• June 13, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November, 2025

Filipina5 natapos na ang kampanya sa Futsal World Cup

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NATAPOS na ang kampanya ng Filipina5 sa Futsal World Cup matapos ang pagkatalo nila sa Argentina 1-5.

Tanging si Isabella Bandoja ang nakapagtala ng goal para sa national team bago matapos ang first half.

Subalit agad na umarangkada ang world number 6 at tinambakan ang Filipina5.

Dahil sa panalo ay nanguna ang Argentina sa Group A kung saan tinalo nila ng Morocco at Poland.

Magugunitang hindi rin nakaporma ang Filipina5 sa Poland na mayroong 0-6 at Morocco na mayroong 2-3.

Sa anong planeta kasya ‘yung P500 para sa Noche Buena ng pamilyang Pilipino?

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PAGTATANONG ito ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, House Public Accounts Committee Chair.

Ayon sa mambabatas, hindi ito ang unang beses na iginigiit ng Department of Trade and Industry na sapat ang ₱500 para sa Noche Buena ng isang ordinaryong pamilya.

Nagawa na nila aniya ito noon at ang kaibahan lang ngayon ay mismong si DTI Secretary Cristina Roque na ang nagsasabing ayos at sapat na ito.

“Pero alam natin ang itsura ng totoong Noche Buena sa hapag ng pamilyang Pilipino: may spaghetti, may keso, at minsan may hamon kung may sapat na ipon para sa pagdiriwang ng Pasko,” saad ng Kongresista.

Idinagdag pa nito na sa presyo ng bilihin ngayon, kahit simpleng spaghetti at keso ay hindi na kasya sa ₱500 na sinasabi ng DTI Secretary, lalo na kung hindi lang isa ang kakain sa pamilya.

Higit pa, dagdag nito, wala namang nagsasabing kailangang pagkasyahin sa P500 ang budget para sa Noche Buena

Mas mahalaga aniya sa mga Pilipino ang pagtitiyak ng gobyernong mananatiling mababa at abot-kaya ang presyo ng mga sangkap at pangangailangan para sa pagdiriwang ng Pasko.

(Vina de Guzman)

PBBM, hinikayat ang mga Pinoy na pahalagahan ang water resources ng Pinas

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Filipino na pahalagahan ang resources ng bansa na pinagpala sa tubig at responsable itong gamitin.

“Ladies and gentlemen, let this milestone encourage us to value the resources that we are blessed with, use them responsibly, and take part in building a more inclusive, sustainable future for everyone,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati, araw ng Biyernes, Nov. 28.

Sinabi ito ng Pangulo, habang pinangunahan ang inagurasyon ng Tunnel No. 5 ng Angat Water Transmission Improvement Project sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Compound Sitio Spar, Bigte Basin, sa Barangay Bigte, Norzagaray, Bulacan.

Ayon sa Pangulo, ang pagbubukas ng tunnel ay magbibigay sa mas maraming pamilya ng nagpapatuloy at reliable water supply sa kani-kanilang tahanan.

Ang pagbubukas nito ay magbibigay-daan para sa umiiral na tunnels na kumpunihin habang ang tunnel ay nagsisilbi bilang backup route para sa tubig para makaagos.

“Yung mga tunnel po na sinara dahil kailangan nang mag-maintenance, maaari na ngayon natin buksan – balikan ulit, baka may pag-asa pa, baka may rehab pa para magamit pa rin natin,” ang sinabi ng Pangulo.

“Mas magiging handa ang ating mga komunidad sa panahon ng tagtuyot at iba pang epekto ng ating hinaharap na climate change,” aniya pa rin.

Tinuran pa ng Pangulo na ang bagong tunnel ay magpapalakas sa decades-old Umiray–Angat–Ipo–La Mesa system, ang backbone na naghatid ng tubig mula sa Angat Dam patungong Metro Manila at Mega Manila.

“This is why the establishment of Tunnel No. 5 is not only important, it is essential,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Tunnel No. 5’s raw water conveyance tunnel can carry over 1.6 billion liters of water per day, which increases the system’s transport capacity from 6 billion to almost 8 billion liters of water per day,” ayon sa ulat.

Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na halos 90 porsiyento ng tubig na ginamit ng halos 20 milyong katao sa Metro Manila, sa Bulacan, bahagi ng Cavite at Rizal ay dumaan sa sistema.

“These numbers show how important it is to keep the Angat system strong, reliable, and future-ready,” aniya pa rin.

Samantala, sa naging talumpati pa rin ng Pangulo, kinilala nito ang matatag at matibay na suporta ng mga concessionaires gaya ng Maynilad at Manila Water, at maging ng mga engineers, workers, at lahat ng nagbuhos ng kanilang kagalingan at pagsisikap sa proyekto.

