• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2025

Malakanyang, ipinalabas na ang opisyal na listahan ng 2026 holidays

Posted on: September 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI pa nagtatagal ang pagsilip ng buwan ng Setyembre ay ipinalabas na ng Malakanyang ang opisyal na listahan ng regular holidays at special non-working days para sa taong 2026.
Tinintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, nito lamang Setyembre 3 ang Proclamation 1006, naglalaman ng listahan ng holidays para sa susunod na taon.
Base sa proklamasyon, ipinalabas araw ng Huwebes, ang mga sumusunod na petsa ay deklaradong regular holidays at special non-working days:
Regular Holidays:
January 1 (Huwebes) – New Year’s Day
April 2 – Maundy Thursday
April 3– Good Friday
April 9 (Huwebes) – Araw ng Kagitingan
May 1 (Biyernes) – Labor Day
June 12 (Biyernes) – Independence Day
August 31 (huling Lunes ng Agosto) – National Heroes Day
November 30 (Lunes) – Bonifacio Day
December 25 (Biyernes) – Christmas Day
December 30 (Miyerkules) – Rizal Day
Special (Non-Working) Days:
August 21 (Biyernes) – Ninoy Aquino Day
November 1 (Linggo) – All Saints’ Day
December 8 (Martes) – Feast of the Immaculate Conception of Mary
December 31 (Huwebes) – Last Day of the Year
Additional special (non-working) days:
February 17 (Martes) – Chinese New Year
April 4 – Black Saturday
November 2 (Lunes) – All Souls’ Day
December 24 (Huwebes) – Christmas Eve
Sa kabilang dako idineklara naman ng Proclamation 1006 ang Feb. 25, 2026 (Miyerkules) bilang special working day, bilang paggunita sa 40th anniversary ng EDSA People Power Revolution, na naghatid sa “political, social, and economic reforms in the country.”
Inatasan naman ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpalabas ng ‘implementing guidelines’ para sa proklamasyon, na kagyat na magiging epektibo.
Ayon pa rin sa Proclamation 1006, ang proklamasyon na nagdedeklara ng national holidays para sa pagdiriwang ng
Eidul Fitr at Eidul Adha ay ipalalabas matapos na madetermina ang approximate dates ng Islamic holidays, alinsunod sa Islamic calendar (Hijra) o lunar calendar, o sa pamamagitan ng Islamic astronomical calculations, alinman ang naaangkop.
Irerekumenda naman ng National Commission on Muslim Filipinos sa Pangulo ang aktuwal na petsa ng mga holiday na ito kung saan babagsak.
Sa ilalim ng proklamasyon, ang Feb. 17. 2026 ay maaaring ideklara bilang special (non-working) day nang walang idudulot na masama sa public interest, habang ang Chinese New Year ay isa sa “most revered and festive events” na ipinagdiriwang hindi lamang sa Tsina kundi sa Pilipinas.
Nakasaad sa proklamasyon na Black Saturday, babagsak sa April 4, 2026, ay tradisyonal na idineklara bilang special non-working sa buong bansa, bilangpangingilin sa Mahal na Araw, itinuturing bilang “one of the most cherished traditions of our predominantly Catholic people.”
Sa bisa ng Republic Act 9256, ang Aug. 21 ng bawat taon ay deklaradong national non-working holiday para gunitain ang death anniversary ni dating Senador Benigno S. Aquino Jr.
Ang Disyembre 8 ng bawat taon ay ipinagdiriwang bilang special non-working holiday sa buong bansa para gunitain ang Kapistahan ng Immaculate Conception of Mary.
Samantala, ayon pa rin sa Proclamation 1006, idinedeklara ang Nov. 2, 2026 (Lunes) at Dec. 24, 2026 (Huwebes) bilang karagdagang special non-working days sa buong bansa “will strengthen family ties by providing more time for the traditional All Saints’ Day, All Souls Day activities, and Christmas Day activities, as well as promote domestic tourism.”
Ang kopya ng Proclamation 1006 ay inilathala sa lokal na pahayagan na Manila Bulletin. ( Daris Jose)

