• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 31st, 2025

Nakikiusap na, stop the hate and be kind’: KLEA, tuluyan nang naglabas ng sama ng loob sa matinding pamba-bash

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA isang video na ipinost ni Klea Pineda sa Instagram kasama ang awiting ‘Iris’ ng Goo Goo Dolls, tuluyan na siyang naglabas ng sama ng loob sa matinding pamba-bash na nararanasan niya sa social media dahil sa sinasabing relasyon daw nila ni Janella Salvador.May caption ito ng, ‘Maging rason sana tayo ng ngiti at saya sa kapwa natin.”Panimula ni Klea, “I don’t know why but I just really feel like speaking up about ‘online bashing.’ I think this might actually be the first time I’m ever doing this.”Pagpapatuloy pa ng Kapuso actress, “First of all, I’m one of those people who still experiences heavy bashing online about my physical appearance, how I dress, the way I create my content, how I carry myself, even my skin color.“And then there are all the things people accuse me of without even knowing the real story or what’s actually happening in my personal life.”Say pa ni Klea na tao lang din siya na nasasaktan at naaapektuhan ng matitinding paninira.“Let me tell you this, it’s not easy,” pag-amin ni Klea na proud member ng LGBTQIA+ community.“It’s not easy waking up in the morning, checking your phone, and the first thing you see are hurtful words from strangers who don’t even know you. I’ve promised myself so many times that I’d stop reading the comments just to protect my mental health.“It sounds simple, right? But it’s hard. There are still moments when I can’t help but look, especially when I post something on TikTok or Facebook that I genuinely like, when I feel good about myself, confident, and happy with what I’m sharing.“But then… wow. Some of the comments just hit differently. You have no idea how damaging words can be, how they can break someone emotionally and mentally, how they can destroy a person’s confidence to even show up in public.”Nagpaalala rin si Klea sa netizens na kaligayahan na yata ang manira at manghusga ng kanilang kapwa.“I’m sharing this because I want people to be more aware of how their words can affect someone.“You might think it’s nothing, but you never really know how deep that pain goes for the person on the other side of the screen.“It hurts to think that sometimes, it takes someone losing their life before people realize how serious and deep this issue is. Let’s always choose to be kind.“None of us have the right to judge others, especially when we don’t know their story.”Dagdag pakiusap pa niya, “Please don’t be the reason someone gives up on life. Be an inspiration instead.“Help lift others up. Let this be a reminder to those who find joy in bashing and judging people online, use the right way. Stop the hate. Be kind.”Base sa mga comments ng netizens, maraming sumusuporta kay Klea, wag nang pansinin ang bashers, at maging masaya kung saan siya masaya, lalo na są piling ni Janella, kahit na marami pa ang kumukontra.(ROHN ROMULO)

Alex Eala pasok na sa ikalawang round ng Hong Kong Open

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PASOK na sa ikalawang round ng Hong Kong Open si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos na hindi tinapos ng kaniyang kalaban na si Katie Boulter ng United Kingdom ang ikalawang round dahil sa injury 6-4, 2-1.

Hawak ng 20-anyos na si Eala ang kalamangan sa second round ng itinigil ang laro.

Nagpaabot naman ng agarang paggaling si Eala para kay Boulter.

Susunod na makakaharap ni Eala si Victoria Mboko ng Canada para sa Round of 16.

Marcial nakamit ang bakanteng WBC International middleweight title

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKALUSOT si Filipino Olympic bronze medalist Eumir Marcial matapos na talunin si Eddy Colmenares ng Venezuela sa co-main event ng 50th anibersaryo ng Thrilla in Manila.

Nakamit nito ang majority decision matapos ang 10 round na laban.

Bahagyang nahirapan si Marcial matapos na ito ay napatumba ng dalawang beses na una ay sa round 3 at pangalawa ay sa round 10.

Sa ilang natitirang segundo ng last round ay agad na bumangon si Marcial ay pinaulanan ng suntok ang Venezuelan boxer.
Isang judge ang nagbigay ng 94-94 na puntos habang dalawa naman ay 95-93 na pumabor kay Marcial para makuha nito ang bakanteng WBC international middleweight title.

Mayroong ng record si Marcial na pitong panalo at walang talo na may apat na knockouts habang si Colmenares ay mayroong 11 panalo tatlong talo na may 11 KO.

