• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2021

Sotto bawal pa sa NBA, sasalang sa NBL, Gilas

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TUTUPARIN ni National Basketball Association prospect Kai Zachary Sotto ang manilbihan para sa Gilas Pilipinas gaya nang naipangako habang maghahasa muna sa Adelaide 36ers sa National basketball League sa Australia.

 

 

Ibinunyag ito nitong Miyerkoles ng 18 taong-gulang at 7-3 ang taas na cage phenom kasabay sa pagseserbisyo sa Nationals na kakampanya sa 30th International Basketball Federation Asia Cup qualifier third and last window sa HUnyo 16-20 sa Clark Freeport sa Angeles, Pampanga at sa Fiba Olympic Qualifying Tournament sa Hun. 29-Hulyo 4 sa Belgrade, Serbia.

 

 

“I would like to announce that I will be part of the team that will play for the OQT and the Asia Cup,” bulalas ng hoopsters na isinilang sa Las Piñas City. “Alam naman ninyo na ‘pag sinabi ni Kai, palaging lalaro ako sa Pilipinas.”

 

 

May ilang ulit na ring naglaro para sa Pinoy quintet ang binata sa national youth team o Batang Gilas bago nagpasyang magbaka sakali sa sablay niyang paglalaro sa Estados Unidos sa National Basketball League.

 

 

Ang pasya ni Sotto ay bunsod na rin sa nabatid na hindi pa siya qualify o eligible para sa 75th National Basketball Association Draft 2021 sa dating na Hun. sa Amerika, napag-alaman ng handler niya East West Private. (REC)

Ardina, Guce babalik-palo sa 16th SymetraTour 2021

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAPWA balik-kayod sa 16th Symetra Tour 2021 sina Dottie Ardina at Clarissmon Guce sa paghampas sa 16th Symetra Tour 2021 fourth leg $200K 1st Copper Rock Championship sa Copper Rock Golf Course sa Hurricane, Utah sa Abril 23-25.

 

 

Galing lang ang edad 27, 5-2 ang taas, isinilang sa Canlubang, Laguna at pitong taong beterana ng ST, sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 sixth leg – $2M 10th Lotte Championship sa Kapolei Golf Club sa Hawaii na rito’y nagmintis siya sa finals nitong Abr. 14-17.

 

 

Unang salang ni Ardina sa LPGAT sa taong ang Lotte golfest, samantalang pangatlong torneo na ang Copper sa ‘Road to the LPGA Tour’. Sablay siya sa cut sa opening leg Carlisle Arizona Women’s Golf Classic noong Marso 18-21 at tumabla sa fifth place sa second leg IOA Championship sa California nitong Mar. 26-28 para makapagsubi ng $4,558 (₱221K).

 

 

Magiging ikaapat na kompetisyon naman ang Copper sa 30-taong-gulang na Pinay ring si Guce, pero nakabase na sa Estados Unidos makaraang tumabla sa 1st Casino Del Sol Golf Classic sa Arizona at magrasyahan ng $993K (P48K).

 

 

Kumabyos din siya sa finale sa unang dalawang yugto ng ST kagaya ni Ardina. (REC)

IOC, nagbanta na parurusahan amg mga atleta na magpoprotesta sa Tokyo Olympics

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpaalala ang International Olympic Committee (IOC) sa mga atleta na dadalo sa Tokyo Olympics na huwag magbabalak na lumuhod at magtataas ng kamao bilang suporta sa racial equality.

 

 

Ayon sa IOC na hindi sila magdadalawang isip na parusahan ang mga sinumang atleta na gagawin ang nasabing hakbang.

 

 

Nakasaad kasi sa IOC Rule 50 na pinagbabawal ang anumang uri ng pagsasagawa ng protesta maging political, religious o racial propaganda sa mga lugar at ilang mga Olympic area.

 

 

Dagdag pa ng IOC na ang nasabing rekomendasyon ay base sa isinagawa nilang konsultasyon noong Hunyo 2020 kasama ang mahigit 3,500 na atleta.

 

 

Ilang mga international chief ang hindi sang-ayon dito kung saan ayon kay World Athletics’ President Sebastian Coe na mayroong karapatan ang mga atleta na maglabas ng saloobin.

 

 

Magsisimula ang Olympics sa Hulyo 23.

