• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaso ng COVID-19 bahagyang tumataas – OCTA

NAITALA ang bahagyang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar sa bansa, ayon sa OCTA Research.

 

 

Sa Laging Handa online public briefing, sinabi ni Dr. Butch Ong ng OCTA Research na nasa .7 o .71 ang reproduction number ng COVID-19 na medyo tumaas pero hindi pa naman masyadong nakakabahala.

 

 

Ang daily case na naitatala aniya ay below 200 pa lamang at mabuti pa ring babantayan ang mga probinsya sa mga susunod na araw hanggang sa halalan.

 

 

Kabilang aniya sa binabantayan bukod sa NCR ay ang Cavite, Rizal, Cotabato, Zamboanga at Batangas.

 

 

Itinuturong dahilan sa pagtaas ng kaso ay ang mass gathering na may kinalaman sa eleksiyon.

 

 

Pangulong Duterte sa kanyang huling Labor Day message: ‘It is my hope that this day recharges everyone’

 

 

Kinilala at pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tagumpay ng mga manggagawa sa kanyang huling Labor Day message.

 

 

Maging ang mga hamon ng mga manggagawa ay nabanggit din ni Pangulong Duterte na patuloy pa rin aniyang kinahaharap.

 

 

Ayon pa sa presidente, kahit patapos na ang kanyang panunungkulan ay mananatili itong “committed” sa mga tao.

 

 

“On this day, we are given the chance to celebrate all the triumphs and progress that the labor movement has accomplished over the years. We are likewise reminded to overcome the challenges by recognizing the rights of our workers and reassessing the systems that may hinder their growth and development. It is my hope that this day recharges everyone as you continue to work for yourselves, your families and our nation,” ani Duterte.

 

 

Sa darating na Hunyo 30, bababa na sa puwesto si Pangulong Duterte.

 

 

Samantala, pinapurihan din ni House Speaker Lord Allan Velasco ang mga laborer na nagtatrabaho nang marangal para lamang maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya sa gitna ng Coronavirus disease 2019 pandemic.

 

 

“We extend a special recognition of the low-wage earner who gets by, as well as our medical frontliners and other essential workers who we now realize impact our lives significantly during this pandemic. This occasion also reminds each one of us the importance of working hard in life, and that without hard work, nothing can be achieved,” ani Velasco.  (Daris Jose)