• November 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 28th, 2026

Ads August 28, 2026

Posted on: August 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Binalikan ng SB19 member`ang encounter sa LA airport…JUSTIN, nadismaya dahil kapwa Pinoy pa ang nambastos sa kanila (ni: REY PINEDA) 

Posted on: August 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MEDYO matagal ng nangyari ang encounter na ito ng isang member ng SB19 na si Justin de Dios sa isang kapwa Pinoy na nagtatrabaho sa Los Angeles International Airport (LAX).

Nangyari ito bago pa man maganap ang historic performance ng nasabing grupo para sa “Lollapalooza 2026” na ginanap sa Grand Park ng Chicago, Illinois noong July 30 – Aug 2, 2026.

Ang SB19 ang kauna-unahang all-Filipino act na nag-perform sa nasabing music festival.

Samantala, sa latest YouTube vlog ng SB19 naglabas ito ng sama ng loob.

Habang hinihintay daw nila ang kanilang mga bagahe mula sa conveyor, nilapitan daw si Justin ng isang matandang babae para magpa-picture.

Dahil hindi pa nga naaayos ang mga bagahe, sumabat ang manager ng grupo at mapagpakumbabang nagsabi na kung puwede raw ay ‘pag naayos na ang mga bagahe puwede naman magpa-picture.

Nagpa-picture muna daw yung matanda kasama ang ibang members tsaka siya sumama matapos makuha ang kanyang mga bagahe.     

Ilang sandali pa, may lumapit daw na isang male airport employee na nakarinig sa pakiusap ng manager sa matanda. Paglapit daw nito tinanong ang pangalan ng manager at nagsabing “Supalada ka, ah!”.     

Doon daw nasaktan si Justin sa tinuran ng nasabing empleyado. Katuwiran nito maayos naman daw ang pakiusap ng kanyang manager.     

Laking gulat daw nila dahil ang dami na raw sinabi nung airport employee. Ipinagmalaki pa raw nito ang mga pictures niya sa phone kasama ang ibang celebrities. 

Hindi pa natapos dun ang engkuwentro, nagsalita pa raw ang nasabing empleyado at sinabing bakit daw hindi ina-accommodate ng SB19 ang kanilang mga fans na gusto lang daw magpa-picture.    

Tapos tinanong daw si Justin kung member siya ng SB19, nung sabihin niyang ‘oo’ member siya, sinabi nitong may mga babaeng fans daw na naghihintay sa labas. Tinawagan daw nito ang isa at ipinakitang kasama niya ang isang member ng SB19 ng walang permiso.

Hindi na lamang daw sila pumatol sa empleyado. Nanatili na lamang daw silang tahimik at nakiramdam.     

Sobrang disappointed daw si Justin sa nangyari. Dahil kapwa Pilipino pa raw ang nambastos sa kanila.

Tinawag niyang “disrespectful” ang nabanggit na empleyado.

At sa bandang huli, dismayadong sinabi ni Justin…”Grabe, wow! the welcome committee sa pag-land ng LA! Shoutout to you, kuya!”

***  

KAHIT busy noon si Mikee Quintos sa kanyang mga showbiz commitments, nakuha nitong makapagtapos ng kursong BS Architecture degree sa University of Santo Tomas noong 2025. 

Dahil dito may mga nagtanong na kung sakali daw ba na si Paul Salas ang magpa-design ng sarili nitong tahanan, gawin kaya niya?     

Walang kagatul-gatol na sinagot ito ni Mikee na… 

“Bakit naman hindi… if the price is right! O, sige!”.

Pero sa totoo lang daw kung meron man siyang gustong ipag-design na bahay ay ang BTS member na si Jungkook.

At palalagyan pa raw niya ito ng sarili niyang kuwarto.     

Samantala, kahit hiwalay na sina Mikee at Paul, nananatili raw na magkaibigan ang dalawa.     

Naging maayos naman daw kasi ang kanilang hiwalayan. Nagkaroon ng closure at pareho nilang piniling maghiwalay dahil sa kanilang mga priorities sa buhay.

Aktibo pa rin naman si Mikee sa kanyang showbiz career.     

