NAKAKUHA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng US$1.53 bilyon, o P86 bilyong puhunan mula sa 14 business deals na nilagdaan sa Philippine Business Forum sa sideline ng ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne nitong Lunes.
Sinabi ni Trade and Industry Secretary Alferdo Pascual, na ang mga business deal ay nakahanda upang himukin ang mga relasyon sa pamumuhunan sa pagitan ng Pilipinas at Australia, at mag-ambag sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ang naturang kasunduan ay bilang pagpapakita ng commitment at mabungang partnership sa ibat-ibang sector tulad ng renewable energy, waste to energy technology, organic recycling technology, countryside housing initiatives, establishment of data centres, manufacturing of health technology solutions at digital health services, ayon kay Pascual.
Paliwanag pa ni Pascual, ang nasabing mga sektor ay nagpapakita sa hinaharap ng “Philippine-Australia business engagements”.
Nagsisilbi rin itong solidong pundasyon para mapanatili ang paglago at benepisyo para sa ugnayan ng dalawang bansa sa hinaharap.
Nagpasalamat naman si Pascual sa mga kumpanya at business leader na nagbigay ng effort para masusing gumawa ng nasabing kasunduan at tiniyak na magkakaroon ng matagumpay at mabungang implementasyon sa naturang mga proyekto.
Ang 14 business deals ay binubuo ng memoranda of understanding (MOUs) sa pagitan ng Filipino at Australian business leaders at dalawang letters of intent (LOIs) mula sa Australian business leaders na nagnanais na mamuhunan sa Pilipinas.
Kabilang sa mga MOU ang pagtatayo at pagpopondo ng isang Tier-3 Data Center na may kapasidad na 30MW-40MW sa Poro Point Freeport Zone na may lawak ng lupa na 16 ektarya; at pagpapalawak ng Next-Generation Battery Manufacturing sa Pilipinas.
Nilagdaan din ang MOU para sa deployment ng mga solusyon sa renewable energy upang mabawasan ang mga gastos sa enerhiya, umasa sa grid power, mapabuti ang sustainability at makamit ang progreso sa decarbonization. (Daris Jose)
SA kanyang “Showbiz Updates” nung Linggo ay binanggit ni Ogie Diaz ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.
UMARIBA nang husto ang mga Kapuso stars sa katatapos lamang na ‘10th Emirates Film Festival’ dahil nagwaging Best Actor si Allen Dizon at si Katrina Halili bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang ‘AbeNida’ ng BG Productions International.
SOBRANG naapektuhan si Claudine Barretto sa biglaang pagpanaw ng premyadong aktres na si Jacklyn Jose, na itinuring na rin niyang ina.
MAGKAKASAMANG binuhat nina Malabon Zoo owner Manny Tangco, mga kawani ng Malabon Bureau of Fire Protection (BFP) at isang lalaki na naka-costume Spiderman ang isang malaking Albino Python na si “Cheesecake” bilang bahagi ng paggunita ng World Wildlife Day, kasabay ng Fire Prevention Month. Nagpaalala naman ang BFP na huwag kalimutan ang mga hayop tuwing may nagaganap na sunog dahil ito ay may mga buhay din. (Richard Mesa)
PINATAWAN ng Office of the Ombudsman ng anim na buwang preventive suspension ang nasa 139 opisyal ng National Food Administration dahil sa bentahan ng rice buffer stocks.
SA kulungan ang bagsak ng dalawa sa tatlong holdaper na nambiktima at sumaksak sa 50-anyos na mister matapos masakote ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City.
WHEN it came to picking who would embody the role of his father Bob Marley for the movie Bob Marley: One Love, Ziggy Marley only had this to say about Kingsley Ben-Adir.
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagpapalawak sa Victoria International Container Terminal ay nagpapakita lamang na ang kompanya ng Filipino ay maaaring maging matagumpay kahit pa sa ibang bansa.
IPINAG-UTOS na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng mga kasong sexual abuse of a minor at qualified trafficking laban kay Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.