• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WALANG VIP TREATMENT SA MGA FLOOD CONTROL DETAINEES- BJMP

NILINAW ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) na walang VIP o special treatment sa mga opisyal ng gobyerno sakaling makulong ito kaugnay sa kontrobersyal na flood control projects.
Sa press conference sa 2nd National Decongestion Summit sa Manila Hotel, sinabi ni BJMP spokesperson Jayrex Bustinera na standard ang kanilang kulungan. Kung saan nakakulong ang mga ordinaryong bilanggo ay doon din ikukulong ang mga sangkot sa infrastructure projects.
Giit ni Bustinera zero tolerance ang BJMP sa anumang espesyal na trato.
Kung may opisyal ng BJMP na magbibigay ng VIP ay sasamahan ng kasong administratibo at maaring tanggalin sa serbisyo partikular ang Warren .
Sinabi pa ni Bustinera na magbibigay ng body work camera ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga jail personnel na magbabantay sa mga dating opisyal ng gobyerno upang matiyak ang transparency at accountability.
Tiniyak din ng BJMP na ang kanilang pasilidad ay makatao at ang trato sa ordinaryong bilanggo ay pareho lamang sa ipinagkakaloob sa mga high-profiles.

Tiwala rin ang BJMP na ang kanilang mga empleyado ay propesyonal at susunod sa professional ethics at guidelines .
Bukod dito, susunod din aniya sila sa patakaran na ‘no VIP treatment”.
(Gene Adsuara)