 17 hanggang 29.

Agarang pagtuloy ng Quad Committee Investigation, panawagan ng Makabayan Bloc sa Kamara

Posted on: February 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang Makabayan bloc ng mga mambabatas sa Kamara sa agarang pagtuloy ng Quad Committee investigation at pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay sa sinumpaang salaysay ni Ramil Madriaga na nagdidiin kay Bise Presidente Sara Duterte sa paglustay ng mga confidential funds, illegal POGO operators at mga sindikato ng droga sa bansa.

Ayon kina ACT Teachers party list Rep. Antonio Tinio, Gabriela Women’s Party list Rep. Sarah Jane Elago at Kabataan Party-list Rep. Atty. Renee Louise Co, dapat idagdag sa isasagawang pagdinig ang mga kaso ng extrajudicial killings ng mga aktibista at human right defenders, kasabay ng isinisagawang pagdinig sa kaso ni dating pangulo Rodrigo Duterte sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.

Idinetalye ni Madriaga, ang sinasabing bagman ni VP Sara, ang Oplan Double Barrel operations, ang delivery ng confidential funds at ang papel nila Col. Raymund Dante Lachica at Col. Dennis Nolasco sa security at operations ng Bise Presidente, ang POGO funding ng Sara Duterte campaign at ang importasyon ng magnetic lifters para ipuslit ang mga droga mula sa Bureau of Customs.

Sinabi rin ni Madriaga kung papaano siya nagdi-deliver ng sako-sakong pera na galing sa confidential funds na umaabot sa P80 million. Aniya, pinondohan ng POGO operators and drug dealers ang kampanya ni Duterte noong 2022.
“How can she account for claims that her campaign was funded by the very POGO operators and drug dealers her father’s administration claimed to be fighting? If Madriaga’s statements are true, this represents a betrayal of public trust of historic proportions. Beyond the Madriaga revelations, the resumption of Quad Committee hearings presents an urgent opportunity to investigate cases of political extrajudicial killings of activists, human rights defenders, journalists, lawyers, and community organizers who have been systematically targeted and murdered under the Duterte administration and continuing under the current government,” pahayag ng Makabayan bloc.
“The Quad Committee hearings must investigate the role of state security forces, intelligence agencies, and paramilitary groups in these killings. Witnesses like Madriaga, who worked within security apparatuses close to the Duterte family, may have knowledge not only of corruption schemes but also of operations targeting activists and dissenters,” dagdag ng grupo.
(Vina de Guzman)

Kelot na wanted sa Acts of Lasciviousness sa Bulacan, nabitag sa Malabon

Posted on: February 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

LAGLAG sa selda ang isang lalaki na wanted sa kaso ng pangmomolestiya sa lalawigan ng Bulacan nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, ang akusado ay isang 34-anyos na freelance technician at kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person (MWP) ng Bulacan.

Nang makatanggap ng impormasyon District Special Operations Unit (DSOU) ng NPD na nagtatago umano sa Malabon ang akusado, kaagad nilang ikinasa ang manhunt operation laban sa kanya.

Dakong alas-4:40 ng hapon nang tuluyang makorner ng mga operatiba ng NPD-DSOU ang akusado sa Barangay Potrero, ng Lungsod.

Hindi naman umano pumalag ang akusado nang isilbi ng pulisya ang arrest warrant laban sa kanya na inilabas ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 5, San Jose Del Monte, Bulacan, noong February 4, 2026, para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to Section 5 ng R.A 7610 na may inirekomendang piyansa na P180,000.

Ipiniit pansamantala ang akusado sa NPD Custodial Facility Unit (CFU) habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa Provincial Jail ng Bulacan.

Ayon kay Gen. Dela Cruz, tinitiyak ng NPD sa publiko ang walang patid na pagsisikap nitong mahanap at arestuhin ang mga wanted person at itaguyod ang hustisya sa pakikipag-ugnayan sa mga korte at komunidad. (Richard Mesa)

Unang citywide PhilHealth GAMOT Partnership sa bansa, inilunsad ng Generika Drugstore at Valenzuela City

