• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 17th, 2026

PBBM, kinilala ang mahalagang papel ng Meralco

Posted on: February 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KINILALA ni Pangulong Marcos Jr. ang mahalagang papel ng Manila Electric Company (MERALCO) sa pagsuporta sa renewable energy projects katulad ng Terra Solar Project at sa pagpapalawak ng electrification sa mga komunidad.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nararapat lang na ang bawat pamilyang Pilipino ay hindi mapag-iwanan sa dilim.
Dahil dito, malinaw ani Castro na walang-patid ang ginagawang pagsulong ni Pangulong Marcos para sa inklusibong pag-unlad ng Bagong Pilipinas.
Sa katunayan, patuloy na itinataguyod ni Pangulong Marcos ang mas maaasahan, makatarungan, at napapanatiling suplay ng enerhiya bilang pundasyon ng pag-unlad ng Pilipinas.
Sa katatapos lamang aniya ng Collective Response to Presidential Commitments in the Energy Sector, araw ng Sabado, muling binigyang-diin ng Pangulo ang layunin ng pamahalaan na palawakin ang koneksiyon, palakasin ang kapasidad, at pababain ang presyo ng kuryente upang maging mas abot-kaya sa bawat Pilipino lalong-lalo na ang mga nasa liblib na lugar partikular na dito ang pagpapadali ng Lifeline Rate Subsidy Program (LRSP) sa pamamagitan ng awtomatikong pagrehistro ng mga benepisyaryo ng 4Ps upang hindi na sila dumaan sa mahabang proseso ng aplikasyon.
Itinakda rin ang bagong lifeline consumption threshold kung saan ang mga 4Ps beneficiaries na may konsumo ng 50-kilowatt hour pababa ay libre na ang kanilang kuryente. Layunin ng programa na gawing mas maagap at makatao ang pagbibigay ng tulong.
Bukod pa rito, pinasimple rin ang proseso ng Net Metering Program sa ilalim ng renewable energy kagaya ng solar panels.
Sa tulong aniya ng mga bagong patakaran mula sa DOE, ERC at iba pang ahensiya, mas malinaw at mas mabilis na ang aplikasyon at interconnection process. ( Daris Jose)

Banta ng China dahil sa pagpuntirya ng mga Senador sa mga Diplomat… Milyong Pinoy mawawalan ng trabaho

Posted on: February 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang Chinese embassy sa Maynila na ang hakbang ng mga senador sa pagpuntirya sa mga diplomat nito ay maglalagay sa panganib ng ugna­yang pang-ekonomiya at maaring magdulot ng pagkawala ng milyong trabaho para sa mga Pilipino.

Ang pahayag ng China ay sa gitna ng tumataas na tensyon sa pagitan ng Beijing at mga mambabatas kaugnay sa patuloy na usapin sa West Philippine Sea.
Sa pahayag ng spokesperson ng China Embassy na si Ji Lingpeng, binatikos nito ang panukala ng ilang senador na idinekla­rang “persona non grata” ang Chinese diplomat o i-recall ang Chinese ambassador.
“Any serious damage to diplomatic relations, including downgrading of those relations, would cost millions of jobs,” ani Ji, na nagsabing isaalang-alang ang potensyal na economic impact at mag-ingat sa mga aksyon kaugnay sa diplomatic matters.
“When it comes to serious diplomatic affairs, some politicians behave like children playing house. Could they at least try to act like adults?” dagdag ni Ji.
Ang pahayag ng embahada ay kasunod ng Resolution No. 256 ng Senado na kumokondena sa pahayag ng Chinese embassy official sa pagpuna sa mga opisyal ng Pilipinas dahil sa pagtatanggol sa pambansang soberanya at mga karapatan sa karagatan.
Samantala, inalmahan ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang nasabing banta ng Chinese Embassy na isa umanong uri ng pangho-hostage sa ekonomiya.
Iginiit nito na dapat tiyakin ng pamahalaan ang kaligtasan at seguridad ng mga Pinoy na nani­nirahan sa China, Macau at Hong Kong kapag inulit ng China ang palit-ulo hostage diplomacy nito tulad ng sinapit ng tatlong Pinoy na nakulong doon sa umano’y kaso ng pang-e-espiya.
Umaasa ang solon na babawiin ng Chinese Embassy ang pahayag nito at iiwasan ang mga mapagbantang mga salita bagaman hindi na aniya ito bago sa karakter ng China.
Ayon kay Cendaña noong 2011 ay nagpatupad ng ban ang China sa pagpasok ng mga ini-export na saging at pinya ng Pilipinas sa kanilang bansa bilang Ganti sa standoff sa Bajo de Masinloc.
Kaya dapat anyang umaksiyon ang mga kinauukulang opisyal ng pamahalaan upang protektahan ang ekonomiya sa mga posibilidad na panggigipit ng China.
( Daris Jose)

