• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2021

Kai Sotto magpapahinog muna

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magpapahinog muna si Kai Sotto sa National Basketball League (NBL) ng Australia bago sumalang sa NBA Draft sa mga darating na taon.

 

 

Isa sa dahilan ng pagpasok ni Sotto sa NBL ang eligibility nito sa 2021 NBA Draft.

 

 

Base sa patakaran ng draft, hindi pa maaaring agad na lumahok ang sinumang high school student na kaga-graduate pa lamang.

 

 

Kailangan pa nitong maghintay ng isang taon bago maging opisyal na aplikante sa NBA Draft.

 

 

Kamakailan lamang nagtapos si Sotto ng kaniyang secondary education sa The Miami School sa Hamilton, Ohio kaya hindi pa ito kwalipikadong mag-apply para sa NBA Draft.

 

 

Sa 2022 pa maaaring makalahok ang 7-foot-3 Pinoy cager base sa rules ng liga.

 

 

Kaya naman pumirma muna ng tatlong taong kontrata si Sotto sa Ade-laide 36ers kung saan may option itong kumalas sa kanyang ikatlong taon o maaring ipagpatuloy ang kontrata nito.

 

 

Malaking tulong ang pagsabak nito sa NBL upang mas lalo pang mahasa ang kanyang talento bago sumabak sa mas matinding bakbakan sa NBA.

 

 

Dahil sa taas ng kumpetisyon dito, isa ang NBL sa mga dinadaanan ng ilang players na nagnanais lumahok sa NBA.

 

 

Ayon kay Bell Sports president Joe Bell na isang NBA agent, kung natuloy sana si Sotto sa NBA Draft, ilang NBA teams na ang nagnanais kunin ang serbisyo nito.

 

 

Ngunit hindi na pina-ngalanan ni Bell ang mga NBA teams na interesado sa talento ng Pinoy player.

 

 

“As his NBA agent, I had talks with several teams, and he was going to be drafted. Several teams had said they were going to draft him,” ani Bell.

 

 

Sa ngayon, walang ibang nasa isip si Sotto kundi ang tulungan ang Adelaide 36ers sa NBL gayundin ang pagsama nito sa Gilas Pilipinas sa ilang FIBA tournaments na nakalinya.

 

 

Burado na muna sa isipan ni Sotto ang naudlot na NBA G League stint nito.

DEREK, may regret dahil nakipaghiwalay kay ANDREA over the phone lang

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY pa rin na nagsasalita si Derek Ramsay sa naging break-up nila ng dating girlfriend na si Andrea Torres.

 

 

Habang ang Kapuso actress naman ay nananatiling tahimik lamang.

 

 

Nagpa-interview si Derek sa radio program ni Cristy Fermin at doon nga, siniwalat nito kung paano sila nag-break.     Na sabi ni Derek, siya raw ang nakipaghiwalay over the phone nga lang.

 

 

     Yung sa amin ni Andrea, it was actually ako ‘yung... may problema na nangyari na, I guess, nagbigay sa akin ng sign na, I think, this relationship…”  

 

 

Magkaiba raw ang naging views and values nila sa problemang ‘yun.

 

 

“Hindi mali yung values niya, hindi mali yung values ko. Pero ganito ako pinalaki, ganoon siya pinalaki. Hindi ko na aatakehin ‘yun, hind ko siya babaguhin, hindi niya ako babaguhin.

 

 

“So I told her, ‘I think that this is the end of this relationship because we cannot see eye to eye on this matter. So I think it’s just best na kumalas na tayo ngayon rather than lalaki pa, and then two, three years down the road, maghihiwalay tayo, babalikan natin ‘to, kasi nga iba ang views natin sa problemang ‘yan,’” lahad ni Derek.

 

 

Pumayag naman daw si Andrea although the sad part of it ay sa phone lang daw sila nag-usap at hindi sa personal.

 

 

    “’Yun lang yung siguro kung may regret ako is that it came up over the phone. Actually, dapat magkikita kami noon. Ang nangyari, it came up over the phone, pero with no disrespect. Hindi namin dinisrespect ang isa’t isa. She agreed to it also.”

 

 

Dagdag pa niya, nagsabi pa raw siya kay Andrea na gusto niyang makausap ang parents nito para sabihin ang break-up since naging close nga rin siya sa family ng aktres.

 

 

    “Sabi lang ng dad niya, ‘there’s no need na, it’s okay.’ Pero ‘yung mom niya nakausap ko, and ‘yung mom ko rin, nag-text sa mommy ni Andrea, kasi lahat naman kami, nag-invest dito. We were all invested.

 

 

“Every Sunday nagdi-dinner po ang both families dito sa bahay so there’s no disrespect between me and Andrea and our families.”

