• June 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November, 2025

5 Wish Kay Juan program

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ng livelihood packages sa 60 benepisyaryo sa ilalim ng programang Wish Kay Juan. Ayon sa kanila, ang mga panimulang mapagkukunan ay iniakma sa kanilang napiling mga aktibidad na nagbibigay ng kita upang makatulong na palakasin ang kita ng sambahayan at mapabuti ang katatagan ng ekonomiya. (Richard Mesa)

HOA SA NOVALICHES, KINONDENA SI EX-COUNCILOR ALLAN FRANCISCO

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MARIING kinondena ng Neopolitan IV Brittany Executive Village Homeowners Association, Inc. (NEBHVAI) ang mga di-umano’y kasinungalingang ipinapakalat ni dating konsehal Allan Francisco hinggil sa infrastructure project ng Brittany Annex na tinawag ng asosasyon na pawang imbento, mapanira at may halong pulitika.

Sa Board Resolution No. 25-023 na ipinasa noong Nobyembre 8, 2025, binigyang diin ng NEBHVAI na ang proyekto ay lehitimong solusyon sa pagbaha sa komunidad ng pamahalaan. Layunin nitong wakasan ang matagal ng problema ng pagbaha di lamang sa Neopolitan IV Brittany (Main at Annex) kundi pati na rin sa mga karatig-subdivisions gaya ng Teresa Heights, New Haven Village at Jordan Plains.

Ayon sa asosasyon, ang main drainage system na dumadaan sa Neopolitan Brittany ay bahagi ng malawak na floodway network na dumadaloy mula Quirino Avenue, Belfast Avenue, New Haven at St. Dominic papuntang Jordan Plains 4, at sa huli ay umaagos sa Tullahan River.

Mismong Quezon City Government ang humiling na ikonekta ang sistema nito sa box culverts ng subdivisions sapagkat ito lamang ang “viable outlet” upang maiwasan ang pagbaha sa lugar.

“Walang katotohanan ang mga sinasabi ni Allan Francisco, puro palabas at pulitika,” giit ng isang homeowner. Habang ang gobyerno at komunidad ay nagtutulungan para solusyunan ang baha, siya naman ay abala sa pagpapakalat ng fake news para sirain ang mga taong tunay na tumutulong. Kung ayaw nyang tumulong, huwag naman siyang mamerwisyo,” ayon sa isang residente.

“Allan Francisco is the last person who should talk about governance. He has no credibility to question legitimate projects. What he’s doing is pure political noise, spreading lies, sowing confusion ang pretending to care when in truth, he’s just trying to stay relevant. Ni hindi man lang sya nag fact finding ng maayos para malaman ang katotohanan. Halatang gusto lang nya ng PR,” ayon sa isang miyembro rin ng asosasyon.

Nanindigan ang NEBHVAI na ang proyekto ay naisakatuparan sa mabuting hangarin at alinsunod sa batas. Ayon sa asosasyon , ang flood control project ay kongkretong halimbawa ng pagpapatupad ng prinsipyo ng “General Welfare” ay ang tungkulin ng pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan, kagalingan at proteksyon ng mga mamamayan laban sa panganib at sakuna.

“Ang tagal naming hinintay ang proyektong ito, sa wakas matutuloy na rin. Hindi namin papayagan ang Epalitics o Epal Politics at patuloy na magdusa sa kapritso ng isang tao lamang. Sa laban na ito, hindi kami matitinag ng kasinungalingan at pulitikang marumi.

Sa huli, tiniyak ng NEBHVAI na patuloy nitong ipaglalaban ang katotohanan at interes ng mga residente. (PAUL JOHN REYES)

LTO: E-bikes, e-trikes ipagbabawal na sa mga pangunahing lansangan

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SISIMULAN ngayong Lunes, December 1, ang pagbabawal sa mga e-bikes at e-trikes na dumaan sa mga pangunahing lansangan sa bansa kasabay ang gagawing information dissemination tungkol sa bagong batas na ito.

Ito ay ayon sa isang pahayag ni Senator JV Ejercito na siyang designated budget sponsor ng Department of Transportation (DOTr) sa isang budget hearing kung saan binigyan diin naman ni LTO assistant secretary Martine Lacanilao ang nasabing bagong kautusan.