MALABON LGU, MAGTATAYO NG EXTENSION BUILDING NG OSPITAL NG MALABON

Posted on: February 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BILANG pagtupad sa pangako na lalo pang palawakin ang serbisyong medikal, magtatayo ng karugtong na gusali ng Ospital ng Malabon (OsMal) ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon para madaling puntahan ng mamamayan.

Sa isinagawang groundbreaking ceremony na pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval, sinabi niya na ang pagtatayo ng extension ng OsMal ay makakatulong sa pagtugon sa lumalaking pangangailangan ng serbisyong medikal sa lungsod.

“Dito, madadagdagan ang bed capacity ng ospital at magkakaroon ng mga bagong pasilidad na magbibigay ng dekalidad na serbisyo para sa mga nangangailangan nating kababayan. Ito ay bahagi ng ating mga layunin para sa mas ligtas, mas malusog, mas maganda, at mas maunlad na Malabon sa hinaharap,” pahayag ni Mayor Jeannie.

Ipinaliwanag ng alkalde na ang anim na palapag na itatayong gusali na kabilang sa kanyang layunin na magkaloob ng libreng serbisyo ang OsMal ay magsisilbing tulay tungo sa pagiging Level 2 Hospital na accredited ng Department of Health (DOH).

Dagdag niya, sa oras na matapos ang gusali ay makakapagtatag na ng mga pasilidad para sa kritikal na pangangalaga ang OsMal tulad ng Intensive Care Unit (ICU), Neonatal Intensive Care Unit (NICU), at mga pangunahing teknolohiyang medikal tulad ng high-tier imaging at tertiary laboratory services, modernong pasilidad tulad ng Dental Services, Rehabilitation Center, CT Scan Facility, at Major and Minor Surgery Operating Rooms.

“Ang proyektong ito, sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Jeannie Sandoval, ay sumasalamin sa hangarin ng pamahalaang lungsod na masiguro na ang mga Malabueño na nangangailangan ng tulong para sa kanilang kalusugan ay makakatanggap ng agarang serbisyo. Sa pakikipagtulungan sa Department of Health at iba’t ibang organisasyon at ahensiya, mas palalakasin pa natin ang ating mga programa at mas ilalapit pa ang serbisyong pangkalusugan sa higit na nangangailangan,” pahayag naman ni City Administrator Dr. Alexander Rosete.

Dumalo rin sa seremonya ang mga konsehal ng lungsod, mga pinuno ng departamento, First Gentleman Ricky Sandoval, mga kinatawan mula sa Department of Health, Philippine Red Cross Malabon Chapter, Philippine Medical Association Malabon-Navotas Medical Society, San Lorenzo Ruiz General Hospital, at Malabon Hospital and Medical Center. (Richard Mesa)

NHA, PINASINAYAAN ANG PROYEKTONG PABAHAY PARA SA MGA ISF NG VALENZUELA

Posted on: February 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL na pinasinayaan ng National Housing Authority (NHA) ang unang tatlong (3) low-rise building (LRBs) bilang bahagi ng Disiplina Village – Arkong Bato, sa isang seremonya na ginanap sa Brgy. Arkong Bato, Valenzuela City.

Personal na pinangunahan ni NHA General Manager Joeben A. Tai ang inagurasyon at pagbabasbas ng mga gusali, katuwang si NHA NCR-North Sector Regional Manager Engr. Jovita S. Panopio.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni GM Tai ang kahalagahan ng kaganapan bilang bahagi ng pangako ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makapaghatid ng ligtas, disente, at sustenableng mga tirahan at komunidad.

