• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 11th, 2025

Gilas Pilipinas papalakasin ang depensa sa must-win game kontra Iraq

Posted on: August 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAY ilang mga pagbabago na gagawin ngayon ang Gilas Pilipinas para sa huling must-win na laro kontra sa Iraq sa FIBA Asia Cup na ginanap sa Jeddah, Saudi Arabia.
Sinabi ni Gilas head coach Tim Cone sa dalawang pagkatalo nila sa Chinese Taipei at New Zealand ay nagkumahog sila sa pagdepensa sa three-points shot.
Kanilang pag-aaralan pa rin kung bakit nakakalusot ang mga three-points shots ng mga koponan na kanilang nakaharap.
Mahalaga aniya na tignan at kilalanin sa mga koponan kung sino ang tinaguriang shooters.
Umaasa ang Gilas coach na mabaligtad ang dalawang pagkatalo.
Gaganapin ang paghaharap nila ng Iraq sa huling laro sa Group D ngayon Agosto 9 dakong alas-4 ng hapon.

Pacquiao, muling nanguna sa WBC rankings

Posted on: August 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MULING pinatunayan ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao na ang edad ay hindi hadlang sa pagbabalik sa larangan ng boxing.
Sa kabila ng apat na taong pamamahinga, siya ay muling isinama sa WBC welterweight rankings ngayong Agosto 2025.
Pinakahuling laban niya ay si Mario Barrios sa Las Vegas noong Hulyo 19, 2025, kung saan nagtapos ito biolang draw.
Pumasa si Pacquiao sa lahat ng kinakailangang medical tests at drug screening ng WBC Clean Boxing Program.
Ayon sa WBC, karapat-dapat siyang muling isama sa listahan dahil sa kaniyang magandang record.
Maraming tagahanga ang sabik na muling masilayan ang “Pambansang Kamao” sa mga susunod pa nitong laban.
Para kay Pacquiao, ang laban na ito ay hindi lamang pagbabalik, kundi patunay na ang puso ng isang kampeon ay hindi kailanman kumukupas.

Wala sa lugar. hindi kinakailangan. masamang salita

Posted on: August 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ITO ang reaksyon ni House Committee on Human Rights Chair Bienvenido “Benny” Abante Jr. sa naging pahayag ni Senadora Imee Marcos matapos bumotong pabor na i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Abante, hindi na nakuntento sa ginawang pagboto sa impeachment ay kinakailangan pang magpahayag ng nakakahiyang tirada.
Tinukoy nito ang naging patama at personal na pag-atake ng senadora laban kay Speaker Martin Romualdez.
“There was no need for insults, innuendo, and personal barbs. What the moment required were rational arguments, not reckless theatrics. Sadly, her language was more appropriate for a kindergarten playground, not a legislative chamber. Isipin nyo naman. Nasa records ng Senado yan. Her words will now have a place side by side with the eloquent and elegant sentences of greats like Sen. Claro M. Recto. Nakakahiya,” ani Abante.
Ikinalungkot ni Abante ang uri ng lengguwahe ni Marcos na hindi lamang minaliit ang institusyon na kanyang irerepresenta kundi isang banta rin sa kortesiya at respeto sa pagitan ng dalawang kapulungan ng kongreso.
“Respecting one another is not just a matter of etiquette. It contributes to more constructive governance. The people expect us to conduct ourselves with professionalism, not pettiness. That’s the least they deserve from those entrusted with public office,” pagtatapos ni Abante.
(Vina de Guzman)

GAMING BUSINESS NI ATONG ANG, SISILIPIN NG BIR

Posted on: August 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SISILIPIN ang Bureau of Internal Revenue (BIR)   ang mga negosyo ng gaming business tycoon na si Charlie ‘Atong’ Ang upang tiyakin kung nagbabayad ito ng kaukulang buwis.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumaguil Jr, na lahat naman ng mga negosyanteng may kinalaman sa online gambling ay kanilang tinitingnan lalo na kung may mga impormasyon silang natatanggap patungkol sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Aniya, kanilang susuriin para masiguro na hindi ‘tax evader’ ang naturang negosyante.
Dagdag pa ni Commissioner Lumaguil, kanila ring tinitignan ang lahat ng mga sangkot dahil nais lamang aniya ng ahensya na siguradong nagbabayad lahat ng buwis, (Gene Adsuara)

