TINIYAK ni Manila Mayor Isko Moreno na magpapabakuna siya ng Sinovac laban sa Covid-19.
Umaasa ang Alkalde na mababakunahan na siya ng Sinovac ngayong araw ng Martes.
Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ng Alkalde na hindi na siya maghihintay pa ng ibang brand ng bakuna at hindi rin aniya siya magbabakasakali pa.
“Ako mismo ay magpapabakuna ng Sinovac. Hindi ako maghihintay, hindi ako magbabaka-sakali at hindi ko pababayaan o ikikibit-balikat ang bigat ng eksperiyensa ng mga na-infect ng COVID-19. Once it is available, we will acquire but we will follow the rules. We will not violate it. And I hope by tomorrow, I’ll get vaccinated of whatever is the remnant of available Sinovac vaccine for the City of Manila,” ayon kay Mayor Isko.
At sa tanong naman kung handa na ba ang mga Manileno na magbakuna ng Sinovac ay sinabi nito na “sabi po ng DOH ang Maynila po ay pumasa – in fact we got about 90% na approval sa aming plano. So we are ready to vaccinate. Ang kailangan na lang namin, dumating sa amin ang bakuna.”
Sa ngayon aniya ay may 90,000 pre-registered sa ilalim ng manilacovid19vaccine.com ang Lungsod ng Maynila.
“Now—but before we go to that general population, we will continue to follow the directive of IATF that the vaccine that are available in Manila today and in the coming days will be dedicated to our medical frontliners. And kung sakali na mayroon pa rin matitira at hindi pa nagdesisyon iyong ibang medical frontliners, gagamitin naman namin ito sa mga economic drivers ng ating bansa—o ng siyudad ‘no – katulad ng mga, halimbawa driver, vendor sa palengke, mga workers and all other economic drivers after namin ma-fulfill iyong requirements ng IATF,” lahad nito.
Samantala, ibinalita naman ni Mayor Isko na makatatanggap bukas ang Sta. Ana Hospital sa pamamagitan ni Director Corrales at ng IATF at DOH ng share para sa medical frontline ng Lungsod ng Maynila.
“Now ang good news if I can share it to you, I think as of yesterday, we have about 300 plus medical frontliners that are willing to get vaccinated through Sinovac,” pagtiyak ng Alkalde. (Daris Jose)
Mula sa 2,921 kahapon, bahagyang bumaba sa 2,113 ngayong araw ng Linggo ang bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa.
SA BanKo Perlas Spikers ng Premier Volleyball League (PVL) sa darating na Mayo na hahambalos si Czarina Carandang, inanunsyo ng koponan nitong isang araw lang.
Naturukan na rin ng Sinovac COVID-19 vaccine si vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.
Nagsimula nang gumulong ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan kung saan pinakaunang tinurukan ng bakuna sa Pilipinas kontra sa respiratory disease na ito ay si Philippine General Hospital Director Gap Legaspi.
MALAKI ang pasasalamat ni Ivorian cager Kakou Ange Franck Williams Kouame sa paghirang sa kanya ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) upang magsilbing naturalized player ng national men’s basketball team o Gilas Pilipinas.
MUKHANG kahit hindi pabor ang mga fans ni Sharon Cuneta ay walang atrasan ang paggawa ng Megastar ng pelikula under the direction of the controversial Darryl Yap.
LUNGSOD NG MALOLOS– Hinikayat ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na magparehistro sa Voters’ Registration ng Commission on Elections na nagsimula noong Pebrero 15 hanggang Setyembre 30, 2021 upang makaboto sa darating na 2022 Presidential Election.
“OH my God!! Kaya pala andami nag follow sa akin.
Naibenta sa halagang $37,200 o mahigit (P1.8 million) ang basketball hoop ni Kobe Bryant na ginamit niya noong bata pa ito.