• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2021

24-HOUR CURFEW SA MINORS, IPINATUPAD MULI SA NAVOTAS

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease, inihayag ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na ipatutupad muli ang 24 na oras na curfew para sa mga menor de edad.

 

 

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, noong July 17, iniulat ng COVIDKAYA na ang Navotas ay nakapagtala ng 105.06% 2-week growth rate ng COVID cases, ang pinakamataas sa Metro Manila.

 

 

“In June, we had the lowest average daily attack rate in the region. We even recorded 41 active cases on June 25. Now, our active cases have multiplied almost four times. We cannot be complacent. We need to implement additional measures to keep our people safe, especially the children and vulnerable sectors,” paliwanag niya.

 

 

“Each of us wants our life to go back to normal. However, we are facing a pandemic and we need everyone’s support and cooperation in keeping each other safe,” dagdag niya.

 

 

Nauna rito, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay nagpasa ng resolusyon na pumapayag sa mga kabataang edad 5 pataas na maaaring lumabas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at modified GCQ.

 

 

Ang Navotas ay naghahanda na sa pagpapatupad sa naturang polisiya subalit, nagpasyang pigilan ito dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID cases.

 

 

Hanggang July 18, ang Navotas ay nakapagtala ng 11,244 cases, 10,713 dito ang mga gumaling, 154 ang active, at 377 ang mga namatay. (Richard Mesa)

Ads July 22, 2021

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Giannis nagbuhos ng 50-pts. sa pagkampeon ng Bucks after 50-yrs.

Posted on: July 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa wakas kinoronahan na rin ang Milwaukee Bucks bilang NBA world champions makaraang tinapos na rin nila Finals series sa Game 6 laban sa mahigpit na karibal na Phoenix Suns sa score na 105-98.

 

 

Nagtapos ang serye sa 4-2.

 

 

Inabot din ng 50 taon bago muling nakatikim ng kampeonato ang Bucks na huling nangyari ay noon pang taong 1971 sa panahon ng basketball legend na si Kareem Abdul-Jabbar at Oscar Robertson.

 

 

Mula sa first quarter ay hindi na nagpabaya ang Bucks at agad nilang tinambakan ang kalaban.

 

 

Pagsapit ng 2nd quarter ay humabol ang Suns at nalimitahan nila ang Bucks sa kakarampot na 13 puntos lamang.

 

 

Pagsapit ng third ay bumawi ang Bucks at nagtabla ang score sa 77 sa pagtapos ng quarter.

 

 

Ang two-time MVP na si Giannis Antetokounmpo ay nagpakita ng pinakamatindi at historic peformance nang magbuhos ng 50 points.

 

 

Sa first half pa lamang ay tumipon na siya ng 33 points.

 

 

Binansagang mala-halimaw ang ipinakita ni Giannis nang magpasok ng 16 sa field goals mula sa 25 attemps, sa free throw isa lamang ang sumably gamit ang 16-of-17, liban pa sa meron siyang 14 rebounds at five blocks sa 42 minitues na paglalaro.

 

 

“People told me I can’t make free throws,” ani Giannis. “I made my free throws tonight and I’m a freakin’ champion!”

 

 

Kaya naman para sa lahat, hands down siyang winner o unanimous bilang finals MVP.

 

 

Bagamat medyo inalat sina Khris Middleton na nagpakita ng 17 puntos at si Jrue Holiday ay may 12, binibit naman nila si Giannis.

 

 

Sa panig ng Suns, nasayang ang diskarte nina Chris Paul at may 26 points at si Devin Booker ay nagtapos sa 19 points.

 

 

Samantala, batay naman sa NBA history si Antetokounmpo ang unang foreign-born Finals MVP mula nang mapili rin si Dirk Nowitzki noong taong 2011.

 

 

Napasama na ngayon si Giannis sa grupo ni Michael Jordan bilang taong players na nanalo ng NBA MVP, Finals MVP, All-Star Game MVP at Defensive Player of the Year sa kanilang career.

