• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 7th, 2025

Pahayag ni Cong. Tiangco kay Cong. Garbin, huwag ilihis ang isyu

Posted on: September 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
"ANG panawagan ko kay Cong. Garbin, huwag ilihis ang isyu. I could not have made any insertion kasi hindi ako member ng Bicam. P529M was the amount approved in the Bicam from the requests for additional funding for Navotas.. All I can do is make a request and the Bicam decides,".

Ito ang pahayag ni Navotas Representative Toby Tiangco kay Cong. Garbin.

"So hindi ba mas lalong nakapagtataka kung bakit si Zaldy Co was able to insert P13,803,693,000 to some districts that did not even ask for it? Dagdag pa dito papaanong nakapag-insert ang Ako Bicol partylist ng P2,295,000,000 at ang BHW naman ng P2,064,000,000 samantalang ang limit ng ibang partylists ay P100 to P150 million lang?" dagdag niya.

"Navotas lies downstream of the Tullahan River and is below sea level during high tide. Ibig sabihin, ang tubig ng high tide mula dagat at ilog ay mas mataas kaysa sa lupa ng Navotas. Therefore, flooding is really the number one issue that needs to be addressed," ani Cong. Tiangco.

Kaya napaka-importante aniya ng flood control projects dahil apektado ng baha ang maraming aspeto ng buhay—kaligtasan, kalusugan, kabuhayan, edukasyon, at negosyo ng bawat Navoteño.

"Openly naman po natin sinasabi sa ating mga kababayan na hihingan natin ng pondo sa National Government ang flood control projects. Hindi po ito sikreto. Pero dahil limitado rin ang pondo ng National Government, taon-taon ay partial ang pagpopondo kaya phase by phase ang pag-release ng budget," dagdag niya.

Ayon pa kay Tiangco, "Ang paggawa ng Program of Works at ang pagbi-bid ng mga projects ay hindi saklaw ng aking tanggapan, at yan ay bagay na never ko pinapakialaman. I dont even ask DPWH kung sino ang nanalong bidders sa mga project. In fact, the first time I asked the District Engineer (DE) was nung lumabas yung Top 15 contractors to check if meron projects ang mga yun sa Navotas".

"The second time was to ask kung sure ba siya na okay lahat ng projects ng lahat ng contractors even those na hindi kasama sa top 15 na nabanggit ng pangulo and the DE confirmed na okay lahat. At kung may matuklasan akong kalokohan sa projects ako ang unang-unang magrereklamo. Anong mapapala ko dyan, hindi naman ako Congtractor?" dagdag niya. (Richard Mesa)

PH, Cambodia lalagdaan ang mga kasunduan sa panahon ng state visit ni PBBM — DFA

Posted on: September 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INAASAHAN na lalagdaan ang ilang kasunduan sa state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Cambodia sa susunod na linggo.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Angelica Escalona, ang mga kasunduan na ito ay may kinalaman sa paglaban sa transnational crimes at ‘higher education.’
Ang Pangulo ay may nakatakdang state visit sa Cambodia mula Setyembre 7 hanggang 9, kasama si Unang Ginang Louise “Liza” Araneta-Marcos sa imbitasyon na rin ng Kanyang Kamahalan Preah Bat Samdech Preah Boromneath Norodom Sihamoni, King of Cambodia.
Sa kanilang pagdating, sasalubungin ang First Couple ni Acting Head of State at Senate President Samdech Akka Moha Sena Padei Techo Hun Sen at kanyang asawa na si Samdech Kittiprittbindit Bun Rany Hun Sen, sa ngalan ng Kanyang Kamahalan.
Inaasahan din na magkakaroon ng bilateral meeting si Pangulong Marcos kasama si Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet, Prime Minister of Cambodia, para pag-usapan ang pagpapalawak ng kooperasyon sa pakikipaglaban sa transnational crimes at pagpapahusay ng koneksyon.
Pag-uusapan din ng mga ito ang mga bagay na may kinalaman sa agrikultura, mas mataas na edukasyon, turismo at cultural cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.
Inaasahan din na magsasalita si Pangulong Marcos sa roundtable meeting kasama ang mga napakahalagang business leaders mula sa dalawang bansa upang siyasatin ang mga pamamaraan para i-diversify ang pinagmumulan ng mga kalakal at palawigin ang market access sa pagitan ng dalawang bansa.
Idagdag pa rito, inaasahan pa rin na makakaharap at makapupulong ni Pangulong Marcos ang Filipino community sa Cambodia, na karamihan ay nagtatrabaho sa ‘education at services sectors.’
Sa kasalukuyan, mahigit sa 7,000 Filipino ang nakabase sa Cambodia. (Daris Jose)

