• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Delta variant umabot na sa Taguig

Kinumpirma kahapon ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na ­umabot na sa kanila ang pinangangambahang Delta variant ng CO­VID-19, base sa resulta ng pagsusuri sa mga samples ng COVID-19 patients.

 

 

“May isa po tayong kaso ng Delta variant o iyong nanggaling sa India,” ayon kay Clarence Santos, pinuno ng Taguig Safe City Task Force base sa ulat ng  City Epidemio­logy and Disease Surveillance Unit (CEDSU).

 

 

Nagbabala naman si City Mayor Lino ­Cayetano na maaaring maging dominanteng variant ang Delta kaya kailangan maging responsable ang bawat isa para malabanan ito.

 

 

“Wear your masks, face shield and (keep your) distance so that the Delta variant will not spread. This is more contagious and it has a higher percentage of being hospitalized. Another important weapon against the Delta variant is vaccination,” panawagan ni Cayetano.

 

 

Nitong Hulyo 12, mayroon nang 73 kaso ng COVID-19 variants sa lungsod kabilang dito ang isang kaso ng Delta, 26 na Alpha variants, at 46 na kaso ng Beta variants. (Gene Adsuara)