• November 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 27th, 2026

Caloocan LGU, humakot ng parangal sa 2026 Urban Governance Exemplar Awards ng DILG-NCR

Posted on: November 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HUMAKOT ng parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa ginanap na 2026 Urban Governance Exemplar Awards ng Department of the Interior and Local Government – National Capital Region (DILG-NCR)

Ang seremonya ay taunang pagkilala sa mga lokal na pamahalaan na nagpapakita ng huwarang pamamahala, mga epektibong programa, at makabuluhang inisyatiba para sa pagpapatatag at pagpapabuti ng bawat komunidad.

Kabilang sa mga pagkilala na natanggap ng Pamahalaang Lungsod ang Ideal Functionality – Local Council for for the Protection of Children (LCPC), Performance Year 2025, Top Performer – Local Council for for the Protection of Children (LCPC), Performance Year 2025, Top Performer – Informal Settler Families Cluster at Highly Compliant – 2025 Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP).

Natanggap din ng Pamahalaang Lungsod ang High Performing Anti-Drug Abuse Council in 2026 Regional-Level Performance Audit, Full Disclosure Policy (FDP) from 2nd Quarter 2025 to 1st Quarter 2026, 2026 Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) Regional Passer, Highly Functional Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children at High Performing Peace and Order Council.

Tapos puso namang pinasalamatan ni Mayor Along Malapitan ang lahat ng mga tanggapan na katuwang tungo sa de-kalidad at maaasahang serbisyo para sa mga mamamayan ng lungsod.

“Magsisilbi po natin itong inspirasyon upang mas lalo pang pagbubutuhin ang paglilingkod sa mga Batang Kankaloo,” pahayag ng alkalde. (Richard Mesa)

Malakanyang, hinikayat ang mga Filipino na subaybayan ang paglilitis kay Digong Duterte sa ICC

Posted on: November 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga Pilipino na subaybayan ang paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC), dahil ang kaso ay may kinalaman sa mga Pilipino bilang mga nagrereklamo at bilang akusado.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hindi lamang dapat limitado sa pamahalaan ang pagsubaybay sa mga paglilitis dahil direktang sangkot dito ang mga Pilipino.

“Hindi lamang ang gobyerno ang dapat sumubaybay sa anumang hearing; ang sangkot, ang involved, ay mga Pilipino,” ang winika ni Castro,

“Tandaan po natin: ang kaso sa ICC ay ang mga complainants ay mga Pilipino. Ang nasabing akusado, respondent, ay Pilipino,” aniya pa rin.

Sinabi rin ni Castro na dapat subaybayan ng mga Pilipino ang mga paglilitis dahil may kaugnayan ito sa paghahanap ng katarungan.

“Lahat po ng ating mga kababayan ay dapat lamang din sumubaybay dahil ito ay usapin sa pagbibigay ng tamang hustisya,” ayon kay Castro.

Sa ulat, nakatakdang simulan ng ICC Trial Chamber III ang paglilitis kay Digong Duterte sa Nobyembre 30 sa The Hague, Netherlands. 

Inaasahang hihilingin muna ng mga hukom sa dating Pangulo na ihayag ang kanyang plea o tugon sa mga kasong isinampa laban sa kanya bago pakinggan ang mga pambungad na pahayag ng prosekusyon at ng mga legal na kinatawan ng mga biktima.

Ayon kay ICC spokesperson Oriane Maillet sa isang briefing noong Nobyembre 24, inaasahan ng mga tagausig na magharap ng humigit-kumulang 100 saksi sa panahon ng paglilitis. 

Inaasahang ang unang limang saksi ay magbibigay ng kanilang testimonya bago ang nakatakdang pahinga ng hukuman para sa panahon ng taglamig.

Nahaharap si Duterte sa mga kasong crimes against humanity o mga krimen laban sa sangkatauhan, partikular ang pagpatay at tangkang pagpatay, na umano’y naganap sa Pilipinas mula Nobyembre 2011 hanggang Marso 2019 bilang bahagi ng malawakan at sistematikong pag-atake laban sa mga sibilyan.

Saklaw ng mga kasong isinampa ang mga umano’y pagpatay sa Davao City noong panahon ng kanyang panunungkulan bilang alkalde, gayundin ang mga pagpatay at tangkang pagpatay na umano’y isinagawa sa mga operasyong kontra-droga noong siya ay pangulo ng bansa.

Mahigit 500 biktima ang pinahintulutang lumahok sa mga paglilitis sa pamamagitan ng kanilang mga kinatawang abogado. 

Ilalahad ng mga kinatawang ito sa hukuman ang kanilang mga pananaw, saloobin at mga hinaing kaugnay ng kaso.