2 tulak, tiklo sa P300K marijuana sa Caloocan drug bust

Posted on: September 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
UMABOT sa P300K halaga ng marijuana ang nasamsam sa dalawang tulak ng droga matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Ayon kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, nagsagawa ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) nang buy bust operation, katuwang ang DSOU-NPD at Sub-Station 15 ng Caloocan CPS sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Dakong alas-8:13 ng gabi nang makipagtransaksyon umano ang dalawang umano’y tulak na sina alyas “Juan”, 28, at alyas “Tunying”, 27, sa isang pulis na nagpanggap na buyer na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila sa Brgy., 180 ng lungsod.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 2,500 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruiting tops na may standard drug price value na P300,000.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
News 2
Kamara nagpalabas ng ng subpoena sa ilang contractors upang dumalo sa pagdinig ng House Infrastructure Committee
NAGPALABAS ang Kamara ng subpoena sa ilang contractors upang dumalo sa pagdinig ng House Infrastructure Committee na pinamumunuan ni Bicol Saro Party List Rep. Terry Ridon sa Martes, September 8, 2025, dakong alas-9 ng umaga.
Kabilang sa pinadalhan ng subpoena ay sina Sarah Discaya (Alpha & Omega General Construction), Mark Arevalo (Wawao Builders Corp.), Miguel Juntura (St. Timothy Construction Corp.), Eumir Villanueva (Topnotch Catalyst Builders), at Sally Santos (Syms Construction Trading).
Kasabay nito, hiniling din ng komite kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na magpalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order para naman kina Sally Santos at Herbert Matienzo, dating PCAB Executive Director.
(Vina de Guzman)

Ads September 8, 2025

Posted on: September 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

8 – page 4-merged

𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫 𝐀𝐥𝐜𝐚𝐧𝐭𝐚𝐫𝐚, 𝐆𝐮𝐢𝐥𝐭𝐲 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐝𝐦𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐛𝐨; 𝐊𝐚𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐫𝐢𝐦𝐢𝐧𝐚𝐥 𝐈𝐬𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝

Posted on: September 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
GUILTY ang naging hatol ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vivencio B. Dizon laban kay Engineer Henry C. Alcantara, dating District Engineer ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office, na nasangkot sa mga maanumalyang proyekto sa Lalawigan ng Bulacan.

Bilang pagtugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na papanagutin ang mga tiwaling opisyal na sangkot sa mga proyektong palpak at hindi nakikinabang ang publiko, binigyang-diin ni Secretary Dizon sa kanyang pitong pahinang desisyon na napatunayang may sala si Engineer Alcantara sa mga sumusunod na mabibigat na kasong administratibo: Disloyalty to the Republic of the Philippines and to the Filipino People; Grave Misconduct; Gross Neglect in the Performance of Duty, at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, alinsunod sa Sections 63 (A)(1)(d), (f), (h), at A(2)(a), Rule 10 ng 2025 Rules on Administrative Cases in the Civil Service.

"Ito ay isang babala sa mga opisyal at kawani ng DPWH na responsable sa mga ghost at substandard projects, dahil kagaya nga ng sinabi ni Pangulo, hindi natin hahayaan na hindi mapanagot ang mga tiwali sa pamahalaan," diin ni Secretary Dizon.

"Kasunod nito, kami ay magrerekomenda sa kaukulang tanggapan upang maghain ng criminal charges laban kay Engineer Alcantara at iba pang sangkot na indibidwal upang makamit ang hustisya sa kanilang ginawang pambababoy sa kaban ng bayan," dagdag pa ni Secretary Dizon.

Nauna nang pinangalanan ni Secretary Dizon ang mga susunod na sasampahan ng kasong administratibo at kriminal bilang sina dating Assistant District Engineer Brice Ericson Hernandez,  Construction Section Chief Engineer Jaypee Mendoza, at Accountant III Juanito Mendoza na mula lahat sa Bulacan 1st District Engineering Office. ( Daris Jose)

Korupsyon di kukunsintihin ng Kamara, sisiguruhing may mananagot

Posted on: September 8th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TINANGGAP at nirerespeto ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang panawagan mula sa mga business leaders at civil society na tuldukan ang korupsyon sa gobyerno kasabay ng pangakong hindi kokondenahin ng Kamara ang pang-aabuso sa serbisyo publiko.

"I welcome and respect the strong statement made by our partners in the business community and civil society calling for an end to corruption in government. Their concern echoes the very principles of transparency, accountability, and integrity that the House of Representatives has committed to uphold," ani Romualdez.

