• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2021

JASMINE, muling makatatambal si ALDEN sa ‘The World Between Us’

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAPUSO actress Jasmine Curtis-Smith is thankful na despite sa umiiral na pandemya dahil sa Covid-19, na nasa second year na ngayon, ay tuloy pa ring dumarating ang mga offers sa kanya, movies and television man. 

 

 

May bago siyang teleseryeng gagawin sa GMA Network, ang The World Between Us na muli nilang pagtatambalan ni Alden Richards.

 

 

Isa ang teleserye sa 100 new shows ng network na gagawin nila this year.

 

 

Third time na itong pagsasama nina Alden at Jasmine sa isang project, una ang Imagine You & Me na kasama nila si Maine Mendoza. 

 

 

Sinundan ito ng first episode ng drama anthology na I Can See You: Love on the Balcony na ipinalabas na sa Netflix Philippines at ni-replay din ng GMA last Holy Thursday.

 

 

“I’m happy that despite the pandemic, I continue to get assignment and be busy,” sabi ni Jasmine.

 

 

“Last year, tinapos ko rin muna ang lock-in taping namin ng Descendants of the Sun with Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado at kami ni Rocco Nacino. 

 

 

Hindi ko pa alam kung kailan magsisimula ang lock-in taping namin ni Alden, one of the nicest guys in showbiz and it’s always a joy to be working with a fine actor like him.” 

 

 

Balitang this May na magsisimula ang lock-in taping ng The World Between Us na makakasama rin nila si Tom Rodriguez.

 

 

***

 

 

STILL on lock-in taping.

 

 

Muling hindi natuloy ang lock-in taping ng I Left My Heart In Sorsogon dahil bukod sa muling naghihigpit ng IATF, maraming lugar din ang ibinalik sa ECQ.

 

 

Pare-pareho nang prepared sina Heart Evangelista at ang dalawang leading men niya na sina Richard Yap at Paolo Contis, nang muling dumami ang kaso ng Covid-19 sa iba’t ibang lugar ng bansa.

 

 

Hindi lamang iyon, dumating din ang Typhoon Bising na napuruhan na naman ang Bicol Region.

 

 

   “Excited na sana akong muling umarte,” biro ni Heart.

 

 

“Three years ago pa iyong last serye ko, My Korean Jagiya. Inihanda ko na rin ang lahat ng mga outfits and accessories na gagamitin ko para sa role ko sa serye, kahit iyong mga dati kong damit na kailangan sa story, nai-ready ko na rin para dalhin sa lock-in taping namin. Hopefully, next month ay matuloy na rin kami.”

 

 

***                                         

 

ANO kaya ang magiging feeling ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na sa kambal nilang anak na sina Mavy at Cassy, may dalawang guys nang mukhang close na kay Cassy?

 

 

Unang nabalita si Darren Espanto, pero dahil hindi sila magkasama sa network, mas close at mas pinag-uusapan sina Cassy at JD Domagoso. Kapwa sila Kapuso at magkatambal ngayon sa romantic-comedy primetime series na First Yaya ng GMA Network.

 

 

Sa serye ay parang aso’t pusa ang characters nina Cassy at JD, pero off-camera, pareho silang enjoy magtrabaho dahil nauna na silang nagkasama sa Studio 7 at sa All-Out Sundays. 

 

 

Masayahin ang panganay ni Manila Mayor Isko Moreno, at biro niya, payag daw siyang maging ‘yayo’ ni Cassy, “para lagi ko siyang kasama, para ako na ang gagawa ng pagkain niya, gigising sa kanya, para lagi akong nakabantay sa kanya.”

 

 

“Seriously, masaya po ako sa first teleserye namin ni Cassy,” dagdag pa ni JD. “Natutuwa po ako kapag nababasa ko sa social media accounts ng First Yaya na bagay kami, at swak sa characters namin ang role na ginagampanan namin.”

 

 

Napapanood ang top-rating series gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.  (NORA V. CALDERON)

Asia’s 1st Grandmaster Eugene Torre iniluklok sa Hall of Fame ng World Chess Federation

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bumuhos ang pagbati matapos iluklok sa World Chess Hall of Fame ng World Chess Federation si Filipino Grandmaster Eugene Torre.

