LUNGSOD NG MALOLOS – Pormal nang sinimulan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa lalawigan ng Bulacan sa itinalagang COVID-19 Vaccination Site sa The Pavilion Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito ngayong araw.
Bago ito, isinagawa ang simbolikong pagbabakuna sa harap ng vaccination site na dinaluhan nina Gob. Daniel R. Fernando, Bokal Alexis Castro at mga pinuno ng tanggapan sa Kapitolyo kung saan unang binakunahan ng Sinovac’s Coronavac Vaccine ni Development Management Officer V Dr. Emily Paulino ng Department of Health – Bulacan sina Response and Vaccine Cluster Head ng Provincial Task Force at Chief of Hospital Dr. Hjordis Marushka Celis, Hospital Training Officer Dr. Jose Emiliano Gatchalian at Nurse Supervisor Alma Villena ng Bulacan Medical Center ayon sa pagkakasunud-sunod.
Layon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na mabakunahan ang may 300 indibidwal kada araw na bahagi ng 833 health workers, frontliners at mga empleyado mula mga district hospital at PHO-PH na kabilang sa mga prayoridad na mabigyan ng unang dose ng bakuna.
Sinigurado din Fernando, Paulino at Celis na may Emergency Use Authority (EUA) na aprubado ng Food and Drug Administration ang mga bakunang gagamitin.
“Ang pagbabakuna po ay para sa ating lahat. Ito ay hindi lamang para sa iyo at sa iyong pamilya. Para rin po ito sa inyong mga barangay, lungsod, at probinsiya. Ito po ay unang hakbang upang muli po tayong makabangon,” anang gobernador.
Aniya,” the faster we vaccinate Filipinos at the soonest possible time, the better for Filipinos. Mahalaga po na mas marami po tayong mabakunahan sa lalong madaling panahon upang mas mabilis rin po nating mabuksang muli ang ekonomiya. Kapag bukas ang ekonomiya, mas marami ang makapagtrabaho at mas mababawasan ang nagugutom.”
Nagpasalamat naman si Dr. Jerica Miah Borgonia, isa sa mga nabakunahan mula sa BMC, dahil sa kaayusan at proseso ng pagbabakuna ng Pamahalaang Panlalawigan.
“Maayos po ang naging proseso ng pagbabakuna. Sa akin naman po ay walang problema kahit anong bakuna ang available, ang mahalaga ay mabakunahan laban sa COVID-19.
Sa kanyang panapos na mensahe, sinabi ng punong lalawigan na pinakamabisa sa lahat ang paghingi sa Panginoon ng gabay laban sa nararanasang pandemya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
BENTANG-BENTA sa netizens ang pinost ni Direk Darryl Yap sa kanyang FB account VinCentiments na kung saan nag-last shooting day na pala sila ng Revirginized na pinagbibidahan ni Megastar Sharon Cuneta.
Ang Philippine National Railways (PNR) Clark Phase1,2 project ay inaasahang matatapos ayon sa schedule matapos na ipagutos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na pabilisin ang konstruksyon nito.
Matapos ang halos isang taon, iniakyat muli ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal matapos ang serye ng papatinding ligalig magmula pa noong nakaraang buwan.
NAGPASALAMAT si Kapuso actress Barbie Forteza sa kanyang boyfriend na si Jak Roberto na itinuturing niyang lucky charm ang actor.
Ipinagmalaki ng NBA na wala silang naitalang anumang nadapuan ng COVID-19 pagkatapos ng NBA ALL-STAR GAME.
MAY makukuha pang mahigit na 20 million doses ng COVID-19 vaccines ang Pilipinas sa second quarter ng 2021.
IN time for International Women’s Day, it is Wonder Woman turn to shine, with the latest teaser and poster dedicated to her journey in the upcoming director’s cut.