Target na 200-M COVID-19 vaccinations ng Amerika, naabot na

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Masayang inanunsyo ni United States President Joe Biden na naabot na ng kanyang administrasyon ang target nito na mabakunahan ang 200 milyong Amerikano laban sa coronavirus disease.

 

 

Inanunsyo ni Biden na 200 milyong mamamayan na ng Amerika ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa loob lang ng 100 araw nito bilang pinuno.

 

 

Ang nabanggit na bilang ay doble pa sa initial goal na 100 million vaccinations sa loob ng 100 araw. Tinawag ito ni Biden na isang “incredible achievement” para sa Amerika.

 

 

Ibinahagi rin nito na magiging available na ang tax credits sa mga employers na babayaran pa rin ang kanilang mga empleyado na umabsent para magpabakuna.

 

 

Ayon sa Democratic president, walang sinumang Amerikano ang dapat mabawasan ng sahod dahil lang sa pagnanais nilang magpabakuna.

 

 

Kasama sa tax credits ang mga kumpanya na may 500 empleyado, kabilang din sila sa $1.99 trillion American Rescue Plan na nilagdaan bilang batas ni Biden noong nakaraang buwan. (Daris Jose)

Mandatory quarantine period, maaaring bawasan at gawing 10 araw ang 14 araw kung walang sintomas ng COVID-19 ang OFW

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING  bawasan sa 10 araw ang mandatory quarantine period mula sa 14 araw kung walang sintomas ng COVID-19 ang OFW.

 

 

“So ito po ‘yung proposed changes as we have already mentioned. We can shorten the duration of quarantine from 14 days. If there are no symptoms to the end of 10 days,” ayon kay Dr. Edsel Salvana, isang health experts mula sa Technical Advisory Group (TAG) sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules.

 

 

“Basta walang symptoms, we can do it 10 days,” paglilinaw ni Salvana.

 

 

Sinusugan naman ito ni Dr. Marissa Alejandria na batay sa datos mula sa CBC, maaaring bawasan ang quarantine period sa 10 araw.

 

 

“So ‘yun ‘yung parang compromise. It’s a good compromise in the sense that we reduce the duration of the period of quarantine with minimal effect on the number of infections that we may miss out,” saad niya.

 

 

Sinabi naman ni Salvana, dapat na isagawa ang COVID-19 test sa ikapitong araw sa pag-uwi ng mga “asymptomatic” OFW.

 

 

Batay aniya sa datos ng Department of Health (DOH), may mga OFW na negatibo sa test nang umuwi pero nagiging positibo sa virus sa ikapitong araw nila sa quarantine facility.

 

 

“Ideally pa rin facility-based quarantine but we recognize that this is very expensive. For LGU home-quarantine as long as it can be assured dapat daily ho and strict compliance at home and dapat set up po talaga yung house,” ang pahayag nito.

 

 

Tinuran naman ni  Alejandria, dapat ma-test ang mga OFW na kakikitaan ng sintomas ng sakit sa loob ng 10 raw.

 

 

“So the system should be in place to be able to isolate once they get symptoms and they get tested and then that’s the policy that we can adapt,” ani Alejandria.

 

 

Ang naturang mga rekomendasyon ay pag-aaralan bago opisyal na maglalabas ng pasya kung magkakaroon ng bagong patakaran sa quarantine protocols sa mga uuwing OFW.

 

 

Samantala, hindi naman handa si Pangulong Duterte na mag-kompromiso sa usaping  ito.

 

 

Nais pa rin kasi ng Pangulo na magpatuloy ang mahigpit na patakaran sa quarantine at testing protocols sa mga umuuwing Filipino workers (OFWs) para matiyak ang kaligtasan sa COVID-19 ng kanilang mga pamilya at kababayan kapag umuwi sila sa kani-kanilang lalawigan.

 

 

“I cannot compromise. I am not ready for a compromise lalo na ngayon, ‘yung ibang siguro, yung rabies, rabies dyan pero ito talagang, as you have said, dapo rito, dapo roon, then you have the exponential problem now of how to take care of the Philippines,” giit ng Chief Executive.

 

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay tugon sa naging kahilingan ni Labor Secretary Silvestre Bello na bawasan ang araw ng quarantine at pag-aralan din kung kailan dapat kunan ng COVID-19 test ang mga umuuwing OFWs.