 

 

Nang tanungin ni Cristy kung may kinalaman ba ang pamilya ni Andrea sa hiwalayan, at first ay hindi agad nakasagot si Derek, pero sinagot din niya nang diretso ng, “opo, opo.”

 

 

Sa nasabing panayam ay inilarawan din ni Derek kung gaano siya kasaya ngayon sa piling ng fiancee na si Ellen Adarna.

 

 

     “Hindi ko yata kaya ma-express into words pero kita n’yo naman sa mga actions ko, sa mata ko, I’ve never been this happy in my life.”

 

 

Sa ngayon, puro side ni Derek ang naririnig at nababasa. Basta ang palaging tatandaan, there’s always two sides of the coin. (ROSE GARCIA)

Pinay weightlifter nagdagdag ng 2 bronze sa bansa

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagdagdag ng dalawang bronze medals para sa Pilipinas sa Asian Championships si Filipina weightlifter Kristel Macrohon.

 

 

Nagtapos ng ikatlong puwesto sa women’s 76 kg clean & jerk si Macrohon matapos na ito ay bumuhat ng 126 kilograms.

 

Nakuha nito ang isang bronze sa 225 kgs.

 

 

Mayroon ng kabuuang 2 gold, anim na silver at tatlong bronze ang Pilipinas sa 2021 Asian Weightlifting Championship na ginaganap sa Tashkent, Uzbekistan.

 

 

Magugunitang nakuha ni Vanessa Sarro ang dalawang gold medals sa women’s 71 kg division habang mayroong 2 silver si Elreen Ando sa women’s 64 kg. division.

Nagtahan exit ramps ng Skyway 3 binuksan

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binuksan noong nakarang Huwebes ng San Miguel Corp. (SMC) ang Nagtahan northbound at southbound exit ramps ng elevated Skyway Stage 3.

 

 

Sa pamamigitan ng northbound at southbound exit ramps ang mga motorista ay maaari ng dumaan papuntang Sta. Mesa at iba pang lugar deretso na sa Manila.

 

 

Ayon kay SMC president mababawasan ang travel time papuntang Manila dahil luluwag na ang traffic sa mga congested na lugar sa kahabaan ng mga daan papuntang Sta. Mesa.

 

 

“Motorists coming from the South Luzon Expressway, North Luzon Expressway or other points of entry to the Skyway 3 can now opt to get to their destinations in Manila faster, without having to go through traffic jams on major roads and busy streets,” sabi ni Ang.

 

 

Nangako naman si Ang na pipilitin nilang matapos pa ang mga natitirang access ramps ng Skyway 3 sa lalong madaling panahon.

 

 

Ang northbound ramps na bubuksan pa lang ay ang sa Quirino exit papuntang Roxas Boulevard, Quirino entry, Nagtahan entry, E. Rodriguez entry at Sgt. Rivera (C3) exit.

 

 

Sa southbound naman ang access points na bubuksan pa lamang ay ang A. Bonifacio entry, Sgt. Rivera exit and entry at Quirino exit.

 

 

“With the support of government agencies such as Departments of Public Works and Highways and Transportation and the political will of President Duterte, we were able to accomplish more, even with quarantine restrictions in place. We are counting on their continued support as we continue to work full blast to complete the remaining ramps,” dagdag ni Ang.

 

 

Ang mga operational access ramps naman ng Skyway 3 ay ang mga sumusunod: Buendia (Zobel) entry, Quirino Avenue exit, Nagtahan exit, Quezon Avenue exit, Quezon Avenue entry, A. Bonifacio exit at Balintawak exit para sa northbound. Habang ang bukas na sa southbound naman ay ang Balintawak entry, Quezon Avenue exit, Quezon Avenue entry, E. Rodriguez exit, Nagtahan exit, Plaza Dilao entry at Buendia exit.

 

 

Sinabi naman ni DPWH secretary Mark Villar na sinasamantala ng SMC ang taginit upang bumilis ang pagtatayo ng mga ramps sapagkat gusto ng pamahalaan na maramdaman ng mga mamayan ang mga benipisyo ng pagkakaron ng karagdagan interchanges sa pagitan ng Buendia at NLEX.

 

 

“The opening of all interchanges will further reduce traffic gridlocks along EDSA, Quezon Avenue, Araneta Avenue, Nagtahan at Quirino Avenue,” saad ni Villar.

 

 

Binuksan ng SMC ang main alignment ng elevated expressway noong nakaraang January subalit nabalam ang pagbubukas ng ibang access ramps dahil sa problema sa right-of-way. (LASACMAR)

House-to-house COVID-19 test, isusulong ng DOH

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Isinusulong ngayon ng Department of Health (DOH) ang “house-to-house swab testing” para sa COVID-19 sa tulong ng mga lokal na pamahalaan para mas maging epektibo ang ginagawang testing ng pamahalaan.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay para malaman talaga ang tunay na istatus ng impeksiyon sa bansa kahit na “asymptomatic o symptomatic” ang mga kaso.“We are ramping up although experts are sa-ying we need to test more, and that is what we are trying to do,” ayon kay Vergeire.

