KALAKASAN pa noon ng namayapang si Direk Carlo J. Caparas ay nakipag-collab na ito kay Boss Vic del Rosario.
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
KALAKASAN pa noon ng namayapang si Direk Carlo J. Caparas ay nakipag-collab na ito kay Boss Vic del Rosario.
ISA si Divine Diva Zsa Zsa Padilla na unang nakiramay sa pagpanaw ng aktor at direktor na si Ricky Davao.HABANG nananatiling nakababahala ang ‘economic difficulties at pag-atake sa mga mamamahayag, tumalon naman ang Pilipinas 116th mula sa 134th, ito’y mula sa 180 bansa sa 2025 World Press Freedom Index — ito ang pinakamataas na ranking sa loob ng 21 taon.
Nakatanggap ang bansa ng global score na 49.57, bahagyang mas mabuti kaysa sa 43.36 noong nakaraang taon, but nananatiling nasa ilalim ng “difficult situation”, ayon sa Paris-based Reporters Without Borders (RSF) sa report nito.
“The country is still ranked as a country of ‘difficult situation’ and the main reason for the improvement is due to improvement of the safety indicator. Actually, the Philippines is the deadliest country for journalists in Asia Pacific with almost 200 journalists killed in the last 40 years,” ayon kay RSF Asia-Pacific Bureau advocacy officer Arthur Rochereau.
“But 2024 marked the first year since 1985 in which no journalist was killed in connection to their work… The fact that there is no murder of journalist and also the [Marcos Jr.] administration is less aggressive towards the media compared to Duterte administration,” dagdag na wika nito.
Ang paliwanag pa ni Rochereau, habang ang situwasyon sa Pilipinas ay nakakuha ng bahagyang pagbuti, mananatili pa ring mahaharap ang mga Filipino journalists sa kaso ng legal harassment, physical attacks, economic challenges, at red-tagging.
Sinabi pa ng RSF na ang kaparehong assessment sa report noong nakaraang taon ay nagsasabing, “there seem to have been fewer and less violent attacks” laban sa mga journalists sa ilalim ng rehimeng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. subalit sa ngayon nananatiling status quo ang “pagkabahala”.
Sa kabilang dako, sinabi naman ng Committee to Protect Journalists (CPJ) na taong 2024, nagmarka ang unang taon sa dalawang dekada na walang miyembro ng mamamahayag ang pinatay sa bansa na may kaugnayan sa kanyang propesyon.
Gayunman, ang kamakailan lamang na journalist killing sa bansa ay nito lamang unang bahagi ng linggo.
Araw ng Martes, Abril 29, binaril ng tatlong beses ang Aklan-based veteran journalist at dating Kalibo town mayor na si Juan “Johnny” Dayang ng hindi nakilalang gunman o mamamaril sa labas ng kanyang bahay.
Idineklara namang dead on arrival si Dayang.
Binigyang diin ng RSF World Press Freedom Index na ang situwasyon ng press freedom sa bawat bansa o teritoryo kada taon sa pamamagitan ng indicators gaya ng ‘political, economic, legislative, at safety.’
Habang ang Pilipinas ay umakyat sa 18 spots, ang average score ng lahat ng assessed countries ay bumagsak mas mababa sa 55 puntos o sa “difficult” na sitwasyon.
Ang bansa ay tumaas lamang ng 6.2 puntos, nagpapahiwatig na marami pang dapat gawin para protektahan ang mga Filipino journalists.
Kinilala rin ng RSF ang kaparehong problema ng red-tagging laban sa mga journalists na nagpatuloy mula sa termino ni dating Pamgulong Rodrigo Duterte, kung saan sinabi ng media monitor na ang puntirya ay ang mga mamamahayag na nagu-ulat hinggil sa drug war, hanggang kay Pangulong Marcos.
“The policy of his successor, Bongbong Marcos, is more consensual, but the authorities still often resort to ‘red-tagging’ – a practice inherited from the colonial era and Cold War in which journalists who do not toe the government line are branded as ‘subversive elements’ or ‘reds,” ang sinabi nf RSF sa regional analysis nito ukol sa Pilipinas.
Sinabi nito na ang labeling “is tantamount to telling law enforcement that they are legitimate targets for arbitrary arrest or even summary execution.”
“Along with threats and red-tagging, “defamation and cyber-defamation are still punishable by prison sentences,” anito.
