• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2021

MAHIGIT 1.5 MILYON NA MGA BATA, TARGET NA BABAKUNAHAN NG DOH-CALABARZON

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng Department of Health  (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang mahigit 1.5 milyon na mga bata sa rehiyon na mabakunahan sa isasagawang “Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR OPV SIA) Phase 2 Campaign mula February 1-28, 2021.

 

Sa probinsiya ng Batangas, target ng Regional office ang  290,588  na mga bata;, 380,067  sa probibnisya ng Cavite, 306,619 sa  Laguna, 236,913 sa  Quezon at 310,140 in Rizal o kabuuang  1,524,327 .

 

“The regional office, our LGU partners and the vaccination teams are ready to do their tasks and reach the target children including those in far-flung communities located in the mountains,” ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo.

 

“Mas madali natin ngayong mababakunahan ang mga bata dahil karamihan sa kanila ay nasa kani-kanilang mga bahay at bawal silang lumabas dala ng kasalukuyang pandemya. Kaya’t madali nating magagawa ang pagbabakuna laban sa polio at measles.” dagdag pa ni Janairo.

 

Sinabi pa ni Janairo na magdadagdag ng karagdagang manpower sa bawat munisipalidad upang masiguro na makakatanggap ng bakuna ang lahat ng bata mula 0-59 na buwan.

 

“Sa mga magulang ng mga batang babakunahan, huwag po kayong mangamba at matakot sa ibibigay naming bakuna sa inyong mga anak dahil ito po ay ligtas at ito lang ang magbibigay ng proteksyon sa inyong mga anak laban sa tigdas at polio,” paliwanag pa ni  Janairo

Isasagawa ang one-month phase 2 vaccination campaign kung saan isasabay din ang nationwide launching activity  sa  January 29, 2021 sa  General Trias City, Cavite. (GENE  ADSUARA)

Teaser ng ‘Gameboys 2’ nina KOKOY at ELIJAH, nagpakilig nang husto sa netizens na bawing-bawi ang paghihintay

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KlLIG to the highest level ang hatid ng teaser ng season 2 ng Gameboys starring Kokoy de Santos at Elijah Canlas.

 

 

As of this writing ay may 301,000 views na ang official trailer ng Season 2 ng Gameboys na matagal nang inaabangan ng mga followers ng ground-breaking BL series.

 

 

Judging from the teaser, tila mas maraming nakakikilig na eksena sina Kokoy at Elijah.

 

 

Mukhang gustong bumawi ng The IdeaFirst Company sa matagal na paghihintay ng mga fans ng Gameboys.

 

 

Kumbaga, it’s worth the long wait. Bukod sa season 2 ng Gameboys, nakaabang din ang mga fans ng EliKoy sa movie version Gameboys na hopefully ay matutuloy this year.

 

 

Patok din sa Netflix ang buong series ng Gameboys, na marami pa rin ang nanonood although they’ve watched it during the entire run of the series.

 

 

The fans of the BL series would like to relive the moment at kilig feels ng kwento nina Gavreel at Cairo dahil sobrang nag-enjoy sila sa kakaibang love story sa panahon ng pandemya.

 

 

Mas dumami pa lalo ang viewers ng Gameboys since ipinalabas ito sa Netflix as evidenced by the comments from the audience.

 

 

Congratulations sa Team Gameboys for the awesome success.

 

 

In case, gusto ninyo ng Gameboys calendar, available pa rin ito sa The IdeaFirst Store.

 

 

***

 

 

MATAPOS ang film bio ni Father Suarez, isa na naman matinding challenge ang susunod na haharapin ng Saranggola Media.

 

 

Ang bagitong film outfit ang napisil ni Manila Mayor Isko Moreno or Yorme para magsapelikula ng kanyang buhay.

 

 

Also to be directed by Joven Tan, ang film bio ni Yorme ay isang musical. Mahusay naman na songwriter si Direk Joven Tan. Di ba’t winner siya sa Himig Handog years ago for his composition “Ano’ng Nangyari sa Ating Dalawa” na interpreted ni Ice Seguerra.