 

 

Sinabi ng 69-anyos na Iloilo native, labis itong natutuwa at “proud” dahil siya ang unang Asian male player na nominado sa FIDE.

 

 

Sinundan nito ang yapak ni dating women’s world champion Xie Jun ng China na ginawaran ng Hall of Fame noong 2019.

 

 

Nakasabay nitong na-induct sa Hall of Fame sina Argentine GM Miguel Najdorf at GM Judit Polgar ng Hungary.

 

 

Mula nang itatag ang Hall of Fame awardees nasa 37 pa lamang na mga pangalan ang kinilala sa prestihiyosong listahan.

 

 

Kung maalala unang naging grandmaster sa Asya si Torre noong 1974 sa edad lamang na 22-anyos at noong 2016 ay kinilala rin siyang Philippine Sports Hall of Fame.

 

 

Mula ng lumabas ang nasabing balita ay bumuhos din sa social media ang pagbati kay Torre mula sa iba’t ibang sports personalities sa bansa pati na sa Philippines Olympic Committee at iba pang mga sports bodies.

 

 

Si Casto Abundo ng Pilipinas na miyembro ng FIDE historical committee ang siyang nag-nominate kay Torre. Ang iba pang bahagi ng komite ay ang chairman na si Willy Iclicki ng Belgium, Andrzej Filipowicz ng Poland at Berik Balgabaev mula sa Kazakhstan.

Tulak debdol sa drug buy-bust sa Malabon

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Isang hinihinalang drug pusher ang namatay matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy bust operation laban sa kanya sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang namatay na suspek si Arnel Rabot, 23 ng No. 21 Interior, Brgy. Potrero.

 

 

Ayon kay Col. Villanueva, dakong 3 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joseph Alcaraz ng buy bust operation kontra sa suspek sa kanyang bahay.

 

 

Nagawang makapagtransaksyon ni PSSg Sembrero na nagpanggap na poseur-buyer sa suspek subalit, nakatunog umano si Rabot na pulis ang kanyang katransaksyon.

 

 

Kaagad bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang poseur-buyer na naging dahilan upang mapilitang gumanti ng putok ang back up na operatiba na si PCpl Cabrera III na nagresulta ng kamatayan ni Rabot.

 

 

Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang isang cal. 38 revolver na kargado ng tatlong bala, isang missed fire, dalawang fired cartridges, limang plastic sachets ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia. (Richard Mesa)

SSS nagpaalala sa deadline ng pagbabayad ng contribution sa NCR Plus areas

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpaalala ang Social Security System (SSS) ang mga employer na hanggang Abril 30 na lamang ang deadline ng remittances ng February contributions ng kanilang empleyado.

 

 

Sinabi ni Aurora Ignacio ang SSS president and chief executive, ang mga deadline ay para lamang mga employer na nasa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite na nakalagay sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

 

 

Magugunitang pinalawig ng SSS ang deadline ng remittance noong Pebrero na mula sa dating hanggang Marso 31 ay ginawa ito sa Abril 30 matapos na ilagay ang nabanggit na ng mga lugar sa enhance community quarantine mula Marso 20-Abril 11.

 

 

Umaasa naman si Ignacio na makakatugon ang mga employers para hindi na sila magbayad pa ng mga penalties.

Red-Scare o Red-Tagging sa mga nag-organisa itigil na!

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“Kumuha ayon sa pangangailangan, magbigay batay sa kakayahan”. 

 

 

Yan ang motto ng Maginhawa Community Pantry at ilan pang katulad nito na tinatangkilik ng mga nangangailangan at nagbibigay ng pangangailangan. Maraming natutulungan at tumutulong. Pero nabalot sa kontrobersya nang nag post sa official FB ng Quezon City Police District ng pag “red-tag” sa mga nag-organize nito kaya pansamantalang itinigil muna ni Ana Patricia Non ang kanyang community pantry dahil sa panganib sa kanilang seguridad. Dumistansya ang Palasyo sa isyu at maraming bumatikos sa QCPD. Dahil sa init ng batikos ay humingi ng paumanhin ang QCPD at tutulong na raw sila. May isang opisyal din na nagpahayag na kailangan pa raw ng permit ang mga organizer ng community pantries sa mga LGUs.