Estudyanteng rider, bumangga sa poste Ng LRT, patay

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang 21-anyos na estudyante nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa poste ng LRT sa Malate, Manila kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot ang biktimang si Carl Justin Manalo, ng 777 Purok 11 PNR Site FTI Compound, Taguig City dahil sa malalang sugat sa ulo.
Sa ulat ni PMSg Timopnthy John Cruz ng Manila Police District (MPD), , bandang alas-11:32 ng gabi nang naganap ang insidente sa Southboud lane ng Taft Ave., sa harapan ng Bank of Philippines Island (BPI) sa kanto ng Vito Cruz, Malate, Manila kung saan sakay ng biktima ang kanyang motorsiklong Honda Click na may plakang 842-XSJ.
Pero pagsapit sa panulukan ng Vito Cruz nang aksidenteng bumangga ito sa kongretong poste ng LRT.
Dahil sa malakas na pagkakabangga nito, tumilapon ang katawan nito sa kanyang motorsiklo ng ilang metro ang layo na nagdulot ng malalalang sugat sa ulo.
Wala nang pulso ang biktima ng dumating ang mga tauhan ng MDRRMO . (Gene Adsuara)

Navotas Business Conference, matagumpay na naisagawa

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MATAGUMPAY na isinagawa ang kauna-unahang Navotas Business Conference sa pangunguna ng Philippine Chamber of Commerce and Industry – Navotas, katuwang ang ating Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco. Tampok dito ang makabuluhang talakayan, exhibits, at networking kung saan nagtipon ang mga negosyante, innovators, at leaders mula sa iba’t ibang industriya upang pag-usapan ang mga oportunidad sa negosyo at pag-unlad ng lungsod. (Richard Mesa)

PBBM, lumipad na patungong SoKor para sa APEC Summit

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LUMIPAD na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Huwebes patungong South Korea (SoKor) para magpartisipa sa 32nd APEC Summit.
Ang Pangulo ay lulan ng Presidential 001 at eksaktong 12:45 ng tanghali umalis ng Pilipinas.
Sa kanyang departure speech, sinabi ni Pangulong Marcos na ipapamalas niya ang commitment ng Pilipinas para pangalagaan ang economic partnership sa ibang bansa at maging ang isulong ang digital transformation.
“I intend to showcase the Philippines’ commitment to fostering economic partnerships and promoting a favorable business climate, aligned with our government’s vision of building a strong, innovation-driven economy,” ayon sa Pangulo.
Sa kabilang dako, bahagi ng delegasyon ng Pangulo sina Presidential Communications Office Acting Secretary Dave Gomez, Department of Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, Department of Trade and Industry Secretary Cristina Roque, Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go, at Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Ang partisipasyon ni Pangulong Marcos sa APEC Summit ay sesentro sa pagsusulong ng economic interests ng Pilipinas, layon nito na mas palalimin pa ang ugnayan sa APEC members at muling pagtibayin ang commitment ng bansa sa pananaw ng mga entity na “more open, prosperous at dynamic Asia-Pacific.”
Samantala, habang nasa SoKor ang Pangulo ay magsisilbi namang caretakers ng bansa sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, and Education Secretary Sonny Angara. (Daris Jose)

PBBM, nakiisa sa ‘Thrilla in Manila 2’

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , Miyerkules ng gabi, Oktubre 29 sa boxing fans na nagdiwang ng 50th anniversary celebration ng “Thrilla in Manila,”.
Isinagawa ang “Thrilla in Manila 2” boxing event sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City bilang pag-alala sa makasaysayang laban sa naturang venue noong 1975 at bilang pagpupugay sa pamana na nagbigay-daan sa gintong panahon ng boxing sa Pilipinas.
Ito ang venue kung saan isinagawa ang orihinal na “Thrilla in Manila” kung saan nagtuos sina undisputed champion Muhammad Ali at former champion Joe Frazier para sa heavyweight championship of the world, kung saan nanaig ang una.
Itinuturing itong isa sa pinakatanyag na laban sa kasaysayan ng boksing
Sa ulat, dumating ang Pangulo kasama si Unang Ginang Louise Araneta-Marcos sa commemorative boxing event at mainit na sinalubong ni boxing legend at dating Sen. Manny Pacquiao Jr., founder at chief executive officer ng boxing promotion na MP Promotions.
Dumalo rin sa commemorative boxing event, tinawag na “Thrilla in Manila 2,” sina Araneta City owner at former Sen. Mar Roxas II at Araneta Group of Companies chairperson Jorge Araneta.
Sinaksihan ng Pangulo ang laban sa pagitan ng apo ni Muhammad Ali na si Nico Ali Walsh at Thai boxer Kittisak Klinsom sa isang middleweight clash, na nagtapos sa isang draw, ayon sa press release ng Presidential Communications Office (PCO), araw ng Huwebes.
Tampok din sa Thrilla in Manila 2 ang mga ‘top Filipino boxers’ na lumaban sa mga foreign fighters.
Samantala, kabilang naman sa mga nagpartisipa na Filipino boxers ay sina World Boxing Council (WBC) Strawweight World Champion Melvin Jerusalem sa main event; Eumir Marcial sa WBC International Middleweight championship bout; ant Carl Jammes Martin at Marlon Tapales sa junior featherweight matches.
Maliban naman sa pagdiriwang ng iconic 1975 Ali-Frazier heavyweight championship boxing match, layon ng Thrilla in Manila 2 na bigyang-diin ang “rich sporting heritage and promote Filipino talent in the global boxing community” ng bansa. ( Daris Jose)