Kinondena ng tatlumpo sa pinakamalaki at maimpluwensiyang business groups sa bansa ang graft at corruption sa gobyerno, partikular na sa Department of Public Works and Highways, local government units, at Commission on Audit (COA).

Sa isang joint statement nitong Huwebes, umapela ang grupo na itigil na ang korupsyon at maawa sa publiko sa kanilang dinaranas na paghihirap.

Inihayag naman ni Romualdez na hindi kukunsintihin ng kongreso ang pang-aabuso sa alinmang sangay ng gobyerno.

"Let me be clear: the House of the People will never condone corruption, whether in public works, local governance, or any other area of government service. Allegations of wrongdoing must be investigated thoroughly and addressed decisively. I fully support initiatives for independent scrutiny and fair prosecution to ensure that those who betray public trust are held accountable under the law," dagdag nito. (Vina de Guzman)

Pahayag ni Cong. Tiangco kay Cong. Garbin, huwag ilihis ang isyu

Posted on: September 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
"ANG panawagan ko kay Cong. Garbin, huwag ilihis ang isyu. I could not have made any insertion kasi hindi ako member ng Bicam. P529M was the amount approved in the Bicam from the requests for additional funding for Navotas.. All I can do is make a request and the Bicam decides,".

Ito ang pahayag ni Navotas Representative Toby Tiangco kay Cong. Garbin.

"So hindi ba mas lalong nakapagtataka kung bakit si Zaldy Co was able to insert P13,803,693,000 to some districts that did not even ask for it? Dagdag pa dito papaanong nakapag-insert ang Ako Bicol partylist ng P2,295,000,000 at ang BHW naman ng P2,064,000,000 samantalang ang limit ng ibang partylists ay P100 to P150 million lang?" dagdag niya.

"Navotas lies downstream of the Tullahan River and is below sea level during high tide. Ibig sabihin, ang tubig ng high tide mula dagat at ilog ay mas mataas kaysa sa lupa ng Navotas. Therefore, flooding is really the number one issue that needs to be addressed," ani Cong. Tiangco.

Kaya napaka-importante aniya ng flood control projects dahil apektado ng baha ang maraming aspeto ng buhay—kaligtasan, kalusugan, kabuhayan, edukasyon, at negosyo ng bawat Navoteño.

"Openly naman po natin sinasabi sa ating mga kababayan na hihingan natin ng pondo sa National Government ang flood control projects. Hindi po ito sikreto. Pero dahil limitado rin ang pondo ng National Government, taon-taon ay partial ang pagpopondo kaya phase by phase ang pag-release ng budget," dagdag niya.

Ayon pa kay Tiangco, "Ang paggawa ng Program of Works at ang pagbi-bid ng mga projects ay hindi saklaw ng aking tanggapan, at yan ay bagay na never ko pinapakialaman. I dont even ask DPWH kung sino ang nanalong bidders sa mga project. In fact, the first time I asked the District Engineer (DE) was nung lumabas yung Top 15 contractors to check if meron projects ang mga yun sa Navotas".

"The second time was to ask kung sure ba siya na okay lahat ng projects ng lahat ng contractors even those na hindi kasama sa top 15 na nabanggit ng pangulo and the DE confirmed na okay lahat. At kung may matuklasan akong kalokohan sa projects ako ang unang-unang magrereklamo. Anong mapapala ko dyan, hindi naman ako Congtractor?" dagdag niya. (Richard Mesa)

