Metro Manila Subway naresolba ang 4 na problema sa ROW
- Published on September 6, 2025
- by @peoplesbalita
APAT (4) sa limang (5) problema sa right-of-way (ROW) ang naresolba ng Department of Transportation (DOTr) para sa patuloy na pagtatayo ng Metro Manila Subway Project (MMSP).
Ayon sa DOTr ay importante na maresolba ang problema ng ROW upang maging madali at mabilis ang pagtatayo ng MMSP. Sa ngayon ay nakuha na ng DOTr ang lote na may apat na segments para sa proyekto ng subway.
Ang ROW para sa gagawing MMSP ay tuloy na para sa Anonas at White Plains sa lungsod ng Quezon; Valenzuela, at Bonifacio Global City sa lungsod ng Taguig. Ang may problema na lamang na kailangan iresolba ay ang Ortigas property kung saan nakatayo ang dating Payanig sa Pasig.
“The property, which covers parts of the Metrowalk, remains unresolved due to overlapping claims and legal ownership. It is under the jurisdiction of the Presidential Commission on Good Government,” wika ng DOTr.
Sinabi naman ng DOTr na sila nakikipag-ugnayan na kay Pasig City Mayor Vico Sotto para sa nasabing lote upang masimulan na ang construction.
Ang MMSP ay inaasahang makapagsasakay ng 370,000 na pasahero kada araw sa simula ng operasyon kung saan makakatulong ito upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa kalakhang Maynila. Naglalayon din ito na magkaroon ang bansa ng isang modernong transportasyon.
Sa kabilang dako naman sa North-South Commuter Railway (NSCR), ang DOTr ay nakipag-ugnayan sa lungsod pamahalaan ng Maynila upang maging mabilis ang pagtatayo ng istasyon sa Solis at Bluementritt.
“The partnership is in response to President Ferdinand Marcos Jr’s order to accelerate the construction of mass transport projects for the benefit of the commuters. We appreciate the help of Mayor Isko Moreno for the partnership to ensure that the construction of the project begins after a two-year delay,” ayon sa DOTr.
Nagkaroon ng clearing operations sa Old Antipolo Road noong nakaraan buwan upang mapabilis ang pagtatayo ng NSCR sa Blumentritt.
Sinabi rin ng DOTr na doon mo makikita talaga na kapag nagtulungan ang lokal at national na pamahalaan ay aandar ang proyekto.
“On behalf of the people of Manila, we are grateful to the President that the project is being implemented, and we are happy with former DOTr Secretary Dizon because he moves fast and so all the projects that benefit the public, our city government will support it 101 percent,” saad ni Mayor Isko Moreno. LASACMAR