 

 

Patok din sa mga fans ang awiting nyang “Pare, Mahal Mo Raw Ako”, which was made into a movie starring Edgar Allan Guzman and Michael Pangilinan.

 

 

Para sa Yorme ay tiyak na may iko-compose na kanta si Direk Joven.

 

 

May call for audition na ang Saranggola Media for the important roles sa Yorme.

 

 

Kaabang-abang ang Yorme, lalo na sa mga constituents ni Mayor Isko sa Maynila, na masaya kung paano pinamamahalaan ng Mayor Isko ang lungsod. (RICKY CALDERON)

3 barangay sa Bontoc, isasailalim sa ‘ECQ-like’ lockdown

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Simula alas-12:00 ng hatinggabi ng  January 25, ay isasailalim na sa mala-enhanced community quarantine (ECQ) na lockdown ang tatlong barangay sa Bontoc, Mountain Province.

 

 

Ito ang inanunsyo ng lokal na pamahalaan matapos makapagtala ang bayan ng mga kaso ng COVID-19 UK variant.

 

 

Sa ilalim ng Executive Order No. 8 na pinirmahan ni Mayor Franklin Odsey, hanggang January 31 ipapatupad ang mahigpit na lockdown sa mga Barangay ng Bontoc Ili, Caluttit, at Poblacion.

 

 

Kabilang sa specific guidelines ng kautusan ang mandatoryong pagsusuot ng face mask at face shield ngmga residente; isang metrong distansya; paghuhugas ng kamay; at pagbabawal na dumura.

 

 

Limitado naman sa pagbili ng “essential goods” ang paglabas ng mga residente sa kanilang bahay, na dapat ay may isang miyembro lang ng pamilya na lalabas.

 

 

Ipinagbabawal ang paglabas ng mga menor de edad na 15-anyos pababa, at mga senior citizen na 65-years old pataas. Pati na ang mga may ibang sakit, at buntis.

 

 

Magpapatupad din ang lokal na pamahalaan ng liquor ban at curfew mula alas-7:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga.

 

 

Ayon pa sa EO, bawal din muna ang social gatherings tulad ng misa, kasal; operasyon ng public tricycle at transportation sa central barangays; van for hire ng mga turista; at dine-in sa restaurants.

 

 

Ipinatitigil naman ng pansamantala ang mga barbershop, salons, hotel accommodation, at iba pang leisure activities.

 

 

Sa kabila ng lockdown, papayagan daw ang full capacity operation ng government offices at mga negosyon basta’t nakasunod sa health protocols.

 

 

Gayundin ang mga ospital at iba pang health services; mga magsasaka, mangingisda; mga establisyementong nagbibigay serbisyo sa pagkain tulad ng palengke, supermarket at groceries; medical supplies; at laundry shops.

 

 

Papayagan din mag-operate ang media, veterinary clinics, energy at power companies, water supply and servicies; mga kawani ng simbahan; bangko at iba pang money transfer establishments.

 

 

Nitong araw sinabi ni Mayor Odsey na magde-deploy sila ng karagdagang contact tracers para matukoy ang nakasalamuha ng 12 UK variant cases ng bayan.

 

 

“It is progressing and increasing kaya darating additional contact tracers sent by DOH-CAR at dadating ngayong araw na magko-conduct ng community testing ‘yata ang purpose nila,” ani Odsey sa panayam ng DZBB. (Daris Jose)

Pamilya ng mga sundalo, pinapasama na ni PDu30 para sa libreng bakuna ng gobyerno

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na isama ang pamilya ng mga sundalo sa priority list na mabigyan ng COVID vaccine.

 

Partikular na naging utos ng Chief Executive na isama ang mga ito sa mga mauunang maturukan na gagawin sa kampo ng militar.

 

“So ang sunod niyan is — mauna kayo. And if the Secretary Galvez would — sabihin ko sa kanya kasali na ‘yung pamilya ninyo. Magpunta ‘yung mag-inject sa mga kampo, tuturukan pati ‘yung mga anak ninyo,” ayon sa Pangulo.