PDEA, NAGBIGAY NG ₱9.4M PABUYA SA 26 NA CIVILIAN INFORMANTS SA BUONG BANSA

Posted on: August 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKATANGGAP ng kabuuang ₱9,400,641.00 cash rewards ang dalawampu’t anim na civilian informant mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Agosto 8, 2025 sa ilalim ng Operation: Private Eye (OPE), isang citizen-based information collection program na idinisenyo upang hikayatin ang aktibong partisipasyon ng mga pribadong mamamayan na mag-ulat ng mga aktibidad ng ilegal na droga sa kanilang mga komunidad.
Sa PDEA National Office sa Quezon City, walong impormante na nagsuot ng full face mask at nakilala lamang sa pamamagitan ng kanilang mga code name para manatiling anonymous, ang personal na nakatanggap ng kanilang monetary rewards sa seremonya, habang ang iba ay nakakakuha ng kanilang cash reward sa mga Regional Office sa buong bansa.
“Hats off sa mga impormante na maingat na nagbigay sa amin ng impormasyon na humahantong sa matagumpay na pagpapatupad ng 29 na high-impact na anti-drug operations, pagsamsam ng malaking halaga ng mga illegal na droga at pag-aresto sa mga high-value drug personalities sa buong bansa,” sabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R Nerez.
Dalawang impormante ang nagsilbing top earners na may tig-₱2,000,000.00. Kabilang sa mga ulat na kanilang ibinibigay sa mga awtoridad ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng 119,930.55 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu at pagkakaaresto sa isang drug personality sa interdiction operation sa Port of Calapan, Oriental Mindoro noong Marso 21, 2025 at pagkakasamsam ng 29,926.10 gramo ng shabu at pagkakaaresto sa tatlong drug personalities kasunod ng buy-bust operation sa Norzagaray, Bulacan noong Mayo 15, 2025.
Ang Operation Private Eye Reward Committee ay binubuo ng mga pangunahing opisyal at miyembro ng PDEA mula sa negosyo, akademya at sektor ng relihiyon na may napatunayang integridad at katatagan, sinuri, pinag-isipan at inaprubahan ang resolusyon na nagbibigay ng pabuya sa pera sa mga impormante.
“Nagtatrabaho sa likod ng mga eksena, ang mga pribadong mamamayan na ito turned-informants ay gumanap ng mahahalagang papel sa proseso ng pangangalap ng intelligence at nag-aalok ng mahalagang mga lead sa pagsisiyasat tungkol sa patuloy na aktibidad ng droga. Nagbigay sila sa amin ng mahahalagang impormasyon na kung hindi man ay magiging hamon para sa pagpapatupad ng batas na matuklasan nang nakapag-iisa, kapalit ng mga pagsasaalang-alang sa pera at pagiging kompidensyal”, dagdag pa ni Undersecretary Nerez.
“Ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa paglaban sa iligal na droga ay hindi maaaring masira, lalo pa ang epekto nito sa pagbabagong paglalakbay ng bansa tungo sa isang “Bagong Pilipinas”.
“Be a private eye. Sumali sa kampanya laban sa droga sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga aktibidad ng ilegal na droga sa pamamagitan ng aming hotline number 0917867732. Huwag matakot. Kasama ninyo ang PDEA”, hinikayat ni DG Nerez ang publiko. (PAUL JOHN REYES)

PBBM, nakipagpulong sa mga opisyal ng tinaguriang ‘largest dialysis care network’ ng Asya

