Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
TINAWAG ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno na “pambansang chicken” ang isang kandidato na ayaw sumipot sa mga debate.
Hindi man nagbanggit ng pangalan, si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. lang ang tanging kandidato sa pagkapangulo ang hindi humaharap sa debate.
Tumanggi rin si Marcos sa imbitasyon na one-on-one debate ni Vice President at kapwa presidential aspirant na si Leni Robredo.
“Sabi nila ‘pambansang chicken’ daw ‘yung ayaw sumipot sa debate. Pero buti pa ang chicken, sinusuri, kinikilatis, tinitimbang bago piliin at bilhin,” ani Diokno sa isang post sa Twitter.
Iginiit pa ni Diokno na ang debate ay magandang paraan upang sukatin at timbangin ang mga kandidato kung karapat-dapat ba silang makakuha ng boto ng taumbayan.
“Nagdaraos tayo ng mga debate para matimbang ang mga kandidato at makita kung karapat-dapat ba sila sa boto natin. Sana kung gaano tayo ka-pihikan sa manok na binibili sa palengke, ganon din sa manok natin sa eleksyon,” ani Diokno.
Sa isang hiwalay na social media post, sinabi ni Diokno na kung sa debate ay takot na ang isang kandidato sa pagkapangulo, paano pa kung naharap na siya sa mabibigat na problema ng bansa.
BARBARA Broccoli, the producer of the James Bond series, admits that deciding on the next 007 actor is a significant decision and will take time.
Most recently, the secret agent has been portrayed by actor Daniel Craig since 2006, beginning with Casino Royale. Craig’s portrayal of the character won him critical acclaim from fans and critics alike, and the bittersweet announcement of his departure came prior to the release of his final Bond film, 2021’s No Time To Die.
The announcement of Craig’s departure over two years ago has left fans and news outlets buzzing with questions over who might play the iconic 007 in future films, and their increasing impatience mirrors this excitement as well as the significance of Broccoli and producing partner Michael G. Wilson‘s impending decision.
Rumors continue to buzz fervently around who might play Bond next. Despite that, though, there has been little outward progress on the Bond search, even despite reports that the announcement could’ve happened by now.
Currently, Idris Elba, Tom Hardy, and Henry Cavill are included in the mix of rumored potential actors for the next Bond in what will be the franchise’s 26th installment.
The producer tells Variety in a recent interview that deciding on the next actor to play James Bond might take some more time. Speaking on the opening night of Macbeth on Broadway (a production that stars Craig), Broccoli explains that due to its overarching implications for not only the role but the future of the franchise, it is a momentous decision:
“It’s a big decision. It’s not just casting a role. It’s about a whole rethink about where we’re going. I’m just here celebrating one of the greatest actors on the planet, Daniel Craig.”
As her statement confirms, Broccoli continues to support Craig professionally even after his departure from the role of Bond. In fact, Broccoli produced the aforementioned play that Craig currently stars in. Her decision to currently focus on the brilliance of Craig’s career in the wake of his exit, rather than obsessing over the franchise’s future, is admirable. Still, one does wish that the announcement of the next James Bond was happening sooner rather than later.
Notably, Broccoli’s connection to James Bond and thus the significance of her impending decision dates back to the franchise’s humble origins – her father, Albert R. “Cubby” Broccoli was the producer of most of the original Bond films including its very first, and oversaw the transition of the films from low-budget pursuits to an extravagant, high-budget franchise.
Broccoli and her half-brother inherited their father’s production company Eon Productions in 1995, a year before his death. Due to her father’s pivotal role in Hollywood and the Bond franchise during her childhood, Broccoli grew up around the Bond film sets and thus possesses a great knowledge of the series’ history as well as the filmmaking and producing process.
Therefore, while the continually agonizing wait for the announcement might be frustrating for many fans, Broccoli’s history with the franchise and commitment to taking proper time for thoughtful consideration in finding the perfect actor for the role should provide reassurance to fans that the future of James Bond is in good hands. (source: screenrant.com)
(ROHN ROMULO)
PAG-AARALAN daw ng Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon sa e-sabong sa bansa.
Ito ang inihayag ng Pangulong Duterte sa kanyang isinagawang inspection sa OFW Hospital sa San Fernando, Pampanga.
Aniya, nasa kanya na raw ang naturang rekomendasyon at pag-aaralan muna niya ito bago magbigay ng kanyang desisyon bukas.
Kasunod na rin ito ng review ng pag-aaral na isinagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sinabi ng Pangulong Duterte na inatasan na raw niya si DILG Secretary Eduardo Año na magsagawa ng survey kaugnay ng naturang industriya sa mga local units at tipunin ang mga feedback sa mga siyudad at mga probinsiya kaugnay ng operasyon ng online sabong. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
NAITALA ang bahagyang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar sa bansa, ayon sa OCTA Research.
Sa Laging Handa online public briefing, sinabi ni Dr. Butch Ong ng OCTA Research na nasa .7 o .71 ang reproduction number ng COVID-19 na medyo tumaas pero hindi pa naman masyadong nakakabahala.
