• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 1st, 2025

PAGPUPULONG NG MGA KATIPUNEROS,  GINUNITA SA CAVITE

Posted on: August 1st, 2025 by people's balita No Comments

SA KAUNA-unahang pagkakataon, ipinagdiwang ang ika-127 Anibersaryo ng “Pagpupulong ng mga Katipuneros” 

na ginanap sa Bahay na Tisa, Cuenca House  sa Bacoor City, Cavite.

Ang  Bacoor Assembly ay naganap noong August 1, 1898 sa Bacoor Cavite  kung saan ang 1 August Acta de Independencia  ay nilagdaan ng mga pinunong sibiko na higit  sa 186  na mga pinuno mula sa 16 na probinsiya  na  pumirma sa naturang pahayag. 

Ang 16 na lalawigang ito ay nagpadala ng kanilang  mga demokratikong halal na pinuno  ss assemblea upang patunayan  kay Pangulong Aguinaldo  na ang isang malaking bahagi ng bansa  ay nagkakaisa sa bisyon at pamahalaan.  Ito ay pinangunahan nina  President Emilio Aguinaldo  at Apolinario Mabini. 

Sinabi ni 1st District Representative Lani Mercado -Revilla na  mahalaga ang pag-alala sa kasaysayan  katulad  ng lihim na pagpupulong sa Bacoor Cavite sa pangunguna ni Heneral Emilio Aguinaldo. Naniniwala si Rep Lani na tungkulin nating himukin ang bawat Pilipino na bigyang halaga ang Bacoor Assembly of 1898, kaya iniakda natin ang Republic act 12073 na nagtatalaga sa araw na ito  bilang Araw ng Paglalathala at Pagtatanyag ng  Kasarinlan ng Pilipinas.

Ayon pa kay Revilla,  ito rin ang kauna-unahang pagdiriwang na ginanap sa Bahay na Tisa matapos mapirmahan ng mismong may -akda na si Sen Loren Legrada na siya ring pangunahing pandangal sa nasabing okasyon  at nag-alay ng bulaklak  sa harapan ng lumang bahay. 

Paliwanag naman ng  National Historical Commission of the Philippines, na sa Acta, ang pagdedeklara ng Kalayaan ng Pilipinas ay pinagtibay hindi lamang bilang isang tagumpay sa larangan ng militar kundi, at kasinghalaga rin, bilang isang gawaing sibiko.

Bagama’t ang  paggunita sa Araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo ay nananatiling makapangyarihan at simbolikong paggunita ng kasaysayan, ito ay kalauna’y pinagtibay at pinalawak ng Acta de Independencia, na nagbukas ng mas malawak na sibikong pakikilahok. Ito ang nagbigay daan upang magkaroon ang deklarasyon ng mas pormal at mas inklusibong saligan.

Kasama rin sa programa sina Chair Regalado Trota Jose Jr ng National Historical Commission, Kinatawan  ng ikalawang distrito  ng Cavite na si Lani Mercado Revilla, Tagapangulo ng NCCA na si Victorino Mapa Manalo, Alkalde ng lungsod ng Bacoor na si Strike Revilla at Bise Alkalde Rowena Bautista – Mendiola .  (Gene Adsuara)

 

 

AGAP party-list Rep. Nicanor Briones, mariing itinanggi na naglalaro siya ng online sabong

Posted on: August 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MARIING iginiit ng isang mambabatas na hindi siya naglalaro ng online cockfighting games habang dumadalo sa ginagawang botohan para sa bagong Speaker ng Kamara nitong Lunes bago ang ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sinabi ni AGAP party-list Rep. Nicanor Briones na nais niyang sagutin at linawin ang lumabas at kumakalat na video .

Inihayag pa nito na malinis ang kanyang konsensiya ukol sa e-sabong dahil wala naman siyang online payment app sa kanyang phone.

“Hindi ako pumapasok sa sabungan, hindi ako nagsasabong. Against tayo sa online gaming kasi may mga apektado na nagtatrabaho sa livestock at poultry, yung mga nasa fowl services at security services na…against tayo dahil naaapektuhan ang trabaho,” pahayag nito sa DZMM interview.