 

 

Pero dahil sa batikos na inabot sa sa social media binawi na rin ang pahayag na ito. Bakit ba nagka red-tagging pa ang napakagandang konsepto ng community pantries?

 

 

Dahil ba ang ilang organizer ay makakaliwa? Marahil kung Malasakit Community Pantry ito at may ribbon-cutting ng mga pulitiko ay hindi magkakaganito.  Una ano ba talaga ang ikinatatakot sa komunismo. Aba pag banyagang komunista ay kulang na lang paalipin tayo tulad ng China at Russia. Pero pag komunistang Pinoy ay iba ang turing ng gobyerno. Masama ba ang konsepto ng komunismo?

 

 

Ang communism ay isang political ideology na pinangunahan ni Karl Marx at Frederick Engels.  Sa China naman ay nanguna si Mao Tse Tung. At sa halos lahat ng bansa kahit sa America ay may mga komunista.  Dito naging notorious ang isang Amerikanong Senador na si Joseph McCarthy na hango sa pangalan ang tinaguriang McCarthyism.

 

 

Yun panahon niya noong mga 1950s ay marami siyang pinagbintangan at pinanghinalaang mga komunista raw sa Amerika at nanguna sya sa mga imbestigasyon. Ito ang RED SCARE na tinatawag ngayong RED TAGGING. Wala naman napatunayan si McCarthy pero naging matagumpay siya na takutin ang daang libong amerikano sa RED SCARE.

 

 

Sa atin ngayon ay tila ganito ang taktika ng ilan – ang RED SCARE. Pag kritikal sa polisiya ng gobyerno o may kiling sa makakaliwang paniniwala ay komunista na agad ang bansag! Balikan natin ang community pantry sa maginahawa street – ang ginagawa ba doon ay propagandang komunista?  Magkakaroon ba ng pag-aaklas kung kukuha ka ng sapat sa iyong pangangailangan at magbibigay ka ayon sa iyong kakayahan? Sa panahon ng COVID19 at gutom ang problema wala tayong kulay pulitika na dapat pang tingnan. Pula, puti, dilaw asul – lahat yan ay kulay na nasa bandila ng Pilipinas.

ICU beds sa NCR ‘high risk’

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasa “high risk” na ang occupancy rate ng intensive care unit (ICU) beds sa National Capital Region dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19.

 

 

Sa datos ng Department of Health (DOH), hanggang nitong Abril 18, ang ICU utilization rate sa Metro Manila ay nasa 84% na; 73% sa Cordillera Administrative Region (CAR); 88% sa Cagayan Valley, 87% sa Central Luzon at 83% sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).

 

 

Sa ilalim ng DOH guidelines, ang isang rehiyon ay kinaklasipikang moderate risk kung ang ICU rate nito ay nasa pagitan ng 60% at 69%; high risk kung sa pagitan ng 70% at 84%, at critical risk kung nasa 85% pataas.

 

 

Samantala, ang pang­kalahatang healthcare utilization rate (HCUR) naman na tumu­tukoy sa occupancy ng mga ward, isolation at ICU beds, sa naturang limang rehiyon ay nasa moderate to high risk.

 

Ang HCUR sa CAR, Cagayan Valley, at Calabarzon ay pawang nasa high-risk zone na ma-tapos umabot sa 70% pataas.

 

 

Dahil dito, umapela  si PGH spokesman Dr. Jonas del Rosario na mapapalawig ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus ng higit pa sa Abril 30 upang mas mapabagal ang impeksyon.

 

 

Binanggit ni Del Rosario na sa PGH, limang pasyente na may COVID-19 ang nasasawi kada araw sa loob na ng tatlong linggong mag-kakasunod.

 

 

Ito ay dahil sa dami ng pasyente na nakaratay sa ospital. Puno na umano ang 30 higaan sa kanilang ICU at maging ang 25 higaan sa emergency room habang 220 sa 250 COVID beds ang okupado.