PH, Cambodia lalagdaan ang mga kasunduan sa panahon ng state visit ni PBBM — DFA

Posted on: September 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INAASAHAN na lalagdaan ang ilang kasunduan sa state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Cambodia sa susunod na linggo.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Angelica Escalona, ang mga kasunduan na ito ay may kinalaman sa paglaban sa transnational crimes at ‘higher education.’
Ang Pangulo ay may nakatakdang state visit sa Cambodia mula Setyembre 7 hanggang 9, kasama si Unang Ginang Louise “Liza” Araneta-Marcos sa imbitasyon na rin ng Kanyang Kamahalan Preah Bat Samdech Preah Boromneath Norodom Sihamoni, King of Cambodia.
Sa kanilang pagdating, sasalubungin ang First Couple ni Acting Head of State at Senate President Samdech Akka Moha Sena Padei Techo Hun Sen at kanyang asawa na si Samdech Kittiprittbindit Bun Rany Hun Sen, sa ngalan ng Kanyang Kamahalan.
Inaasahan din na magkakaroon ng bilateral meeting si Pangulong Marcos kasama si Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet, Prime Minister of Cambodia, para pag-usapan ang pagpapalawak ng kooperasyon sa pakikipaglaban sa transnational crimes at pagpapahusay ng koneksyon.
Pag-uusapan din ng mga ito ang mga bagay na may kinalaman sa agrikultura, mas mataas na edukasyon, turismo at cultural cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.
Inaasahan din na magsasalita si Pangulong Marcos sa roundtable meeting kasama ang mga napakahalagang business leaders mula sa dalawang bansa upang siyasatin ang mga pamamaraan para i-diversify ang pinagmumulan ng mga kalakal at palawigin ang market access sa pagitan ng dalawang bansa.
Idagdag pa rito, inaasahan pa rin na makakaharap at makapupulong ni Pangulong Marcos ang Filipino community sa Cambodia, na karamihan ay nagtatrabaho sa ‘education at services sectors.’
Sa kasalukuyan, mahigit sa 7,000 Filipino ang nakabase sa Cambodia. (Daris Jose)

PBBM, biyaheng Cambodia sa Sept. 7-9 para makapulong ang PM, business leaders

Posted on: September 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BIYAHENG Cambodia si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang state visit mula Setyembre 7 hanggang 9 kung saan makapupulong niya si Cambodian Prime Minister Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet at mga business leaders.
Makakasama ng Pangulo si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa Cambodia, sa imbitasyon na rin ni Cambodian King Preah Bat Samdech Preah Boromneath Norodom Sihamoni.
“The President and the First Lady will be received by acting Head of State and Senate President Samdech Akka Moha Sena Padei Techo Hun Sen and his spouse, Samdech Kittiprittbindit Bun Rany Hun Sen, on behalf of His Majesty,” ang nakasaad sa kalatas ng Malakanyang.
“The President will hold a bilateral meeting with Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet, Prime Minister of Cambodia, to discuss expanding cooperation in combating transnational crimes and enhancing connectivity, as well as in the key sectors of agriculture, higher education, tourism, and cultural cooperation between the two countries,” ang nakasaad pa rin dito.
Inaasahan na magkakaroon din ang Pangulo ng roundtable dialogue kasama ang mga pinakamahahalagang business leaders mula sa Pilipinas at Cambodia para magsaliksik ng mga paraan para pag-iba-ibahin ang pinagmumulan ng mga kalakal at palawigin ang market access sa pagitan ng dalawang bansa.
Layon din ng business meeting ang itaas ang bilateral at intra-ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) trade.
Bukod dito, nakatakda ring makapulong ng Pangulo ang Filipino community sa Cambodia para personal na ipahayag sa mga ito ang kanyang pasasalamat para sa kanilang kontribisyon sa ‘economic at socio-cultural development’ kapuwa ng Pilipinas at Cambodia.
Sa kasalukuyan, may mahigit na 7,000 pinoy ang naninirahan sa Cambodia, karamihan sa mga ito ay nagtatrabaho sa larangan ng edukasyon at serbisyo.
Ang napipintong state visit ng Pangulo sa Cambodia ay pagtugon sa opisyal na pagbisita ni Hun Manet sa Pilipinas noong February 2025. ( Daris Jose)

Kahit nagbitiw si PCAB executive director Matienzo, may pananagutan pa rin ito ukol sa korupsyon