Ayon sa mambabatas, nahihiya siya dahil sumikat ito dahil sa bagay na iyon.
Plano nito na maghain ng panukala na nagbabawal sa online gambling kabilang na ang e-sabong.

Sinabi ng mambabatas na ipinadala ng kanyang pamangkin ang naturang video sa pamamagitan ng messenger, na nagtatanong kung gusto nitong mag-sponsor ng laro.

Idinagdag ni Briones na pinatawad na niya ang uploader ng original video ngunit nagpahayag na “Nangyari na ang nangyari. Kung ano man ang kanyang motibo, pinatatawad ko na siya.”
(Vina de Guzman)

Ads August 1, 2025

Posted on: August 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

1 – page 4-merged

DALAWANG BUY-BUST OPERATION NG PDEA SA CAVITE AT RIZAL NAGING MATAGUMPAY

Posted on: August 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGTAGUMPAY ang dalawang isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 4A sa mga lalawigan ng Cavite at Rizal noong Hulyo 29, 2025.
Bandang alas-8:30 ng gabi, binuwag ng pinagsanib na operatiba ng PDEA Cavite Provincial Office, Cavite Maritime Police Station at Bacoor City Police Station ang isang hinihinalang drug den at naaresto ang walong drug personalities sa Purok Silangan, Barangay Niog, Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Fidel, 30, lalaki, binata, construction worker; alyas Jennifer, 38, babae, binata; alyas Alejandro, 28, lalaki, binata; alyas Angelica, 37, babae, binata; alyas Aubrey, 25, babae, binata; alyas Paciano, 60, lalaki, walang trabaho; alyas Bajie, 29, lalaki, binata; at alyas Henry, 29, lalaki, binata.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu, iba’t ibang drug paraphernalia at buy-bust money.
Bandang alas-11:40 ng gabi, dalawang high-value target ang naaresto ng magkasanib na operatiba ng PDEA Rizal Provincial Office at PNP RIU4A-PIT sa Lot 18, Block 4, Phase 3, Villa Montserrat Havilan, Barangay San Juan, Taytay, Rizal.
Nakuha mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at buy-bust money.
Kinilala ng mga operatiba ang mga suspek na sina alyas Sarah, 52, babae, may asawa, negosyante at residente ng Maypajo, Caloocan City; at alyas Papabear, 59, lalaki, may asawa, bus driver at lokal ng Bagua, Cotabato City.
Mahaharap ang lahat ng mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (PAUL JOHN REYES)

Gilas Pilipinas biyaheng Saudi Arabia na para sa FIBA Asia Cup

Posted on: August 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Bumiyahe na patungong Jeddah, Saudi Arabia ang Gilas Pilipinas para sa paglahok nila sa FIBA Asia Cup 2025.
Sinabi ni Gilas coach Tim Cone na pagdating nila doon ay hindi nila sasayangin ang panahon para makapag-ensayo.
Bagamat naging matagumpay ang kanilang exhibition game kontra sa Macau Black Bears ay mayroon pa silang exhibiton games laban sa Jordan sa Agosto 2 na gaganapin na sa Jeddah.
Dagdag pa ni Cone na ang mga susunod na araw ay ilalaan nila sa mga matinding ensayo.
Kabilang sa mga Gilas players na nagtungo na sa Saudi Arabia ay sina naturalized player Justin Brownlee, Oftana, June Mar Fajardo, CJ Perez, Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Jamie Malonzo, Chris Newsome, Dwight Ramos, AJ Edu, Carl Tamayo, at Kevin Quiambao.
Magsisimula ang laban ng Gilas Pilipinas laban sa Chinese Taipei sa Agosto 6 ng alas-2 ng madaling araw.
Susunod na laban nila sa Group D ang world number 22 na New Zealand sa Agosto 7 ng alas-11 ng gabi oras sa Pilipinas.
Huling laban ng Gilas sa group stage ay laban sa Iraq Agosto 9 ng alas-4 ng hapon.

