NA–TSISMIS or may nagtsi-tsismis pala na kesyo may COVID-19 daw ang buong pamilya ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza.
Meaning, si Chynna, ang mister niya na si Kean Cipriano at ang dalawang anak nina na sina Stellar at Salem.
Hindi pa namin nakakausap si Chynna habang isinusulat ‘to kaya hindi namin alam ang pinanggagalingan. Pero sila ay sa isang condo sa Quezon City nakatira at halos hindi nga sila lumalabas ng bahay at talagang mas work from home lang.
Kaya nag-tweet si Chynna para siguro matuldukan man kung sino man ang gumagawa ng tsismis na COVID-19 positive sila.
Sabi ng actress, “Sa mga nagsasabi po na may Covid kaming buong pamilya. Hindi po totoo.. Praise God! At huwag po kayo mag-alala kung meron man e ako pa ang magsasabi dahil ang pinaka ayaw ko po e magtago ng importanteng impormasyon sa mga tao sa paligid dahil ang ayaw ko sa lahat e makahawa.”
***
KAYA naman very proud ang actor na si Aga Muhlach sa kanyang kambal na mga anak.
Si Andres ay nasa ibang bansa na at nag-aaral ng College. Ang kambal na babae naman na si Atasha ay kasama pa nila ni Charlene Gonzales, pero, naka-plano na rin palang umalis at sa U.K. naman mag-aaral.
Dapat daw ay noon pang January, pero dahil sa pandemic, online studies muna sila. Business course ang kukuhanin ni Atasha na ayon dito, balanse sa creative sides niya.
Napaka-sensible at hindi makikitaan ng ere si Atasha kaya alam mong napakaganda ng pagpapalaki ng mga magulang. Para kay Atasha, tama lang daw ang pagiging disciplinarian nina Aga at Charlene sa kanilang kambal. Hinahayaan daw sila sa mga decision nila but at the same time, gina-guide at sinusuportahan.
Sa kambal, si Atasha ang bata pa lang ay nakikitaan na ng hilig na posibleng sumunod sa yapak ng mga magulang at pasukin ang showbiz. Naging part din siya ng musical na Sound of Music noong 10, pero, after that, talagang pag-aaral na ang inatupag nila.
Nag-pictorial at naging cover si Atasha ng Metro Style at dito siya na-interview na ipinost naman ni Charlene sa kanyang Instagram. Nang tanungin ito kung ano ang thought na pasukin din ang showbiz, mabilis niyang sinagot na gusto niya raw.
Aniya, “I’d love to! I hope so, because like our previous experiences, they’ve been nothing but wonderful like with Jolibee, Toyota and Selecta, like they’ve always treated us kind of like a family, in a sense, it was like a second family.
“And I just like the overall experiences and I just like trying out new things. So, I’m not opposed to the idea and I’m taking school day by day now. So whichever opportunity comes by, it’s a great blessing.”
Kaya hindi na nakapagtataka kung isang showbiz royalty na naman ang mapapanood soon. Natanong din si Atasha kung ano ang feeling niya na she’s being labeled as “showbiz royalty?”
“It’s humbling to hear but as a family, we’re very private. It did not feel like that at all but it’s humbling to hear, very generous to hear. I really do get the kilig but it doesn’t bother us. Because you know, we just see each other as just normal people.” (ROSE GARCIA)
NAGPALIWANAG si Liza Soberano sa kanyang Twitter account dahil sa maraming netizen ang iba ang naging pagkakaintindi sa naging comment niya sa Instagram ni Angel Locsin.
Pinayagan na ang Gilas Pilipinas na magsagawa ng training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
IBINALIK ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ilang alokasyon nito para sa iba`t ibang tanggapan upang maibigay ang enhanced community quarantine (ECQ) ‘ayuda’ sa lahat ng beneficiaries.
Kung ang Department of Health (DOH) ang tatanungin, dapat pang ipalawig ang ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa rehiyon ng NCR Plus dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang opisyal na pagkakahirang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Karl Kendrick Chua bilang Kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Sakaling dumating ang oras na kailangan na niyang magretiro ay gusto ni national weightlifter Hidilyn Diaz na maging opisyal ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP).
Nakamit ni tennis star Rafael Nadal ang ika-12th Barcelona Open title matapos na talunin si Stefanos Tsitsipas.
MALAKI ang posiibilidad na lumikha ng problema ang mga community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila.
Wala pang nabubuong consensus ang mga alkalde sa Metro Manila kung kanila bang irerekomenda o hindi ang pagpapalawig nang modified enhanced community quarantine status (MECQ) sa National Capital Region (NCR).