Sa World Press Freedom Index ngayon taon, 20 mula sa 32 bansa at mga teritoryo sa Asia-Pacific region ay nagkaroon ng pagbaba sa economic scores. Kabilang dito ang India, Indonesia, at China na na muling pumasok “the bottom trio of the index” nauna lang sa North Korea.
“Repression already put press freedom in “very serious” situation in Myanmar, Cambodia, and Hongkong where “everywhere in the region, media in exile are facing survival threats.” ayon sa RSF.
(Daris Jose)
SINISIMULAN na ang paggawa ng electric jeepney sa planta nito sa Lima, Malvar Batangas na proyekto ni dating Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson para sa mga Pinoy Driver.
Ang naturang jeepney ay pasok sa standard ng pamahalaan sa ilalim ng PUV Modernization Program.
Ayon kay Singson, ginaya ang proto type jeep sa lumang pampasaherong jeep sa Pilipinas kung kayat ang nakagawian pa rin ang magiging disenyo.
Ang kagandahan pa nito, walang ibibigay na down-payment at zero interest upang matulungan ang mga tsuper at operators.
Nakikipag-ugnayan na ngayon si Singson sa mga transport group tulad ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas o LTOPF, ALTODAP, PASANG Masda at iba pa.
Nais ni Manong na maging financially accessible sa mga jeepney operator ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.
Ang mga Pilipinong drayber at komyuter, magtitiis hangga’t kaya para sa kanilang pamilya at pangarap. Ngunit hindi ito dapat mangahulugan na isasantabi na din muna ang pagtugon sa mahirap na biyahe ng ating mga kababayan araw-araw.
Ang inisyatiba ni Senatorial Candidate Chavit Singson: maglunsad ng mga modernong e-jeepney– isang makabuluhang hakbang tungo sa mas komportable at makabagong sistema ng transportasyon sa Pilipinas.
Layon ni Manong Chavit na palitan ang mga lumang jeep nang makabago, world-class, at gawang Pinoy na e-jeepney–mas maluwag, may air-conditioning, at dinisenyo upang magbigay ng presko at komportableng biyahe para sa mga komyuter, lalo na para sa mga masisikip at mahahabang ruta.
Hindi tatakbo sa krudo ang mga e-jeep, kaya mas malaki ang iuuwing kita ng mga drayber sa kanilang pamilya. Bukod sa ginhawang dala nito sa bulsa ng mga drayber, magiging eco-friendly na din ang hari ng kalsada. Walang usok, walang ingay. Sa pamamagitan ng proyektong ito, magiging bahagi ng solusyon sa problema sa polusyon ang bawat komyuter at tsuper sa bawat byahe. Malinis na hangin at tahimik na lansangan para sa lahat.
Ang pagpapatupad ng mga makabagong solusyon sa mga hinaing sa transportasyon tulad ng e-jeepney ni Chavit ay hindi dapat maging pabigat sa mga unang maaapektuhan nito–ang mga e-jeep na nagkakahalaga ng P1.2 milyon, maaaring makuha nang walang downpayment, walang collateral, at walang karagdagan interes–talagang abot-kaya.
Para kay Singson, ang e-jeepney initiative ay hindi lamang isang proyekto kundi isang tunay na solusyon sa matagal nang problema sa pampublikong transportasyon ng bansa.
Minsan nang kusang-loob na naglabas ng milyones si Singson kahit alam niyang ikalulugi niya at ang nais niya ngayon ay matulungan naman ang mga Pilipino na marating ang kanilang mga patutunguhan nang komportable, ligtas, at may dignidad–sa araw-araw na biyahe man o sa buhay.
NAGPAHAYAG ng kalungkutan si Vice President Sara Duterte sa patuloy na panloloko ng gobyerno sa publiko matapos na ipatigil ang rollout ng P20 kada kilo ng bigas sa Cebu.
Pansamantalang sinuspinde muna kasi ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng bigas na ₱20 kada kilo sa Cebu, isang araw lamang matapos itong ilunsad noong Labor Day.
Sumunod ang DA sa utos ng Commission on Elections (Comelec) na ipatigil ang pamamahagi ng tulong mula sa pamahalaan sa panahon ng eleksyon.
Ang inisyatibong ito, na bahagi ng pangakong kampanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing abot-kaya ang presyo ng bigas, ay inilunsad noong Mayo 1 sa Cebu Provincial Capitol.