Posted on: August 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga pinuno ng tinaguriang “largest dialysis network” ng Asya para sa mas malalim na pagtutulungan sa pagsusulong ng universal healthcare sa bansa.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang miting ay bahagi ng agenda ni Pangulong Marcos sa Bangalore — ang final leg ng kanyang five-day state visit sa India.
Sa isang social media post, sinabi ng PCO na nakapulong ng Pangulo ang mga opisyal mula sa NephroPlus para muling pagtibayin ang commitment kapuwa ng Pilipinas at India sa pagpapalawak ng access sa high-quality, patient-centered renal care.
“They decided to have a meeting with us, especially now that our rates are P6,350 (from P2,500) per session for each dialysis patient. So they are seeing that it’s now going to be very profitable,” ang sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa isang panayam.
“That’s good because then the government does not have to build many dialysis centers; all it does is make sure that the private sector does provide quality dialysis for Filipinos,” aniya pa rin.
Ang NephroPlus ay kinokonsiderang “Asia’s most extensive dialysis care network’ na nago-operate sa India, Nepal, Pilipinas at Uzbekistan, na may mahigit sa 400 clinics across sa buong kontinente.
Ayon sa National Kidney and Transplant Institute, may 64,845 na mga filipino ang naitala na sumailalim sa dialysis treatment noong 2024 , 22% na mas mataas kaysa sa 53,296 na naitala noong 2023.
Samantala, ‘as of March 2025’, iniulat ng Philippine Renal Disease Registry ng Department of Health na ang hypertensive nephrosclerosis ay kabilang sa 33.07% kidney disease cases sa bansa.
Sumunod ang diabetic nephropathy na may 30.04% at chronic glomerulonephritis na may 12.20%.
( Daris Jose)

Ruling ng Korte Suprema sa impeachment ni VP Sara, ‘no bearing on merits’ – PBBM

Posted on: August 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BENGALURU, India —NILINAW ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang naging desisyon ng Korte Suprema na may kaugnayan sa in-archive na impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte ay tumutugon lamang sa procedural issues at hindi nasaling ang mismong nilalaman ng reklamo.
“Let me clarify. The merits of the case were not examined by the Supreme Court… This does not decide the merits of the case. It just talked about procedure. So the procedure was faulty, was lacking. So that is the assessment of the Supreme Court,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa Philippine delegation reporters sa isang briefing sa kanyang naging state visit sa India.
“It has no bearing on the rightness or wrongness of the impeachment,”diing pahayag ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na wala pang paglilitis at ang nilalaman ng impeachment complaint ay hindi pa napagde-debatehan.
“Again, there has been no trial. So the merits of the case have not been examined, tried, adjudicated, argued, discussed. So, accountability just doesn’t come into it. People have to understand, it is a procedural question,” ayon sa Chief Executive.
“They said the date was wrong, the way the House did it was not correct. It had nothing to do with the contents of the impeachment complaint, but with how the impeachment was handled,” ang winika ng Pangulo.
Sa kabilang dako, iginiit ng Pangulo na walang papel ang ehekutibong sangay ng pamahalaan sa impeachment proceedings.
“I keep telling you, the executive has no role in this. The president has no role. I’m an impeachable officer. I cannot involve myself in any of this. So, it’s really the Supreme Court, the Senate and the House,” anito.
Nauna rito, inaprubahan ng Senado ang paglalagay sa archive ng impeachment case laban kay VP Sara kasunod ng pasya ng Korte Suprema na ito ay labag sa Konstitusyon.
Sa botong 19-4, nanaig ang mosyon ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na i-archive ang kaso, bilang tugon sa ruling ng Korte Suprema na nagsabing walang bisa ang reklamo mula sa simula at walang hurisdiksyon ang Senado rito. Si Senador Panfilo Lacson ang tanging nag-abstain.
Ang mosyon ni Villanueva ay nagbago sa orihinal na mungkahi ni Senador Rodante Marcoleta na tuluyang ibasura ang kaso. Tumutol dito si Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III, iginiit niyang nagtipon na ang Senado bilang impeachment court, kaya’t may hurisdiksyon ito sa usapin.
Ipinaliwanag naman ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na ang pag-archive ay hindi nangangahulugang itinatanggi ang mga naganap, kundi isang legal na pagsunod sa desisyon ng Korte Suprema.
Tinangka ni Sotto na ipatigil ang orihinal na mosyon ni Marcoleta sa tulong ni Sen. Risa Hontiveros, ngunit ito’y nabigo sa botong 19-5.
Binigyang-diin ni Escudero na maaaring muling buksan ang kaso mula sa archive kung sakaling baligtarin ng Korte Suprema ang desisyon nito.
(Daris Jose)