PAMAMAHALA  SA FLOOD CONTROL SYSTEM, GUSTONG ILIPAT SA LOCAL GOVERNMENT

Posted on: August 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
GUSTONG ilipat ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso  sa lokal na pamahalaan ang pamamahala sa flood control system sa halip na sa national agency gaya ng  Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kung ibibigay aniya sa alkalde ang kapangyarihan, may aksyon at pananagutan.
Sinabi ng alkalde na mas direktang humaharap ang mga LGU sa taumbayan kaya’t mas may accountability sa mga palpak na proyekto.
Binanggit ni Domagoso ang pumping station sa Sunog Apog na hindi gumagana na aniya’y “brand new pero inutil”—isang halimbawa umano ng sablay na konstruksiyon mula sa DPWH.
Ayon pa sa alkalde , kahit may P34 bilyong pondo ang DPWH para sa flood control sa NCR, sira naman ang karamihang proyekto nito o hindi pa natatapos tulad ng Estero de Abad, Remedios, at Padre Faura pumping stations.
Sa kabilang banda, pinuri ni Isko ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na may 72 operational pumping stations, 24 dito ay nasa Maynila, sa kabila ng mas maliit na P2 bilyong pondo.
Sinang-ayunan din ng alkalde ang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na kastiguhin ang mga tiwaling opisyal at kontratista na responsable sa mga palpak at ghost projects kaugnay ng flood control. (Gene Adsuara)

Ngayong Agosto, Setyembre:  PBBM, nagdeklara ng special non-working day sa 5 lugar 

Posted on: August 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na special non-working day sa apat na munisipalidad at isang lungsod sa Luzon at Visayas para payagan ang mga residente na makiisa sa kanilang ‘commemorative events.’
Sa katunayan, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, noong Hulyo 18, ang lahat ng proklamasyon na nagdedeklara ng holidays.
Sa ilalim ng Proclamation No. 977, idineklara ang Agosto 4 bilang special non-working day sa San Pascual, Batangas sa pagdiriwang ng founding anniversary ng munisipalidad.
Idineklara rin ang special non-working day sa Bayombong, Nueva Vizcaya sa Agosto 8 upang ipagdiwang ang kapistahan ng bayan, gaya ng nakasaad sa Proclamation No. 978.
Sa kabilang dako, nakasaad naman sa Proclamation No. 979 na special non-working day sa darating na Agosto 12 sa Candoni, Negros Occidental para ipagdiwang ang 64th founding anniversary ng munisipalidad.
Special non-working day din ang idineklara ng Malakanyang sa Tuguegarao City, Cagayan sa darating na Agosto 15 upang magawa ng mga residente na makapagartisipa sa Pavvulurun Afi Festival, gaya ng nakasaad sa Proclamation No. 980.
Sa ilalim naman ng Proclamation No. 981, idineklara ng Malakanyang ang Setyembre 16 bilang special non-working day sa Piddig, Ilocos Norte upang bigyan ng pagkakatoan ang mga residente na gunitain ang makasaysayang Basi Revolt of 1807.
Ang Basi Revolt of 1807 ay isang protesta laban sa monopolya ng Spanish colonial government sa basi (sugarcane wine) produksyon at kalakalan. ( Daris Jose)

4 KOREAN FUGITIVES, ARESTADO SA PAMPANGA 

Posted on: August 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na puganteng Korean national  naa sangkot sa online fraud sa Angeles City,Pampanga.
Kinilala ang mga suspek na sina Ham Seong Hwan, Kim Jongbaek, Kim Taekyeong, at Park Jinhyung—na naaktuhan sa isang bahay sa loob ng Clark Freeport Zone habang nagsasagawa ng panloloko gamit ang mga pekeng travel sites, bogus flights, at pekeng hotel bookings.
Isinagawa ang operasyon katuwang ang Korean authorities, Philippine Air Force at Clark Development Corporation , ayon kay BI Commissioner Joel Viado.
Itinuturing na utak ng operasyon si Park Jinhyung, na lumalabas na overstaying na mula pa noong 2024.
Samantala, naaresto rin sa parehong araw ang isa pang Koreanong si Park Youngjun, sa bisa ng Interpol red notice para sa kasong fraud sa South Korea.
Sa ulat, gumamit si Park ng pekeng account para manloko ng viewers sa isang sikat na live-streaming platform sa Korea, kung saan kumita siya ng ₩4.6 million o mahigit ₱190,000.
Nasa kustodiya na ng BI ang mga suspek habang isinasailalim sa deportation proceedings.
(Gene Adsuara)

