BABY Girl pala ang magiging first baby ng mag-sweethearts na sina Sophie Albert at Vin Abrenica.
Hindi naman kami nagulat dahil ang ganda at ang blooming na buntis ng Kapuso star. Aminado itong ngayon na lang talaga nagsi-sink-in daw sa kanilang dalawa ni Vin na in a few months ay magiging mga mommy at daddy na sila.
“Actually ngayon na lang siguro kami naging happy kasi, nag-sink-in na lahat. Pero before, sobrang kabado talaga namin ni Vin kasi ang dami rin mga bagong responsibilities.
“You’ll be living in a new place, e, ako, bunso ako so, beybing-beybi talaga ko sa pamilya and now, I’m having my own baby.
“I’m really scared, pero sabi naman, everything will be alright. Being a parent is a happy experience, so I’m looking forward to that.”
Engaged na rin sila at naka-planong magpakasal. Pero sabi nga ni Sophie nang makausap namin, eight years na rin ang relasyon nila ni Vin at pareho raw kasi silang career-driven kaya parang hindi talaga naiisip na ilagay sa next level ang eight years relationship nila.
Kaya feeling daw niya, baka si Lord na rin daw ang kumilos at nangyari ang lahat. Though, sabi ni Sophie, siyempre, ideally, marriage muna raw sana ang gusto nila before baby.
Happy si Sophie at nagpapasalamat sa GMA-7 dahil ramdam daw niya kung paano siya suportahan sa new phase na ito ng buhay niya.
***
ISA na naman sa dating pangarap lang ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang natutupad.
Simula na nga ng shooting nila ni Bea Alonzo.
Ang movie nila na galing sa dalawang adaptation, ang Pure Soul ng Japan at ang A Moment to Remember ng Korea.
Mixed-emotions daw ang nararamdaman ni Alden dahil finally, magsisimula na ito. Dati ay nasa wish list lang din ni Alden si Bea among actresses na gusto niyang makapareha.
As for his role, sey nito, “Wala akong natututunan kung laging do’n lang ako sa comfortable roles pero ngayon, after ko siyang basahin, masaya ako na mas lamang yung kaba kasi hindi biro yung role.”
Co-production ng VIVA, GMA Films at APT Films ang pagsasama ng dalawa na ang balita, hihintayin pa rin naman talaga na open na talaga ang mga sinehan kapag ito ay ipinalabas. (ROSE GARICA)
ACCORDING to Tom Holland, the cast and crew of
Nananawagan ang isang advocacy group na kung maaari pagkatapos ng mga frontliners ay sunod bakunahan ang mga manggagawa sa turismo at food business.
Nakatakdang pulungin ng Department of Health (DOH) ang mga opisyal ng iba’t ibang pagamutan sa Metro Manila matapos ang biglaang pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Nagpasya ang mga alkalde sa National Capital Region na suspendihin pansamantala ang operasyon ng mga sinehan at amusement arcades sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
NAGSIMULA na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mamahagi ng P20 milyong halaga ng ng proyekto sa mga barangay na inalisan ng presensiya ng New People’s Army (NPA).
Dumating na sa Pilipinas ang 38,400 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng British-Swedish company na AstraZeneca nitong Linggo.
MULING binira ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ABS-CBN network.
DESIDIDO na ang 33-year-old actress na si Angelica Panganiban na mag-retire na siya sa paggawa ng teleserye.
LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ang maingat na pagpaplano at paghahanda para sa pagdating ng mga bakuna, naglaan ang Department of Health Regional Office III ng 900 doses ng COVID-19 vaccines mula sa drugmaker na Sinovac Biotech sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ngayong araw.