 

 

Ang pagkakaiba ngayon niya kay Jordan, si Antetokounmpo ay nakuha ang apat na prestihiyosong awards sa loob lamang ng dalawang seasons.

Malakanyang, pinuri ang local coast guard personnel sa ginawang pagpapaalis sa Chinese naval ship sa baybaying dagat ng El Nido, Palawan

Posted on: July 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ng Malakanyang ang local coast guard personnel para sa ginawang pagpapaalis sa Chinese naval ship na namataan sa katubigan ng bansa.

 

“Congratulations po sa ating magigiting na PCG (Philippine Coast Guard),” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“I’m sure in due course you will be given the proper recognition that you deserve. Saludo po kami sa inyo,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, isang Navy Warship ng China ang namataan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Marie Louise Bank na nasa 147 nautical miles mula sa baybaying dagat ng El Nido, Palawan nitong nakaraang linggo.

 

Ayon kay Commodore Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, ang nasabing Navy Warship’ ay may watawat ng People’s Republic of China na markado ng Chinese character.

 

Matapos aniya itong mamonitor ng BRP Cabra ng PCG, mahinahon itong nagsagawa ng radio challenge habang mino-monitor ang galaw ng barko ng China gamit ang radar.

 

Para naman mas makita ang ginagawang aktibidad ng Chinese Navy Warship sa katubigang sakop ng Pilipinas, lumapit pa ang BRP Cabra.

 

Pero matapos walang matanggap na verbal response, ginamit ng BRP Cabra ang Long Range Acoustic Device para magpahatid ng verbal challenge sa nasabing Chinese Navy Warship.

 

Matapos nito, nagsimula umanong gumalaw ang barko palabas ng Marie Louise Bank.

 

Pero para makasigurong aalis talaga ang barko ng China sa katubigan na sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas, sinundan ito ng BRP Cabra.

 

Matapos maramdaman na humigit-kumulang 500 – 600 yarda o 0.25 – 0.30 nautical mile na lang ang distansya ng BRP Cabra sa kanilang barko, nagbigay na ng mensahe sa pamamagitan ng radyo ang Chinese Navy Warship kung saan pinalalayo nito ng distansya ang barko ng PCG.

 

Hindi naman nagpatinag ang BRP Cabra at mahigpit pa ring binantayan ang Chinese Navy Warship hanggang sa tuluyan itong nakalabas ng Marie Louise Bank.

 

Ang pagpapatrolya ng BRP Cabra sa Marie Louise Bank at Kalayaan Island Group (KIG) sa Palawan ay bahagi ng misyon nito sa ilalim ng Task Force Pagsasanay.

 

Matatandaang noong Hunyo 30, matagumpay ring napaalis ng BRP Cabra ang limang ‘Chinese ship’ at dalawang ‘Vietnamese vessel’ na na-monitor sa Marie Louise Bank. (Daris Jose)

Delta variant umabot na sa Taguig

Posted on: July 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma kahapon ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na ­umabot na sa kanila ang pinangangambahang Delta variant ng CO­VID-19, base sa resulta ng pagsusuri sa mga samples ng COVID-19 patients.

 

 

“May isa po tayong kaso ng Delta variant o iyong nanggaling sa India,” ayon kay Clarence Santos, pinuno ng Taguig Safe City Task Force base sa ulat ng  City Epidemio­logy and Disease Surveillance Unit (CEDSU).

 

 

Nagbabala naman si City Mayor Lino ­Cayetano na maaaring maging dominanteng variant ang Delta kaya kailangan maging responsable ang bawat isa para malabanan ito.

 

 

“Wear your masks, face shield and (keep your) distance so that the Delta variant will not spread. This is more contagious and it has a higher percentage of being hospitalized. Another important weapon against the Delta variant is vaccination,” panawagan ni Cayetano.

 

 

Nitong Hulyo 12, mayroon nang 73 kaso ng COVID-19 variants sa lungsod kabilang dito ang isang kaso ng Delta, 26 na Alpha variants, at 46 na kaso ng Beta variants. (Gene Adsuara)

Kaso ng ‘labor abuse’ sa mga food delivery riders, pinaaaksyunan

Posted on: July 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros sa Department of Labor and Employment (DOLE) na agad imbestigahan at aksyunan ang mga napabalitang insidente ng “labor abuse” laban sa ilang food delivery riders sa bansa.