“Ang NHA po, sa ilalim ng aking pamumuno at alinsunod sa adhikain ng Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) na isa sa mga hangarin ng ating mahal na Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay patuloy na sumusuporta at aagapay upang makapagbigay po ng ligtas na mga pabahay tungo sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng pamumuhay ng ating mga kababayan,” ani ng pinuno.

Bilang bahagi ng seremonya, nagsagawa rin ang NHA ng ceremonial distribution ng Certificates of Unit Allocation (CUAs) para sa mga kwalipikadong benepisyaryo. Ang mga pamilyang ito ay dumaan sa verification at census na isinagawa ng LGU Valenzuela.

Higit pa rito, hinimok din ni GM Tai ang tatanggap ng proyekto na panatilihing maayos ang kanilang mga tahanan at tiyakin ito bilang isang lugar ng kapayapaan sa loob ng nasabing komunidad.

“Ang hiling lamang namin sa ating mga mahal na benepisyaryo: nawa’y alagaan at pagyamanin ninyo ang mga yunit ng pabahay na igagawad po namin sa inyo. Hangad po namin na ang bawat yunit na ito ay magsilbing sandigan at gabay ninyo tungo sa kaginhawaan,” dagdag ni GM Tai.

Bukod dito, ang kaganapan ay isa sa mga nakalinyang aktibidad alinsunod sa pagdiriwang ng ika-28 cityhood anniversary ng Valenzuela City ngayong buwan ng Pebrero.

Dumalo rin sa seremonya sina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon P. Aliling, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rexlon T. Gatchalian, Valenzuela City First District Congressman Kenneth T. Gatchalian, City Mayor Weslie T. Gatchalian, City Vice Mayor Marlon Paulo C. Alejandrino, Arkong Bato Punong Barangay Alvin Feliciano Jr., at iba pang opisyal ng pamahalaan.
(PAUL JOHN REYES)

DepEd: Mga guro, staff may 5-day wellness leave

Posted on: February 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PAGKAKALOOBAN na ng Department of Education (DepEd) ng hanggang limang araw na wellness leave taun-taon ang kanilang mga teaching at non-teaching personnel upang masuportahan ang kanilang mental health at overall well-being, sa gitna na rin ng tumaas na demands sa sektor ng edukasyon.

“Ito ay handog natin sa bawat kawani ng DepEd—mula sa central office hanggang sa mga rehiyon, division offices, paaralan, at community learning centers, at anuman ang kanilang employment status. Kinikilala natin na ang kanilang kalusugan, lalo na ang mental health, ay mahalaga sa patuloy nilang paglilingkod sa ating mga mag-aaral,” ani Education Secretary Sonny Angara.
Ang wellness leave ay para sa lahat ng eligible na DepEd officials at employees, kabilang na ang nasa permanente, temporary, casual, contractual, coterminous, substitute, at provisional positions, gayundin ang Contract of Service at Job Order personnel na direktang sangkot sa departamento.
Paglilinaw ng DepEd, ang wellness leave ay hiwalay pa sa umiiral nilang vacation at sick leave benefits at maa­aring gamitin para sa mental health care, physical wellness activities, o kahit sa pagkakaroon lamang ng restorative break mula sa trabaho.
Maaaring i-avail ng mga tauhan ang leave ng hanggang tatlong sunud-sunod na araw o maging non-consecutive days sa buong taon, depende sa kanilang pangangailangan at sasailalim sa approval procedures.

Mukhang may trauma na sa younger guys… AIAI, may requirements sa 50 hanggang 60 na type makipag-date

