House Bill No. 933, o “An Act Regulating the Use of Sidewalks and Public Roads in All Urban Areas and for Other Purposes, ” isinusulong
- Published on August 11, 2025
- by @peoplesbalita
BILANG suporta sa kasalukuyang kampanya ng gobyerno na panatilihing malinis, maayos, walang harang at public safety, isinulong ng isang mambabatas na ma-regulate ang paggamit ng sidewalks o bangketa at kalsada.
Nakapaloob ito sa inihain ni Surigao del Norte Rep. Bernadette Barbers na House Bill No. 933, o “An Act Regulating the Use of Sidewalks and Public Roads in All Urban Areas and for Other Purposes.”
Layon ng panukala na mabawasan ang lumalalang trapiko sa siyudad ay magkaroon ng kaayusan at tamang paggamot ng public roads at sidewalks.
Ayon sa mambabatas, ilang bangketa ang ginagamit ng mga vendors na siyang dahilan para mapilitan ang pedestrians sa kalsada. Habang ang ilang homeowners at businesses na walang parking ang gumagamit sa kalsada bilang kanilang pribadong paradahan.
Iginiit nito na ang mga kalsada ay hindi para gamitin sa personal na gamit at ang taxpayers ay may karapatan para sa access nito.
Batay sa ilang pag-aaral, lumilitaw na ang mga residente sa Metro Manila ang nasasayangan ng ilang oras dahil kada taon dahil sa trapiko.
Sa panukala, ipagbabawal ang public roads bilang paradahan sa business operations o terminals. Papayagan lamang ang pansamantalang paggamit nito sa pamamagitan ng permits na inisyu ng LGUs.
Pagbabawalan naman ang LGUs o agencies mula sa pagtatalaga ng public roads bilang parking areas o terminals, kahit na may bayad.
Gayundin, ipagbabawal din ang pagtatayo ng istraktura o business activities na haharang o hahadlang sa bangketa habang papayagan naman ang pansamatalang paggamit sa pamamagitan ng special permit.
Ang sinumang lalabag ay pagmumultahin ng mula P1,000-P10,000 at kukumpiskahin ang nakaharang o nakahadlang sa bangketa at maiimpound din ang sasakyan na iligal na nakaparada.
“This bill is about restoring discipline, fairness, and safety on our streets. Sidewalks are for pedestrians. Roads are for vehicles. When we respect that, we move better as a society,” ani Barbers. (Vina de Guzman)