 

 

“Nananawagan ako sa DOLE na aksyunan agad ang hinaing ng ating delivery riders na nakararanas ng panggigipit sa mobile app operators. Bawat araw na sila ay nababalahaw ay katumbas ng isang araw na wala silang maiuuwing kita sa kanilang pamilya,” ani Hontiveros.

 

 

Yan ang pahayag ng senadora matapos mapabalita na sinuspinde ng pamunuan ng food delivery app na Foodpanda ang hindi bababa sa 500 accredited riders nito sa Davao City matapos sumali ang mga ito sa isang unity ride para sa mga kasamahan nilang rider na nauna nang sinuspinde ng Foodpanda at inalisan ng access sa mobile app sa loob ng 10 taon.

 

 

Konektado rin diumano ang pangyayari sa reklamo ng mga rider ukol sa bagong fare adjustment ng Foodpanda, kung saan maaring bumaba sa P20 lang ang kita ng mga rider kada delivery ride.

 

 

Ayon kay Hontiveros, dapat nang mag-mediate ang DOLE sa sitwasyon at tingnan ang kalagayan ng mga Foodpanda riders, upang masiguro na hindi matitigil ang serbisyo nito at higit sa lahat, maproteksyonan ang lahat ng karapatan ng mga delivery riders bilang workers o manggagawa.

 

 

“Hindi man itinuturing sa ngayon na empleyado ang mga delivery riders, sila ay mga manggagawa na naghahanapbuhay at tumutulong hindi lang sa kanilang pamilya kundi sa ekonomiya. Hangga’t walang inilalabas na guidelines ang DOLE o hindi sila namamagitan ay walang mangyayari,” sabi ni Hontiveros.

 

 

“Malaking negligence o kapabayaan ito kung hindi agad na kikilos ang pamahalaan. Hindi pwedeng nakatengga lang tayo habang alam nating may posibleng pang-aabuso na nangyayari sa ating workforce, sa gitna ng pandemya,” dagdag niya.

 

 

Nauna nang hinimok ni Hontiveros ang DOLE na gumawa na ng komprehensibong guidelines ukol sa mga delivery riders, upang maproteksyunan ang kanilang karapatan at kapakanan bilang manggagawa.

 

 

Kaugnay nito, isinulong niya ang isang Senate resolution na nagtutulak sa Senado na alamin ang tunay na kalagayan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa “gig economy,” upang ayusin ang maraming labor issues na nakakaapekto sa sektor na ito.

 

 

“Isang napakahalagang punto ng aming resolusyon ay, dahil na rin siguro sa mga pagbabago sa panahon na ito, dapat ay repasuhin na natin ang ating mga labor laws upang maprotektahan ang lahat ng uri ng manggagawa,” ayon kay Hontiveros.

 

 

Umaasa ako na mabibigyan ng dignidad sa trabaho ang sinumang manggagawa na nagsasakripisyo at dumidiskarte para sa pamilya ano man ang kanyang employment status,” pagtatapos ni Hontiveros. (Gene Adsuara)

Thirdy balik Gilas Pilipinas

Posted on: July 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muling pumasok sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang FIBA Asia Cup na idaraos sa susunod na buwan sa Jakarta,

 

 

May 19 players ang nasa Calambubble kasama si Thirdy Ravena ng San-En NeoPhoenix.

 

 

Nagbalik si Ravena sa pool matapos ang kanyang huling laro suot ang Gilas Pilipinas noong nakaraang taon sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Indonesia.

 

 

Kasama ni Ravena sa Calambubble sina Matt Nieto, Allyn Bulanadi, Rey Suerte, Dave Ildefonso, Kemark Carino at Tzaddy Rangel na galing sa kani-kanyang injury.