Posted on: February 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAY nakaka-aliw na post si Comedy Queen AiAi delas Alas sa Tiktok account niya ilang araw bago ang Valentine’s Day.
May caption ang comedienne-actress, “Tingnan ko nga kung may gagawa hahahahhaha…matatawa ko pag meron [laughing emojis].
“Malay naten ‘di ba go mga brad let’s do this [laughing emojis].”
Ayon sa komedyana ang ilang criteria para sa makaka-date niya, kabilang na ang edad at lakas nito.
“Sige oh, lagay n’yo sa TikTok ha. Age 45 hanggang 65 ‘yan, pwede ‘yan,” sabi niya.
“Iyong 45 to 50, wala ‘yung requirements. ‘Yung 50 ah siyempre, gusto ko pogi tapos siya magbabayad nung pagkain namin ganyan.”
Diin pa niya, “Pero ‘yung 50 to 60 and above, kailangan makita ko 10 burpees, 15 push-ups, 10 pull-ups, and 5 kilometer run.”
“Oh, video n’yo ‘yan, ha, tapos tingnan ko kung pogi kayo and strong.”
Sabi pa niya, “Pero ‘yung 50 to 60 and above, kailangan makita ko 10 burpees, 15 push-ups, 10 pull-ups, and 5 kilometer run.”
Pahabol pa ni Ai-Ai, “Oh, video n’yo ‘yan, ha, tapos tingnan ko kung pogi kayo and strong, puwede, go!”
Sa comment section, maraming netizens naman ang game na game na pumatol sa nakakaaliw na post ni Ai-Ai.
“Daddy ko na lng po ayoko po kasi sa step mom ko HAHAHAHAHAHAHAAHHAHA.”
“Ako po ms beautiful…67 yrs old may napatayo na…gwapo din haha..[smiling face with hearts emoji].”
“Reto ko sayo tito ko, mam ai, mangingisda, may bahay na asawa nalang po kulang.”
“Baka swede 25 tagalong akong magtiktok hahahaha.”
“Pwede ba asana ko idol kc gusto kita.”
Comment naman ng isa, “Asawa ko Miss Ai…50 na siya, ipinamimigay ko na po Miss Ai.”
Na pabiro ring sinagot ni aktres ng, “Wag naman hahaha Kayoko ng 2nd hand, joke lang hehe, keep the fire of love burning.”
Say naman ng netizen, mas matindi pa raw requirements ni AiAi kesa sa pagpasok ng kadete sa PMA.
Marami pang nakaaaliw na komento na ‘yung ay hindi mo talaga seseryosohin.
Anyway, sa isa naman interview ni AiAi, nabanggit dito na ayaw na niya sa younger guy, after na magtapos ang relasyon ng dating asawa na si Gerald Sibayan.
Parang nag-trauma rin siya sa nangyari kaya never na raw siyang magpapakasal.
Well, ipag-pray na lang natin si Ms. AiAi na makahanap ng lalaking tapat at tunay na magmamahal sa kanya.
***
TUWANG-TUWA kami sa nasilayang pag-iilaw ng mga piling kalye at landmark sa Binondo, sa imbitasyon ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII).
Sumasagisag ito sa mahaba at kahanga-hangang paglalakbay ng distrito mula sa pagkakatatag nito noong 1594, ang pinakamatandang Chinatown sa mundo at isang makasaysayang sentro ng kalakalan at pagpapalitan ng kultura, hanggang sa kasalukuyang tungkulin nito bilang isang protektado ngunit makulay na distritong pamanang nasa gitna ng Maynila.
Ang Phase 1 ng Chinatown Revitalization Project: Lighting of the Jones Bridge ay nakakuha ng malakas na inspirasyon mula sa momentum at vision ng ‘Pasig River Bigyang Buhay Muli Project’ na nagpakita kung paano nagagawa ng heritage restoration ang urban renewal at civic pride.
Ang Phase 2 naman ay naglalayon na bigyang-liwanag at parangalan ang higit sa apat na siglo ng kasaysayan ng Filipino-Chinese, katatagan, at mga kontribusyon sa komersyal at kultural na buhay ng bansa.
Ang mga pangunahing lugar na inilawan ang mga sumusunod:
La Madre Filipina (Four Mother Pillars), na matatagpuan sa magkabilang dulo ng Jones Brigde, MacArthur Bridge (na kitang-kita sa Yuchengco Plaza), Sta. Cruz Church, Four Gates: Qing Shan Gate (Arch of Goodwill), Ongpin South Gat, Ongpin North Gate at Tuan Jie Gate (Arch of Solidarity), Hologram Lights along Quentin Paredes St., Ongpin St. and Sabino Padilla St. at Projection Mapping at the Binondo Church.
Matutunghayan na ito gabi-gabi at sakto rin sa pagdiriwang Year of the Fire Horse ngayong Martes, February 17.
Sigurado na babalik kami sa mga nabanggit na lugar kasama ang mga kaibigan.
Happy Chinese New Year to all!