Pinayagan ang mga benepisyaryo—kabilang ang mga senior citizen, solo parent, at persons with disabilities—na bumili ng hanggang 10 kilo ng bigas. Humigit-kumulang 500 sako ang naipamahagi sa unang araw.
Gayunman, naglabas na noon ng abiso ang Comelec na ipinagbabawal ang pamamahagi ng ayuda mula Mayo 2 hanggang Mayo 12 upang maiwasan ang pamumulitika gamit ang mga programa ng gobyerno.
“Kaya ako nakaitim ngayong araw na ito sa kampanya namin, dahil nalulungkot talaga ako, nagluluksa talaga ako kasi pinaglalaruan yung mga taong walang-wala, pinaglalaruan yung mga mahihirap,” ang sinabi ni VP Sara sa sidelines ng campaign event ng mga lokal na kandidato sa Zamboanga City.
“Hindi lang isang beses, hindi lang dalawa, paulit-ulit na sinasamantala yung desperation, hunger, and poverty sa ating bayan,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, nagpasalamat si Garcia sa Department of Agriculture sa pagpapasya nitong pansamantalang ihinto ang ₱20 kada kilong bigas upang sumunod sa assistance ban ng Comelec.
“Nagpapasalamat tayo sa ating DA na makatapos tayo ng ating suhestyon na sana May 2 to May 12 ay walang ipapatupad na pagbebenta ng ₱20 na bigas. Napakagandang programa pero sabi natin makakapaghintay naman siguro ang programang yan. Kahit na May 13 hindi na kailangan kumuha pa ng exemption sa Comelec,”
pahayag ni Garcia sa mga mamamahayag.
“Sana ‘yung kahapon, okay na po ‘yun. At least, alam na ng sambayanan na may ine-expect sila na ₱20 na bigas pagkatapos ng elections na pwede nilang mabili,” dagdag pa niya.
Ipinahayag ng DA ang kanilang dedikasyon na ipagpatuloy ang programa pagkatapos ng halalan, na layuning makapagbigay ng abot-kayang bigas sa tinatayang 800,000 kabahayan sa rehiyon ng Visayas. (Daris Jose)
SINABI NI Vice President Sara Duterte na ‘panatag’ siya anuman ang kalalabasan ng impeachment trial na inihain laban sa kanya na pansamantalang nakatakdang magsimula sa Hulyo 30.
“As I said on the stage earlier, I will not talk about my impeachment because people might think that this is about my interests. I told them that you just leave the impeachment to me and I am at peace, I am at peace whatever the outcome of the impeachment trial will be, whether I may be acquitted or guilty, I already accepted that, the two possibilities,” ang sinabi ni VP Sara sa sidelines ng campaign event ng mga lokal na kandidato sa Zamboanga City.
Matatandaang noong Pebrero 5 ay inaprubahan ng House of Representatives ang impeachment laban kay Duterte at sa Hunyo naman posibleng simulan ng Senado ang paglilitis.
Kung matatalo naman si VP Duterte sa impeachment case sa Senado, hindi lang ito matatanggal sa puwesto, bawal na rin siyang tumakbo sa alinmang posisyon sa gobyerno.
Sa kabilang dako, sinabi ni VP Sara na ang nalalapit na impeachment trial ay hindi lamang tungkol sa kanya, “This is about politicians and the administration promising to the people that they will deliver genuine public service.”
Samantala, kinuwestiyon ni Vice President Sara Duterte sa Korte Suprema ang validity at constitutionality ng ikaapat na impeachment complaint na inihain laban sa kanya.
Nabatid na naghain ang kampo ng bise presidente ng petition for certiorari and prohibition with urgent application of temporary restraining order and/or writ of preliminary injunction sa Supreme Court (SC) hinggil dito.
Layunin ng petisyon na humingi ng ‘judicial intervention’ mula sa Korte Suprema at harangin ang impeachment complaint laban sa bise presidente. (Daris Jose)
SINABI ng Presidential Communications Office (PCO) na lilikha ito ng interagency task force para labanan ang ‘online misinformation at disinformation’ lalo na sa social media.
Sa katunayan, nakipag-ugnayan na si PCO Secretary Jay Ruiz sa Department of Information and Communications Technology (DICT), Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at Department of Justice para bumuo ng balangkas upang mapilitan ang social media platforms na labanan ang disinformation.
