• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2021

Higit 18K katao, arestado sa hindi pagsusuot ng face masks

Posted on: May 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umaabot na sa kabuuang 18,862 indibiduwal ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa hindi pagsusuot o di kaya ay maling paraan nang pagsusuot ng face masks.

 

 

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ang naturang bilang ng mga naarestong violators ay naitala nila mula Mayo 6 hanggang Mayo 10 lamang.

 

 

Sa isang televised meeting kay Pang. Duterte, sinabi ni Año na sa naturang bilang, 9,379 ang binigyan ng warning; 8,027 ang pinagmulta; 491 ang pinag-community service; 904 ang inaresto at 61 ang isinailalim sa inquest proceedings.

 

 

Kaugnay nito, tiniyak ni Año sa Pangulo na patuloy nilang ipinatutupad ang kautusang inilabas nito noong nakaraang linggo, na arestuhin ang mga taong matigas ang ulo at hindi pa rin tumatalima sa tamang pagsusuot ng face mask kapag nasa mga pampublikong lugar.

 

 

“Patuloy po nating ipapatupad ang inyong pag-uutos na arestuhin ang mga hindi po sumunod sa pagsusuot ng face mask. Tuluy-tuloy po naming ipatutupad ang inyong instructions sapagkat ito po ‘yong pinagmumulan ng sinasabi nating outbreak ng COVID-19  kapag po sumuway sa public health standard protocol,” dagdag pa ni Año.

 

 

Samantala, iniulat na rin ni Año na nasa 280 katao ang nahuli nilang lumalabag sa mass gatherings. (Gene Adsuara)

Duterte nagpaliwanag sa pag-atras sa debate kay Carpio

Posted on: May 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit umatras siya sa hamon niyang debate laban kay retired Senior Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio.

 

 

Sinabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People noong Lunes, nakalimutan niya na isa siyang presidente ng bansa.

 

 

Nakinig naman umano siya sa payo ng kanyang mga gabinete na hindi siya dapat makipag-debate kay Carpio at kung pumasok naman siya sa debate ay baka isipin ng lahat na ang kanyang mga pananaw sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) ay maituturing na polisiya ng gobyerno.

 

 

Dahil dito kaya minabuti na lang umano niyang umatras sa debate dahil posibleng malagay sa ala­nganin ang mga aksyon ng gobyerno pagdating sa WPS.  (Daris Jose)

2 mutation ng Indian variant mas mabagsik – DOH

Posted on: May 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

May dalawang mutation ang COVID-19 Indian variant na mas mapanganib sa tao dahil sa kapabilidad na mas mabilis na makahawa at mas magdulot ng lubha sa pasyente, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Sa presentasyon ng DOH sa media forum, nabatid na may 16 mutation na ang Indian variant o ang B.1.617 variant ngunit ang E484Q at L452R ang mga mutation na mas nakakabahala.

 

 

Ang mutation L452R ay sinasabing may mas mataas na kakayahang mas mabilis na makahawa ng marami at malabanan ang antibody ng isang tao. Maaari rin nitong matulungan ang virus na maiwasan ang antibodies ng mga indibidwal na nakarekober na o nabakunahan na.

 

 

Ang Mutation E484Q naman ay kahalintulad ng E484K mutation na matatagpuan sa South African variant at Brazil variant. Mas malakas ang binding capacity nito sa tao at maaaring makai-was sa immune system.

 

 

Tinukoy na rin ng World Health Organization (WHO) na “variant of concern” ang Indian variant.

 

 

Sa Pilipinas bukod sa Indian variant, unang natukoy dito ang presensya ng United Kingdom variant, South African variant at P.3 variant na unang nadiskubre sa ating bansa.

 

 

Sa kabila naman ng pagbaba ng mga kaso sa mga nakalipas na araw, nagpaalala si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na huwag magpakampante ang publiko dahil wala pa rin sa ‘safe level’ ang sitwasyon sa bansa at mataas pa rin ang average daily attack rate.

Emily Blunt, Responds To ‘Fantastic Four’ Reboot Casting Rumors

Posted on: May 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

EMILY Blunt responds to long-standing rumors regarding her and John Krasinski playing Sue Storm and Reed Richards in Marvel’s upcoming Fantastic Four reboot.

 

 

It is now well-known that Blunt turned down the role of Black Widow in Iron Man 2, and since then, her name has been attached to the MCU.

 

 

20th Century Fox was responsible for the Fantastic Four‘s cinematic debut in 2005, a less than serious take Marvel’s First Family, which led to the 2007 sequel subtitled, Rise of the Silver Surfer, before the franchise fizzled out. Fox tried to reboot Fantastic Four in 2015, but the film was a commercial and critical flop.