 

 

Nariyan din sina Angelo Kouame, Carl Tamayo, Isaac Go, Dwight Ramos, Geo Chiu, Jaydee Tungcab, Jordan Heading, Justine Baltazar, Mike Nieto, RJ Abarrientos, SJ Belangel at William Navarro.

 

 

Hinihintay na lamang ng Gilas Pilipinas ang resulta ng swab test bago tuluyang makapagsimula sa ensayo para bumuo ng solidong plano para sa FIBA Asia Cup.

 

 

Gagabayan ang tropa nina Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin, Jong Uichico, Boyet Fernandez, Sandro Soriano at Dex Aseron.

 

 

Nakaabang pa ang lahat sa magiging anunsiyo ng FIBA dahil lumobo ng husto ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Indonesia.

 

 

Hinihintay na lamang ng Gilas Pilipinas ang resulta ng swab test bago tuluyang makapagsimula sa ensayo para bumuo ng solidong plano para sa FIBA Asia Cup.

 

 

Gagabayan ang tropa nina Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin, Jong Uichico, Boyet Fernandez, Sandro Soriano at Dex Aseron.

 

 

Nakaabang pa ang lahat sa magiging anunsiyo ng FIBA dahil lumobo ng husto ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Indonesia.

 

 

 

Hinihintay na lamang ng Gilas Pilipinas ang resulta ng swab test bago tuluyang makapagsimula sa ensayo para bumuo ng solidong plano para sa FIBA Asia Cup.

 

 

Gagabayan ang tropa nina Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin, Jong Uichico, Boyet Fernandez, Sandro Soriano at Dex Aseron.

 

 

Nakaabang pa ang lahat sa magiging anunsiyo ng FIBA dahil lumobo ng husto ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Indonesia.

HEART, nagsimula na ng lock-in taping kasama si PAOLO sa Sorsogon after ng required quarantine days

Posted on: July 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TULOY na tuloy na ang world premiere ng Legal Wives sa Monday, July 26, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.

 

 

Marami na ring naghihintay kung kasama pa rin si Ms. Cherie Gil sa story kahit hindi na nito tinapos ang family series tungkol sa mga Mranaw.

 

 

Naroon pa rin si Cherie at kung bubuksan ninyo ang kanyang Instagram acoount na @macherieamour, naroon pa rin ang mga scenes niya sa Legal Wives, isa na rito ang eksena nila ni Shayne Sava, the StarStruck 7 ultimate winner na isa si Cherie sa mga judges noon.

 

 

Caption ni Cherie sa photo: “Thrilled to be present for @shaynesava’s very first soap after her #starstruck win where I was one of the judges. Here I can witness her grow and blossom. She’s truly one talent to watch out for. Me be like… a #proudmama.”

 

 

Kasama rin si Cherie sa mga teasers na ipinalalabas na sa mga programa ng GMA-7.  Bida sa Legal Wives si Dennis Trillo as the husband of the legal wives na sina Alice Dixson, Bianca Umali at Andrea Torres.

 

 

Sa direksyon ni Zig Dulay.

 

 

***

 

 

NATAPOS na ang required quarantine days bilang pagsunod sa health protocols ng cast ng I Left My Heart In Sorsogon ng GMA Network, kaya nag-post na sina Heart Evangelista as Celeste at Paolo Contis as Mikoy, ng first scene nila sa pagsisimula ng lock-in taping nila last Monday, July 19.

 

 

Caption sa Instagram post: “Hello Bicolandia! Look: Today (July 19) at the Sorsogon University library is Paolo Contis and Heart Evangelista sa  first day ng lock-in taping nila for #ILeftMyHeartInSorsogon!

 

 

Sa simula ng story, sina Heart at Paolo ang mag-sweethearts, pero magkakahiwalay sila na ng pumunta sa Manila si Paolo at si Heart ay nagkaroon din ng sarili niyang career.

 

 

Sabi’y one month silang diretso ang lock-in taping at babalik lamang sila sa Manila kapag tapos na ang buong romantic-comedy series na magtatampok din kina Richard Yap, sa kanyang first Kapuso teleserye at magka-love team naman sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.