Ang mga mahuhuli na lumabag sa pinag-uutos ng LTO ay kukunin ang unit at i-impound ito automatically.

“According to LTO and DOTr, automatic impound because … it’s really a dilemma. Sometimes the drivers are not really licensed, sometimes it’s the mothers who are driving carrying their children. It’s dangerous. So, the LTO said that they will impound them automatically, especially when on main thoroughfares,” wika ni Ejercito.

Magkakaroon muna ng information drive ang DOTr at LTO na sisimulan din ngayon Lunes hinggil sa bagong kautusan na ipagbabawal na ang mga e-bikes at e-trikes sa mga pangunahing lansangan sa bansa. Bibigyan muna pagkakataon malaman ng mga tao ang tungkol dito bago pa manghuli ang LTO.

“DOTr Secretary Lopez said that by December 1 that they will first do an information drive, go around, and inform everyone about it. So, they will first give everyone a chance to know, through an information campaign, before they apprehend. They will give a warning first,” dagdag ni Ejercito.

Sinabi rin ni Senator Raffy Tulfo sa nasabing budget hearing na may reklamo siyang nakukuha na ang mga e-bikes at e-trikes ay ang mga bagong “king of the road” sa mga lansangan ngayon at pinalitan na ang mga jeepneys.

Saad pa ni Tulfo na hindi naman siya tutol sa operasyon ng mga ito dahil alam niya na ito ay isa sa mga pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga tao subalit kanyang nakita na ang karamihan sa mga ito ay siyang nagiging sanhi ng aksidente sa lansangan.

Sinabi naman ni Ejercito na ang LTO ay makikipagpulong sa Department of Interior and Local Government (DILG) at mga lokal na pamahalaan upang pag-usapan kung paano ang gagawin nila upang bigyan ng solusyon ang nasabing problema.

Magkakaroon din ng konsultasyon ang DOTr sa mga stakeholders tungkol sa kaligtasan, pagrerehistro at pagbibigay ng license sa mga drivers ng mga e-bikes at e-trikes.

“They really won’t be allowed on main thoroughfares. Maybe, we will give leeway when they are inside a barangay or subdivisions. But, they really will not be allowed anymore on major thoroughfares,” ayon pa rin kay Ejercito. LASACMAR

OWWA: 19 OFWs, apektado ng sunog sa HK

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASA 19 Pinoy ang naapektuhan ng malaking sunog na sumiklab sa Hong Kong high-rise residential complex.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Patricia Caunan, karamihan sa mga naturang overseas Filipino workers ay nawalan ng pasaporte at employment contracts dahil sa sunog.

Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pa silang natatanggap na beripikadong impormasyon na may mga Pinoy na nasugatan o nasawi sa sunog.

Gayunman, bini­beripika umano nila ang mga natanggap na ulat ng Philippine Consulate General na may ilang Pinoy ang posibleng na-trapped sa sunog.

Miyerkules ng hapon nang sumiklab ang sunog sa walong gusaling housing estate sa northern Tai Po district, na may 2,000 apartment at ikinasawi ng 55 indibidwal at ikinasugat ng 56 na iba pa.

Nasa 300 katao naman ang iniulat na nawawala dahil sa sunog at patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Ka-level na niya sina Pia, Sanya, Angelica at Marian: SUE, pinangarap at nag-manifest na magiging GSM Calendar Girl

