• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2025

Birthday cake para kina Lolo at Lola , ibabalik ni Yorme Isko sa Maynila 

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAKARAANG itigil ng nakaraang administrasyon, ibinalik ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang pamamahagi ng birthday cake para sa mga senior citizen na residente ng lungsod na magdiriwang ng kanilang kaarawan at ilang benepisyo na nawala o nagkulang
“Sisikapin po naming ibalik ang mga bagay na nawala, nabawasan, at nagkulang sa inyo, mga lolo at lola ko.
Inumpisahan po natin sa Ensure milk at ngayon sa pagbabalik ng birthday cakes ng senior citizens natin, at tuloy-tuloy na po ito,” pahayag ni Domagoso.
Sinimulan ang pamamahagi ng mga birthday cake nitong Martes ng umaga, Setyembre 2, 2025, kung saan mismong si Yorme ang nagpunta sa bahay ng isang 87-anyos na lola, si Consolacion Villanueva, na nagdiwang ng kanyang kaarawan.
Ayon kay Domagoso, ang mga senior citizen na residente ng Maynila na nagdiwang ng kaarawan simula Hulyo 1, 2025 ay makatatanggap na ng kani-kanilang birthday cake ngayong Setyembre.
Dagdag pa ni Mayor Isko na uni-unti rin niyang ibabalik ang mga nawala at nagkulang na benepisyon sa kanila..
Matatandaan na unang ipinakilala ni Mayor Isko ang birthday cake program sa kanyang unang termino bilang alkalde at sa kanyang pagbabalik ay muli niyang ipagpapatuloy ang mga serbisyong kanyang nasimulan sa mga nakatatanda. (Gene Adsuara)

DRUG DEN RAID SA BATAAN, 3 SUSPEK HULI, ₱68K HALAGA NG SHABU NASAMSAM

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISANG drug den raid sa Barangay Pantalan Luma, Orani Bataan, ang nagresulta sa pagkahuli ng tatlong indibidwal at pagkakasamsam ng tinatayang ₱68,000.00 halaga ng hinihinalang shabu. Ang operasyon ay isinagawa noong Miyerkules ng gabi (Setyembre 3) ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office.
Kinilala ng hepe ng PDEA Bataan ang mga suspek bilang alyas Dungo, 47 taong gulang, ang sinasabing operator ng drug den; alyas Hary, 45 taong gulang; at alyas Rence, 48 taong gulang.
Nakarekober ang mga awtoridad ng anim na plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu, na may halagang ₱68,000.00, mga gamit sa paggamit ng droga, at ang buy-bust money na ginamit ng undercover agent ng PDEA.
Ayon sa PDEA, ang operasyon ay inilunsad matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen.
Ang magkasanib na operasyon ay isinagawa ng mga operatiba mula sa PDEA Bataan Provincial Office, PDEA Bataan Seaport Interdiction Unit (SIU), Orani Police Station, at Bataan Provincial Police Drug Enforcement Unit.
Sasampahan ng kaso ang mga nahuling suspek dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (PAUL JOHN REYES)

Tambay, kalaboso sa boga at marijuana sa Malabon

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA kulungan ang bagsak ng 30-anyos na lalaki matapos inguso sa mga pulis na may dalang sumpak at makuhanan pa ng marijuana habang pagala-gala sa Malabon City.
Base sa ulat, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang mga tauhan ni Malabon Police Acting Chief P/Col. Allan Umipig hinggil sa isang lalaki na may dala umanong baril habang pagala-gala sa Naval St., Brgy., Hulong Duhat.
Kaagad rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Patrol Base 7 kung saan naaktuhan nila ang naturang lakaki na may bitbit na isang improvised firearm dakong ala-1:10 ng madaling araw.
Hindi naman umano pumalag ang suspek na si alyas “Glen”, 30, ng Brgy., Hulong Duhat nang kumpiskahin sa kanya ng mga pulis ang dalang isang improvised firearms (sumpak) na kargado ng isang bala bago siya inaresto.
Nang kapkapan, nakumpiska pa sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P150 ang halaga.
Ayon kay Col. Umipig, kasong paglabag sa R.A 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isinampa nila laban sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

20-anyos na kelot wanted sa rape, pangmomolestiya sa Malabon, timbog

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KALABOSO ang 20-anyos na binata na wanted sa kaso ng dalawang bilang ng panggagahasa at pangmomolestiya matapos matimbog sa manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Sa ulat, pinaigting ng mga tauhan ni Malabon Police Acting Chief P/Col. Allan Umipig ang operation kontra sa mga wanted person sa lungsod.
Ayon kay Col. Umipig, kabilang sa mga Most Wanted Person na nakatala sa Malabon City Police ay si alyas “Mho”, ng Brgy., Ibaba dahil sa kaso ng panggagahasa sa isang babaeng biktima na hindi pinangalanan at pangmomolestiya sa isang menor-de-edad.
Nang makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Malabon Police Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar, agad ikinasa ng mga ito ang operation.
Dakong alas-3:45 ng hapon nang tuluyang masukol ng tumutugis na mga tauhan ni Col. Umipig ang akusado sa Dulong Herrera Street.
Maayos naman umanong naisilbi sa akusado ang arrest warrant na inisyu ng Malabon City Family Court Branch 4, na may petsang September 1, 2025 para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A 7610 na may inirekomendang piyansa na P180K para sa pansamantala niyang paglaya, at two counts of Rape na walang inirekomendang piyansa.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Malabon CPS habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Malabon City Jail. (Richard Mesa)