 

Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na walang babayaran at libre ang kanyang alok sa mga sundalo.

 

“So ito lahat libre ito. [applause] Libre ‘to. So that you would depend… Para hindi kayo mag-worry kung nandiyan na na ano kayang mangyari. Eh ano ito — this is a very vicious microbe,” aniya pa rin.

 

Mas mabuti na aniyang gawin ito para na rin sa katiwasayan ng mga pamilya ng sundalo at huwag ng mag- alala sa gitna ng peligrong banta ng COVID 19.

 

“At saka kaming lahat na karamihan sa mga kaklase ko, sa ka-batch ko, classmate ko, apat ang patay kasi matanda na. Kaya rin ako takot baka kasali na ako doon sa mag-expire sa aming Class ‘72 sa College of Law. Namamatay eh, diretso. So iyan ang… Pasensiya na kayo. I have to inject something,” lahad nito.

 

Sinasabing sa Marso at hindi na Pebrero inaasahang darating ang bakuna sa corona virus. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Hernandez pader kabanggaan

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TULUY-TULOY na sa pagpapakondisyon maski may pandemya pa rin si Philippine SuperLiga (PSL) star Carlota ‘Carly’ Hernandez.

 

 

Solong nagpapapawis nitong isang araw lang ang Marinerang Pilipina Lady Skippers upang masterin ang kanyang volleyball passing drills.

 

 

Pinaskil sa Instagram story ng 21 taong-gulang at may taas na 5-6 na pader muna ang kasangga niya sa pagti-training.

 

 

Naghahanda siya sa pagbabalik ng liga sa pamamagitan ng Beach Volleyball Challenge Cup sa Subic, Zambales sa darating na Pebrero 25-27. (REC)

2 pang istasyon ng LRT-2 sa Rizal, pagaganahin na sa Abril

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaasahan ng Light Rail Transit Autho­rity (LRTA) na magiging ­operational na ang da­lawa pang karagdagang istasyon ng Light Rail Transit Line 2 na magpapalawak sa operasyon ng rail line sa lalawigan ng Rizal ngayong Abril 26, 2021.

 

 

Ayon kay Atty. Hernando Carbrera, tagapagsalita ng LRTA, ang dalawang bagong istasyon ng LRT-2 ay ang Emerald station na matatagpuan sa tapat ng Robinsons Metro East at Sta. Lucia sa Cainta at Masinag station, na nasa Masinag Junction sa Antipolo City.

 

 

“?April 26 gumagana na ‘yung dalawang stations,” ani Cabrera.

 

 

Sinabi ni Cabrera na sa sandaling makumpleto na ang konstruksiyon ng P2.27-bilyong LRT-2 East Extension project ay mababawasan na ang travel time o oras ng biyahe mula sa Recto station sa Manila hanggang sa Masinag ng hanggang 40 minuto, mula sa dating tatlong oras kung sasakay ng bus o jeepney.

 

 

Nabatid na idini­senyo ang dalawang bagong istasyon upang ma-accommodate ang karagdagang 80,000 pasahero araw-araw sa unang limang taong operasyon nito.

 

 

Malaking dagdag ito sa kasalukuyang LRT-2 average daily ridership na 240,000.

 

 

Nito lamang Biyernes, balik-operasyon na ang tatlong istasyon ng LRT-2, na kinabibilangan ng Santolan, Katipunan at Anonas Station.

 

 

Ang mga naturang istasyon ay pansamantalang isinara noong Oktubre 2019 matapos ang isang sunog na tumupok sa power rectifier nito, na siyang nagsusuplay ng kuryente sa mga tren.

 

 

Sa kasalukuyan, ang LRT-2 ang nag-uugnay sa Claro M. Recto Avenue sa Sta. Cruz, Manila at Santolan, Pasig City. (Gene Adsuara)

Fajardo tatapatan ni Laput

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAABANG-ABANG sa Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa parating na Marso 14 si James Laput.

 

 

May mensahe agad siyang pinarating kay six-time league Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer na halos singtaas niya – 6-10 ang sentro ng Beermen, 6-9 si Laput.