 

 

Mas malala umano ang sitwasyon ng PGH kung ikukumpara noong nakaraang taon. Tulad ng ibang ospital, kailangan din ngayon na maghintay ang mga pasyente bago sila makakuha ng higaan sa ICU. (Daris Jose)

Sinasabing pahayag ng WHO na nakukulangan ito sa hakbang ng pamahalaan para protektahan ang mga health workers, pinatulan ng Malakanyang

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IGINIIT ng Malakanyang na ang pinakamabisang bakuna ay kung ano ang naririyan o available.

 

Ito ang tugon ng Malakanyang sa naging pahayag WHO Representative to the Philippines Dr. Rabi Abeyasinghe na kulang pa rin ang hakbang ng pamahalaan para protektahan ang frontline healthcare workers ng bansa.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pinanggalingan ng pahayag ng WHO official ay posibleng galing sa ulat na 63 porsiyento pa lamang na mga health workers ang nababakunahan sa bansa.

 

Sinabi nito na bagama’t may garantiya naman ang pamahalaan na ang lahat ng medical workers na gustong magpabakuna ay mababakunahan, naroroon din naman  ang reyalidad na marami ang nag-aantay ng kanilang preferred brand.

 

“I think this has to do with the fact na 63% pa lang ang health workers ang nababakunahan. I think as a general conclusion, lahat po ng medical frontliners na gustong magpabakuna ay mabibigyan po ng bakuna. Pero marami po talaga sa kanila ang nag-aantay ng kanilang preferred brand at hindi naman natin po sila mapipilit,” aniya pa rin.

 

Hindi anila mapipilit ang mga ito na sumalang sa pagbabakuna kaya’t ang tanging magagawa nila ay igiit na “the best vaccine is the vaccine that is available.”

 

“Pero sa amin po, walang tigil ang ating pagmumungkahi sa mga health professionals that the best vaccine is the vaccine that is available,” pahayag ni Sec. Roque.

GUMAGAWA NG COMMUNITY PANTRY, HUWAG ISTORBOHIN, ISKO

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ng direktiba sa Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa pamunuan ng Manila Police District (MPD) na huwag istorbohin  ang sinumang gumagawa ng kabutihan.

 

Ayon kay Yorme, maaari nang ituloy ng Pandacan Community Pantry ang kanilang ginagawang pagtulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

 

Mismong si Manila Mayor Isko Moreno na ang nagsabi na maaari nang ituloy ng Pandacan Community Pantry ang kanilang ginagawang pagtulong sa mga taong apektado ng COVID-19 pandemic.

 

Ito ay matapos na itigil ng organizer ng Pandacan community pantry ang kanilang community pantry  dahil sa pangamba sa kanilang buhay dahil sa umano’y profiling ng mga pulis ng MPD.

 

Sinabi ng Alkalde na suportado  ng local na pamahalaan ng Maynila ang community pantry sa Pandacan at iba pang kahalintulad sa lungsod ng Maynila.

 

Maari rin aniyang magtungo sa Manila City Hall ang organizer ng Pandacan Community Pantry upang personal siyang makausap at ilahad ang kanilang mga concern o sitwasyon.

 

Sinabi naman ni MPD director P/BGEN Leo Francisco na walang pag-uutos ang MPD at kahit mula sa leadership ng Philippine National Police o PNP na mag-profiling.

 

Sa halip,sinabi ni Francisco na handa raw ang MPD na tulungan pa ang mga mayroong may community pantry pagdating sa seguridad at pagpapatupad ng health protocols kontra COVID-19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Walk-in vaccination inilunsad sa Navotas

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaprubahan ng Pamahalaang Lokal ng Navotas ang walk-in vaccination para mapabilis ang pagbibigay ng Coronavirus Disease vaccine.

 

 

Inanunsyo ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ang mga residente na may edad na 18 hanggang 59 na may comorbidities ay maaari sa walk in vaccination sa Kaunlaran High School.

 

 

“We did a trial yesterday and we were able to inoculate 244 of the 300 target vaccinees. We were glad of this turnout and decided to implement the system in three other vaccination sites”, ani Mayor Tiangco.

