Malaki kasi ang renta at ‘di na kakayanin: JOHN, umalis na sa bahay nila ni NORA sa QC
- Published on May 2, 2025
- by @peoplesbalita
BUMALIK na sa Angeles, Pampanga si John Rendez matapos umalis kamakailan sa bahay nila ni Nora Aunor sa Xavierville Heights, QC.Malaki kasi ang renta at malaking house ito at hindi kakayanin ni John ang upa rito lalo’t wala siyang trabaho at wala na rin si Ate Guy. Sabi ay mga gamit lang ni John at alagang aso nila ni Ate Guy ang bitbit niya nang lisanin niya ang inuupahang bahay.
Wala pang statement si John, sa kanyang social media account, kung ipagpapatuloy pa ba na nito ang kanyang singing career. Maraming netizens naman ang pumuri sa Pinoy-American singer na tahimik lang sa isang lugar at hindi umagaw ng eksena sa lamay at libing ng nag-iisang Superstar at National Artist.
***
Super Mahra, walang isyu sa kandidatura at kampanya
KUNG ang kanyang mga katunggaling kandidatong Mayor sa Maynila ay pare-parehong may show-case orders sa Comelec dahil sa vote buying, si Super Mahra Tamondong, ay never nagkaroon ng negative issues, pagdating sa kanyang candidacy at kampanya.
Alam kasi ng nasabing mayoral aspirant ang rules ng Comelec na bawal ang bumili ng boto. At kahit walang ganyang patakaran ay never itong gagawin ni Super Mahra dahil para sa kanya ay malinis at tapat siyang lumalaban.
Na ang pinanghahawakan niya ay mahal siya ng mga Manilenyong kanyang mga nakasalamuha mula pa noong bumaba siya sa iba’t-ibang distrito sa Maynila noong 2021 para mamigay ng kanyang ayudang cash, grocery item, pagkain, wheelchair at iba pa.
Samantala naging malaking tagumpay ang idinaos na Grand Rally last April 27 ni Super Mahra sa Liwasang Bonifacio na dinaluhan ng libo-libo nitong mga supporters. Ito ay bilang suporta na rin niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at sa Bagong Pilipinas Party-list na ang first nominee ay si Dr. Marlon Mendoza.
Number 9 pala ang official number sa balota ni Super Mahra.
(PETER S. LEDESMA)