• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2026

Gawad Pagkilala ng Taiwan kay House Secretary-General Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na kinatawan ng Pilipinas sa MECO, ipagkakaloob

Posted on: January 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ISANG prestihiyosong Gawad Pagkilala ang ipagkakaloob ng Taiwan kay House Secretary-General Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na nagsilbing kinatawan ng Pilipinas sa Manila Economic and Cultural Office (MECO).

Kasunod ito ng natanggap na imbitasyon ni Garafil na nagsasabing siya ay gagawaran ng Order of Brilliant Star with Grand Cordon.
Ito ay isa sa pinakamataas na gawad kung saan ang mismong magkakaloob nito ay Foreign Minister H.E, Lin Cia-lung bilang kinatawan naman ng Republic of China (Taiwan).

Nakasaad sa imbitasyon ang, “cordially invited to a ceremony and reception in which H.E. Lin Cia-lung, Minister of Foreign Affairs, will confer, on behalf of the government of the Republic of China (Taiwan), the Order of Brilliant Star with Grand Cordon upon Honorable Cheloy E. Velicaria-Garafil, former Chairperson and Resident Representative of the Manila Economic and Cultural Office, Republic of the Philippines.”

Isasagawa ang pagbibigay Gawad sa Enero 23 sa Grand Hall, ng Ministry of Foreign Affairs, Ketagalan Boulevard, Taipei ng alas 11:00 ng umaga.

Si Garafil bago maging Secretary-General ng Kamara ngayong 20th Congress ay naging kinatawan ng Pilipinas sa MECO.

“With humility, I share this honor with our colleagues and partners who worked tirelessly during my service. This recognition reflects the work done to strengthen professional and constructive engagement between the Philippines and Taiwan,” ani Garafil.

Ang Order of Brilliant Star with Grand Cordon ay kilalang Gawad pagkilala na ipinagkakaloob ng Taiwan sa mga foreign officials at envoys dahil sa mga naiambag sa diplomatic relations. (Vina de Guzman)

WALANG VIP TREATMENT SA MGA FLOOD CONTROL DETAINEES- BJMP

Posted on: January 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) na walang VIP o special treatment sa mga opisyal ng gobyerno sakaling makulong ito kaugnay sa kontrobersyal na flood control projects.
Sa press conference sa 2nd National Decongestion Summit sa Manila Hotel, sinabi ni BJMP spokesperson Jayrex Bustinera na standard ang kanilang kulungan. Kung saan nakakulong ang mga ordinaryong bilanggo ay doon din ikukulong ang mga sangkot sa infrastructure projects.
Giit ni Bustinera zero tolerance ang BJMP sa anumang espesyal na trato.
Kung may opisyal ng BJMP na magbibigay ng VIP ay sasamahan ng kasong administratibo at maaring tanggalin sa serbisyo partikular ang Warren .
Sinabi pa ni Bustinera na magbibigay ng body work camera ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga jail personnel na magbabantay sa mga dating opisyal ng gobyerno upang matiyak ang transparency at accountability.
Tiniyak din ng BJMP na ang kanilang pasilidad ay makatao at ang trato sa ordinaryong bilanggo ay pareho lamang sa ipinagkakaloob sa mga high-profiles.

Tiwala rin ang BJMP na ang kanilang mga empleyado ay propesyonal at susunod sa professional ethics at guidelines .
Bukod dito, susunod din aniya sila sa patakaran na ‘no VIP treatment”.
(Gene Adsuara)

120th Navotas Day Grand Parade

Posted on: January 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAINIT na sinalubong ng mga Navoteño sina Miss Universe 2025 3rd runner-up Ms. Ahtisa Manalo at actress na Ms. Max Collins na nakasama nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco sa Grand Parade ng pagdiriwang ng ika-120th anibersayo ng Navotas. Pumarada rin ang mga kawani at opisyal ng pamahalaang lungsod at mga barangay, national government agencies, mga kawani ng sektor ng edukasyon, mga negosyo sa Navotas, civil society groups, Mutya ng Navotas 2026 at Gandang Lola at Astig na Lolo 2026. (Richard Mesa)

BARZAGA NAGHAIN NG COUNTER AFFIDAVIT SA DOJ

Posted on: January 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN ng kanyang counter affidavit sa Department of Justice ( DOJ) si Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga kaugnay ng inihaing reklamo ng PNP-CIDG na may kinalaman sa anti-Marcos protest at online post.