 

 

Ani Bello, nakiusap kasi sa kanya ang mga OFW na natatagalan sa 14 na araw na quarantine at tagal ng resulta ng COVID-19 test para makapiling na nila ang pamilya.

 

 

Tiniyak ni Bello na susundin pa rin nila kung ano man ang magiging rekomendasyon at kapasyahan ng mga eksperto tungkol sa naturang usapin.

 

 

“Talagang hirap na hirap sila. They are crying . . . We cannot close our eyes to the miseries of our OFWs,” ayon kay Bello.

 

 

Dagdag ng kalihim, bumaba na sa 1.5%  ang testing positivity rate ng mga umuuwing OFW ngayong 2021, kumpara sa 2.07% noong nakaraang taon.

 

 

“Kaya nga po kami nakikiusap sana na kung maaari we go back to the regional protocol noon na pagdating nung ating mga OFWs swab agad sila and then they are quarantined for five days while waiting for the result,” mungkahi nito. (Daris Jose)

1,000 PAMILYA SA CEBU BINIGYAN NG LIBRENG PABAHAY NG GOBYERNO – NOGRALES

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinangunahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kasama ang mga opisyal ng National Housing Authority at LGU ang ginanap na ceremonial turnover ng Yolanda housing units sa Santa Fe, Cebu noong Martes, Abril 20, 2021 na aniya’y katuparan ng pangako ng administrasyong Duterte na kumpletohin at agarang ipamahagi sa bawat benepisyaryo ang mga libreng pabahay.

 

Ang 36th virtual turnover ng 1,000 housing units ay isinagawa sa Sto. Niño Home, Barangay Maricaban, Santa Fe, Cebu sa ilalim ng Yolanda Permanent Housing Project sa Central Visayas.

 

Mula nang magsilbing chairperson ng Inter-agency Task Force for the Unified Implementation and Monitoring of Rehabilitation and Recovery Projects and Programs in Yolanda-affected Areas, si Nograles ay nakapag-turnover na ng 4,164 na kabahayan sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Cebu.

 

Ang mga pabahay na ito ay matatagpuan sa mga sumusunod na munisipalidad ng nasabing probinsiya: Tabuelan (220 units), Daanbantayan (1,863 units), Bantayan (450 units) at Medellin (631 units), at itong pinakahuli sa Santa Fe (1,000 units).

 

Pinuri ng opisyal ng Malacañang ang mahusay na pagpapatupad ng proyekto ng NHA dahil sa aniya’y magaling na pamumuno ni General Manager Marcelino “Jun” Escalada katuwang sina Regional Manager Jude Juntilo, Engr. Jeef Arranguez, Engr. Mary Ann Quimado, at iba pang mga opisyal at kawani ng NHA Region 7.

 

Nagpaabot din ito ng pasasalamat sa Eddmari Construction and Trading na tumatayong developer ng proyekto dahil sa aniya’y “kanilang suporta at masigasig na pagtatrabaho kaya natapos sa takdang panahon ang mga magaganda at matitibay na yunit ng mga pabahay.”

 

Espesyal ding binanggit ni Nograles ang mahalagang tulong at suportang ibinigay sa naturang proyekto nina Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) Secretary Michael Dino, Governor Gwendolyn Garcia, Mayor Ithamar Espinosa, gayundin kina Vice Mayor Naomi Espinosa, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga kawani ng Santa Fe LGU.

 

“Maraming salamat sa inyong walang humpay na pagsuporta sa ating proyekto upang magbigay ng mga libreng tahanan at pagtanggap sa responsibilidad nang pamamahala upang mapanatili ang kaayusan at katiwasayan sa komunidad na ito.”

 

Nabanggit ni Nograles, na namumuno rin sa Task Force Zero Hunger ng gobyerno na “kumpleto na rin lahat ng probisyong kinakailangan sa mga libreng pabahay na ito tulad ng ilaw at tubig. Magkakaloob din tayo ng mga programang pangkabuhayan sa mga maninirahan dito upang mayroon silang mapagkukunan ng masustansyang pagkain at karagdagang pagkakitaan.”

 

Binigyang diin pa ni Nograles na “kailangan natin magtulungan upang maibsan ang kagutuman at kahirapan na nararanasan ng ating mga kababayan lalo na sa mga Yolanda-affected areas.”