 

 

Sinabi naman ni Tiangco na nakatanggap ng mga mensahe ang kanilang tanggapan mula sa mga residente na gustong-gusto ng mabakunahan subalit wala pang mga natatanggap na schedule.

 

 

“By offering a walk-in system, those eligible and interested could avail of the vaccine at the soonest and as of now, we have four vaccination sites. Three can accommodate 300 scheduled vaccinees and 150 walk-ins. One is solely for 300 walk-ins”, dagdag pa ng alkalde.

 

 

Hinikayat naman ni Tiangco na ang may gusto na makatanggap ng bakuna ay kailangan magparehistro sa https://covax.navotas.gov.ph/.

 

 

“We can accept only those listed in our NavoBakuna COVID-19 vaccination program. This is why we always remind the public to have themselves registered, including all their family members aged 18 and above”, paliwanag ni Tiangco. (Richard Mesa)

SUNSHINE, tahimik lang sa balitang lumipat na ng ABS-CBN; unang serye, makakasama sina PAULO at JANINE

Posted on: April 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TAHIMIK lang ang actress na si Sunshine Dizon kahit na naglalabasan na ang mga balitang lumipat na siya ng ABS-CBN mula sa pagiging isang Kapuso.

 

 

Ang daming nagulat sa totoo lang bilang si Sunshine ang isa sa masasabing Kapuso all through-out her career.

 

 

Wala rin statement na inilalabas pa ang kanyang talent management, ang PPL Entertainment, Inc. Pero, nag-Instagram Live ang kanyang manager na si Perry Lansigan at nang may magtanong tungkol sa isyu ng paglipat ni Sunshine ng network, paulit-ulit lang siyang sumagot na dapat, ang artista raw ang sinusuportahan kung nasaan man ito, lalo na at kung sinasabi na fan ka ng particular na artista.

 

 

Pero may nagsulat at nakalabas na nga na kasama si Sunshine sa naging storycon ng unang serye na pagbibidahan ni Janine Gutierrez opposites Paulo Avelino.  

 

 

Yes, tatlo silang mga dating Kapuso.

 

 

***

 

 

ISA kami sa nakakita na madalas nag-i-interact sa Twitter at Instagram ang bagong magkapareha ngayon na Kapuso stars, ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose at ang Kapuso Hunk na si David Licauco.

 

 

Pansin din naman kasi na parang may kakaibang real kilig ang dalawa mula nang magsimulang magkasama at mag-lock-in taping para sa kanilang unang serye, ang Heartful Café.

 

 

Kaya siguro ang mga tagahanga ni Julie Anne, iba rin ang suporta at kilig sa kanilang dalawa kahit na sa Lunes, April 26 pa sa GMA-7 at GMA Heart of Asia magsisimula silang mapanood.

 

 

     “Well, actually noong start nga, nagugulat ako, yung attention, ang dami, e. Hindi ko na-experience before,” sabi ni David.

 

 

Kaya napaisip daw siya na baka ganun talaga ang mga fans ni Julie sa mga nagiging leading men nito. Pero kinumpirma nga raw sa kanya ni Julie na iba ngayon.

 

 

Aniya, “Inisip ko baka even sa mga naging partner niya, gano’n ang mga fans niya. But then, I asked her na baka naman ganun lang silang lahat na nali-link na pair mo. But then, Julie answered na hindi, ngayon lang sila kinilig.

 

 

     “Wow, napaka-ano pala, baka nga it might work. At nakakatuwa ang mga fans niya kasi, kahit na ano ang gawin ko, almost every day nagtatanong sila, wala bang, uy, wala bang post about Julie?  Nakakatuwa lang na nakakapagpa-happy ka ng mga fans.”

 

 

Sa isang banda, trailer pa lang ng Heartful Café ay mukhang kakaiba nga ang kilig na ihahatid ng dalawa. Kaya no wonder, when David was asked kung ano ang mamimiss niya kay Julie, hindi raw siguro niya ito mamimiss dahil feel niya or hoping siya na magkakasama pa rin sila sa susunod nilang projects. (ROSE GARCIA)