Villanueva, Estrada, Co at 3 pa pinakakasuhan ng ICI

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIREKOMENDA na ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang pagsasampa ng mga kasong kriminal at administratibo laban sa mga senador at mga opisyal na isinasangkot sa maanomalyang flood control projects.
Sinabi ni ICI Chairman Andres Reyes Jr. na kabilang sa mga pinakakasuhan ay sina Senators Joel Villanueva at Jinggoy Estrada, nagbitiw na congressman Zaldy Co, Commission on Audit Commissioner Mario Lipana, dating cong. Mitch Cajayon-Uy, at dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
Ayon kay Reyes, ­inirekomenda ng komisyon na masampahan ng mga kasong direct o indirect bribery, corruption of public officers, at plunder charges ang mga naturang ­personalidad sa Office of the Ombudsman dahil sa posibleng pagkakasangkot sa pagtanggap ng suhol o unwarranted monetary benefits mula sa flood control project ­contractors.
“With this filing we remain true to our commitment to the Filipino people. No one will be spared in this fight against corruption,” dagdag pa ni Reyes.
Sinabi pa ng ICI na nabunyag din sa mga pahayag ng mga dismissed engineers ang umano’y sistematikong kickback scheme, kung saan ang mga mambabatas ay umaakto bilang project proponents at nagsisingit ng flood control projects sa National Expenditure Program, House General Appropriations Bill, at General Appropriations Act, kapalit ng komisyon na nasa 20% hanggang 30% ng halaga ng proyekto. ( Daris Jose)

18-anyos na bebot na akusado sa anti-hazing sa Valenzuela, isinelda

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang isang bebot na wanted sa kaso ng anti-hazing matapos maaresto ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento, ang akusado ay 18-anyos na bebot na residente ng Marilao, Bulacan at kabilang aniya sa mga most wanted person ng Valenzuela Police.

Dagdag niya, nitong October 23, 2025 nang maglabas ng order to take custody ang Valenzuela City Regional Trail Court (RTC) Branch 270, laban sa akusado dahil sa paglabag sa R.A 11053, otherwise known as the Anti-Hazing Act of 2018.

Dahil dito, agad inatasan ni Col. Talento ang kanyang mga tauhan na tugisin ang akusado hanggang sa makatanggap ng impormasyon ang mga ito na naispatan ang presensya nito sa Brgy. Viente Reales.

Dakong alas-3:35 ng hapon nang tuluyang makorner ng tumutugis na mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela Police ang akusado sa Lucero Street, Barangay Viente Reales.

Dinakip ang akusado sa bisa ng nasabing order to take custody na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Matapos nito, tinurnover ang akusado sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Valenzuela City Police para sa proper disposition. (Richard Mesa)

2 kelot na nanloob sa day care center sa Valenzuela, swak sa selda

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA loob ng kulungan magbabakasyon ang dalawang tambay na lumimas ng mga gamit sa loob ng isang Day Care Center matapos maaresto ng pulisya sa follow up operation sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento ang mga suspek na sina alyas “Richmond”, 46, ng Brgy., Mapulang Lupa at alyas “Joni”, 36, ng Brgy. Gen T De Leon.

Batay sa reklamo ni alyas “Jellie”, 28, guro ng Day Care Center na nasa 3S Center, Brgy. Gen. T. De Leon, natuklasan niya ang pagnanakaw noong Lunes nang mapansin niyang bukas ang sliding na bintana ng day care center at wala na ang laptop, Bluetooth speaker, at mga personal nilang gamit ng kasamahan niya teacher.

Nang rebisahin nina P/Capt. Anthony Campado, commander ng Valenzuela Police Sub-Station 2 ang kuha ng mga CCTV sa lugar, natunton nila kaagad si alyas Richmond na dahilan ng kanyang pagkakaaresto at nabawi sa kanya ang isang laptop.

Sumunod na natimbog sa follow up operation nina Capt. Campado si alyas Joni at narekober naman sa kanya ang isang bluetooth speaker habang hinahagilap pa ng pulisya ang ilan pang gamit na hindi nabawi sa dalawa.

Pinuri naman ni Mayor Wes Gatchalian ang mabilis na aksiyon ng pulisya sa pagdakip at pagbawi sa mga gamit na kinulimbat sa Day Care Center at iniutos na sampahan ng kasong paglabag sa Article 299 ng Revised Penal Code o Robbery with Force Upon Things ang mga suspek. (Richard Mesa)