“I hope this forum will be done on a regular basis so that we can work together. Kasi when you say you’re running different horses o iba-iba ang sagwan natin ay walang mangyayari,” ayon kay Ruiz sa “The War on Truth: A Consultative Forum,” itinaon sa paglulunsad ng Joint Anti-Fake News Action Committee (JAFNAC) ng PNP at Camp Crame sa Quezon City.
Sinabi ni Ruiz na ang fake news ay isang national security concern.
“Pero sa pagkaka-isa ng bawat ahensya ng gobyerno tungo sa paglaban sa fake news, sigurado po may mangyayari kasi this is the clear and present danger we have now to address,” ang sinabi ni Ruiz sabay sabing “It is not the question of freedom of speech, ngayon po ay national security concern na po itong fake news.”
Aniya, mapipilitan ang social media platforms na alisin ang mga materyales na nagbibigay at nagpapakalat ng mali at malisyosong impormasyon.
Kabilang na rito ang paglikha ng regulatory body para sa social media, kahalintulad sa Movie and Television Review and Classification Board na pinangangasiwaan ng entertainment industry.
“Papaano kung ‘yung pinakalat mong information, nagdulot na ng matinding kasamaan sa lipunan? Hindi ba pwedeng tawagin na itong mga cyberterrorist ? It’s a perception game. So, we have to win that perception. We have to have that legal basis na, kapag sinabing fake ‘yan, agad susunod ‘yung mga platforms,” diing pahayag nito.
Para naman kay PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, mahalaga ang pagtutok sa mga digital na kasinungalingan.
“Hindi lang tayo nakaharap sa misinformation. Ngayon, may tatlong uri ng kasinungalingan, malinformation, disinformation, at misinformation na may malalim na epekto sa ating bansa at hindi ito mga simpleng pagkakamali; ito ay mga hakbang na ginawa para linlangin at paghiwalayin tayo,” ani Marbil.
Pinagtibay ni Marbil ang pangako ng PNP na protektahan ang katotohanan hindi sa pamamagitan ng pagsupil sa kalayaan ng pagpapahayag, kundi sa pagprotekta nito laban sa maling impormasyon.
“Hindi natin pinipigilan ang kalayaan sa pagsasalita. Pinoprotektahan natin ito mula sa mga kasinungalingan,” dagdag pa nito.
Inihayag ni Marbil ang buong suporta sa JAFNAC na siyang tungkulin at hakbang upang protektahan ang demokrasya, tiwala ng publiko, at pambansang kapayapaan.
Nilinaw nito, ang inisyatiba ay hindi para labanan ang kalayaan sa pagpapahayag kundi ay para labanan ang maling impormasyon.
Nanawagan din ito sa lahat ng stakeholders na maging tagapagtanggol ng katotohanan at responsable sa komunikasyon.
Ang PNP ay patuloy na magsusulong ng katotohanan at responsableng paggamit ng digital na teknolohiya, alinsunod sa layunin ng Pangulo na magkaroon ng mas ligtas at mas maalam na bansa. (Daris Jose)
DAHIL sa pagbibigay ng mga bonuses sa mga hindi kuwalipikadong personnel, sinibak ng Malakanyang si National Commission for Senior Citizens (NCSC) Commissioner Reymar Mansilungan.
Ang dismissal order ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin matapos mapatunayan ang mga reklamo laban kay Mansilungan.
Kabilang sa mga reklamo na nakasaad sa dismissal order ang serious dishonesty, grave misconduct, at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Sinabi ni Bersamin na dapat manatiling tapat ang mga opisyal at kawani ng gobyerno at sumusunod sa mandatong nakapaloob sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Mahalaga rin aniya ang integridad sa mga nasa gobyerno at walang puwang ang sinoman na gumagawa ng dishonesty.
“Reymar R. Mansilungan is hereby found administratively liable for serious dishonesty, grave misconduct, and conduct prejudicial to the best interest of the service and meted out the penalty of DISMISSAL from the service with all its accessory penalties,” nakasaad pa sa desisyon ni Bersamin.
Naunang sinuspinde ni Bersamin si Mansilungan noong Pebrero 2024 dahil sa reklamong isinampa ng isang Miguelito Garcia tulad ng misrepresentation ng kaniyang educational background sa kaniyang aplikasyon bilang NCSC Commissioner at ginamit umano ang pera ng gobyerno para umupa ng opisina sa Lucena City subalit natuklasang residential building at walang opisyal na resibo. (Daris Jose)