Kamara, kumpiyansa na maipapasa ang 2026 National Budget sa nakatakdang schedule nito

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KUMPIYANSA ang Kamara na maipapasa nito ang 2026 National Budget sa nakatakdang schedule nito sa kabila ng mga ulat na request ng ilang mambabatas na rebyuhin ng Department of Budget and Management (DBM) ang National Expenditure Program (NEP) dahil sa ilan umanong flagged errors at kuwestiyonableng entries.
“Kaya nga tuloy-tuloy pa rin ang budget deliberations para ‘dun sa mga items na wala namang problema ay ma-tackle na siya. Hindi natin alam kung gano’n kabilis ‘yung magiging review ng DBM doon sa mga budget na may nakitang may mga observations ang mga members,” pahayag ni House spokesperson Atty. Princess Abante.
Sinabi pa nito na ang panawagan ng ilang mambabatas na ibalik ang NEP ay hindi nangangahulugan na isang physical action kundi sa pamamagitan ng corrections na gagawin sa deliberasyon.
“Pero it appears that the committee is still confident that they can still meet the timeline na tinitignan ng House para ma-approve ang GAB,” dagdag nito.
Inihayag pa ng House spokesperson na tuloy pa rin ang appropriations panel sa trabaho nito sa kabila ng kontrobersiya sa NEP, kung saan planong tugunan ng mga miyembro ang mga isyu nang mabilis at masusi.
Nagpahayag aniya ang ilang lider ng Kamara nang kahandaan na lumagpas pa sa oras ng trabaho para maipasa ang national budget sa itinakdang panahon.
“Nakita naman natin kung gano’ng kabilis din ‘yung developments doon sa pag-express ng sentiments ng party leaders, doon sa pag-finding ways where we can address the issues ng mga party leaders. So we’re still gonna wait kung ano pa ‘yung mga magiging susunod na hakbang. But tuloy-tuloy ang trabaho ng committee on appropriations to ensure na matatapos at matatapos natin ito doon sa time na in-identify nila. And again, kung magkaroon man ng adjustments, nagsabi din ang ibang party leaders that they’re willing to work overtime for this,” pahayag ni Abante.
Nilinaw naman nito na ang isyu nang pagpapadala ng NEP pabalik sa the DBM ay hindi nangangahulugan na literal return ng documents kundi para ang mga gagawing corrections ay gagawin sa source level bago aksyunan ng Kamara ang panukala.
“Again, ‘yung solian ng NEP ay hindi nga ito ‘yung physical na pagbalik ‘di katulad ‘yung remand na ginawa dati sa impeachment na talagang dinala yung documents. Hindi naman ganyan ang gagawin pero clear ang sentiments ng party leaders: There’s a need to review, to correct what they used, ‘yung massive mangling of the budget proposal. Kailangan siya i-correct. So, ‘yun yung gustong iparating din ng party leaders,” paliwanang ni Abante.
(Vina de Guzman)

43 INDIVIDUALS, INILAGAY SA LOOKOUT BULLETIN NG DOJ

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INILABAS na ng Department of Justice  (DOJ) ang listahan ng 43 indibidwal na inilagay sa immigration lookout bulletin order na binubuo ng mga engineers at contractors ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kasama sa listahan ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya at ibang contractor na una nang inimbitahan sa mga pagdinig ng Senado at Kamara.
Inilabas ng DOJ ang ILBO alinsunod na rin sa  hiling ng DPWH at Senate Blue Ribbon Committee.
Sa ILBO , babantayan ang pagbiyahe ng mga sangkot sa maanomalyang flood control projects habang nagpapatuloy ang imbestigasyon .
Pero ito ay iba sa hold departure order na iniisyu naman ng Korte para pagbawalan ang isang indibidwal na lumabas ng bansa . (Gene Adsuara)