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INI-REVEAL na ng Ginebra San Miguel ang mahusay na aktres at performer na si Sue Ramirez ang napiling 2026 Calendar Girl.
Ipinakilala si Sue sa media launch na ginanap sa Manila Diamond Hotel bilang pinakabagong “Siren” ng brand sa pamamagitan ng anim na mapang-akit na layout na nagpapatingkad sa kanyang kumpiyansa, lakas, at pang-akit.
Ang anunsyo ay nagmamarka ng isang pangunahing milestone sa karera para kay Sue, na dating nagsilbi bilang ambassador ng GSM Blue sa loob ng anim na taon, na ginagawang mas makabuluhan ang pagbabalik na ito.
“When I received the wonderful news, I cried tears of pure joy,” pahayag ng aktres na tinaguriang ng Street Siren ng GSM.
“I honestly didn’t expect to come back or get this chance again. It was something I had prayed for.”
Dagdag rebelasyon pa ni Sue, “for some reason, parang something inside me was really telling me that na magiging calendar girl ako, meron akong ganun.
“And I think, I really needed that attitude to manifest the blessings and here it is.
“Sobra-sobrang proud ako para dalhin ko itong brand na ito, at para mabigay sa akin ang responsibility at chance na ito. I really cherished this and I’m so so proud of it.”
Ang pagpili kay Sue ay sumasalamin sa mga taon ng pagsusumikap, tiyaga, at personal na pag-unlad, na nagtatapos sa kung ano ang inilalarawan niya bilang isa sa kanyang pinaka-empowering na tungkulin hanggang sa kasalukuyan.
Nanguna sa paglulunsad, binihag ni Sue ang mga panauhin sa debut ng anim na konsepto ng kalendaryo, bawat isa ay ginawa upang isama ang diwa ng isang kontemporaryong Siren.
“Nobody else embodies the modern Siren quite like Sue Ramirez,” ayon kay GSM AVP for Marketing Ron Molina.
“She represents a woman who not only tums heads but also inspires others through her confidence, authenticity, and passion. Sue doesn’t just lure attention-she attracts success.”
Bago ang mapang-akit na calendar shoot, nahaharap pala si Sue sa isang personal na hamon.
“When I got the call, I wasn’t physically ready. I had just recovered from an ankle and hand injury. I gained weight because I couldn’t move much for almost four months,” pagbabahagi niya na nagpasabog ng kaseksihan habang nagpi-perform sa media launch.
Hindi naman ito naging hadlang bagkus ginamit pa niyang motivation.
“It became my wake-up call-to live healthier, to eat better, and to move again.”
Para kay Sue, ang pagiging Ginebra San Miguel Calendar Girl ay higit pa sa kagandahan dahil ito ay tungkol sa pagmamahal sa sarili at disiplina.
“It’s not just about looking good on camera,” sabi pa niya.
“It’s about showing how much you value yourself and your well-being.”
Sa loob ng ilang dekada, pinili ng Ginebra San Miguel ang mga kababaihan na sumasalamin ng kumpiyansa, karakter, at tapang spirit.
“It is someone who inspires and upholds the brand’s character. Sue fits the criteria perfectly an empowered woman with personality and authenticity, whose story resonates even with ordinary people,” dagdag pa ni Mr. Molina.
Kabilang na nga si Sue sa listahan ng mga naggagandahang Calendar Girl ng GSM.
Last year ini-launch si Julie Anne San Jose for 2025, sinundan niya sina Yassi Pressman for 2024, Chie Filomeno for 2022 at Christelle Anello for 2021.
Kabilang din sa past calendar girls sina Pia Wurtzbach, Angelica Panganiban, Sanya Lopez, Arci Muñoz, Kim Domingo, Rufa Mae Quinto at Marian Rivera.
(ROHN ROMULO)

Halatang gawa-gawa lang at paninira: RIA at ZANJOE, parehong dedma lang sa ‘fake news’ na hiwalay na

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA totoo lang, mas marami pa yatang fake vloggers ngayon kaysa sa legit.
Yes out 10 parang 8 ang mga vlogger na mahilig talagang magpakalat ng mga fabricated at imbentong balita at 2 lang ang talagang nagre-research ng totoong balita sa showbiz.
Kaya marami talagang artista ang biktima ng fake news.
Katulad ng isyu sa mag-asawang Ria Atayde and Zanjoe Marudo, ikinakalat kasi lately na hiwalay na raw sila.
At ang the height ang nadadamay pa raw si Maine Mendoza na hanggang ngayon ay intact ang relasyon at happily married kay Rep. Arjo ng 1st District ng Quezon City. Well, pahiya ang mga vlogger na ito dahil parehong dinedma ni Ria at Zanjoe ang ipinagkalat nilang fake news.
Just recently lang ay magkasama ang showbiz couple sa Star Magic Christmas Ball 2025. Meaning walang nangyaring hiwalayan at maayos ang pagsasama ng mga ito with their son Sabino.
Saka sobrang mahal ni Zanjoe si Ria kaya hindi ito magagawang lokohin ng actor. Saka malaki ang respeto ni Zanjoe sa pamilya Atayde.
Loud and Clear!
***
Beaver, happy and inspired sa na-experience sa ‘Star Magic Christmas Ball’