PBBM, pinagtibay ang commitment ng Pinas na panindigan ang ‘Asean principles’

Posted on: August 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MULING pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commitment ng Pilipinas na panindigan ang Association of Southeast Asian Nations’ (ASEAN) principles at isulong ang regional development.
“We will uphold ASEAN principles and continue the region’s legacy of lasting peace and shared progress as we navigate our future together,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang video message para sa 58th ASEAN founding anniversary na in-upload sa state-run Radio Television Malacañang.
Ang Pilipinas, kasama ang Indonesia, Malaysia, Singapore, at Thailand, tinintahan noong Aug. 8, 1967, ang ASEAN Declaration, na nagtatakda ng kolaborasyon ng regional bloc at pagtutulungan alinsunod sa ‘kaunlaran ng ekonomiya at kapayapaan sa rehiyon at katatagan.’
Ang iba pang SEAN member-states ay Brunei Darussalam, Cambodia, Lao PDR, Myanmar, at Vietnam.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang papel ng Pilipinas sa paglalatag ng pundasyon para sa isang rehiyon “anchored on peace, cooperation, shared progress, and prosperity.”
“Guided by the purpose and principles of ASEAN enshrined in its Charter, we have stood together in navigating evolving regional and global challenges over the years,” ayon sa Pangulo.
“Through solidarity and dialogue, we have also fostered mutually beneficial partnerships and we have advanced initiatives that uplift the lives of peoples and communities.” aniya pa rin.
Ang Pilipinas ay nakikipag-ugnayan sa Malaysia, kasalukuyang chair 10-member regional bloc, sa paghahanda ng bansa para sa pagho-host ng ASEAN meetings sa 2026.
Tanggap naman ni Pangulong Marcos na sa ilalim ng Malaysia’s chairship, ang ASEAN ay pinapatnubayan ng tema ng ‘inclusivity at sustainability.’
“This reflects not only the enduring aspirations of our region, but also the shared responsibilities that we must embrace in today’s dynamic and complex global environment,” anito.
“As the Philippines assumes the ASEAN Chairship in 2026, we will build on ASEAN’s achievements in responding to the region’s evolving priorities and in facing emerging challenges,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Ang ASEAN, itinuturing na fifth-largest economy ng buong mundo, nagpapanatili ng positibong paglago at patuloy na nagpapakita ng ‘economic resilience’ na may paglago na 4.7% noong 2024.
Samantala, ang kabuuang kalakalan ng bloc sa mga goods ay umabot na sa USD3.5 trillion noong 2024, habang ang foreign direct investment (FDI) ay sumirit sa USD229.8 billion, ipinako ang posisyon ng rehiyon bilang top investment destination sa hanay ng mga developing economies, ayon sa annual report ng rehiyon. (Daris Jose)

House Bill No. 933, o “An Act Regulating the Use of Sidewalks and Public Roads in All Urban Areas and for Other Purposes, ” isinusulong 