13 sugarol, tiklo sa anti-gambling ops sa Valenzuela, 4 nakuhanan ng droga

Posted on: August 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
LABING-TATLONG sugarol, kabilang ang apat na hinihimalang drug personalities ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay na anti-gambling operations ng pulisya sa Valenzuela City.
Batay sa ulat ni PSSg Pamela Joy Catalla, kay Valenzuela police chief P/Col. Gerson Bisayas, naaktuhan ng mga tauhan ni Ugong Police Patrol Base-8 Commander P/Capt. Joan Dorado ang anim na lalaki na naglalaro ng sugal na cara y cruz sa magkahiwalay na lugar sa Brgy. Ugong dakong ala-1:30 ng Martes ng madaling araw.
Nakuha sa mga nadakip ang peso-coins na gamit bilang pangara at bet money habang ang isang plastic sachet ng umano’y shabu ay nasamsam kay alyas “Ronel”, 38, ng Brgy. Ugong.
Nauna rito, huli din sa akto ng mga tauha ng Malinta Police Patrol Base-4 ang dalawang kelot na nagka-cara y cruz sa Area 4, Flooring Dumpsite Pinalagad, Brgy., Malinta dakong alas-6:30 ng Martes ng gabi at nakumpiska sa kanila ang tatlong peso-coins ‘pangara’, bet money at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakuha kay alyas “Win”, 27.
Sa Brgy. Malanday, laglag sa mga tauhan ng Dalandanan Police Patrol Base-6 ang dalawang lalaki matapos maaktuhang nagsusugal ng cara y cruz alas-6 ng Miyerkules ng gabi at nasamsam sa kanila ang peso-coins na gamit sa ‘pangara’, bet money at isang plastic sachet ng umano’y shabu ay nakuha kay alyas “Rafy”.
Sa iba pang operation, naaktuhan din ng mga tauhan ng Paso De Blas Police Patrol Base-1 ang tatlong lalaki na nagka-cara y cruz sa Brgy. Canumay West alas-2:00 ng Huwebes ng madaling araw at narekober ng pulisya ang peso-coins ‘pangara’, bet money at isang plastic sachet ng shabu na nakuha sa isa sa kanila.
Ayon kina P/MSgt Carlito Nerit Jr., mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 habang karagdagan na kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin pa ng apat sa kanila. (Richard Mesa)

COA, hindi DPWH, ang dapat mag-audit ng flood control projects

Posted on: August 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA KABILA na bukas ang ilang mambabatas sa pagsasagawa ng imbestigasyon at audit sa flood control projects matapos ang matinding pagbaha sa Metro Manila at kalapit na probinsiya kamakailan sa kanila ng bilyong pisong halaga ng alokasyon para sa flood mitigation ay hindi naman sila pabor na ipaubaya sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsagawa ng sarili nitong pagbusisi.
“The DPWH cannot be trusted to investigate itself when it is neck-deep in these anomalies. This is like asking the fox to guard the henhouse,” ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. Antonio Tinio.
“Ang DPWH ay kasama sa problema, hindi bahagi ng solusyon. Paano nila i-audit ang sarili nilang kapalpakan? It would be a whitewash, pure and simple,” dagdag naman ni Assistant Minority Leader at Kabataan Rep. Renee Louise Co.
Nanawagan naman sila sa Commission on Audit (COA) namagsagawa ng isang komprehensibong audit sa lahat ng flood control projects, kahalintulad sa pork barrel scam at confidential funds ni VP Sara Duterte.
Napatunayan anila ng ang pagiging independent at kapasidad na magbunyag ng government anomalies.
May technical expertise, independence, at constitutional mandate ang coa para magsasgawa ng masusing audits.
“They exposed the PDAF scam, they questioned the confidential funds—they can certainly uncover the truth behind these flood control failures even by just baimg.from their previous audit reports,” giit ni Tinio.
(Vina de Guzman)