Posted on: February 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD ng Generika Drugstore at Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang kauna-unahang partnership sa pagitan ng isang nationwide drugstore chain at local government unit (LGU) na nagbibigay sa buong lungsod ng access sa mga libreng essential medicines sa ilalim ng Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment (GAMOT) Program ng PhilHealth.
Noong Biyernes, sumailalim ang may 600 Valenzuelano sa libreng konsultang medikal mula sa accredited doctors ng Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) ng PhilHealth at tumanggap ng libreng gamot mula sa Generika Drugstore, alinsunod sa proseso ng GAMOT Program.
Ayon kay Generika Drugstore President and CEO Adrian Gino Guinto, “todo-todong ginhawa” ang mararanasan nga mga Valenzuelano dahil bukod sa kalidad ng produkto at serbisyong hatid ng Ginhawang Generika, makukuha pa nila ito ngayon nang libre dahil sa programa ng PhilHealth.
Sa ilalim ng naturang partnership, maaaring makakuha ang bawat Valenzuelano ng hanggang P20,000 worth ng libreng gamot para sa mga karaniwang karamdaman basta’t rehistrado sila sa YAKAP, nakapagpatingin sa YAKAP-accredited clinics, at may hawak silang resetang may unique security codes (UPSC). Mangyari lang na ipakita ang reseta sa alin sa mga sumusunod na branch ng Generika Drugstore na accredited GAMOT Provider ng PhilHealth:
● Dalandanan
● Parada Capt. Cruz
● Bagbaguin Mariano
● Gen. T. De Leon
● Malinta Santiago
● Maysan Tongco
● Paso de Blas
● Pio St. Marulas
● Poblacion 1 MH Del Pilar (Polo)
● Veinte Reales

At dahil hanggang 85% ang matitipid sa pagbili ng Actimed Quality Generics, di hamak na mas maraming gamot ang mabibili ng mga YAKAP beneficiaries makumpleto ang inireseta sa kanila ng doktor.
Ikinagalak ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang pagiging bahagi ng Lungsod ng Valenzuela sa partnership na ito at nagpasalamat siya sa Generika Drugstore at PhilHealth para sa tulong nila sa tunay na pagpapaunlad sa kanilang lungsod kung saan walang pamilyang Valenzuelano ang maiiwan.
Iginiit naman ni PhilHealth President and CEO Dr. Edwin Mercado ang kahalagahan ng multi-stakeholder partnerships para maging matagumpay ang mga programang pangkalusugan ng pamahalaan. Aniya, dahil sa mga aktibong partners tulad ng Generika Drugstore at Valenzuela City, makakaasa ang mga Pilipino sa PhilHealth kahit saan o kahit kailan pa sila mangailangan ng tulong pangkalusugan.
Nagpasalamat si Guinto sa mga partner at stakeholder na tumulong para mabuo ang partnership. Kasama ang suporta ng AC Health, inaanyayahan niya ang iba pang local chief executive na sumunod at makipagtulungan para lalong mailapit sa mga pamilyang Pilipino ang ginhawa.
Sa kasalukuyan, 171 branches ng Generika Drugstore ang na-accredit na ng PhilHealth bilang GAMOT provider.

17,000 NAKAPAGPAREHISTRO PARA SA BSKE

Posted on: February 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT 17,000 na ang bilang ng mga aplikante na nakarehistro para sa makaboto sa 2026 Barangay at Sangguniang kabataang election (BSKE) sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary election , ayon sa pinakahuling datos ng Commission o Elections (Comelec).
Hanggang Pebrero 19 nakapagtala ang Comelec ng kabuuang 17,525 aplikante sa rehiyon ng Bangsamoro.
Sa bilang na ito– 8 ,616 ang babae at 8,903 ang lalaki.
Ang Maguindanao del Norte ang nakapagtala ng pinamahalaan na nagparehistro namay 4,654. Sinundan ito ng Maguindanao del Sur na may 3,428; Basilan na may 2,911; Special Geographic Area (SGA) sa Cotabato na may 2,353; at Tawi-tawi na may 2,151.
Ang Lanao del Sur naman ang iniulat na may pinakamababang bilang ng registrants na mayroon lamang 2,028.
Muling ipinagpatuloy ang voter registration sa autonomous region noong Pebrero 9 kung saan tatagal ito hanggang Marso 30 ngunit pinalawig ng hanggang Marso 31.
(Gene Adsuara)

DS Ortega: VP Duterte’s bank records may be examined in House impeachment probe

Posted on: February 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union nitong Biyernes na isama sa impeachment proceedings ang pagbubukas ng bank records ni Bise Presidente Sara Duterte.
Sinabi ni Ortega ang kahalagahan ng bagbubukas ng bank records ay batay sa mga alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman salungat sa statements of assets, liabilities and net worth (SALNs) ni Bise Presidente.
Kabilang ito sa ikaapat na impeachment complaint na inihain ni Atty. Nathaniel G. Cabrera at inindorso ni Ortega at Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. of Manila. Pormal na tinanggap ni House Secretary General Atty. Cheloy Garafil ang reklamo Miyerkules ng gabi, ilang oras matapos magdeklara si Duterte na tatakbo sa pagkapangulo sa 2028 national elections.
Inilarawan ni Ortega na ang mga akusasyon sa ikaapat na impeachment complaint laban kay Duterte na Ortega na “serious and disturbing,” dahil may mga bank accounts, properties at significant cash movements na hindi isinama sa SALN ng Bise Presidente.
Bukod sa pinansiyal na aspeto ng reklamo, pinaratangan din si Duterte ng subversionir of constitutional order, na kung saan inamin niya sa isang video na umupa siya ng hitman para patayin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., si First Lady Liza Araneta – Marcos at dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez. (Vina de Guzman)