Sa panayam ng mga mamamahayag , naging kumpiyansa si Barzaga na ibabasura ng panel of prosecutors ang reklamong inciting to sedition at inciting to rebellion na inihain laban sa kanya ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group.

Nag-ugat ang reklamo kay Barzaga kasunod ng kanyang post sa social media na may kinalaman sa panawagang
ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Isa rin sa basehan ng reklamo ng PNP-CIDG ang pangunguna ni Barzaga sa Anti-Marcos protest sa Forbes Park sa Makati City, October 12 noong nakaraang taon o public protest na walang permit.

Sa kanyang counter-affidavit iginiit ni Barzaga na bahagi lamang ng freedom of speech ang kanyang post online at wala naman umanong karahasang nangyari noong protesta.

Umaasa rin ang mambabatas na mareresolba ang kanyang ethics complaint bago siya bumalik sa Kongreso sa Pebrero.

Pagdating naman sa kanyang trabaho at pagseserbisyo sa kanyang distrito bilang mambabatas, sinabi ni Barzaga na hindi naman nakaapekto ang kinakaharap niyang ethics complaint. (Gene Adsuara)

CHAIRPERSON MENDOZA AGAD NA PINAIIMBESTIGAHAN ANG ISABELA ROAD CRASH

Posted on: January 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng pamumuno ni DOTr Secretary Giovanni Z. Lopez, ang Regional Director ng Cagayan Valley Region na pabilisin ang pagproseso at pag-release ng insurance payment para sa lahat ng biktima ng banggaan ng isang truck at pampasaherong jeepney sa Luna, Isabela nitong Miyerkules, Enero 21.Tatlong katao ang unang naiulat na nasawi dahil sa malakas na impact. Binigyang-diin ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II na dapat agad na maipaabot ang tulong sa kanilang mga pamilya, gayundin sa mga nasugatan.“Sa ngalan ng mga kawani ng LTFRB, ipinapaabot namin ang taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa malungkot na pangyayaring ito,” ani Chairperson Mendoza.“Alam naming hindi mapapalitan ang buhay at walang anumang tulong ang makakabawas sa sakit ng pagkawala ng isang kapamilya. Ngunit ang magagawa natin ngayon ay tiyakin na ang karapatan ng mga biktima sa insurance payment ay maprotektahan at mapabilis.”Ayon kay LTFRB Region 2 Regional Director Atty. Richard Dayag, agad silang kumilos matapos mamonitor ang kumalat na video ng aksidente na iniulat ng isang lokal na news agency sa social media. Agad na nag-deploy ng mga tauhan upang magsagawa ng imbestigasyon at kumuha ng kopya ng police report. Batay sa paunang ulat, naganap ang aksidente sa kahabaan ng national highway nang mawalan ng kontrol ang driver ng dump truck dahil sa bilis at madulas na kalsada, dahilan upang bumangga ito sa jeepney na paparating mula sa kabilang direksyon.Dahil sa matinding impact, tumaob ang jeepney, na nagresulta sa pagkahulog ng ilang pasahero at pagkakahiwalay ng bubong ng sasakyan.Alinsunod sa utos ni Chairperson Mendoza, sinabi ni RD Dayag na nagsimula na silang makipag-ugnayan sa transport cooperative na may-ari at nagpapatakbo ng jeepney, gayundin sa Passenger Accident Management & Insurance Agency, Inc. (PAMI), upang mapabilis ang pagproseso ng insurance claims.Bilang bahagi ng protocol, naglabas din ng show cause order laban sa operator ng jeepney upang matukoy ang road worthiness ng naturang sasakyan.(PAUL JOHN REYES)

1 patay, 2 sugatan, higit 50 pamilya nawalan ng tirahan sunog sa Navotas

Posted on: January 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ISA ang nasawi habang dalawa ang sugatan at mahigit 50 pamilya naman ang nawalan ng tirahan sa nangyaring magkahiwalay na sunog sa Navotas City.