 

 

“My idol is June Mar [Fajardo] and I want to play against him. That has been my dream. It’s like Kobe (Bryant) wanting to play against MJ (Michael Jordan). I want to do that. I want to battle June Mar. So I just hope I won’t be drafted by the team where Jun Mar plays. But of course, getting drafted by SMB is a blessing,” litanya ng naglaro sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

 

 

Muntikanang matapos maaga ang karera sa pagbabasketbol ni Laput nang magka-spine injury na nagpaigsi ng pagkampanya niya sa De La Salle University-Taft Green Archers.

 

 

Mabuti’t gumaling at ipinagpatuloy ng Fil-Aussie ang kanyang tikas sa Marinerong Pilipino sa 10th PBA D-League 2020 at Big Boss Cement Green Gorillas-Porac sa 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup.

 

 

Mensahe niya sa huhugot sa kanyang koponan aniya’y kailangan talaga ang kanyang serbisyo.

 

 

“I just wanted to be with a team that sorely needs a big man.. maybe a team like Meralco or Magnolia. I think it would be fun to be able to play with those teams and learn from the veterans, and at the same time do what I need to do to help the team.”

 

 

Aber abngan po natin mga giliw kong mambabasa kung may ibubuga si Laput kapag nabunot siya at magbukas ang 46th PBA 2021 Philippine Cup sa Abril 9.(REC)

Nic Cage, Battles Possessed Animatronics in ‘Willy’s Wonderland’

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

FANS of Nicolas Cage and the Five Nights at Freddy’s video game franchise will have a new film to look forward to this February 12, 2021.

 

 

The first trailer for the upcoming horror film Willy’s Wonderland has been released and it pits Nic Cage against possessed animatronic mascots, just like in the video games. But instead of being a helpless prey, Cage’s character seems more than capable when facing these monsters alone.

 

 

Watch the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=0v27rfaoB2Y

 

 

In this film, Nic Cage is a quiet loner and finds himself stranded in a remote town when his car breaks down. Unable to pay for the repairs he needs, he agrees to spend the night cleaning Willy’s Wonderland, an abandoned family fun center.

 

 

But this wonderland has a dark secret that the “The Janitor” is about to discover. He soon finds himself trapped inside Willy’s and locked in an epic battle with the possessed animatronic mascots that roam the halls. To survive, he must fight his way through each of them.

 

 

Directed by Kevin Lewis, this film also stars Emily Tosta, Beth Grant, Chris Warner, Kai Kadlec, Caylee Cowan, Jonathan Mercedes, Terayle Hill, Christian Del Grosso, Dave Sheftell and Ric Reitz.

 

 

Willy’s Wonderland is set for a US release in theaters, digital, and on-demand.

Murder suspect sa Navotas, arestado

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Makaraan ang 12 taong pagtatago, naaresto na ng mga awtoridad ang isang murder suspect sa Navotas city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto sa suspek na si Arturo Igana Jr., 28, mangingisda ng Blk 1 Lot 1 Ignacio St. Bacog, Brgy. Daanghari, na tinauriang No. 6 Most Wanted Person sa lungsod ay resulta ng ilang linggong intensive surveillance at intelligence operations na isinagawa ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/SMSgt. Anthony Santillan.

 

 

Si Igana ay inakusahan sa pagpatay kay John Frederick Bacongan habang naglalakad ang biktima pauwi sa Brgy. Daanghari noong July 23, 2008.

 

 

Ani Col. Balasabas, may personal umanong galit ang suspek kontra sa biktima kung kaya’t pinagsasaksak nito sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Bacongan hanggang sa mamatay.

 

 

Matapos ang pagpatay, nagtago si Igana hanggang sa makatanggap si Sgt. Santillan ng tip mula sa kanilang impormante na ang akusado ay madalas bumibisita sa kanyang pamilya sa Brgy. Daanghari.