Posted on: September 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ni House Deputy Speaker at Zambales Rep. Jay Khonghun na hindi mapipigilan nang pagbibitiw ni Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) Executive Director Herbert Matienzo ang kamara na ituloy ang pagsusulong nito ng full accountability kasunod ng alegasyon ng korupsyon sa contractor registration.
Ayon kay Khonghun, na una nang nanawagan ng pagsasagawa ng lifestyle check kay Matienzo sa isinagawang House Infrastructure Committee hearing, ang pagbaba sa puwesto ay hindi nangangahulugan na ligtas na siya.
“The resignation of Atty. Matienzo should not be seen as an escape from accountability. Kung may mali, may pananagutan. The House of Representatives will continue to dig into the allegations of ‘registration for sale’ at PCAB,” ani Khonghun.
Noong Martes na pagdinig, hinikayat ni Khonghun ang pagsasagawa ng lifestyle check dala na rin sa impormasyon na naninirahan ang naturang opisyal sa isang upscale village at nagmamay ari nilang sasakayan,
Itinanggi naman ni Matienzo ang alegasyon sa ginanap na pagdinig na nagsabing hindi siya naninirahan sa Alabang kundi sa Cupang, Muntinlupa.
Sinabi ni Khonghun na determinado ang kongreso na magsagawa pa ng mas malalim na reporma sa accreditation process upang matapos na ang kultura ng korupsyon sa infrastructure contracting.
“This resignation is only the beginning. We owe it to our people to clean up the system so that public funds are protected and projects are delivered honestly and efficiently,” napahayag nito.
Kinumpirma ni Trade Secretary Cristina Roque na nagbitiw si Matienzo epektibo September 3, dhahil sa “personal reasons.”
(Vina de Guzman)

Nag-trending ang reunion ng cast ng teen series na ‘Tween Hearts’: BARBIE, nakipag-bonding sa dating co-stars na sina BEA at JOYCE

Posted on: September 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAG-TRENDING sa social media ang reunion ni Barbie Forteza sa mga dati niyang co-stars sa 2010-2012 Kapuso teen series na ‘Reel Love Presents Tween Hearts’ na sina Bea Binene at Joyce Ching.
Nag-bonding ang former teen stars sa isang coffee shop after nilang manood ng sine at nag-catch up sa isa’t isa.
“Movie date with Belinda and Aya,” caption ni Barbie sa kanyang Instagram post.
Kapwa nagsisimula pa lang sa kanilang showbiz careers sina Barbie, Bea at Joyce noong gawin nila ang Tween Hearts.
Si Barbie ay na-introduce sa Philippine version ng hit Koreanovela na ‘Stairway To Heaven’ in 2009 kunsaan naka-loveteam niya si Joshua Dionisio.
Si Bea ay naging contestant sa ‘StarStruck Kids’ in 2004 at lumabas na sa iba’t ibang GMA shows. Pinartner siya kay Jake Vargas sa Tween Hearts.
Si Joyce naman ay isa sa mga bata sa ‘Bubble Gang Jr.’ in 2005. Naging loveteam niya si Kristoffer Martin sa Tween Hearts.
Sa kanilang tatlo, si Joyce lang ang may asawa at kinasal siya noong 2019 kay Kevin Alimon. May baby girl sila named Olivia na sinilang noong October 2024.
Ang iba pa nilang co-stars sa Tween Hearts ay sina Alden Richards, Derrick Monasterio, Kylie Padilla, Lexi Fernandez, Louise delos Reyes, Yassi Pressman, Hiro Peralta, Kim Rodriguez, Kiko Estrada, Teejay Marquez, Rhen Escano, Ken Chan, Krystal Reyes, Marlo Mortel, Kit Thompson, Elmo Magalona at Julie Anne San Jose.
Nagkaroon pa ito ng 2011 movie version titled ‘Tween Hearts Academy: Class of 2012’ na dinirek ni Mark Reyes.
***
SA edad na 94, malakas pa rin ang pangangatawan at isipan ng Hollywood legend na si Barbara Eden.
Naki-celebrate sa ‘I Dream Of Jeannie’ star ang kanyang loyal fans last Aug. 23 via social media.
“Let’s all take a moment to wish our favorite blonde, entertainment icon and Hollywood legend Barbara Eden a very VERY Happy Birthday today!” ayon sa post ng Team Eden.
Gumawa si Eden ng 25 films, 19 TV movies and five TV series sa kanyang 70-year career. Ang big break niya ay naganap in 1955, when she became a recurring sketch performer on The Johnny Carson Show.
Naging household name si Eden nang gampanan niya ang iconic role as Jeannie, a 2,000-year-old genie who falls in love with an astronaut on I Dream of Jeannie, na tumakbo ng five seasons from 1965 to 1970.
Ang sikreto raw ng kanyang sexy genie figure hanggang ngayon ay: “I used to work out all the time. I used to do spinning classes and then do weights with a trainer. Now I have a stationary bicycle and I lift five pounds. I use very lightweight weights, but they’re good for your bones.”
(RUEL J. MENDOZA)