 

 

Batid umano nila na imposible na i-test ang lahat ng Pilipino kaya kailangang ipagtupad ang Code strategy.  Nakapaloob dito ang “house-to-house”, paggamit ng rapid antigen kung kinakailangan at RT-PCR.

 

 

Sa kasalukuyan, nag­lalaro lamang sa pa­gitan ng 30,000-50,000 ang bilang ng indibidwal na isinasailalim sa tes-ting kada araw ngunit mas nais nila na itakda ito sa average na 50,000 kada araw.

 

 

Ginagamit na rin ngayon ang rapid anti­gen test kits na nai-de­ploy na sa mga lokal na pamahalan para isailalim sa testing ang mga taong natukoy na may expo­sure sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 o iyong may mga sintomas.

 

 

Nitong Abril 19, nakapagtala ng 19.5% positivity rate sa higit 37 libong indibidwal na isinalang sa swab test. Mas mababa ito sa P24.2% na naitala noong Abril 3 kaya kailangang malaman ang tunay na estado ng impeksyon sa bansa.

 

 

Nangangahulugan umano ito na kaya mataas ang positivity rate ay dahil sa kulang ang ginagawang testing kada araw.

 

 

Una ng sinabi ni Vice Pres. Leni Robredo na kailangang makapag-test ang DOH ng 90,000 indi­bidwal kada araw sa Metro Manila lamang.

3 drug personalities arestado sa buy bust sa Caloocan

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang 21-anyos na bebot ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa illegal drug activities ni Danilo Magno alyas “Momoy”, 43, vendor, kaya’t isinailalim ito sa isang linggong validation.

 

 

Nang makumpirma ang ulat, agad nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Velasco St. Brgy. 7, Caloocan city dakong 1:35ng hapon na nagresulta sa pagkakaaresto suspek.

 

 

Narekober kay Magno ang dalawang medium plastic sachets na naglalaman ng nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P68,000 ang halaga, at P7,500 buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 at pitong pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Dakong 1:20 naman ng madaling araw nang madamba din ng mga operatiba ng SDEU si Mary Grace Quitalig “alya” Baby, 21, (Pusher) at Jomar Dimalanta, 32, driver matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu si PCpl Daryl Sablay na nagpanggap na buyer sa buy bust operation sa Calle 4, Brgy. 78.

 

 

Narekober sa mga suspek ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P68,000 ang halaga at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 at pitong piraso ng P1,000 boodle money. (Richard Mesa)

Alamin sa mga organizers ng Maginhawa community pantry kung saan napunta ang kanilang dinonate na pera

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGANG alamin ng mga taong nagbibigay ng pera bilang donasyon sa mga organizers ng Manginhawa community pantry kung saan napupunta ang kanilang donasyon lalo pa’t may ulat na may mga organizers ang di umano’y nau-ugnay sa communist rebel group.

 

Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Lorraine Marie Badoy na labis na nakababahala ang fundraising account na itinayo ng “AP Non” sa PayPal.

 

Inalerto rin nito ang publiko sa mga pinaghihinalaang rebel connection.

 

Tinukoy ni Badoy ang Ana Patricia Non, o AP Non sa social media, na siyang utak ng community pantry na sinimulan sa Maginhawa, Quezon City kung saan ay maaaring mag-donate ang kahit na sinuman at makakuha ng pagkain.

 

Ang mutual aid project ay malawakang pinuri para sa pagpo-promote ng kabutihan sa panahon ng pandemya at nagsilbing inspirasyon sa iba na maglagay din ng kahalintulad na food banks sa kanilang kaptibahay.

 

Sa Facebook post, sinabi ni Badoy na pinamahalaan ni Non ang pangangalap ng kalahating milyong piso simula nang humingi ito ng financial support sa online ilang araw na ang nakalilipas.

 

Ang weblink at screenshot ng fundraising project ay ibinahagi ni Badoy sa online.

 

Ang nasabing account, na humihingi ng tulong para “provide support for organizers, volunteers, and advocates of community pantries in the Philippines in response to the economic crisis” na dulot ng pandemya ay nakalikom ng mahigit sa $12,000 mula sa mahigit na 200 contributors.

 

Ang fundraising drive, na pinasimulan ng isang nagngangalang Pauline Non ay nag-expire na sa loob ng 26 da na araw.

 

“Why dollars, I wonder? Dollars for international donors, of course. You know those poor innocent white dudes who have no idea they’re being taken for a ride,” Badoy said in a Facebook post on Wednesday, April 21.