Sa ulat, nagsimulang sumiklab ang apoy sa bahay ni alyas “Paeng” sa North Bay Boulevard South (NBBS) alas-9:56 ng Martes ng gabi na mabilis na kumalat sa may 13 pang kabahayan na pawang gawa sa light materials na dahilan upang mawalan ng tirahan ang may 57 pamilya.

Inaakusahan ng kanyang mga nasunugang kapitbahay si ‘Paeng’ na sinadyang silaban ang kanyang bahay bunga ng pagkahumaling umano sa illegal na droga kaya binitbit siya ng pulisya sa presinto para sa imbestigasyon.

Nagsasagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon ang Navotas Bureau of Fire Protection (BFP) na silang may karapatang magsiyasat sa mga nagaganap na sunog kaya hihintayin ng pulisya ang pinal na ulat bago magpasiya sa kahihinatnan ng suspek.

Nagpadala naman kaagad ng mga pangunahing pangangailangan sa mga pamilyang nasunugan si Navotas Mayor John Rey Tiangco at personal niya rin binisita ang mga ito para kamustahin ang kanilang kalagayan. Tiniyak niya rin na makakatanggap sila ng kaukulang ayuda para sa muli nilang pagbangon sa trahedya.

Nauna rito, alas-12:17 ng tanghali nang sumiklab din ang sunog sa isang bodegang imbakan ng pang-dekorasyon at muwebles sa Encarnacion St. Brgy. Sa Rafael Village, kung saan nasawi ang 20-anyos na trabahador na taga-Cavite matapos ma-trap habang dalawa pa ang sugatan.

Ayon kay arson investigator SFO2 Junibert Mendoza, posibleng electrical overload o tumalsik na baga mula sa pagwe-welding ang dahilan ng sunog dahil inamin ng welder na gumamit siya ng extension wire habang nagwe-welding.

Inabot ng halos apat na oras ang sunog na itinaas sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula alas-4 na ng hapon habang tinatayang aabot sa P5.2 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.
(Richard Mesa)

P22.8 bilyong assets sa flood scam na-freeze ng AMLC

Posted on: January 23rd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT na sa 15 freeze order na kinapapalooban ng P22.869 bilyong mga ari-arian ang na-freeze na ngayon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) may kinalaman sa ghost flood control projects sa bansa.

Ang hakbang ay ­alinsunod sa Anti-Money Laundering Act na nagbibigay kapangyarihan sa AMLC na mai-freeze ang mga kwestyonableng transaksiyon sa pamahalaan.
Ang naturang freeze orders ay mula sa assets ng 724 indibidwal at 537 kompanya tulad ng mga companies.

Ang P22.8 bilyong assets ay kapapalooban ng P14 billion (6,692 bank accounts), P4.8 billion (10 air assets), P2.1 billion (161 real estate properties), P902.1 million (other investments), P490 million (394 insurance accounts), P445.2 million (229 motor vehicles) at P400,639 (16 e-wallet accounts).

Iniulat ng AMLC na handa na silang magsampa ng forfeiture case makaraan ang anim na buwan para maibalik ang mga assets sa kaban ng pamahalaan.

Una nang napaulat na na-freeze na ang ilang yaman ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at contractor na si Sarah Discaya matapos akusahan na nagkaroon umano ng kickback sa flood control projects sa gobyerno.
Nang ibunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SONA noong nakaraang taon ang 15 contractor na kakutsaba ng ilang opisyal ng gobyerno ay isa-isa nang nabuko ang umano’y limpak na salapi na nakuha umano ng mga engineer ng DPWH at contractor dahil sa pakikipagkutsabahan sa ilang Congressman at Senador.