“This project reminds us that we can accomplish what – when the government and the private sector, and the LGUs are anchored on a shared vision,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

(Daris Jose)

Pamamahagi ng tool kits sa mga nagtapos ng Navotas Vocational Training and Assessment Institute

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ng mga tool kits sa mga nagtapos ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute. May 59 na Massage Therapy graduates at 82 Refrigeration and Air-Conditioning Servicing completers ang nakakuha ng kagamitan na kailangan nila para magsimula o mapalakas ang kanilang kabuhayan. (Richard Mesa)

Para pagtibayin ang water suplay sa Mega Manila… PBBM, pinangunahan ang inagurasyon ng tunnel no. 5 ng Angat water transmission improvement project

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Biyernes ang inagurasyon ng isang mahalagang bahagi ng Angat Water Transmission Improvement Project na titiyak sa tuloy-tuloy na suplay ng tubig para sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Ayon sa Pangulo, ang Tunnel No. 5 ay isang malaking tagumpay tungo sa layunin na mabigyan ang bawat Pilipino ng maaasahan at sapat na suplay ng tubig.

Pinalalakas ng bagong tunnel ang deka-dekada nang Umiray–Angat–Ipo–La Mesa system, na nagsisilbing gulugod sa paghahatid ng tubig mula sa Angat Dam patungong Metro Manila at Mega Manila.

“This is why the establishment of Tunnel No. 5 is not only important, it is essential,” sinabi ng Pangulo sa inauguration ceremony na ginanap sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Compound sa Norzagaray, Bulacan.

Pinasinayaan ng Pangulo ang project marker sa Bigte Basin sa Barangay Bigte, kasama nina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, Department of Environment and Natural Resources Secretary Raphael Lotilla, MWSS Administrator Leonor Cleofas, Maynilad President at CEO Ramoncito S. Fernandez, at ni Manila Water President at CEO Jose Victor Emmanuel A. De Dios.

Ang Umiray–Angat–Ipo–La Mesa ang nagdadala ng halos 90 porsyento ng tubig na ginagamit ng mahigit 20 milyong residente sa Metro Manila, Bulacan, at ilang bahagi ng Cavite at Rizal.

“These numbers show how important it is to keep the Angat system strong, reliable, and future-ready,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Ayon sa Pangulo, ang Tunnel No. 5 ay may kakayahang magdala ng higit sa 1.6 bilyong litro ng tubig kada araw, na nagpapataas sa kapasidad ng sistema mula 6 bilyon tungo sa halos 8 bilyong litro kada araw.

“Ibig sabihin, mas maraming pamilya ang magkakaroon ng tuloy-tuloy at maaasahang suplay ng tubig sa kanilang mga tahanan,” ang sabi ng Pangulo.

“Maisasaayos ang mga dati nang tunnels dahil may backup ng puwedeng pagdaanan ng tubig. ‘Yung mga tunnel po na sinara dahil kailangan nang mag-maintenance, maaari na ngayon natin buksan – balikan ulit, baka may pag-asa pa, baka may rehab pa para magamit pa rin natin,” punto pa ng Pangulo.

Ang mas pinahusay na daloy ng suplay ng tubig ay makatutulong din sa paghahanda ng mga komunidad laban sa tagtuyot at iba pang epekto ng climate change, at lalo pang magpapatatag sa sistema ng tubig ng bansa.

Pinuri ni Pangulong Marcos ang walang sawang suporta ng mga concessionaire na Maynilad at Manila Water, gayundin ang mga inhinyero, manggagawa, at lahat ng nagbigay ng kanilang husay at pagsisikap para sa proyekto.

“This project reminds us that we can accomplish what – when the government and the private sector, and the LGUs are anchored on a shared vision,” ang sabi ng Punong Ehekutibo.

“Ladies and gentlemen, let this milestone encourage us to value the resources that we are blessed with, use them responsibly, and take part in building a more inclusive, sustainable future for everyone.” (Daris Jose)

Obligasyon ng Manila LGU sa tubig at kuryente, nabayaran na

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NABAYARAN na ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila ang utang at obligasyon nito sa kuryente, tubig at komunikasyon.

Sa inilabas na pahayag ng Manila LGU, ganap na nilang nabayaran ang mga obligasyon sa telecom companies na aabot sa P9 milyon at Manila Water na nasa P16 milyon.

Bukod dito, nai-update na rin ng lokal na pamahalaan ang ibang pangunahing utility bills ng lungsod, kabilang ang P217 milyon para sa Meralco at P73 milyon para sa Maynilad.

Matatandaan na matapos ang termino noong nakaraang adminsitrasyon, dito na nadiskubre ni Mayor Isko Moreno na nabaon sa pagkakautang at hindi nabayaran ang mga obligasyon na umabot ng milyon piso kung kaya’t naisipan nilang magtipid.

Isa rin sa mga ginawa nilang hakbang ay ang maayos at tamang pagkolekta ng buwis at pagtitipid sa ibang bagay tulad ng hindi pagkakabit ng mga parol dahil ayon kay Yorme Isko ay gagastos ang lokal na pamahalaan ng P14 milyun.