Batang lalaki na nahulog sa Tullahan river sa Malabon, bangkay na nang matagpuan

Posted on: February 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BANGKAY na nang matagpuan ang pitong taong gulang na batang lalaki na aksidente umanong nahulog sa Tullahan River habang nakikipaglaro sa mga kaibigan, Huwebes ng hapon sa Malabon City.
Bandang alas-11 Biyernes ng tanghali nang matagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at Malabon Bureau of Fire Protection (BFP) ang katawan ng Grade 2 na estudyanteng si alyas “RNG” matapos ang magdamag na paghahanap sa malaking bahagi ng Tullahan River sa Barangay Tinajeros.
Sa nakalap na ulat mula kay Malabon Station Community Affairs Section (SCAS) chief P/Capt. Eduardo Antalan, Jr., habang nakikipaglaro ang biktima sa tatlong babaeng kapitbahay na may edad na 7, 8, at 9, at dalawang batang lalaking kapuwa edad-11, Huwebes ng hapon sa tabi ng Tullahan River sa St. James St. Brgy. Tinajeros nang aksidente umanong mahulog dakong alas-4:40.
Tinangka pang iligtas ng mga kapitbahay na sina Limuel Cabral at Jerry Valenzuela Jr, ang biktima nang ipabatid sa kanila ng mga kalaro ng bata ang pangyayari subalit, nabigo silang makita ang bata kaya humingi na sila ng tulong sa awtoridad.
Kaagad namang pinakilos ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang MDRRMO at pulisya upang hanapin at sagipin ang bata, katuwang ang mga tauhan ng PCG at BFP, hanggang tuluyang makita ang katawan matapos ang magdamagang paghahanap. (Richard Mesa)

PBBM, inatasan ang DPWH na bilisan ang pagkumpleto sa lahat ng nakabinbing Infra projects sa buong bansa- Malakanyang

Posted on: February 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na bilisan ang pagkumpleto sa lahat ng nakabinbing infrastructure projects sa buong bansa upang matiyak ang napapanahong paghahatid sa publiko.
“Bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agapan ang pagtatayo at pagsasaayos ng mga nakabinbin na infrastructure projects, double time ang trabaho ng DPWH sa pamumuno ni Secretary Vince Dizon sa iba’t ibang lugar sa bansa,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
“Malapit nang matapos ang temporary passageway o bridge connector na pansamantalang papalit sa nasirang Cabagan – Santa Maria Bridge sa Isabela. Ayon sa ahensiya, 89% complete na ang konstruksyon ng proyekto at target itong buksan sa Marso para sa light vehicles,” ang tinuran ni Castro.
“Sa Oriental Mindoro naman, personal na binisita ng kalihim ang makeshift bridge sa Sitio Bongabong upang planuhin ang pagpapagawa ng mas matibay na tulay para sa mas ligtas at maayos na pagtawid ng mga residente,” ang sinabi pa rin ni Castro.
Sa kabilang dako, nagbigay naman aniya ng ulat ang DPWH kay Pangulong Marcos tungkol sa sitwasyon ng mga major infrastructure projects sa bansa.
Kabilang aniya sa ulat ang mga proyektong gaya ng “Bukidnon-Davao Road na kumpleto na ang repair works noong Enero matapos itong masira noong Oktubre ng nakaraang taon; nariyan din ang sinkhole sa Kennon Road na natapos ang pagkukumpuni nitong Pebrero; Apalit section ng MacArthur Highway-Buhang Flyover sa Jaro, Iloilo; Maharlika Highway sections sa Gumaca, Quezon, Samar, at Guinobatan, Albay na patuloy na inaayos; at, ang EDSA Rehabilitation Phase I na nasa 49.4% completed na at inaasahang matatapos sa Hunyo ngayong taon.
“Puspusan ang trabaho ng pamahalaan upang tapusin sa lalong madaling panahon ang mga infrastructure projects ng bansa dahil para sa Pangulo, kung mabilis at maayos ang trabaho, mas mabilis din mararamdaman ng tao ang ginhawa ng mga pampublikong proyekto,” ang sinabi ni Castro. (Daris Jose)