 

 

Marvel Studios acquired the rights to Fantastic Four in Disney’s acquisition of 20th Century Fox in 2019, and since then, the Mouse House has been looking to revitalize the flailing franchise.

 

 

During the San Diego Comic-Con in 2019, Marvel head, Kevin Feige confirmed that a Fantastic Four movie was in development, and later it was announced Jon Watts, the director known for all three of the MCU’s Spider-Man movies, would helm.

 

 

The project has been rather quiet since then, but there has been no shortage of fan castings. For a while now, real-life couple, Emily Blunt and John Krasinki, have been popular choices for Sue Storm and Reed Richards, since both actors have been linked to the MCU in the past (Krasinski screen-tested for the role of Captain America).

 

 

During her appearance on The Howard Stern Show, Blunt is responding to these long-standing Fantastic Four casting rumors. While fans have been clamoring to see Blunt and Krasinski cast as the Invisible Woman and the super stretchy Mr. Fantastic, Blunt unequivocally dispelled any rumors about herself or her husband potentially appearing in Marvel’s upcoming Fantastic Four reboot.

 

 

When asked if the genre was beneath her, the Quiet Place star was rather blunt, when voicing her dislike of superhero movies. Read her full response below:

 

 

That is fan-casting. No one has received a phone call. That’s just people saying, ‘Wouldn’t that be great?’ … It’s not that it’s beneath me. I love Iron Man and when I got offered Black Widow I was obsessed with Iron Man. I wanted to work with Robert Downey Jr.—it would’ve been amazing … but I don’t know if superhero movies are for me. They’re not up my alley. I don’t like them. I really don’t.

 

 

Though Blunt did seem clear she wasn’t interested in playing a superhero, she added, “It’s not to say that I’d never want to play one,” which leaves some hope for fans who wish to someday see her as Sue Storm. Although Blunt did say it would have to be a “really cool character” before she is interested.

 

 

While it doesn’t seem that Sue Storm meets Blunt’s requirements, she would undoubtedly be a great casting choice. She has previously proven she belongs in action films, based on her performances in Edge of Tomorrow and A Quiet Place, and has also pulled off more comedic roles in her career as well.

 

 

Since it is currently being speculated that Fantastic Four could take up the remaining slot in Marvel’s 2023 slate, they likely have not even begun the casting process yet.

 

 

Maybe when Marvel’s Fantastic Four movie actually begins to materialize, a potential role in the MCU will start to draw some interest from Blunt. (source: screenrant)

 

(ROHN ROMULO)

MAYOR TIANGCO NABAKUNAHAN NA NG 2ND DOSE

Posted on: May 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKUMPLETO na ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang kanyang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) inoculation kasunod ng kanyang ikalawang dose ng CoronaVac, noong Lunes sa San Jose Academy.

 

 

“Fully vaccinated na po tayo matapos makuha ang ikalawang dose ng CoronaVac. 28 days ang hinintay bago makumpleto ang dalawang doses ng bakuna laban sa COVID-19. Kailangan pong makumpleto ang first at second dose para buo ang proteksyong ating matatanggap mula sa bakuna” ani Mayor Tiangco.

 

 

Hinimok ng alkalde ang mga Navoteños na makilahok sa programa ng pagbabakuna sa lungsod.

 

 

Binigyang diin din niya ang pangangailangan na makakuha ng pangalawang dose at fully vaccinated upang matiyak ang kumpletong proteksyon mula sa sakit.

 

 

Gayunpaman, di pa rin aniya 100% na di tayo magkakasakit ng COVID kapag bakunado na tayo. Ang bakuna ay nagbibigay sa atin ng proteksyon para di magkakaroon ng severe o malalang COVID at di manganganib maospital o mamatay.

 

 

Ipinaalala pa niya na kasabay ng pagpapabakuna, patuloy pa rin isagawa ang minimum health protocols para hindi mahawaan ng sakit. (Richard Mesa)

Pinas, nag-demand sa foreign contractor na isauli ang mahigit ₱1.04 billion na naibayad sa free internet access project

Posted on: May 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-DEMAND na ang Pilipinas sa foreign contractor na isauli ang $21.8 million o mahigit ₱1.04 billion na naibayad sa free internet access project.

 

Nabigo kasi ang service provider na Speedcast na maikabit ang mga Wi-Fi spots matapos ang apat na taon.