Ang daily case na naitatala aniya ay below 200 pa lamang at mabuti pa ring babantayan ang mga probinsya sa mga susunod na araw hanggang sa halalan.
Kabilang aniya sa binabantayan bukod sa NCR ay ang Cavite, Rizal, Cotabato, Zamboanga at Batangas.
Itinuturong dahilan sa pagtaas ng kaso ay ang mass gathering na may kinalaman sa eleksiyon.
Pangulong Duterte sa kanyang huling Labor Day message: ‘It is my hope that this day recharges everyone’
Kinilala at pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tagumpay ng mga manggagawa sa kanyang huling Labor Day message.
Maging ang mga hamon ng mga manggagawa ay nabanggit din ni Pangulong Duterte na patuloy pa rin aniyang kinahaharap.
Ayon pa sa presidente, kahit patapos na ang kanyang panunungkulan ay mananatili itong “committed” sa mga tao.
“On this day, we are given the chance to celebrate all the triumphs and progress that the labor movement has accomplished over the years. We are likewise reminded to overcome the challenges by recognizing the rights of our workers and reassessing the systems that may hinder their growth and development. It is my hope that this day recharges everyone as you continue to work for yourselves, your families and our nation,” ani Duterte.
Sa darating na Hunyo 30, bababa na sa puwesto si Pangulong Duterte.
Samantala, pinapurihan din ni House Speaker Lord Allan Velasco ang mga laborer na nagtatrabaho nang marangal para lamang maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya sa gitna ng Coronavirus disease 2019 pandemic.
“We extend a special recognition of the low-wage earner who gets by, as well as our medical frontliners and other essential workers who we now realize impact our lives significantly during this pandemic. This occasion also reminds each one of us the importance of working hard in life, and that without hard work, nothing can be achieved,” ani Velasco. (Daris Jose)
TINAPOS na ng Philadelphia Sixers ang kanilang serye sa Game 6 matapos na tambakan kanina sa score na 132-91 ang Toronto Raptors sa first round ng playoffs.
Dahil dito uusad na sa NBA semifinals ang Sixers na hawak ang 4-2 record.
Naging balanse sa opensa ang Sixers sa pangunguna ng MVP candidate na si Joel Embiid na nagpakawala ng 33 points at 10 rebounds, habang si James Harden ay tumulong sa kanyang 22 points.
Haharapin ng Sixers ang nag-aantay na top team sa Eastern Conference sa Game 1 sa second round sa darating na Martes.
Samantala sa ibang game sa Western Conference, tuluyan na ring naidispatsa ng Phoenix Suns ang New Orleans Pelicans sa Game 6 sa score na 115-109.
Nagmistulang historic ang performance ng veteran guard na si Chris Paul na walang paltos sa kanyang mga tira para walisin sa serye, 4-2, ang karibal na Raptors.
Kumamada rin si Paul ng 33 points sa perfect shooting, habang nagbalik na rin si Devin Booker mula sa injury na nag-ambag ng 13 points.
Haharapin ng Phoenix sa semifinals ang magwawagi sa pagitan ng Dallas at Utah.
IPINALIWANAG ni Comelec Commissioner George Garcia ang kahalagahan ng kanilang isasagawang PiliPinas Forum 2022 ngayon sa pakikipagtulungan sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP).
Ito ay sa matapos na i-anunsyo ng komisyon na anim sa sampung presidentiables habang apat naman sa siyam na vice presidentiables ang kumpirmadong makikilahok sa nasabing forum.
Ayon kay Garcia, hindi man makumpleto ang mga kandidatong magkukumpirma ng kanilang pagdalo sa naturang event ay una nang napagkasunduan ng Comelec na ipagpatuloy ito.
Ito ay kahit iilan lamang daw o kahit iisang tao lang ang magsabing lalahok sa nasabing aktibidad.
Tungkulin at pangako kasi aniya ito ng komisyon hindi lamang sa mga kandidato kundi pati na rin sa lahat ng mga Pilipino.
Paliwanag ng commissioner, mahalaga ang nasabing forum dahil ito aniya ang pinakahuling pagkakataon na maririnig ng mga kababayan natin ang kanilang mga plano para sa bansa.
Sa lawak kasi aniya ng nasasakupan ng KBP na mayroong isang libong member stations sa bansa ay sinabi ni Garcia na sa tulong nito ay maipaparating ng mga kandadidato ang kanilang mga mensahe para sa lahat na maaaaring magpabago sa kanilang kaisipan kung sino ang kanilang iboboto para sa darating na halalan.
NAKAPAGTALA ang OCTA Research Group ng 7 porsyentong pagtaas sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila makaraan ang mga nakalipas na paalala na maaaring magkaroon ng panibagong surge sa bansa na idudulot ng mga sub-variants ng Omicron.
Sa kanyang Twitter post, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na nakapagtala ng average na 85 na kaso nitong nakalipas na linggo na mas mataas sa 79 average ng sinundang linggo.
