Kahalagahan ng PiliPinas Forum 2022, ipinaliwanag ng Comelec
- Published on May 3, 2022
- by @peoplesbalita
IPINALIWANAG ni Comelec Commissioner George Garcia ang kahalagahan ng kanilang isasagawang PiliPinas Forum 2022 ngayon sa pakikipagtulungan sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP).
Ito ay sa matapos na i-anunsyo ng komisyon na anim sa sampung presidentiables habang apat naman sa siyam na vice presidentiables ang kumpirmadong makikilahok sa nasabing forum.
Ayon kay Garcia, hindi man makumpleto ang mga kandidatong magkukumpirma ng kanilang pagdalo sa naturang event ay una nang napagkasunduan ng Comelec na ipagpatuloy ito.
Ito ay kahit iilan lamang daw o kahit iisang tao lang ang magsabing lalahok sa nasabing aktibidad.
Tungkulin at pangako kasi aniya ito ng komisyon hindi lamang sa mga kandidato kundi pati na rin sa lahat ng mga Pilipino.
Paliwanag ng commissioner, mahalaga ang nasabing forum dahil ito aniya ang pinakahuling pagkakataon na maririnig ng mga kababayan natin ang kanilang mga plano para sa bansa.
Sa lawak kasi aniya ng nasasakupan ng KBP na mayroong isang libong member stations sa bansa ay sinabi ni Garcia na sa tulong nito ay maipaparating ng mga kandadidato ang kanilang mga mensahe para sa lahat na maaaaring magpabago sa kanilang kaisipan kung sino ang kanilang iboboto para sa darating na halalan.