Posted on: August 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BILANG suporta sa kasalukuyang kampanya ng gobyerno na panatilihing malinis, maayos, walang harang at public safety, isinulong ng isang mambabatas na ma-regulate ang paggamit ng sidewalks o bangketa at kalsada.
Nakapaloob ito sa inihain ni Surigao del Norte Rep. Bernadette Barbers na House Bill No. 933, o “An Act Regulating the Use of Sidewalks and Public Roads in All Urban Areas and for Other Purposes.”
Layon ng panukala na mabawasan ang lumalalang trapiko sa siyudad ay magkaroon ng kaayusan at tamang paggamot ng public roads at sidewalks.
Ayon sa mambabatas, ilang bangketa ang ginagamit ng mga vendors na siyang dahilan para mapilitan ang pedestrians sa kalsada. Habang ang ilang homeowners at businesses na walang parking ang gumagamit sa kalsada bilang kanilang pribadong paradahan.
Iginiit nito na ang mga kalsada ay hindi para gamitin sa personal na gamit at ang taxpayers ay may karapatan para sa access nito.
Batay sa ilang pag-aaral, lumilitaw na ang mga residente sa Metro Manila ang nasasayangan ng ilang oras dahil kada taon dahil sa trapiko.
Sa panukala, ipagbabawal ang public roads bilang paradahan sa business operations o terminals. Papayagan lamang ang pansamantalang paggamit nito sa pamamagitan ng permits na inisyu ng LGUs.
Pagbabawalan naman ang LGUs o agencies mula sa pagtatalaga ng public roads bilang parking areas o terminals, kahit na may bayad.
Gayundin, ipagbabawal din ang pagtatayo ng istraktura o business activities na haharang o hahadlang sa bangketa habang papayagan naman ang pansamatalang paggamit sa pamamagitan ng special permit.
Ang sinumang lalabag ay pagmumultahin ng mula P1,000-P10,000 at kukumpiskahin ang nakaharang o nakahadlang sa bangketa at maiimpound din ang sasakyan na iligal na nakaparada.
“This bill is about restoring discipline, fairness, and safety on our streets. Sidewalks are for pedestrians. Roads are for vehicles. When we respect that, we move better as a society,” ani Barbers. (Vina de Guzman)

US pinasalamatan sa karagdagang tulong

Posted on: August 11th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINASALAMATAN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang United States government sa karagdagang alokasyon na ₱13.8 million ($250,000) na emergency shelter assistance at hygiene kits para sa 3,000 pamilyang Pilipino na naapektuhan ng matinding pagbaha dala ng bagyo at habagat nitong naklipas na Hulyo.
Ayon sa Speaker, ang nasabing tulong ay sumasalamin sa malakas na partnership sa pagitan ng Pilipinas at US.
“We deeply appreciate this generous assistance, which will significantly help many of our kababayans as they rebuild their homes and regain a sense of normalcy. This gesture from Washington reaffirms the U.S.’s unwavering commitment to stand with the Filipino people in both good times and in times of great need,” ani Romualdez.
Nitong Biyernes, inihayag ng U.S. Embassy sa Manila ang karagdagang pondo na ilalaan sa emergency shelter materials at hygiene kits para sa tinatayang nasa 15,000 indibidwal na nananatili sa mga evacuation centers sa probinsiya ng Rizal, Laguna, Bulacan at Pampanga.
Sa pamamagitan nitong supplemental assistance, ang total U.S. humanitarian support para sa disaster response efforts sa Pilipinas ay umabot na sa ₱27.6 million ($500,000).
Ang International Organization for Migration (IOM), sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mamamahagi ng shelter-grade tarpaulins, repair kits, at essential household items sa pamilyang nasira ang bahay.
Ang bawat kit ay naglalaman ng basic construction tools at materials na magagamit sa pagpapatayo muli ng kanilang kabahayan habang nilalaman naman ng hygiene kits ay sabon, timba at cleaning supplie. Ang IOM ay magmomonitor ng sanitation conditions sa evacuation centers upang makatulong na maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Hinikayat  naman ni Speaker Romualdez ang DSWD na siguruhin ang episyente at transparent na pamamahagi ng tulong.
Nanawagan din ito sa iba pang government agencies at local government units na siguruhin na ang mga pamilyang nasa evacuation centers ay may access sa malinis, safe hygiene at sanitation facilities.
(Vina de Guzman uzman)