At dahil nakapagtapos na siya ng kanyang pag-aaral, masasabi nitong may fallback siya kahit mawala man siya sa industriya.  

Dahil nakapagtapos na ang pinsan na tinulungan…BIANCA, buo na ang desisyon na muling sasabak sa pag-aaral (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: August 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TUNAY na mahalaga ang edukasyon, kaya naman kahit ang napaka-busy na si Bianca Umali ay nagbabalak muling bumalik sa eskuwela.

Ito ang inilahad ng Sparkle GMA Artist Center actress sa recent guesting niya sa “i-Listen” ng host na si Kara David.

Rebelasyon pa ni Bianca na ikinahanga ng marami, nahinto siya sa pag-aaral, kusa niya itong desisyon, dahil mas pinili niya na unahin na muna ang pag-aaral ng kanyang pinsan na si Samantha kaysa sa kanyang sarili.

At sa tulong ni Bianca, nakapagtapos na si Samantha ng pag-aaral kaya naman buo na ang desisyon ni Bianca na ngayon ay siya naman ang muling sasabak sa pag-aaral at buhay-estudyante.

Lahad ni Bianca, “I have two choices. Either I go to a design school for interior design, or I’m also looking into a big university.

“Pero hindi pa po ako decided sa kung ano talaga, but yes, I’m excited to study,” bulalas ng aktres.

Natanong rin si Bianca kung bakit mas pinili niya na tulungan muna ang kanyang pinsan sa pag-aaral nito at inilahad ng dalaga na paraan iyon ng tinatawag na “pay it forward” bilang pasasalamat ni Bianca sa kanyang lola.

Ang kanyang Lola Vicky ang umaruga at nagpalaki kay Bianca noong maging ulila siya sa kanyang ina noong limang taong gulang pa lamang siya.

At makalipas ang limang taon ay ang ama naman ni Bianca ang pumanaw.

Kung sapat lamang raw ang kanyang kapasidad na sabay silang nag-aral ni Samantha ay iyon sana ang nangyari pero aminado ang aktres na may kamahalan ang mag-aral ngayon, na siya namang tunay.

At siyempre pa, naniniwala si Bianca na na ang edukasyon ay para sa lahat, na hinding-hindi kailanman magiging huli para sa kahit sino ang mag-aral.

Nagtapos si Bianca sa senior high school noong 2019.

Samantala, boses ni Bianca ang madidinig kay Ella Arcangel, ang upcoming animated film na “Ella Arcangel” din ang titulo.

Klay Thompson pormal ng pumirma sa Miami Heat

Posted on: August 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PORMAL ng pumirma ng dalawang taon na kontrata sa Miami Heat si Klay Thompson.

Kasunod ito sa nagkaroon ng buyout sa pagitan gn Dallas Mavericks at Heat.

Ang nasabing kontrata ni Thompson sa Heat ay nagkakahalaga ng $11.5M.

Kabilang na dito ang 15 percent na trade kicker at dagdag na second-year player option.

Noon pa man ay naghahanap na ang Heat ng high-volume three point na siyang magdadagdag sa kanilang starting lineups.

Mas pinili ng Heat si Thompson kaysa sa mga free agents gaya nina Bradley Beal o si DeMar DeRozan.

Jersey ni Michael Jordan maaaring mabenta ng nasa $10-M

Posted on: August 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAAARING maibenta sa halagang $10 milyon ang jersey na isinuot ni NBA star Michael Jordan.

Ang puting mesh jersey na may iconic na number 23 ay isinuot ni Jordan sa Game 3 ng kaniyang legendary 1998 NBA Finals.

Ito rin ang pagtatapos aniya ng kaniyang panahon kung ginawan pa ng dokumentaryo na “The Last Dance”.

Ang nasabing jersey ay siyang game-winning jersey ng 1998 Finals na naibenta.

Itinuturing na ito ay rare na uri memorabilia.

Magsisimula ang “Driven to Greatness” online auction mula Setyembre 15 hanggang Setyembre 29.

