• April 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Estudyanteng rider, bumangga sa poste Ng LRT, patay

NASAWI ang isang 21-anyos na estudyante nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa poste ng LRT sa Malate, Manila kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot ang biktimang si Carl Justin Manalo, ng 777 Purok 11 PNR Site FTI Compound, Taguig City dahil sa malalang sugat sa ulo.
Sa ulat ni PMSg Timopnthy John Cruz ng Manila Police District (MPD), , bandang alas-11:32 ng gabi nang naganap ang insidente sa Southboud lane ng Taft Ave., sa harapan ng Bank of Philippines Island (BPI) sa kanto ng Vito Cruz, Malate, Manila kung saan sakay ng biktima ang kanyang motorsiklong Honda Click na may plakang 842-XSJ.
Pero pagsapit sa panulukan ng Vito Cruz nang aksidenteng bumangga ito sa kongretong poste ng LRT.
Dahil sa malakas na pagkakabangga nito, tumilapon ang katawan nito sa kanyang motorsiklo ng ilang metro ang layo na nagdulot ng malalalang sugat sa ulo.
Wala nang pulso ang biktima ng dumating ang mga tauhan ng MDRRMO . (Gene Adsuara)