Sa kabila naman ng pagtitipid, sinisiguro pa rin ng alkalde ang tama at mabilis na serbisyo habang inanunsyo nito na makakatanggap pa rin ng mga pamaskong handog ang bawat pamilyang Manileno. (Gene Adsuara)

Kelot na akusado sa ilang ulit na pang-aabuso sa minor sa Navotas, nalambat sa Cavite

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LAGLAG sa selda ang 36-anyos na lalaking akusado sa ilang ulit umanong pagmomolestiya sa isang menor-de-edad na biktima nang matunton ng pulisya sa pinagtaguang lugar sa lalawigan ng Cavite.

Tumakas umano at nagtago ang akusado nang malamang naglabas ng warrant of arrest laban sa kanya noong Nobyembre 18, 2025 ang Navotas City Family Court, Branch 9 para sa paulit-ulit na pangmomolestiya sa menor-de-edad na biktima.

Nang makatanggap ng impormasyon ang intelligence operative ng Northern Police District-District Mobile Force Battalion (NPD-DMFB) na nagtatago ang akusado sa Cavite ay ikinasa ang manhunt operation.

Dakong alas-12:00 ng hatinggabi nang tuluyang madakip ng mga operatiba DMFB ang akusado sa pinagtaguang lugar sa Block 2, Lot 37, Rosswel St. Brgy. Bacaon, General Trias, Cavite.

Kabilang sa mga kasong kakaharapin ng akusado ang dalawang bilang na paglabag sa R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination Act na may piyansang P180,000 bawa’t bilang, two counts ng Lascivious Conduct sa ilalim pa rin ng R.A. 7610 na may piyansang P200,000 kada bilang, at dalawang bilang ng paglabag sa Section 10(a) ng RA 7610 na may piyansang P80,000.00 bawat bilang.

Kasalukuyang nakapiit sa NPD Custodial Facility Unit ang akusado na kailangang makalikom ng kabuuang halagang P920,000 pang-piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya. (Richard Mesa)

Ginang, 2 pa kalaboso sa shabu sa Valenzuela

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang isang lolo at ginang nang maaresto ng pulisya habang nagsusugal sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa kanyang report kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, sinabi ni Polo Police Sub-Station 5 Commander P/Capt. Doddie Aguirre na habang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang kanyang mga tauhan sa H. Bautista St., Brgy., Arkong Bato nang matiyempuhan ng mga ito ang tatlong indibidwal na nagsusugal ng baraha dakong alas-12:30 ng hating gabi.

Hindi na nakapalag ang tatlong nang dakmain nina P/MSgt. Israel Gutierrez, PCpl Jhon Kenneth Sison at Pat. Joshua Miguel Capiral.

Nakumpiska sa kanila ang bet money, playing cards, at dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha kay alyas “Maria”, at alyas “Lolo Cardo”.

Nauna rito, naaktuhan naman ng iba pang mga tauhan ni P/Capt. Aguirre ang dalawang lalaki na nagka-cara y cruz sa Jasmin St., Brgy., Balangkas bandang alas-10:00 ng gabi na dahilan ng kanilang pagkakaaresto.

Nakuha sa kanila nina PSSg Melvic Pingad at PSSg Ricardo Santos ang bet money at pangara habang ang isang plastic sachet ng umano’y shabu ay nasamsam kay alyas “John”.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 o ang Anti-illegal Gambling Law habang karagdagan pa na kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin pa ng tatlong sa kanila. (Richard Mesa)

Panunumpa sa bagong tungkulin nina Kapitana Victoria Torres -Sumbillo at Kapitan Napoleon Baradas

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANUMPA kamakailan sina Kapitana Victoria Torres -Sumbillo ng Brgy. Mayapa bilang bagong ABC Treasurer at Kapitan Napoleon Baradas ng Brgy.Paciano Rizal sa harap ni Mayor Ross Rizal ng Calamba Laguna na inasistihan ni ABC Pres. Eduardo Silva nagpapasalamat sa kanilang pagkakaisa at ng buong Sangguniang Barangay ng nasabing lungsod. (Sonny V. Asignacion/Photo by: Boy Morales)

Pcpt. Rafael Siguan Jr., muling pinatunayan ang tungkulin na sinumpaan bilang Lingkod -Bayan sa Pasay

Posted on: November 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING pinatunayan ni Pcpt. Rafael Siguan, JR ng Station Commander sa Arnaiz St. Libertad, Pasay City ang kanyang pagmamahal at pagmamalasakit sa pagpapatupad sa kanyang tungkulin na sinumpaan bilang Lingkod -Bayan sa pagmamantini ng 24/7na kaayusan at katahimikan sa nasabing lungsod ng Pasay kasama ang kanyang mga alerto at masisipag na tauhan. Ayon pa kay Police Captain Rafael Siguan ipinapatupad nila ang kaligtasan ng mga mamamayan dahil ibig nila sa kapulisan ay maging ligtas ang bawat isa dahil ang buhay ay mahalaga. (Sonny V. Asignacion/Photo by: Boy Morales)