Filipinas target na makahakot ng medalya sa Asian Games

Posted on: August 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TARGET ng Filipinas ang women’s national football team ng bansa na makahakot ng medalya sa 20th Asian Games na gaganapin sa Aichi-Nagoya sa susunod na buwan.Pag-listen At Streaming Ng Internet Radio Stations

Ang nasabing torneo ay bahagi ng kanilang paghahanda para sa 2027 FIFA Women’s World Cup na gaganapin sa Brazil.

Noong Hunyo ay nagsagawa ang koponan ng dalawang tune-up games sa US labang sa San Diego Wave at Albon San Diego.

Maituturing na ang Asian Games ay siyang unang torneo kung saan sasabak ang Filipinas mula ng sumabak sila sa AFC Women’s Asian Cup sa Australia.

Muling nakabalik sa World Cup ang Filipinas sa pamamagitan ng 2-0 na panalo laban sa Uzbekistan noong Marso.Pag-Aaral Ng Mga Mapa At Heograpiya

Sinabi ni Filipinas coach Mark Torcaso na ang nasabing sitwasyon ay isang oportunidad umano para mapalawig ang kanilang mga manlalaro na hindi makapaglaro sa Asian Games at bahagi na rin ng FIFA International window.

Confidential funds, hindi dapat gamitin upang proteksyunan ang isang opisyal

Posted on: August 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ANG confidential funds ay ginagamit para protektahan ang sambayanang Pilipino, hindi para proteksyunan ang isang opisyal.

Ito ang iginiit ni Deputy Speaker Janette Garin ng Iloilo bilang pagtukoy sa testimonya ni Office of the Vice President (OVP) Assistant Secretary and Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio.

Sa impeachment court sa Senado, ipinaliwanag ni Ortonio ang paggamit ng confidential funds para sa protective intelligence operations kaugnay sa security ni Bise Presidente Sara Duterte. 

Ayon kay Garin, ang personal security ni Duterte at hiwalay at may sariling pondo. Aniya, ang confidential funds ay hindi dapat gamitin upang proteksyunan ang isang opisyal.

Sa ilalim ng Under Joint Circular No. 2015-01, ang confidential funds ay maaring gamitin kung may kailangan gastusin upang makakuha ng intelligence information, pananatili ng safe houses, o pambayad sa mga pabuya ng mga impormante.

Ayon kay Garin, dapat may kaakibat na resibo na nagpapakita kung nasaan napunta ang pondo.

“It’s as simple as that. Hindi na ito dapat pinapahaba. Marami nang tanong ang nasagot. Isa na lang ang hindi nasasagot: totoo ba ang pinaggamitan o hindi?” tanong ni Garin.

Kaugnay nito, tinukoy ni Garin ang tila walang kaalaman ni Ortonio at Gina Acosta, dating special disbursing officer (SDO) ni Duterte, kung sino talaga ang may pananagutan sa pondo.

 “Pero ang commonality at ang nakikita natin, hindi pababa, patagilid, pakaliwa o pakanan ang pinupuntahan ng direksyon. Ito ay paakyat sa taas,” sinabi ni Garin. 

“So again, bumabalik tayo, sino ba ’yung merong responsibility, sino ba ’yung nagsabi, sino ba ’yung nag-order na kung sino ’yung magdi-disburse,” dagdag ng kongresista. (VINA de GUZMAN)

Total ban sa waste imports, mas mabigat na parusa sa mga lalabag

Posted on: August 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KASABAY na rin sa imported na basura na nagpalala sa mga pagbaha at epekto sa kalinisan, isinulong ni Quezon City Rep. PM Vargas ang pagpapatupad ng total ban sa waste imports, mas mabigat na parusa at mandatory arrests sa mga violators.

“Nakita natin sa nakalipas na mga linggo ng Habagat kung paano umapaw ang basura sa ating mga ilog at estero. Mas mahihirapan tayong solusyunan ang problema natin sa waste management kung papayag pa tayong gawing tapunan ng basura ng ibang bansa ang Pilipinas,” ani Vargas.