HAPPY ang Kapamilya actor and singer na si Beaver Magtalas dahil finally ay na-experience na niya ang um-attend ng Star Magical Christmas Ball 2025 na ginanap kamakailan sa Okada Manila.
“What an exciting day. Got to meet and interact with talented co-artists who inspire you with their loyalty, versatility, and passion for their work! And to top it off, got to experience the magic of the ABS-CBN Star Magic Christmas Ball.
“So much fun, inspiration, and happiness(with big heart emoji).” Post pa ni Beaver sa kanyang well-followed na official Facebook Fan Page.
At wow, lalong lumutang ang kagwapuhan ni Beaver sa suot na outfit, nang rumampa siya sa red carpet kasama ang kapwa talent sa Star Magic Philippines na si Josh Worsley.
At ang ganda ng introduction ng dalawang hosts ng event kay Beaver na he’s playing Ernest in the film “When Magic Hurts” and he will star in an upcoming Cinemalaya film.
“Ready to unwrap a year-end filled with blessings, joy, and abundance,” post pa ni Beaver sa kanyang FB.

(PETER S. LEDESMA)

Aminadong kinikilig ang ina ng young actress: EMAN, na-starstruck at gandang-ganda kay JILLIAN

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI ang natuwa sa pagdating ni Eman Joseph Bacosa Pacquiao sa black carpet premiere ng ‘KMJS’ Gabi Ng Lagim: The Movie.’

Bida sa 3rd episode ng horror trilogy film, ang Sanib, si Jillian Ward na alam ng publiko na biggest crush ng anak ni Manny Pacquiao na si Eman.

“Na-starstruck lang ako sa kanya,” bulalas ni Eman nang makaharap sa unang pagkakataon si Jillian.

“Ang ganda po pala talaga niya. Sobrang ganda! Wala po akong words na masabi. Na-starstruck po talaga ako.”

Kitang-kita sa mukha ni Eman ang tuwa matapos na ilang beses yakapin si Jillian.

Nakatsika nga namin ang mommy ni Jillian na si Jennifer Ward at tinanong namin kung boto ba siya kay Eman para sa kanyang anak.

“Kinikilig ako sa kanila, pero ang anak ko naman ang magde-decide niyan. Kinikilig lang ako,” sagot sa amin ni Jennifer.

Ayon kay Eman, trabaho ang priority niya sa ngayon, tulad ng pag-aartista.

“Actually, ipinag-pray ko po yun bago po ako pumasok dito, kami po ng family ko.

“Nag-pray po kami bago kami pumayag sa ganyan po.”

Pero boksing pa rin daw ang una sa kanyang mga priorities, pangalawa ang showbiz. Hindi raw niya iiwan ang boksing kahit sumikat siya bilang artista.

“Hindi naman po, kasi mina-manage naman po namin yung oras, lalo na pag may fight ako. Hindi po ako available sa mga ganyan,” pahayag ni Eman.

Bilang pinakabagong contract star ng Sparkle GMA Artist Center ay “Eman Bacosa” ang gagamitin niyang screen name bilang tribute at respeto raw sa kanyang ina.

Nahingan din ng reaksyon si Eman sa komento ng netizens na nakapanood ng interview sa kanya sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).
Na kesyo bakit hindi man lang daw nabigyan ni Manny ng magarang bahay si Eman.

“Wala naman ako masyadong iniisip tungkol sa bagay na yun, kasi lagi namang may nasasabi ang ibang tao, e.

“So, iyon, sa mga nagsasabi ng mga negative things, huwag niyo na po yun masyadong ano, pakialaman.

“Kasi, about me and my dad ano, okay naman po kami.

“Kasi kahit anong explain sa mga tao, meron naman pong ibang against dun. May iba silang mundo,” sinabi ni Eman.

Palabas ngayon sa mga sinehan ang KMJS’ Gabi Ng Lagim: The Movie.
Bida rito sina Jillian, Lotlot de Leon, Ashley Ortega, Therese Malvar, Martin del Rosario at Epy Quizon (‘Sanib’ episode ng direktor na si King Mark Baco), Miguel Tanfelix, Kristoffer Martin at Eva Darren (‘Pocong’ episode ni direk Yam Laranas) at sina Sanya Lopez, Elijah Canlas, Rocco Nacino at Mikoy Morales (‘Berbalang’ episode ni Dodo Dayao).