 

“Kaya sa pakikipagtulungan ng Pilipinas Kontra Gutom, balak nating magtayo ng community farms sa mga bakanteng lote na nakatiwangwang lang sa mga Yolanda Housing Sites na maaaring pagtamnan ng iba’t ibang gulay o halaman na magbibigay ng sariwang ng mga pagkain na pang-konsumo sa araw-araw at dagdag na kabuhayan din ng mga residente dito,” dagdag na paliwanag nito.

 

Sa bahagi ni Mayor Espinosa, nagpasalamat siya kay Pangulong Duterte, Nograles at NHA sa napapanahong pagkumpleto ng proyektong pabahay para sa kanyang nasasakupan at nagsabing “ang mga libreng pabahay na ito ay habang-buhay na pahahalagahan ng ating mga benepisyaryo. Naniniwala kami na ang mga tahanang ito ang magsilbing silungan ng mga bagong pangarap tungo sa maunlad na pamumuhay.” (Daris Jose)

MOSCOW’S DREAM ISLAND THEME PARK OFFICIALLY OPENS “HOTEL TRANSYLVANIA” ATTRACTION

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IN anticipation of the upcoming release of Hotel Transylvania: Transformania, the final chapter of the $1.3 billion film franchise from Sony Pictures Animation, Dream Island Theme Park, Europe’s largest indoor theme park located in Moscow, announced April 15 that it has officially opened the much-anticipated attraction “Hotel Transylvania.”

 

 

Dracula has opened up his lavish resort to the human world and will allow visitors to tour and meet its unusual guests.  Visitors will begin their  journey by walking across a bridge over a foggy moat to enter the hotel’s lobby. There, they will meet Dracula, who will guide them through more than 10 locations.

 

 

“The attraction will be a worthy addition to our park. The work on the Hotel Transylvania theme area took more than 3 years, as we wanted to build a unique space for Russia, combining the latest technical and creative solutions to create a comedic horror experience suitable for the whole family,” said Ivan Scholl, technical director of Dream Island Theme Park. “We partnered with Sony Pictures in order to achieve an authentic experience that will be the first attraction of this level in Russia, in one of the world’s leading theme parks.”

 

“In line with our growing Location Based Entertainment strategy, Dream Island Theme Park has done a fantastic job bringing this beloved brand to life and giving audiences the unique opportunity to transport themselves into the thrilling world of Hotel Transylvania,” said Jeffrey Godsick, EVP of Global Partnerships and Brand Management and Head of Location Based Entertainment at Sony Pictures Entertainment.

 

 

In addition to the Hotel Transylvania ride, guests will also find a “Tavern of Fear” snack bar, a “Vampire’s Bite” burger cafe and “Transylvania Treasures,” a gift store filled with Hotel Transylvania themed souvenirs and memorabilia.

 

 

The new theme area is included in the price of the Dream Island Theme Park entrance ticket. Fast pass tickets are also available for the Hotel Transylvania attraction, specifically.

 

 

About the Hotel Transylvania Franchise

 

Sony Pictures Animation’s $1.3 billion family film franchise Hotel Transylvania, follows Dracula, Mavis and all their monster friends and their adventures at Hotel Transylvania, a lavish five-stake resort where monsters and their families can live it up, free to be the monsters they are without humans to bother them. The first film debuted in theaters in 2012, followed by two sequels Hotel Transylvania 2 and Hotel Transylvania 3: Summer Vacation, which were released in 2015 and 2018, respectively. The final chapter, Hotel Transylvania: Transformania, is scheduled to debut in 2021.

 

 

Hotel Transylvania was directed by Genndy Tartakovsky with a screenplay by Peter Baynham and Robert Smigel based on a story by Todd Durham and Dan Hageman & Kevin Hageman and produced by Michelle Murdocca. Hotel Transylvania 2 was directed by Genndy Tartakovsky, written by Robert Smigel & Adam Sandler, produced by Michelle Murdocca and executive produced by Allen Covert, Robert Smigel and Ben Waisbren. Hotel Transylvania 3: Summer Vacation was directed by Genndy Tartakovsky, written by Genndy Tartakovsky and Michael McCullers and produced by Michelle Murdocca. Hotel Transylvania: Transformania is being directed by Jennifer Kluska and Derek Drymon, written by Genndy Tartakovsky, produced by Alice Dewey Goldstone and executive produced by Selena Gomez, Genndy Tartakovsky and Michelle Murdocca.

