Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
SA kanyang statement, sinabi ni Navotas City Representative Toby Tiangco na buo ang kanyang suporta sa matapang at kinakailangang hakbang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ilantad at harapin ang mga nakakatakot na anomalya sa flood control programs sa bansa.
MARIING sinabi ni Caloocan City 2nd District Congressman Edgar “Egay” Erice na ang mabagal at maanomalya umanong waste management system mayroon ang Pilipinas ang dahilan kaya’t di nabibigyan ng solusyon ang paulit-ulit at malalang pagbaha sa Metro Manila.
NAHULI at na-impound ng Land Transportation Office (LTO), sa pamumuno ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, ang kabuuang 284 na sasakyan sa pinaigting na isang-buwang anti-colorum operations sa buong bansa nitong Hulyo 2025.
PINAG-ARALAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na P1 provisional fare increase ng mga transport groups sa mga Public Utility Jeepneys (PUJs).MAY nakarinig raw kay Bea Alonzo nang sinabi nito na malapit na siyang maging Chinese dahil sa boyfriend si Vincent Co na presidente ng Puregold.
Meaning, nakahanda na si Bea sa new chapter ng buhay niya, ang pag-aasawa.Saka sa edad ni Bea, ay dapat lang naman siguro na lumagay na siya sa tahimik para magka-baby pa sila ni Vincent na kung hindi kami nagkakamali ay nasa late 30’s na.From a source, maliban sa madalas magkasama sa abroad for vacation o business trip, nakarating na rin daw si Vincent sa sosyalin at yayamaning farm ni Bea sa Zambales.Maging si Bea ay naipakilala na rin daw ni Vincent sa kanyang parents na sina Susan at Lucio Co. At marami ang humahanga rito kay Vincent, at napaka very supportive nito sa career ni Bea sa showbiz.Na tuwing may nagpa-picture na fan sa girlfriend ay tumatabi siya at ‘di umeeksena.Sa ngayon busy sa rin sa kanyang online business si Bea at wala pang balita kung may new project siya.Huling napanood ang actress sa teleserye nila ni Carla Abellana at Benjamin Alves na ‘Widow’s War’ sa GMA.***Gonzaga family, patok na patok sa vlog at TiktokPAREHONG matataas ang views ng Gonzaga sisters kapag magkasama silang nagsa-sayaw sa Tiktok.Naku, lalo pang nagiging riot kapag ka-join nina Toni and Alex ang kanilang parents na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy na malaki rin ang following sa social media.Yes, humamig lang naman ng from 5 million to 20 million views ang Gonzaga family sa Tiktok at vlog ni Alex.Yung latest dance video nga ng mga ito na kasama ang hubbby ni Toni na si Direk Paul Soriano at mister ni Alex na si Lipa City Vice Mayor Mikee Morada ay umabot na sa 21.8M views in just 5 days.Tapos yung lambingan at biruan naman video naman ni Alex at Mommy Pinty na naka-upload sa official Facebook Page ni Alex ay as of August 9 ay meron ng 9.7 million views.Well, always good vibes naman kasi ang hatid ng Gonzaga family sa viewers kaya’t marami talaga ang mga sumusubaybay sa kanila sa buong mundo.Hindi rin nagtatagumpay ang mga paninira sa Gonzaga sisters. Wala naman kasing naniniwala sa mga fake news kina Toni at Alex.(PETER LEDESMA)
IPINAKILALA na kamakailan ang magiging kinatawan ng Pilipinas para sa ‘Mister Teenager Universe 2026’ na si Vanderlei Zamora.
Naganap ito na send-off mediacon at sashing ceremony na in-organize ng pageant National Director na si Charlotte Dianco at nagmamay-ari ng Spring Fairy Entertainment Productions.
Sa April 2026 pa ang ‘Mister Teenager Universe 2026’ na gaganapin sa Surabaya, Indonesia, kaya may ilang buwan pa si Vander sa kanyang paghahanda sa pagrampa sa naturang competition.
Nakasama rin sa event para magbigay ng suporta sina Miss Teen Universe Philippines 2025 Chiara Mae Vizcaya Gottschalk at Miss Teen Earth Philippines Meridith Bobadilla. Naroon din si Miss Teen Model International 2024 2nd Runer Up Dharella Anne Alconcel.