Tuloy na ang paggiba ng Dolphy Theater sa August… ERIC, ibinahagi ang planong ilipat sa bagong studio ng ABS-CBN sa Bulacan

Posted on: February 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

AYON mismo kay Eric Quizon ay malaking bahagi ng kanyang showbiz career ang ABS-CBN.
“I started my television career with them. My first television show was Loveli-Ness. I co-hosted with Alma [Moreno].

“In fact actually, this year… I started in the industry in 1986. I was 19. So this year is actually my 40th year in the industry. Forty years!”

Ang ABS-CBN rin ang nagbigay ng tiwala kay Eric upang bukod sa pagiging actor ay sumubok siyang maging direktor.

Kaya marami siyang hindi malilimutang alaala sa sa Kapamilya Network.

“Fond memories, marami. ABS-CBN also gave me my first game show. It lasted for almost eight years, Ready, Get Set, Go!.

“ABS is the one who gave me my first… it gave me the chance as a director.

“So my first directorial job was for Maalaala Mo Kaya, and then eventually, I was doing Maalaala, Once Upon A Time, and Star Drama.

“So, kumbaga, nag-switch talaga yung career ko from being just an actor, but to a director as well.

“To a point na puro pagdidirek na lang yung ginagawa ko,” kuwento pa ni Eric.

Kaya ikinalulungkot ni Eric na gigibain na ngayong taon ang compound ng ABS-CBN na naibenta na.

Bukod dito, kasama sa made-demolish ay ang Dolphy Theater, na tribute ng ABS-CBN sa ama ni Eric na Comedy King.
“I know by August. Yeah, I was told. Wala na, naibenta na, e. So, gigibain talaga yun,” pahayag ni Eric nang makausap namin sa grand opening ng JuanMeds Pharmacy sa Lemon Square, sa EDSA Quezon City.
Ang bagong studio ng ABS-CBN ay sa Bulacan at sa pagkakaalam ni Eric ay magkakaroon din doon ng Dolphy Theater.

“Alam ko kung may plans sila na ilipat yung theater doon.

“Kasi, dine-develop pa rin naman talaga nila yun.”

Kaya hindi pa sigurado si Eric kung ibibigay sa kanya ang hinihingi niyang insignia na nakalagay sa labas gigibaing ng Dolphy Theater kung saan may mukha ng namayapang niyang ama.

“Yung insignia, the signage? Hinihingi ko kay Tita Cory [Vidanes]. Sabi niya, ‘Tingnan natin, Eric, kasi baka gagamitin din namin yan.’

“They might put up another Dolphy Theater in Bulacan. “So, may ganun naman sila.

“Sabi ko, ‘Pagka ano, ha? Akin na lang yan,’” kuwento pa ni Eric.

Samantala, si Eric ang celebrity endorser ng JuanMeds Pharmacy na isang online drugstore na pag-aari ni Rico Fernando M. Chico na dating nagtatrabaho sa ABS-CBN.

Ihahatid mismo sa bahay ng um-oder ang mga gamot, branded at generic, na in-order.

Kasama si Eric sa pelikulang ‘Until She Remembers’ nina Barbie Forteza, Boots Anson-Rodrigo at Charo Santos-Concio na magso-showing sa mga sinehan sa Pebrero 25.

Sa direksyon at panulat ng maituturing naman na isa sa mga hari sa larangan ng pagdidirek, si Brillante Mendoza, ang Until She Remembers ay mula sa Center Stage Productions at Solar Studios, Inc. at executive producer Wilson Tieng kung saan tampok rin sina Albert Martinez, Angel Aquino, Eric Quizon, Vince Rillon, Erlinda Villalobos, Carlitos Siguion-Reyna, Perla Bautista, Angel Latorre, Bianca Kierulf, at iba pa.