 

 

Dakong 3 ng hapon, inaresto ng mga pulis si Igana sa bisa ng isang arrest warrant na inisyu ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz ng Branch 169 sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (Richard Mesa)

Honeymoon nina ALEX at MIKEE sa Amanpulo, sobrang saya kahit naging ‘familymoon’

Posted on: January 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AFTER a week na ni-reveal ni Alex Gonzaga na naganap ang simple wedding ceremony nila ni Mikee Morado sa kanilang bahay sa Taytay, Rizal last November 2020, may bago na namang ibinahagi ang tv host/actress/vlogger sa kanyang followers.

 

 

Pagkalipas ng dalawang araw na sila’y naikasal, lumipad ang newly weds papuntang Amanpulo kasama ang kanyang mga magulang, sister na si Toni Gonzaga, brother-in-law na si Paul Soriano at nephew na si Seve na kung saan apat na araw silang nag-enjoy sa fabulous and expensive island, na binabalik-balikan ng mayayaman dahil sa pristine white sands.

 

 

Ito nga ang kauna-unahang trip nila bilang married couple at kasama nga ang buong pamilya at sa vlog na pinost ni Alex last January 23 ang ‘honeymoon’ at pinalitan niya ng ‘familymoon.’

 

 

Pagkadating na pagkadating nila sa Amanpulo, nag-tour agad si Alex sa kanilang bedroom ni Mikee na kung saan magaganap ang kanilang ‘honeymoon’.

 

 

Sa kanilang private moment, pinasilip ni Alex kung paano niya kukunin ang atensyon ng asawa habang naglalaro ng favorite mobile game nito na ‘Call of Duty.’

 

 

Nakaaaliw din ang mga pagpapakita ni Alex ng nakalululang presyo sa menu, kaya naman may tips siya para makaiwas sa mamahaling pagkain at inumin sa Amanpulo, umiwas daw sa merienda at wag bumili ng anumang fruit juices.

 

 

Day 2, habang nagbo-boat ride sila sa buong isla, binahagi ni Alex, “Sa totoo lang dahil hindi naman kami mahilig sa beach ni Mikee, hindi ito magiging super sayang experience without mommy at daddy kasama si Seve. Thank you Lord for this wonderful trip for me and my parents and of course my man, my husband.

 

 

Day 3, dahil nga kasama ang pamilya, nakuha talaga ni Alex na maka-bonding ang kanyang daddy, mommy at sister niya habang nagha-honeymoon sila ng asawa. Dahil nagpaubaya sina Mikee at Paul sa kanilang free massage, ang mag-anak na lang ang gumamit.

 

 

Sa huling gabi nila sa mamahaling isla, nagpahanda naman ng bonggang dinner by the beach ang asawa ni Toni para newlyweds.

 

 

Nagsayaw sina Alex at Morada habang may kumakanta ang “You’re Still the One” ni Shania TwainNagsubuan din sila ng cake at siyempre may pa-flowers din.

 

 

Kitang-kita talaga ang sobrang saya ni Alex dahil nakasama na si Mikee sa kanilang family vacations na matagal na niyang pinapangarap.

 

 

“Dati pinapangarap ko lang talaga makasama si Mikee sa family vacation namin. Kaya right after our wedding, I planned this family trip dahil papayag na sila mommy dahil kasal na kami,” pag-amin niya.

 

 

Of course, hindi pa rin nakalimutan ni Alex pasalamatan ang kanyang milyung-milyon na YouTube subscribers, “I am sharing this to all of you netizens. Because of your support, I was able to bring my whole family here in Amanpulo. Thank you for all the love and for joining me in this journey. Love you all from the Gonzagas, Sorianos and Moradas.”

 

 

Samantala, habang na sa beach club noong Day 1, may pinagdiskitahan na two wooden statue si Alex at hinipo-hipo, sabay sabing, “ito ang mangyayari sa ‘yo, after mo dito sa Amanpulo, mabubuntis ka!”

 

 

Well, magkatotoo kaya ang sinabing ito ni Alex, for sure yan naman ang aabangan ng mga followers.

 

 

Ang latest vlog ni Alex ay umabot na higit na 4 million views na puwedeng balik-balikan sa https://www.youtube.com/watch?v=-99rpImPYEs. (ROHN ROMULO)