“I’m conditioning my mind, preparing myself mentally, inspiring myself, I’m working out more,” sabi ng 17-anyos na Grade 12 student sa De La Salle Greenhills.
First time pa lang sasabak si Vander sa pageant at sa international pa.
“This is my first pageant. I wanted to join because personally, I love challenges. I like challenging myself, I like develop, try new things and yes that’s why po,” pagbabahagi pa ng nag-iisang anak nina Dennis at Charlene Zamora na very supportive parents sa lahat ng kanyang gustong pasukin.
Isa sa mga advocacy niya ay ang pagtaguyod ng mental health awareness sa mga kabataan.
Matagal na rin niyang pangarap ang maging aktor, kaya naman plano niyang kumuha ng Theater Arts.
Nasa dugo rin pala ni Vanderlei ang showbiz dahil kamag-anak niya sina Lance at Rannie Raymundo. Marunong din siyang kumanta at tumutugtog ng drums.
Pahayag pa ni Vander, “The main goal is to win, it’s a dream come true kapag nangyari ‘yan. Apart of that main goal is to enjoy the moment, be the best it can be and also to discover myself. Because apart from the pageantry, I will learn a lot of things like ethics, understanding people.”
Sumasabak na rin si Vander sa mga workshop bilang paghahanda sa kanyang sarili, bago sumabak sa pag-arte.
“The audition part haven’t tried it, I’m preparing myself in enhancing physical appearance, my mindset, mentally and my relationship with God.
“Before I ge into that I want to make sure na ready na talaga ako,” dagdag pa ng pambato ng ‘Pinas sa Mister Teenager Universe.
Best of luck Vanderlei Zamora!
(ROHN ROMULO)
MAY mga nagprisinta pero si Gladys Reyes na mismo ang namamahala o manager ng anak na si Christophe Sommeruex.
Common knowledge na anim na taon pa lang ay nasa showbis na si Gladys, kaya alam na ng aktres ang pasikot-sikot.At ngayon ngang pinasok na rin ito ng panganay na lalaki bilang isang singer at songwriter sa Star Music, katuwang ni Gladys ang Star Magic para sa showbiz career ng panganay nilang anak ni Christopher Roxas.“Siguro kung merong medyo nakakaalam sa pasikut-sikot dito isa na ako do’n dahil six years old ako when I started. ‘Yung sa akin is ‘yung guidance lang, ‘yung gabay of course with (Star Magic), panatag ako eh.“Alam ko naman na hindi nila pababayaan si Christof. ‘Yung sa akin is bilang magulang lang din and at the same time na bilang nasa industry ako ‘di ba nando’n ako kung maaaring hindi na niya pagdaanan ‘yung mapapahamak pa siya, magkakamali siya, bakit hindi pa natin i-guide. Kumbaga bigyan natin ng short cut kaysa long cut. “Makakasalamuha ka pa ng mga taong mapagsamantala, ‘di ba? Kaya importante talaga na ‘yung concern mo hindi lang bilang magulang and at the same time concern ka do’n sa karera niya,” mahabang salaysay at paliwanag pa ni Gladys.Sa mga anak ni Gladys at Christopher ay parehong nakitaan niya na mahilig sa showbis ang tatlong lalaki at isang babae ang na mga anak niya pero mas desidido raw ang panganay na lalaki at bunso.Samantala, nominado si Gladys bilang Best Supporting Actress dahil sa role niya sa “Black Rider” at Best Comedy Actress sa “One for All, All for One” sa 37th Star Awards for TV.Nakatanggap din ng nominasyon ang bunsong anak na si Grant Summereux bilang “Best Child perfomer” at si Christophe Sommeruex naman ay “Best New Male TV Personality” para pa rin sa “One for All, All for One”.Gaganapin ang awards night sa Aug. 24, 2025 sa prestiyoso at bongacious sa 10th Floor Ballroom ng VS Hotel Convention Center, na matatagpuan sa 799 EDSA Southbound, South Triangle, Quezon City.(JIMI ESCALA)