 

 

Hotel Transylvania: Transformania will be distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.

Sarno sinungkit ang 2 gold sa Tashkent Asian lift fest

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGREYNA sa Vanessa Sarno nang pamayagpagan ang women’s 71-kilogram division ng ginaganap pa ring 49th Asian Men’s and 30th Women’s Weightlifting Championships 2021 sa Tashkent, Uzbekistan nitong Miyerkoles ng gabi. 

 

 

Pinitas ng edad 17 Pinay na barbelista mula sa Tagbilaran, ang gold medal sa total lift sa 229 kgs. at sa clean and jerk sa 128kg lift. May silver pa siya sa snatch sa binuhat na 101.

 

 

Tinalo ni Sarno ang limang karibal sa overall tally na kinabibilangan nina Gulbanat Kadyrowa ng Turkmenistan  (223) at Yekatarina Bykova ng Kazakhstan  (213).

 

 

Bumida rin siya sa C&J sa naiangat na 28 laban din sa dalawang karibal (Bykova 122 at Kadyrowa 121) samantalang umangat lang si Kadyrova sa snatch lift kay Sarso, 102-101. Tersera rin si Bykova sa 91.

 

 

Si Sarno ang sinasabing sasunod sa alamat na si Hidilyn Diaz na nabokya sa 55kg. ditto pero nag-ququalify na sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na nausog sa parating na Hulyo 23-Agosto 8.

 

 

Ito ay sa dahilang magkakasunod niya mga tagumpay sa dalawang torneo sa nakaraang na dalawang taon patungo sa isa pang ito.

 

 

Nakatatlong gold din ang dalagita sa 2020 International Weightlifting Federation Online World Youth Championship sa Peru. At dalawang gold at isang silver sa 2019 Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa North Korea. (REC)

BEA at SUNSHINE, pinagpipilian ng netizens na perfect na bida sa ‘Doctor Foster’ bukod kay JUDY ANN

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY inilabas ang Dreamscape Productions na teaser ng silhouette ng aktres na gaganap na bida sa adaptation ng ABS-CBN sa Doctor Foster na original sa British Television at na-adapt na ng ibang bansa.

 

 

Ang huli na nag-adapt nito ay ang South Korea pinagbidahan ng actress na si Kim Hee-ae na nanalong Best Actress sa Deasang award, kilala ang Doctor Foster na The World of the Married na ipinalabas sa VIU at Netflix, na pinalabas din sa ABS-CBN ang tagalized version pero natigil dahil sa shutdown ng tv station.

 

 

Naging matunog nga ang pangalan nina Judy Ann Santos at Jodi Sta. Maria, may gusto rin kina Bea Alonzo at Sunshine Dizon.

 

 

Super react na naman ang netizens sa showbiz website na fashionpulis.com at bet na bet talaga nila si Judy Ann at iba pang aktres tulad nga nina Bea at Sunshine, wag lang daw si Jodi na may umay factor na.

 

 

Narito ang ilang hula na bagay na gumanap na bida sa Doctor Foster:

 

 

“Si Juday.”

“You mean Jodi? Right? Jodi Sta. Maria?”

“I dont think tatanggapin ni juday yan bilang may pandemic ngayon at kering keri niya tumanggi sa projects.”

“Hay naku di bagay si jodi jan dahil si doctora kalma lang ung role nya hindi labas litid! Haha.”

“yaaaas , judy ann santos . reyna ng teleserye. “

“Ayyyy si Pia Wurtzbach!”

“Sunshine Dizon. Since lilipat sya ng kapamilya.”

“Ay bet ko kung si Sunshine. Magaling umarte at maganda naman.”

“May inattendan ng storycon si Sunshine Dizon with Paulo Avelino & Janine. Mukang eto na nga yun!!”

“Nako teh di bagay sa kanya ung role ni dr foster hindi naman sya mukhang sopistikada!”

“Yes. Bagay.”

“Nagagalingan din ako kay Sunshine pero for some reason, i feel na may pagka oa sya s chuchu utos (sorry i forgot the title ng afternoon show nya). I really cant forget the balot and their watergun scene. Haiz”

“kasalanan ng scriptwriter yun haha! para sakin naman mas gusto ko syang Pirena. magaling naman si Glaiza pero pag Pirena, si Sunshine tlga yun eh.”

“Juday?????”