“The NCR had a one week growth rate of 7% as the 7-day average in new Covid-19 cases increased from 79 (as of April 17 to 23) to 85 (as of April 24 to 30),” tweet pa ni David.
Samantala, ang reproduction number sa NCR ay tumaas din sa 0.79 mula sa dating 0.66 sa kahalintulad na panahon.
Ang healthcare utilization para sa COVID-19 naman ay nananatili aniyang nasa very low sa 21% habang ang intensive care unit utilization ay nasa 19% naman.
“The positivity rate in the NCR remained at 1.4% over an average of 11,544 tests per day,” dagdag niya.
Paglilinaw naman ni David, nananatili pa ring nasa low risk sa COVID-19 ang NCR hanggang noong Abril 30, 2022. (Daris Jose)
IBINUHOS ng mga taga- Nueva Ecija ang kanilang buong suporta para sa UniTeam sa muling pagbisita ni presidential frontrunner former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa lalawigan sa pangatlong pagkakataon nitong Biyernes.
Sa kanyang talumpati sa SMDC, Barangay Sta. Arcadia, sa Emilio Vergara Highway, Cabanatuan City, pinuri ni Marcos ang lalawigan para sa kanilang maayos na pagpapatakbo ng agrikultura na aniya’y dapat magawa rin sa buong bansa.
“Kailangan nating ayusin ang ating agrikultura. Dito sa Nueva Ecija maayos ang patakbo ng agrikultura ngunit sa ibang lugar sa Pilipinas ay mayroon tayong kailangang gawin pa para pagandahin pa, upang maging sapat ang ating pagkain. Upang di tayo masyadong umaasa lang sa pag-import (kung hindi) meron tayong sapat na produksiyon para sa ating mga kababayan,” sabi niya.
Sabi ni Marcos, sa tulong ng buong UniTeam, kasama na ang kanilang mga senatoriables, malaki ang pag-asa na magawa nila ng kanyang running mate na si Mayor Inday Sara Duterte ang kanilang mga plano para sa bansa.
“Ang dami nating hinaharap na problema ngayon. ‘Yung ating mga senador ay napag-usapan ang iba’t ibang nakikita nating dapat tugunan, dapat bigyan ng solusyon. Ang problema sa trabaho, problema sa pagtaas ng bilihin, paano po natin aayusin yan? Dapat tulungan natin ang maliliit na negosyante upang sila ay makabawi at makapagtrabaho muli,” sabi niya.
Muli niya ring binigyang-diin ang pangangailangan upang matugunan ang mga problema sa edukasiyon at health system sa bansa kasama na ang pagpapababa ng singil sa kuryente.
Para naman kay gobernatorial candidate at Palayan City Mayor Rianne Cuevas, tinawag niya si Marcos na susunod na presidente ng Pilipinas at sinuyo ang kanyang mga mamamayan na suportahan ang kandidatura ni Marcos.
“Huwag po nating kalimutan na iboto siya. Ang matalino, ang mabait, ang magiging presidente ng magandang Pilipinas! Bongbong Marcos!” sabi niya.
Nagpasalamat muli si Marcos sa mga taga-Nueva Ecija sa kanilang mainit na pagtanggap hindi lang sa kanya pati na rin sa buong UniTeam tuwing dumadalaw siya sa kanilang lugar.
“Maraming salamat sa inyong napaka-init na salubong na ibinibigay sa UniTeam at sa tambalang Marcos-Duterte,” sabi niya.
“Ngayong papalapit na tayo sa Mayo 9, iilang araw na lang… Kaya po, ako ay natutuwang habang tumagal ang aming kampanya ay dumadami po ang sumasama sa atin dito sa adhikain natin ng pagkakaisa,” sabi pa niya.
Matapos ang kanyang pagbisita sa Nueva Ecija ay agad na dumiretso si Marcos sa San Fernando, Pampanga para sa isa pang UniTeam rally kung saan kasama na niya si Inday Sara.
BILANG paghahanda, nagsagawa ng hands on training sa canvassing ng boto para sa presidential at vice presidential candidates ng May 9, 2022 national elections sa kamara.
Ang hands-on training/demonstration ay isinagawa ng Commission on Elections (COMELEC).
Sinabi ni House Information and Communications Technology Service (ICTS) Director II Julius Gorospe na ang training ay isang hands-on demonstration ng Consolidation and Canvassing System (CCS) na gagamitin ng Comelec.
“This is where we will get the certificate of canvass that the provinces and highly-urbanized cities will transmit to Congress for the presidential and vice presidential elections,” paliwaag nito.
Ang training ay para na rin sa operators na siyang mangangasiwa sa sistema.
Tinalakay at ipinakita ni Comelec Systems and Programs Division IT Officer Felimon Enrile III ang operasyon ng CCS para sa National Board of Canvassers (NBOC)-Congress.
Ang hands-on training ay inorganisa ng Office of the Secretary General kasama ang ICTS. Dinaluhan din ang naturang training/demonstration ng mga opisyal mula sa kamara at representante mula sa senado. (Daris Jose)