 

“Kaya po natin hinihingi ‘yung refund na ‘yan dahil hindi naman nila nakabit ‘yung mga Wi-Fi spots na yan,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Nais kasi ng pamahalaan na tuldukan na ang kasunduan nito sa service provider Speedcast matapos na sabihin nito na 10,000 lamang mula sa 120,000 hotspots na target ang nakabitan ng libreng wi-fi magmula nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang batas ukol sa free public Wi-Fi noong 2017.

 

Gusto rin ng gobyerno na i-turned over ang proyekto sa Department of Information and Communications Technology, na ayon kay Sec. Roque ay nakapagkabit ng 500% na sites kumpara sa  kontratista.

 

Samantala, sinabi pa rin ni Sec. Roque na suportado ng Malakanyang ang mga mambabatas na planong imbestigahan ang implementasyon ng proyekto lalo pa’t ito’y sa gitna ng alegasyon ng smuggling, bribery at negligence. (Daris Jose)

State of calamity sa buong bansa, idineklara ni Duterte dahil sa ASF

Posted on: May 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity sa buong bansa dahil sa African swine fever.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batay sa Proclamation No. 1143 tatagal ang state of calamity hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan maliban na lamang kung babawiin na ni Pangulong Duterteng mas maaga.

 

 

“Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng state of calamity dahil sa South African Swine Fever outbreak. Nilagdaan kahapon ang Proclamation No. 1143,” ani Sec. Roque.

 

 

Inaatasan ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan maging ang local government units (LGUs) na makipagtulungan para matiyak na matutuldukan ang paglaganap ng ASF.

 

 

Pinatitiyak din ni Pangulong Duterte na maging sapat ang supply ng karne sa palengke at maging matatag ang presyo nito.

 

 

Kinakailangan ding ayudahan ang mga magbababoy para makarekober sa ASF. (Daris Jose)

Pangakong pagsakay sa Jetski papuntang West Philippine Sea, pure campaign joke-PDu30

Posted on: May 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“It was a pure campaign joke.”

 

Ito ang inamin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa kanyang sinabi noong 2016 ukol sa pagsakay niya sa jetski para pumunta ng West Philippine Sea at sabihin sa mga Tsinoy na pag-aari ito ng Pilipinas.

 

Patuloy kasing inuungkat ng kanyang mga kritiko ang naging pahayag nito sa presidential debate na sasakay siya ng jetski papuntang Spratly Islands para igiit sa China na teritoryo ng Pilipinas ang West Philippine Sea (WPS).

 

“Panahon ng kampanya ‘yan. ‘Yung biro na ‘yung, we call it bravado. ‘Yung bravado ko was pure campaign joke,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.

 

At kung naniniwala ang mga taga-oposisyon o taga-kabila sa kanyang sinabi ay istupido  ang mga ito.

 

Matatandaang sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na metaphor lamang ang sinasabi ng Pangulo dahil bagama’t naging matalinghaga, malinaw naman ang paninindigan ng punong ehekutibo na hindi isusuko ang teritoryo ng Pilipinas.

 

Matatandaang taong 2016, nang naging pangako ni Pangulong Duterte sa kampanya nito na sasakay siya ng jetski patungong Spratlys para iwagayway ang watawat ng Pilipinas

 

Samantala, kaugnay sa problema sa West Philippine Sea sinabi ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr., na hindi mareresolba sa pamamagitan ng pwersa ang isyu sa WPS.

 

Bagama’t kasi patuloy pa rin ang panamantala ng China, mas mabuting huwag magmadali at magpadala sa bugso ng damdamin ang gobyerno at idaan sa pakikipag-usap ang isyu. (Daris Jose)

Border ng bansa, mananatiling sarado kahit maging maluwag na ang quarantine status sa susunod na linggo – Malakanyang

Posted on: May 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MANANATILING nakasara ang borders ng Pilipinas kahit na magluwag pa ng quarantine classification sa Mayo 15.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na kahit maging GCQ na ang NCR plus at iba pang bahagi ng bansa ay bawal pa rin ang turismo at tanging ang mga dayuhan lamang aniya na mayroong investors visa ang papayagang makapasok sa Pilipinas.

 

Giit ni Sec. Roque na lalong hindi bubuksan ng bansa ang borders nito sa mga manggagaling ng India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, at Sri Lanka na kailan lamang ay pinatawan ng pamahalaan ng travel ban.

 

Aniya, normal lang ito dahil sa pag iwas na mapasok ng double mutant variant ng Covid -19 mula india.

 

Sinasabing, epektibo ang travel ban sa India at mga kalapit bansa nito hanggang Mayo 14 ngayong taon subalit maaari aniyang mapalawig. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Ads May 13, 2021

Posted on: May 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments