• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kapalaran ng e-sabong, posibleng desisyunan ng Pangulong Duterte

PAG-AARALAN daw ng Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon sa e-sabong sa bansa.

 

 

Ito ang inihayag ng Pangulong Duterte sa kanyang isinagawang inspection sa OFW Hospital sa San Fernando, Pampanga.

 

 

Aniya, nasa kanya na raw ang naturang rekomendasyon at pag-aaralan muna niya ito bago magbigay ng kanyang desisyon bukas.

 

 

Kasunod na rin ito ng review ng pag-aaral na isinagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

 

Sinabi ng Pangulong Duterte na inatasan na raw niya si DILG Secretary Eduardo Año na magsagawa ng survey kaugnay ng naturang industriya sa mga local units at tipunin ang mga feedback sa mga siyudad at mga probinsiya kaugnay ng operasyon ng online sabong. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)