 

“To those good hearts who have donated their dollars to AP Non, please ask for a clear accounting. Ask where your money went. Make sure it goes to where you want it to go,” ayon kay Badoy. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

PDu30, hindi personal na dadalo sa ASEAN summit sa Jakarta

Posted on: April 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na hindi personal na dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa summit ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) countries sa Jakarta ngayong linggo.

 

“Ang Presidente po, hindi personally mag-a-attend. But I’m sure, that our Department of Foreign Affairs will be there,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Hindi naman binanggit ni Sec. Roque kung bakit at anong dahilan.

 

Sa kabilang dako, nakatakda namang pumunta si United Nations special envoy Christine Schraner Burgener sa Jakarta para makipagkita sa mga senior members ng Southeast Asian governments na naghahanap ng daan para tapusin na ang pagdanak ng dugo at ibalik ang katatagan ng Myanmar.

 

Sa idinaos na closed-door meeting ng Security Council noong Abril 1, nagbabala si Burgener na kung ang “collective action” ay hindi nagawa ng international community para baligtarin ang kudeta ay hindi malayong nalalapit na ang “bloodbath.”

 

“Myanmar’s army seized power from the democratically elected civilian government on Feb.1, plunging the Southeast Asian nation into turmoil and cracking down on mass protests and a nationwide civil disobedience movement with brutal force, killing more than 700 people, a monitoring ayon sa ulat.

 

Samantala, dahil sa krisis, huminto ang banking system, nagsara ang maraming sangay, naiwan ang mga negosyo na hindi makapagbayad habang ang mga customers naman ay hindi makapag-withdraw ng cash. 

 

Samantala, nananawagan naman ang gobyerno ng Pilipinas na palayain si Myanmar’s detained leader Aung San Suu Kyi. (Daris Jose)

Ads April 23, 2021

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DOTr: Paglalagay ng mga bike lanes palalawigin pa

Posted on: April 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaasahang palalawigin pa ng Department of Transportation (DOTr) ang paglalagay ng mga bike lanes sa bansa upang mapalawak ang programa sa transportasyon.

 

 

“We have so far finished 296 kilometers of bike lanes. We hope that by the end of the year we would have completed 535 kilometers of bike lanes in Metro Manila, Cebu and Davao,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

 

Sa ilalim ng Bayanihan 2, ang DOTr ay binigyan ng P1.3 billion na nakalaan sa iba’t ibang proyekto sa programa ng transportasyon.

 

 

Ang nakalaan sa paglalagay ng mga bike lanes sa bansa ay nagkakahalaga ng P1.1 million. Mula sa halagang ito, ang nakalaan para sa Metro Manila ay P800 million para sa paglalagay ng 340 kilometers na bike lanes.

 

 

Mayron naming nakalaang pondo na P150 million bawat isa ang Metro Cebu at Metro Davao. Sa Metro Cebu inaasahang maglalagay ng 140 kilometers na bike lanes habang ang Metro Davao naman ay 60 kilometers.

 

 

Noong 2018 pa sinimulan ng DOTr ang paglalagay ng mga bike lanes nang wala pa ang pandemya sa bansa sa pagtutulungan ng mga pribado at iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

 

 

Samantala, sa pagkikipagtulungan ng SM Supermalls inilungsad noong Miyekules ang DOTr-SM Bike Manual na ipamamahagi sa buong bansa para sa mga libo-libong road users.

 

 

Ang manual ay nilimbag sa English at Filipino at ipamimigay ng walang bayad sa lahat ng SM malls sa bansa.

 

 

“The Active Transport (Bike) Manual aims to educate cyclists, motorists, pedestrians, and other road users to safety, courtesy, and etiquette while using the country’s roads. It highlights safety guidelines and pointers for cyclists. These include the use of safety gears, regular bicycle inspection and maintenance, the use of hand signals, identifying blind spots to avoid crashes, how to make safe right turns and road/traffic protocols,” dagdag ni Tugade.

 

 

Ayon naman kay SM Supermalls President Steven Tan, sa kabuohan, ang SM Malls ay mayron humigit kumulang na 500 bike racks at may mahigit na 80 repair stations sa buong bansa.

 

 

Ang paglalagay ng mga bike lanes ay sa pagtutulungan din ng DOTr at Department of Public Works and Highways (DPWH) habang ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ay nakikipagugnayan naman sa mga local government units, at iba pang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Health (DOH), SM Supermalls at mga cycling advocates.

 

 

Hinihikayat ng mga health authorities ang mamayan na mag cycling bilang alternatibong transportasyon na hindi lamang maiwasan ang environmental pollution kung hindi na rin upang itaguyod ang mental at physical wellness ngayon panahon ng pendemya.  (LASACMAR)