• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 6th, 2025

Metro Manila Subway naresolba ang 4 na problema sa ROW  

Posted on: September 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

APAT (4) sa limang (5) problema sa right-of-way (ROW) ang naresolba ng Department of Transportation (DOTr) para sa patuloy na pagtatayo ng Metro Manila Subway Project (MMSP).

 

     Ayon sa DOTr ay importante na maresolba ang problema ng ROW upang maging madali at mabilis ang pagtatayo ng MMSP. Sa ngayon ay nakuha na ng DOTr ang lote na may apat na segments para sa proyekto ng subway.

 

     Ang ROW para sa gagawing MMSP ay tuloy na para sa Anonas at White Plains sa lungsod ng Quezon; Valenzuela, at Bonifacio Global City sa lungsod ng Taguig. Ang may problema na lamang na kailangan iresolba ay ang Ortigas property kung saan nakatayo ang dating Payanig sa Pasig.

 

     “The property, which covers parts of the Metrowalk, remains unresolved due to overlapping claims and legal ownership. It is under the jurisdiction of the Presidential Commission on Good Government,” wika ng DOTr.

 

     Sinabi naman ng DOTr na sila nakikipag-ugnayan na kay Pasig City Mayor Vico Sotto para sa nasabing lote upang masimulan  na ang construction.

 

     Ang MMSP ay inaasahang makapagsasakay ng 370,000 na pasahero kada araw sa simula ng operasyon kung saan makakatulong ito upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa kalakhang Maynila. Naglalayon din ito na magkaroon ang bansa ng isang modernong transportasyon.

 

     Sa kabilang dako naman sa North-South Commuter Railway (NSCR), ang DOTr ay nakipag-ugnayan sa lungsod pamahalaan ng Maynila upang maging mabilis ang pagtatayo ng istasyon sa Solis at Bluementritt.

 

     “The partnership is in response to President Ferdinand Marcos Jr’s order to accelerate the construction of mass transport projects for the benefit of the commuters. We appreciate the help of Mayor Isko Moreno for the partnership to ensure that the construction of the project begins after a two-year delay,” ayon sa DOTr.

 

     Nagkaroon ng clearing operations sa Old Antipolo Road noong nakaraan buwan upang mapabilis ang pagtatayo ng NSCR sa Blumentritt.

     Sinabi rin ng DOTr na doon mo makikita talaga na kapag nagtulungan ang lokal at national na pamahalaan ay aandar ang proyekto.

     “On behalf of the people of Manila, we are grateful to the President that the project is being implemented, and we are happy with former DOTr Secretary Dizon because he moves fast and so all the projects that benefit the public, our city government will support it 101 percent,” saad ni Mayor Isko Moreno.  LASACMAR

 

China, nagdaos ng military grand parade

Posted on: September 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGDARAOS ang China ng Grand Military Parade tuwing ika-3 ng Setyembre bilang pagpapakita ng kapangyarihan, ala-ala, sakripisyo at higit sa lahat, ay tungkol sa kapayapaan.

Noong ika-3 ng Setyembre 1945, ay nasaksihan ng mundo ang pagwawakas ng China peoples war of resiliance, laban sa agresyon ng Japan.

Pagkatapos ng 14 taon ng brutal na pakikibaka ng China ay natakot ngunit walang patid ang araw na iyon, ay naging pambansang araw ng pag-alala.

Isang bansang nakakalimutan ang bahagi nito ay walang kinabukasan ang parada ay tungkol sa pagpupugay sa 35 milyong buhay na nawala.

Ang katatagan ng isang bansang tumangging sumuko at ang hindi matitinag na paniniwala na ang kapayapaan ay dapat ipagtanggol bawat pormasyon, bawat pagpupugay, bawat pag-ikot ng mga makina ay nagsabi ng isang bagay na malakas at malinaw.

Naalala natin ang mabilis, pinahahalagahan natin ang kapayapaan, at ipagtatanggol natin mula sa isang bansang minsang napunit tungo sa isang bansang naninirang-puri sa entablado ng mundo.

Nagpadala ang China ng mensahe sa mundo, “Ang kapayapaan ay mahalaga – ngunit ang kapayapaan ay hindi kailanman libre”.

Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang ika-3 ng Setyembre, ito ay isang araw ng pag-alala, isang araw ng pagmamalaki, isang araw kung kailan naaalala ng China ang kahapon upang protektahan ang bukas. (Richard Mesa)

Bar examinees, exempted sa number coding – MMDA

Posted on: September 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na exempted sa umiiral na number coding ang mga sasakyan ng bar examinees sa Setyembre 10 upang hindi maantala sa pagtungo sa kani-kanilang testing centers.

“In line with the upcoming Philippine Bar Examinations on September 10, 2025, and to ensure that examinees are able to arrive at their respective testing venues without undue delay, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) informs the public that all Bar Examinees are exempted from the Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) or number coding­ scheme,” ayon sa MMDA na naka-post sa social media nitong Miyerkules, Set­yembre 3.

Ayon sa MMDA, kailangan na naka-display ang Bar Exam Permit ng mga bar examinees sa windshield upang malaman na exempted sa number coding.

Inilabas din ng Office of the 2025 Bar Chairperson ang guidelines sa number coding para sa Bar examinees, na ang exemption ay para sa mga bumibiyahe papunta at pabalik ng Bar exam centers sa Manila, Taguig, Quezon City at Muntinlupa. Gaganapin ang mga pagsusulit sa September 7, Linggo; Sept. 10, Miyerkules; at Sept. 14, Linggo.

Ads September 6, 2025

Posted on: September 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

6 – page 4-merged