“She’s a good actress pero walang oomph. Yung tipong pag gumanap siya as a scorned wife, papanig ka sa kabit.”

“Di ko type si juday… sunshine or iza ako.”

“Sunshine, kris at si janine ang kabetsin.”

“Pag si Juday papanig sa kabit heheh.. Magaling umiyak si Juday hands down.. Pero nag evolve na ang gusto ng tao.. Di na sufficient ang isang baldeng luha sa pag arte ala Mara.. Un tipong facial expression pa lang dapat ay pamatay na.. Sadly di ganun si Juday.. Si Iza o Jodi talaga halimaw sa actingan.. Maricel Soriano naman sa veteran.”

“Parang Bea.”

“Bea A. bagay.”

“I actually like kris aquino to be dr. Foster bagay sa kanya especially kahawig nya ung bidang koreana na babae sa kdrama and for sure its gonna be talk of the town na din coz its gonna be her comeback project sa abs! Oh diba bongga!”

“Magiging horror at comedy. Hindi drama hehehe. Baka matawa tayo imbes maiyak.”

“Napanood ko ung the world of married and wala naman masyadong drama scene dun more of suspense scene sya with good background music and i think kris can do it naman.”

“I don’t find juday fit sa role na dr. Foster kc shes makamasa look and her acting is still the same though shes a good actress pero her acting is hindi pang world of married.”

“Bet ko sana si Kris sa role kasi bagay sa itsura niya tsaka sophisticated ang look nya kaso sa acting hindi ko sure.”

“Nice move remake nalang muna habang sarado pa ang main tindihan.”

“Mukhang si Bea ito!”

“Feeling ko si sunshine dizon to.”

“KC i believe!”

“Huh? Dba matagal nang nagquit si KC sa pag acting??”

“Mukang hindi. Kung si Juday afford na tumangi, mas lalo naman si kc na kayang lumipat ng bahay kahit pa pandemic! And hindi din naman bagay so ok lang.”

“Si Judy Ann diba? Sino kaya gaganap na kabetsin?

“C lovi ata kaya lilipat na sa dos magandang project ang inoffer.”

“KC, Anne, Bea, Angelica nasa apat na yan ang choice ko.”

“Jodi, Zanjoe, Sue, Jane.”

“Narinig ko rin to baks! Ayaw daw ni juday ng lockin taping kaya kay jodi binigay.”

“Kung si Jane ang gaganap na Da-Kyung pwede. Fresh and innocent face tapos kabit pala. Si Sue pwedeng si Hyeon-Soo. Zanjoe perfect na Tae-Oh. Pero no to Jodi. Pwede siya as Yerim. Pero Dr. Ji? Nope.”

“Judy Ann Santos. Sure na!”

“Judy Ann sana.”

“Judy Ann, Mylene Dizon or Angel Aquino ang mga bagay.”

“Go Juday! Ikaw na talaga ang Reyna.”

“Parang si Bea Alonzo.”

“Trueth ba na nasagap kong chika na ung dalawang bida dito na babae is from different network?”

“Unfair sa homegrown yan.”

“Kris aquino ian veneracion Kylie padilla!”

“Kylie! Kamukha nung kabit sa world of the married!”

“Claudine or juday.”

“Definitely not Claudine. She may be a good actress but the network can’t afford a primadonna attitude.”

“give claudine a chance.”

“Looks like Jodi.”

“Oh please noh. Iba nman. Kakatapos lng ng kanyang latest serye.”

“Si Sunshine Dizon daw yan kasama nya si Paulo at Janine Gutierrez.”

“Sunshine Dizon yan and Lovi Poe.”

“kim chiu.”

“sorry nope. Hndi sya effective sa ganitong theme. Just look at her last serye on which sya ang kabit na inaapi. Natabunan tlga sya ni Yam, Eula, and other supporting actors.”

“Ang hirap, ang acting requirement kasi dito eh under acting pero umaarte talaga, so si Juday keri yun. Jodi, not possible, may gigil acting siya eh.”

“Sana si Ms. Dawn Zulueta na lang!”

“ay oo nga! bagay sa age nya mismo.”

“Hindi bagay kay Juday. Angel Locsin naman sana.”

“Come to think of it, bagay nga rin si sunshine dizon as dr sunwoo. Kayang tapatan ni sunshine yung pagiging problemado, api, malungkutin, palaban, matalino ng character ni sunwoo.”