Tutukuyin ng mga hukom ng ICC kung napatunayan ng prosekusyon, batay sa mga ebidensyang ihaharap sa paglilitis, ang umano’y pananagutang kriminal ni Duterte nang lampas sa makatwirang pagdududa.

Itinuturing na walang sala si Duterte hangga’t hindi napapatunayang nagkasala alinsunod sa batas. 

Bibigyan din ng pagkakataon ang kanyang pangkat ng depensa na kuwestiyunin ang mga ebidensyang ihaharap ng prosekusyon at maglahad ng sarili nilang mga saksi at ebidensya. ( DARIS JOSE)

Walang basehan at walang kabuluhan ang paratang ni VP Sara na itinuturing siyang pangunahing kaaway ng bayan –Malakanyang

Posted on: November 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ITINUTURING ng Malakanyang na “walang basehan” at “walang kabuluhan” ang pahayag ng kampo ni Bise Presidente Sara Duterte itinuturing umano siya ng administrasyong Marcos bilang “pangunahing kaaway ng bayan.”

Sa isang press conference sa Baguio City, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na pag-aaksaya lamang ng oras ang pagsagot sa naturang alegasyon.

“Walang basehan, walang kuwenta, huwag nang pag-aksayahan ng oras,” diing pahayag ni Castro.

Sa isang panayam kamakailan sa media, inakusahan ni Atty. Salvador Paolo Panelo Jr., tagapagsalita ni VP Sara, ginagawa lahat ng administrasyong Marcos ang lahat upang pabagsakin ang Bise Presidente.

Binanggit niya ang umano’y mga dokumentadong banta sa seguridad laban kay Duterte at sa kanyang pamilya.

Samantala, tumugon din si Castro sa panawagan ni Duterte sa Korte Suprema (SC) na muling isaalang-alang ang desisyon nitong ibasura ang pinagsama-samang petisyon para sa writ of habeas corpus na kumukuwestiyon sa pag-aresto at paglilipat sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Winika ni Castro, dapat gamitin ng Bise Presidente ang mga naaangkop na legal na hakbang kung hindi siya sang-ayon sa naging desisyon ng pinakamataas na hukuman.

Nagsalita na po ang Supreme Court. Wala pong puwedeng magkuwestiyon sa pamamagitan lang ng pagsasalita sa media,” pahayag niya. ( DARIS JOSE)

Personal na nagtungo si VP Sara sa Senado…Punukalang P785.2-M na budget ng OVP sa 2027, mabilis na inaprubahan ng Senado

Posted on: November 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINDI man lang umabot ng 2 minuto ang deliberasyon sa plenaryo ng panukalang budget ng Office of the Vice President at agad itong inaprubahan ng Senado. Di hamak na mas mabilis ito kumpara noong nakaarang taon. 

Wala ng senador ang humiling pa na mag- interpellate sa panukalang P785.2 milyon na budget ng opisina ni Vice President Sara Duterte para sa susunod na taon sa ilalim ng sponsorship ni Senate Finance Committee Chair Sen. JV Ejercito. 

Iginiit ni Senate Majority leader Juan Miguel “Migz” Zubiri na dahil ito sa tinatawag na parliamentary courtesy na iginawad ng Senado sa Office of the President at Vice President.  

Personal na nagtungo si Duterte sa Senado para depensahan ang budget ng OVP sa plenary deliberations. Matapos ang naunang hindi pagsipot nito nang tinalakay ang pondo ng kanyang opisina sa lebel ng komite. 

Sinalubong ang bise Presidente nina Senate President Sherwin Gatchalian at Senate President Pro tempore Vicente “Tito” Sotto III pagpasok nito sa plenaryo ng Senado, nagkaroon din ng akonting pag-uusap sa pagitan ni Duterte at Senators Robin Padilla at Bong Go bago magsimula ang deliberasyon.

“Merry Christmas” o maligayang pasko naman ang maikling sagot ni Duterte sa mga katanungan ng media partikular na sa nagpapatuloy na impeachment trial laban sa kanya na magbabalik naman sa susunod na linggo.

Samantala, nauna nang ipinaliwanag ng Office of the Vice President na gagamitin ang P785.2 milyon upang maipagpatuloy ang paghahatid ng tulong at serbisyo sa mga benepisyaryo ng ahensya sa buong bansa.

Sa naturang halaga, P220.2 milyon ang nakalaan para sa Personnel Services, P561.7 milyon para sa Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE ng OVP, at P3.3 milyon naman para sa Capital Outlay.

May hiwalay ding awtomatikong alokasyon na P15.5 milyon para sa Retirement and Life Insurance Premium ng mga may plantilyang kawani ng ahensya. ( DARIS JOSE)