Ads February 17, 2026

Posted on: February 17th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Nagdesisyon na makipag-divorce after 14 years… PRISCILLA, kinumpirma na napawalang-bisa na ang kasal nila ni JOHN

Posted on: February 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA na ni Priscilla Meirelles na napawalang-bisa na ang kasal nila ng aktor na si John Estrada.
Ayon sa Brazilian beauty queen, naghain siya ng diborsyo sa Brazil noong 2024.
“We are no longer married, which means bilang isang foreigner may karapatan ako to divorce my husband, so last year I went to Brazil and started the process of divorcing him.
“I didn’t announce to anyone kasi ayaw kong magsalita ng mga bagay na hindi pa napapatunayan,” sey ni Priscilla.
Nagdesisyon siyang idiborsyo si John matapos ang 14 taon dahil hindi na niya nakikita ang sarili na ibinabahagi ang kanyang buhay na kasama si John.
“For me, the marriage is no longer valid, I don’t see myself sharing a life with that person anymore.
“I fought for 14 years and I got to the point where hindi ko na kaya and I realized after a lot of things that happened, the best thing for me is to really move forward mag-isa.”
Ikinasal sina Priscilla at John noong 2011. Mayroon silang isang anak na babae, si Samantha Anechka, na isinilang noong 2012.
***
UMABOT na sa $2 million ang laman ng GoFundMe account para sa yumaong bida ng ‘Dawson’s Creek’ na si James Van Der Beek.
Ang naturang account ay para matulungan ang naiwang pamilya ni James para sa naging malaking gastusin sa pagpapagamot niya at ngayon para sa kanyang funeral service.
The organizers of the GoFundMe account ay nagpasalamat sa lahat ng nag-donate ng kanilang tulong.
“Thank you from the bottom of our hearts for showing up for James and his beautiful family. Your kindness has meant more than we can put into words. In the middle of deep grief, your support has been a light. It reminds us that love is real, that community is strong, and that James’s spirit continues to bring people together.”
Inamin ni James sa isang interview na wala siyang natanggap na residual checks para sa ‘Dawson’s Creek’ na patuloy na umeere sa streaming platforms. Nagtapos ang series noong 2003.
“There was no residual money. I was 20. It was a bad contract. I saw almost nothing from that,” sey ng aktor noong 2012.
Paliwanag ng producers ng Dawson’s Creek: “TV shows not on ABC, CBS, or NBC are considered already ‘syndicated’ and all that means they don’t have to pay proper residuals to actors. It F’s actors like James out of their deserved financial security and proper legacy.”
Kinailangan daw ibenta ni James ang kanyang precious memorabilias from the show on eBay para matustusan ang kanyang pagpapagamot at ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Ghostface is back for the bloodline, watch “SCREAM 7” starring Neve Campbell, Isabel May and Courteney Cox

Posted on: February 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

LIKE mother, like daughter. In Scream 7, when a new Ghostface killer emerges in the quiet town where Sidney Prescott (Neve Campbell) has built a new life, her darkest fears are realized as her daughter (Isabel May) becomes the next target. Determined to protect her family, Sidney must face the horrors of her past to put an end to the bloodshed once and for all.

Get ready for a bloody good time when Scream 7, directed by creator Kevin Williamson and also starring Courteney Cox, Anna Camp, Joel McHale, Mckenna Grace, Ethan Embry and Mark Consuelos, slashes its way into cinemas on February 25.

Watch the Scream 7 Big Game Spot: http://y2u.be/hdJD8sofBxE

About Scream 7:

Paramount Pictures and Spyglass Media Group Present “Scream 7”

SYNOPSIS:

When a new Ghostface killer emerges in the quiet town where Sidney Prescott (Neve Campbell) has built a new life, her darkest fears are realized as her daughter (Isabel May) becomes the next target. Determined to protect her family, Sidney must face the horrors of her past to put an end to the bloodshed once and for all.

PRODUCED BY William Sherak, James Vanderbilt, Paul Neinstein

BASED ON CHARACTERS CREATED BY Kevin Williamson

STORY BY James Vanderbilt & Guy Busick

SCREENPLAY BY Kevin Williamson and Guy Busick

DIRECTED BY Kevin Williamson

CAST: Neve Campbell, Courteney Cox, Isabel May, Jasmin Savoy Brown, Mason Gooding, Anna Camp, Joel McHale, Mckenna Grace, Michelle Randolph, Jimmy Tatro, Asa Germann, Celeste O’Connor, Sam Rechner, Ethan Embry, Tim Simons and Mark Consuelos

#Scream7 @paramountpicsph