“Sinu ba bagay sa ganun? Lorna? Or shes too old for the role? Mylene? Pede tas dun sa other woman, si Kylie kamukha nun Koreana.”

“lovi poe, zanjoe/Piolo, Liza Soberano para maiba naman.”

“Bagay eto kay Bea A. She’ll give justice to the role!”

“Wag na si jodi, umay na manonood tsaka ibigay sa gusto ng masa.”

 

(ROHN ROMULO)

STEVE HARVEY, pinalitan nina MARIO LOPEZ at OLIVIA CULPO para mag-host ng ‘69th Miss Universe’

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI si Steve Harvey ang maghu-host ng 69th Miss Universe pageant sa Miami, Florida.

 

 

Ito ang unang pagkakataon na nagpahinga sa kanyang pag-host ng Miss Universe si Harvey.

 

 

Nakatatak na sa utak ng maraming pageant fans ang pangalang Steve Harvey dahil sa pag-announce nito ng maling Miss Universe winner noong 2015.

 

 

In-announce nito ang name ni Miss Colombia Ariadna Gutierrez imbes na si Miss Philippines Pia Wurtzbach. 

 

 

In-announce ng Miss Universe Organization na sina Mario Lopez at Miss Universe 2012 Olivia Culpo ang mga magiging hosts this year.

 

 

“Mark your calendars – Access Hollywood’s @mariolopezviva and actress and model @oliviaculpo will host this year’s Miss Universe competition,” tweet ng MUO.

 

 

Hindi na bago sa pag-host ng Miss U pageant ang dalawa. Lopez has already co-hosted in 2007, while Culpo, co-hosted the pageant’s 68th edition along with Vanessa Minnillo Lachey and Harvey in 2019.

 

 

In the Philippines, ABS-CBN will bring the live telecast of the 69th Miss Universe via the A2Z channel on May 17 (Monday), starting at 8 a.m., with a replay at 10:30 p.m.

 

 

***

 

 

FIRST time na gumawa ng romcom teleserye si Julie Anne San Jose via GMA’s Heartful Cafe.

 

 

Sa naturang teleserye, may pagka-kikay ang character ni Julie na si Heart Fulgencio. Malayo raw sa mga naging drama roles niya noon sa TV tulad sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa, My Guitar Princess at Buena Familia. 

 

 

“Before kasi puro iyak at pag-aapi ang ginagawa sa akin sa teleserye. Now medyo iba. More fun ang character ko. So different from what I am doing on TV.

 

 

“Acting as Heart is different from singing or hosting kasi on stage dapat eksakto sa kailangan sa iyo. Sa Heartful Café, mas kenkoy at mas natural, mas okay.”

 

 

Hindi naman nalalayo ang similarities nila Julie at Heart pagdating sa personality.

 

 

“Si Heart at si Julie, parehong masayahing tao. Gusto nila na may napapasayang tao. Hard-working at serious sa craft. Easy-going lang siya. Naa-apply ko ‘yung kakulitan ko dito na not everybody knows po.”

 

 

Si David Licauco ang partner ni Julie sa Heartful Cafe na umaming matagal na itong may crush sa kanya.

 

 

***

 

 

MULA raw nang tanghalin siyang Protégé Grand Champion noong 2012, sunud-sunod na ang acting projects ni Kapuso artist Thea Tolentino.

 

 

Kaya naman, thankful siya sa GMA Network dahil kahit na may pandemic, hindi nito pinabayaan ang kaniyang career.

 

 

“Sobrang swerte ko and sobrang happy ako na mula noong nanalo ako sa Protege, sunud-sunod ‘yung mga naging projects ko. Talagang mas nahasa ko pa ‘yung craft ko, iba pa rin ‘yung nagagamit mo ‘yung natutunan mo and skills mo sa trabaho mismo and sobrang thankful ako sa GMA for always trusting me with very amazing shows and roles. Sobrang blessed!”

 

 

Isa si Thea sa mga bibida sa upcoming GMA drama series na Las Hermanas kung saan makakatrabaho niya ang beteranong aktor na si Albert Martinez at mga kapwa Kapuso stars na sina Yasmien Kurdi at Faith Da Silva. 

 

 

Naging parte rin siya ng successful GTV primetime soap na The Lost Recipe.  (RUEL J. MENDOZA)