Narrrator naman ng pelikula si Ms. Jessica Soho.

Mula ito sa GMA Pictures at GMA Public Affairs.

***

BOOKED and busy simula nang pumirma bilang Sparkle artist ang fast-rising boxing heartthrob na si Eman Bacosa.

This December 4, mapapanood siya sa ‘Family Feud; kasama ang kanyang pamilya. Makakaharap nila sa hulaan ng survey answers ang pamilya ni Sparkle star Arra San Agustin. Abangan ‘yan at ang iba pang special guests sa Family Feud tuwing 5:40 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7 at Kapuso Stream.

Samantala, nagkita rin kamakailan sa premiere night ng ‘KMJS’ Gabi ng Lagim The Movie’ sina Eman at Family Feud host Dingdong Dantes.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Eman ang selfie niya kasama ang Kapuso Primetime King.
Na-meet din niya sa nasabing event sina Jillian Ward, Barbie Forteza, Ysabel Ortega, at maraming iba pang Kapuso. Kaya naman sey ni Eman, “It’s an honor to meet you, guys. Praise the Lord! I am so blessed.”

(ROMMEL L. GONZALES)

This kid’s a game changer, new trailer for Sony Pictures Animation’s “GOAT” out now!

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IT’S an all out animal showdown in “GOAT,” the latest Sony Pictures Animation film.

From the studio and artists that brought audiences Spider-Man: Across the Spider-Verse and KPop Demon Hunters, comes an action-comedy about a small goat with big dreams. Not the conventional athlete due to his small size, he gets an opportunity of a lifetime to play roarball with the pros.

Watch the trailer: https://youtu.be/-8WZgnjORoo

“GOAT” is produced by star basketball player Stephen Curry, who also lends his voice to the film. The film also features the voices of Caleb McLaughlin, Gabrielle Union, Stephen Curry, Nicola Coughlan, Nick Kroll, and David Harbour.

“GOAT” arrives in Philippine cinemas in February 2026.

About GOAT:

From Sony Pictures Animation, the studio behind Spider-ManTM: Across the Spider-Verse and the artists that made KPop Demon Hunters, comes GOAT, an original action-comedy set in an all-animal world. The story follows Will, a small goat with big dreams who gets a once-in-a-lifetime shot to join the pros and play roarball – a high-intensity, co-ed, full-contact sport dominated by the fastest, fiercest animals in the world. Will’s new teammates aren’t thrilled about having a little goat on their roster, but Will is determined to revolutionize the sport and prove once and for all that “smalls can ball!

Directed by: Tyree Dillihay

Co-Directed by: Adam Rosette

Produced by: Michelle Raimo Kouyate, Stephen Curry, Erick Peyton, Adam Rosenberg and Rodney Rothman

Executive Producers: Rick Mischel onda Snyder

Cast: Caleb McLaughlin, Gabrielle Union, Stephen Curry, Nicola Coughlan, Nick Kroll, David Harbour, Jenifer Lewis, Aaron Pierre, Patton Oswalt, Andrew Santino, Bobby Lee, Eduardo Franco, Sherry Cola, Jelly Roll, Jennifer Hudson

Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”

(ROHN ROMULO)

Pondo ng MTRCB sa 2026, inaprubahan ng Senado

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng Senado ng Pilipinas, sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, ang panukalang pondo ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa 2026, nitong Lunes, Nobyembre 24.

Nagpasalamat si MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto sa Senado sa patuloy nitong suporta sa layunin ng Ahensiya na protektahan ang mga manonood at itaguyod ang kapakanan ng industriya ng pelikula at telebisyon sa bansa.

“Sa ngalan ng Board, nagpapasalamat ako sa Senado para sa kanilang pagsuporta at tiwala sa aming ginagawa. Patunay ang pag-aprubang ito sa aming pangako na protektahan ang mga manonood, lalo na ang mga batang Pilipino, at itaguyod ang responsableng panonood, at patuloy na palakasin ang industriya ng pelikula at telebisyon,” sabi ni Sotto.