 

 

Ididirek ito ni Mark Sicat dela Cruz.

 

 

***

 

 

TAHIMIK pa rin si Kylie Padilla tungkol sa paghihiwalay nila ng former husband niyang si Aljur Abrenica. 

 

 

Nag-post lamang siya sa kanyang Instagram ng: “In the end the best thing to do is not to blame anyone for the things that happened BUT to observe where you could have done better.  Life is about growth.  Silence the noise and make the best out of your life.  Claim it, I’m happy, I’m healthy, I’m alive. I’m hoping the same for you.  Life is beautiful!

 

 

Nasa bahay daw muna nila sa Fairview si Kylie, kasama ang dalawa nilang anak ni  Aljur, sina Alas at AxL, habang inaayos pa ang bahay na lilipatan nila.

 

 

Balita namang sa bahay ng parents niya sa Batangas nakatira si Aljur habang naghahanap siya ng bibili ng bahay niya sa Quezon City. Co-parenting ang usapan nila ni Aljur sa kanilang mga anak.

 

 

Balik-trabaho  na raw si Kylie, pero hindi niya nilinaw kung saan siya magsisimula na ng lock-in taping.

(NORA V. CALDERON)

Pinay tennis star Alex Eala nagkampeon sa Milan tennis

Posted on: July 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Na-domina ni Philippine tennis number 1 Alex Eala sa JA Milan 61 Trofeo Bongfilio matapos makuha ang kampeonato sa singles division.

 

 

Ang nasabing pagkapanalo ay naganap isang araw matapos na magwagi ito sa tennis doubles.

 

 

Tinalo nito si Nikola Bartunkova ng Czech Republic sa score na 6-3, 6-3 sa laro na ginanap sa Campo Tribuna Tennis Club Milano Alberto Bonacossa.

 

 

Magugunitang nakuha ni Eala at partner nitong si Madison Sieg ng US ang doubles match ng talunin sina Sofia Costoulas ng Belgium at Lucija Ciric Bagaric ng Croatia sa score na 6-4, 4-6, 13-11.

 

 

Hindi lamang ito ang unang beses na nagwagi dahil noong 2018 ay nagkampeon ito sa singles at doubles sa Trofeo David Ferrer.

DTI tutol sa pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa NCR

Posted on: July 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maging ang Department of Trade and Industry ay tutol na ilagay sa mas maluwag na “qua­rantine restriction” ang National Capital Region (NCR) at karatig na lalawigan sa Agosto kahit na nais nila na magtuluy-tuloy na ang pagsulong ng ekonomiya.

 

 

Ayon kay (DTI) Secretary Ramon Lopez,  sapat na muna ang umiiral na general community quarantine (GCQ)  sa Metro Manila at hindi pa kailangang ibaba ito sa modified general community quarantine (MGCQ) dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19.

 

 

“I’m happy with the GCQ now na bukas ang mga economic activities. Ito ‘yung basta healthy balance na nakikita natin. We allow all essential, and even the non-essential na low-risk economic activities, so diyan babalik ang trabaho,” paliwanag ni Lopez.

 

 

Maging ang Department of Trade and Industry ay tutol na ilagay sa mas maluwag na “qua­rantine restriction” ang National Capital Region (NCR) at karatig na lalawigan sa Agosto kahit na nais nila na magtuluy-tuloy na ang pagsulong ng ekonomiya.

 

 

Ayon kay (DTI) Secretary Ramon Lopez,  sapat na muna ang umiiral na general community quarantine (GCQ)  sa Metro Manila at hindi pa kailangang ibaba ito sa modified general community quarantine (MGCQ) dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19.

 

 

“I’m happy with the GCQ now na bukas ang mga economic activities. Ito ‘yung basta healthy balance na nakikita natin. We allow all essential, and even the non-essential na low-risk economic activities, so diyan babalik ang trabaho,” paliwanag ni Lopez.

 

 

Tugon ng DTI, payag sila ngunit hanggang 10 porsyento lamang ang idaragdag na kapasidad dahil nga sa banta ng Delta variant. (Daris Jose)