Ads January 23, 2026

Posted on: January 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Ads January 22, 2026

Posted on: January 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Pinainit ang followers sa sexy topless photos… YASSER, kasama sa Bali ang nababalitang girlfriend na si ROBB

Posted on: January 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINAINIT ni Yasser Marta ang kanyang followers sa social media sa pag-post nito ng sexy topless photos.
Nagbakasyon kamakailan sa Bali, Indonesia ang Kapuso hunk at pinost nito ang ilang photos na nasa beach siya at kita ang kanyang balbon na katawan.
Wala ngang kiyeme si Yasser sa pag-pose na sexy, lalo na kung paiinitin niya ang kanyang mga accla followers.
Pero pikon ang ibang accla dahil hindi solo si Yasser sa Bali dahil kasama nito ang nababalitang girlfriend na si Robb Guinto. Nakilala si Robb dahil sa mga pinagbidahan nitong mga soft-core porn movies sa Vivamax o VMX.
Maraming beses nang nakikita ang dalawa na nagde-date at very sweet sila sa isa’t isa.
May ginawang sexy movie ang dalawa titled “Desperada” kunsaan hindi napigilan si Yasser na maging daring all the way kasama si Robb.

***

UNTI-UNTI na raw nakaka-move on si Jackie Lou Blanco sa pinagdaanan ng kanilang pamilya noong nakaraang taon.
Magkasunod kasing pumanaw ang kanyang inang si Pilita Corrales, at dating asawa na si Ricky Davao.
Pumanaw si Pilita noong April sa edad na 87. Si Ricky naman ay noong May sa edad na 63.
“2025 was very difficult for our family because we lost two of our loved ones. But that’s part of God’s plan.
“We may not understand, it was difficult. Mahirap. For all of us. In all aspects. More often than not, you don’t know how you’re able to go through it,” sey ni Jackie.
Ayon pa kay Jackie, naging mahirap din na hindi nila naipaliwanag ni Ricky sa publiko ang tungkol sa kanilang hiwalayan.
“Siguro, when Ricky and I separated, kasi we did not announce it to the public. So siguro, now that I’m thinking about it, siguro the lie there was, I guess when we were out, we would pretend.
“People didn’t really know that we were separated. So for me, parang, that’s also a lie because you’re pretending that things are okay.
“Parang we would, or siguro inisip na lang namin na parang let’s just be civil or people don’t have to know.”
Bukod kina Pilita at Ricky, kabahagi rin ng pamilya ni Jackie ang pumanaw na Superstar at National Artist na si Nora Aunor noong April at ang kapatid ni Ricky na si Bing Davao na pumanaw nung December.
Balik-trabaho na si Jackie sa GMA Afternoon Prime series na “House of Lies.”

***
PUMANAW noong January 19 ang legendary European designer na si Valentino.
He was 93.
Naging signature design ni Valentino ay ang red dress na kung tawagin sa fashion world ay “Valentino Red”.
The funeral will take place on Friday, January 23 at the Basilica Santa Maria degli Angeli e dei Martiri, in Piazza della Repubblica 8 in Rome.
Born Valentino Clemente Ludovico Garavani on May 11, 1932, in Voghera, Italy. Nag-aral siya ng fashion sa École des Beaux-Arts and the Chambre Syndicale de la Couture Parisienne in Paris.
Naging muse niya si Jackie Kennedy after wearing an original Valentino gown sa wedding nito kay Greek Tycoon Aristotle Onassis in 1968. Pina-auction ang gown in 2024 at nabili ito sa halagang $24K.
Naging muses din ni Valentino sina Elizabeth Taylor, Sarah Jessica Parker, Nicole Kidman, Gwyneth Paltrow, Jennifer Aniston, at Anne Hathaway. Nagkaroon pa ng guest role ang designer sa pelikulang The Devil Wears Prada in 2006.
Nine years before his retirement, Valentino sold his fashion brand for $300 million to Holding di Partecipazioni Industriali in 1998.
Naging last haute couture show ni Valentino ay noong 2008 at the Musée Rodin in Paris.

(RUEL J. MENDOZA)