“Mananatili kaming tapat sa paglilingkod sa publiko nang may integridad, pananagutan at mataas na antas ng responsibilidad,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat din ang Board kay Sen. Jinggoy Estrada na nag-isponsor ng badyet sa plenaryo ng Senado.

Sa kanyang sponsorship speech, binigyang-diin ni Estrada ang kahalagahan ng sapat na suporta sa mga programa ng Ahensiya.

“This will enhance the work productivity of the employees and allow the Agency to fulfill its mandate to the public,” sabi ni Estrada.

Wala nang tanong at interpelasyon matapos ang presentasyon ni Estrada—patunay ng lubos na tiwala sa direksiyon, pamunuan at mga reporma sa MTRCB.

Dahil walang tumutol sa plenaryo, nasa pinal na konsiderasyon na ng Senado ang inihaing badyet.

Nakapaloob sa badyet ang mga pangunahing programa ng MTRCB, kabilang ang “Responsableng Panonood,” pagpapalakas ng monitoring systems at pakikipag-ugnayan sa mga stakeholder ng industriya, mga lokal na pamahalaan, paaralan at mga organisasyong pangkomunidad.

Sa kabila ng kakulangan sa tao at kagamitan, nakapagribyu ang Board ng kabuuang 267,090 na materyales noong 2024, at halos 150,000 materyales mula Enero hanggang Oktubre 2025.

Ipinapakita ng mga numerong ito ang dedikasyon ng Board na mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang mga materyal sa gitna ng mabilis na paglawak ng media landscape.

“Sa suporta ng Senado at ng Kamara, handa kaming palakasin pa ang aming mandato at ipagpatuloy ang adbokasiya para sa responsableng panonood,” sabi ni Sotto.

(ROHN ROMULO)

Agad na binasag ang ilusyon ng fans na magkabalikan: KIM, diretsahan na ipinamukha kay GERALD ang ginawang pangloloko

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ANG tapang na ni Kim Chiu.

Hindi lahat ng artista ay kayang magmatapang at sumagot sa mga post at gustong i-imply ng mga netizen or fans niya.

Simula kasi no’ng mag-beso sina Kim at Gerald Anderson, ang dami na sa mga fan ng Kimerald ang parang nabuhay. Ang iba, nagwi-wish na magtambal daw silang muli.

Pero binasag agad ni Kim ang anumang nabubuo pa lang na “ilusyon” ng mga fan, yung iba, meron pang wish na magkabalikan sila.

Sey ni Kim, “Nakakaloka yung feed ko ah. Kung makapagrelapse akala mo talaga eh di tayo niloko 15 years ago!!! hahahahaha char not char!!!!”

Ang big word ng “niloko!” Kaya ang tapang niya talaga dahil siyempre, diretsahan niyang ipinamukha kay Gerald, even if it’s more than 10 years ago, na cheater ito, huh!

Pero inisip din namin, baka way na rin ito ni Kim to show respect sa present boyfriend na si Paulo Avelino.

***

NASA nasa 40’s na raw si Coco Martin, isa raw sa natutunan niya ay ang “kumalma.”

Ito ang ni-reveal ni Coco nang magpaunlak siya ng podcast interview sa “Paano ba ‘to?”, ni Bianca Gonzalez.

“Natuto akong kumalma at mas natuto akong magpalagpas ng mga bagay-bagay. Kasi dati, papakialaman mo lahat. Ngayon, okay na ‘yan. Honestly kung minsan, ise-send sa akin ang script, pero hindi ako happy. Tapos, sasabihin nila, ang ganda. Kasi, maaaring sa tangin mo hindi maganda, pero iba ang panlasa ng Filipino. Kung sa tingin mo hindi masama, okay na ‘yan.

“Kasi, sasabihin nila, ano ba ‘to, ang hirap magpalusot ng script? Pero ngayon, kung wala naman kalaban, okay naman ang ratings, okay na ‘yan. Basta, natututo kang kumalma at natututo na rin akong mag-no.”

Dati raw kasi, lahat pini-please n’ya. At natututo na raw siyang magtira para sa sarili n’ya. I think, dito ka rin makakakuha ng respect.

Sa bahay raw niya ang kanyang safe space. At kapag nakikita niya ang garden niya, kumakalma siya.

(ROSE GARCIA)