PBBM, biyaheng Cambodia sa Sept. 7-9 para makapulong ang PM, business leaders

Posted on: September 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BIYAHENG Cambodia si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang state visit mula Setyembre 7 hanggang 9 kung saan makapupulong niya si Cambodian Prime Minister Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet at mga business leaders.
Makakasama ng Pangulo si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa Cambodia, sa imbitasyon na rin ni Cambodian King Preah Bat Samdech Preah Boromneath Norodom Sihamoni.
“The President and the First Lady will be received by acting Head of State and Senate President Samdech Akka Moha Sena Padei Techo Hun Sen and his spouse, Samdech Kittiprittbindit Bun Rany Hun Sen, on behalf of His Majesty,” ang nakasaad sa kalatas ng Malakanyang.
“The President will hold a bilateral meeting with Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet, Prime Minister of Cambodia, to discuss expanding cooperation in combating transnational crimes and enhancing connectivity, as well as in the key sectors of agriculture, higher education, tourism, and cultural cooperation between the two countries,” ang nakasaad pa rin dito.
Inaasahan na magkakaroon din ang Pangulo ng roundtable dialogue kasama ang mga pinakamahahalagang business leaders mula sa Pilipinas at Cambodia para magsaliksik ng mga paraan para pag-iba-ibahin ang pinagmumulan ng mga kalakal at palawigin ang market access sa pagitan ng dalawang bansa.
Layon din ng business meeting ang itaas ang bilateral at intra-ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) trade.
Bukod dito, nakatakda ring makapulong ng Pangulo ang Filipino community sa Cambodia para personal na ipahayag sa mga ito ang kanyang pasasalamat para sa kanilang kontribisyon sa ‘economic at socio-cultural development’ kapuwa ng Pilipinas at Cambodia.
Sa kasalukuyan, may mahigit na 7,000 pinoy ang naninirahan sa Cambodia, karamihan sa mga ito ay nagtatrabaho sa larangan ng edukasyon at serbisyo.
Ang napipintong state visit ng Pangulo sa Cambodia ay pagtugon sa opisyal na pagbisita ni Hun Manet sa Pilipinas noong February 2025. ( Daris Jose)

Kahit nagbitiw si PCAB executive director Matienzo, may pananagutan pa rin ito ukol sa korupsyon

Posted on: September 7th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ni House Deputy Speaker at Zambales Rep. Jay Khonghun na hindi mapipigilan nang pagbibitiw ni Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) Executive Director Herbert Matienzo ang kamara na ituloy ang pagsusulong nito ng full accountability kasunod ng alegasyon ng korupsyon sa contractor registration.
Ayon kay Khonghun, na una nang nanawagan ng pagsasagawa ng lifestyle check kay Matienzo sa isinagawang House Infrastructure Committee hearing, ang pagbaba sa puwesto ay hindi nangangahulugan na ligtas na siya.
“The resignation of Atty. Matienzo should not be seen as an escape from accountability. Kung may mali, may pananagutan. The House of Representatives will continue to dig into the allegations of ‘registration for sale’ at PCAB,” ani Khonghun.
Noong Martes na pagdinig, hinikayat ni Khonghun ang pagsasagawa ng lifestyle check dala na rin sa impormasyon na naninirahan ang naturang opisyal sa isang upscale village at nagmamay ari nilang sasakayan,
Itinanggi naman ni Matienzo ang alegasyon sa ginanap na pagdinig na nagsabing hindi siya naninirahan sa Alabang kundi sa Cupang, Muntinlupa.
Sinabi ni Khonghun na determinado ang kongreso na magsagawa pa ng mas malalim na reporma sa accreditation process upang matapos na ang kultura ng korupsyon sa infrastructure contracting.
“This resignation is only the beginning. We owe it to our people to clean up the system so that public funds are protected and projects are delivered honestly and efficiently,” napahayag nito.
Kinumpirma ni Trade Secretary Cristina Roque na nagbitiw si Matienzo epektibo September 3, dhahil sa “personal reasons.”
(Vina de Guzman)