LTO SUPORTADO ANG PAGKAKATALAGA KAY LOPEZ BILANG KALIHIM NG DOTr

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MALUGOD na tinanggap ng Land Transportation Office (LTO) na pinamumunuan ni LTO, Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang pagkakatalaga kay Giovanni “Banoy” Z. Lopez bilang Kalihim ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay Asec. Mendoza, sang-ayon siya kay dating DOTr chief at ngayo’y DPWH Secretary Vince Dizon na si Lopez ang tamang tao upang pamunuan ang kagawaran sa pagsusulong ng kinakailangang mga reporma para sa ikabubuti ng sistemang pang-transportasyon ng bansa.
“Sa ngalan ng lahat ng kawani ng LTO, taos-puso kong binabati si Secretary Lopez sa kanyang pagkakatalaga upang pamunuan ang DOTr. Tunay na karapat-dapat siya sa posisyong ito,” ani Asec. Mendoza.
Isang abogado at certified public accountant, si Secretary Lopez ay hindi na baguhan sa DOTr dahil nagsimula siyang maglingkod dito noong 2017.
Dagdag pa ni Asec. Mendoza, hindi rin “outsider” si Secretary Lopez sa LTO dahil minsan na rin niyang pinamunuan ang ahensya noong 2022.
“Ang malalim na kaalaman ni Secretary Lopez sa larangan ng transportasyon ang dahilan kung bakit siya ang nararapat na pumalit upang pamunuan ang DOTr upang maisakatuparan ang mga plano at layunin sa ilalim ng Bagong Pilipinas ni Pangulong Marcos,” ani Asec. Mendoza.
“Tinitiyak ng LTO ang buong suporta kay Secretary Lopez, lalo na sa adhikain na higit pang mapahusay ang serbisyo ng pamahalaan para sa mga commuter at road user sa pamamagitan ng episyenteng sistema at mas maayos na imprastruktura,” dagdag pa ni Asec. Mendoza. (PAUL JOHN REYES)

Susunod na Ombudsman, hindi dapat manahimik kapag may nagaganap na pandarambong 

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
“OUR people do not need an Ombudsman who will stand on the sidelines while public funds are plundered,” pahayag ni Bacolod lone district Rep. Albee Benitez
Para sa susunod na Ombudsman, sinabi ng mambabatas na dapat ang susunod na ombudsman ay aktibo na magsilbing watchdog na magbabantay laban sa korupsyon.
Dala na rin sa naglalabasang ulat ukol sa korupsyon, nangangailangan ngayon ng Ombudsman na matatag na kakaharapin ang pagkakaroon ng accountability, transparency, at good governance.”
“The public has expressed shock and outrage upon seeing the unexplained excessive wealth of contractors flaunted on social media and exposed in congressional hearings,”  pahayag nito.
Idinagdag nito na ang susunod na Ombudsman ay dapat na may “courage, competence, and integrity to make sure this impunity does not continue. Ideally, the Ombudsman must have real experience in dealing with corruption, because the office’s mission is to fight it.”
Nasa 17 ang aplikante para sa posisyon ng Ombudsman na kinabibilangan nina dating COA Chair at ngayon ay PCC Chairperson Michael Aguinaldo, DILG Undersecretary Romeo Benitez, Atty. Jonie Caroche, CA Justice Bautista Corpin, Retired CA Justice Stephen Cruz, Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Econg, CHR Commissioner Beda Epres, Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan, at dating BIR commissioner Kim Henares Jacinto.
Kabilang pa dito siina Deputy Executive Secretary Lisa Logan, retired Supreme Court Justice Mario Lopez, Atty. Melvin Matibag, Sandiganbayan Justice Michael Frederick Musngi, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, PCSO Chairperson Felix Reyes, Judge Jayson Rodenas, and retired Judge Benjamin Turgano. (Vina de Guzman)

P6.793 trilyong 2026 national budget isosoli ng Kamara sa DBM

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INIREKOMENDA na ng ilang mga lider ng Kamara kay Speaker Ferdinand Romualdez na ibalik ang panukalang P6.793 trilyong national budget sa Department of Budget and Management (DBM) kaugnay ng anomalya sa pormulasyon sa alokasyon ng mga ahensya.
Sa biglaang press briefing, sinabi ni Deputy Speaker Ronaldo Puno na napagdesisyunan nilang ibalik ang panukalang pondo sa DBM upang irebyu at isaayos muna ito.
Tinukoy ng mga mambabatas na nadiskubre nila ang ilang seryoso at paulit-ulit na anomalya sa preparasyon ng 2026 National Expenditures Program (NEP) partikular na ang DPWH, DILG, PNP at Department of Agriculture.
Ang hakbang ay matapos masilip ng mga mambabatas ang panukalang pondo ng DPWH na nasa P881.3 bilyon na may maraming items sa 2026 NEP na sa kabila na tapos na ang proyekto ay muli pang nilagyan ng badyet.
Kabilang sa nasilip ang magkakatulad na bilyong halaga ng pondo sa mga proyekto ng DPWH na copy-paste ang inilagay na ­alokasyon, doble-doble ang pondo sa mga natapos na proyekto, oversize na lump sum at iba pa.
Ang mga insertions sa pondo ay nangga­ling umano mismo sa ahensya pero ang mga Kongresista ang nasisi dahil dumadaan ito sa deliberasyon sa Kamara.

Ads September 5, 2025

Posted on: September 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

5 – 4-merged