Sa ilalim ng House Bill No. 6267, o “Total Ban on the Importation of Wastes Act,” idedeklarang iligal ang pagpasok ng lahat ng uri ng foreign waste, processed waste, at waste by-products sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Binanggit nito ang isang ulat mula sa United Nations Environment Programme na tumutukoy sa Asia bilang major dumping ground para sa mga illegally traded waste, kung saan inihalimbawa nito ang naganap na insidente ng pagpasok sa Pilipinas ng toneladang toxic, household, at electronic garbage mula Canada, South Korea, Japan, at Hong Kong.

“Ang hindi maayos na pagtatapon ng basura ay lalong nagpapalala sa mga pagbaha at kalamidad tuwing may bagyo at habagat. Ayusin natin ang sariling atin. Let us close our doors to foreign wastes,” ani Vargas.

Upang maipatupad ang mas mahigpit na pagsunod, nakapaloob sa HB 6267 ang pagbuo ng 24/7 Environmental Protection Desks sa lahat ng national ports of entry. Ang mga misdeclared o waste cargo ay pagbabawalang i-offload at ipabalik agad sa port of origin na gastos ng shipper.

Bilang parusa, maaaring kumpiskahin ang sasakyang pandagat, permanenteng shipping bans para sa lumabag na foreign exporters, at agad na pagkaka-aresto sa opisyal, crew, at consignees na tumangging sumunod sa port departure orders.

“By establishing a total ban, we send a clear message to the international community that the Philippines is not a dumping ground. Unahin at ayusin muna natin ang kalinisan at kaligtasan ng Pilipinas,” pagtatapos ni Vargas. (VINA de GUZMAN)

Malakanyang, dumistansiya at ayaw husgahan ang ginawang paghahambing ni Sen Padilla sa paggamit ng aliases 

Posted on: August 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINABI ng Malakanyang na hindi nito huhusgahan at hahayaan na lamang nito ang publiko na humusga kaugnay sa ginawang paghahambing ni Senator-Judge Robin Padilla sa paggamit ng aliases ng bayani noong panahon ng himagsikan at sa paggamit ng aliases sa OVP confidential fund receipts.

“Hindi tayo huhusga at hahayaan natin ang mga kababayan at ang mga senador ang siyang humusga rito,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Subalit, para aniya bigyan ng kaalaman ang mga kabataan at mga kababayan, sinabi ni Castro na ang pagkakaiba sa paggamit ng mga aliases ng bayani noong panahon ng himagsikan at sa paggamit ng aliases sa OVP confidential fund receipts ay “Siguro ang mga bayani noon ay lumalaban para sa bayan nang walang bayad. Pero iyong mga tumutulong na mga informant, informer sa kasalukuyan ay mukhang hindi kikilos nang walang bayad.”

“At ang mga bayani noon, kahit gumamit ng pseudonym ay alam nating totoong tao. Sa ngayon, ang mga resibong naipakita, hindi natin alam kung totoong tao o sila ay multo or mga ghost beneficiaries,” aniya pa rin.

Kaya nga aniya, para sa kaalaman ng mga kabataan, kung ito ang pagkukumparahin, ang mga bayani noon ay lumalaban para sa bayan, itinatago ang pagkakakilanlan para sa bayan pero iba aniya ngayon, dahil ngayon aniya ay itinatago ang pagkakakilanlan para sa bayad.

At nang hingan si Castro ng mensahe para kay Padilla kaugnay ng kanyang paghahambing sa mga bayani at kasalukuyang isyu sa confidential funds ay sinabi ni Castro na karapatan ng senador na ihayag ang kanyang saloobin at wala aniyang balak ang administrasyon na panghimasukan ito.

“Karapatan po niya, kung ano po ang nasaloobin ni Senator Robin Padilla, hindi po ito panghihimasukan ng administrasyon, hindi po ito panghihimasukan ng Palasyo. Karapatan po niya kung ano ang nais niyang ipahiwatig pero kinakailangan din po nating maipakita kung ano ba ang katotohanan para hindi rin po maligaw ang ating mga kabataan kung ano ba ang talagang naging papel ng ating mga bayani noon – gumagamit ng pseudonym pero hindi para itago ang bayad,” winika ni Castro.

Nauna rito, sa ulat, iginiit ni Padilla ang kahalagahan ng paggamit ng alyas sa mga panahong may banta sa seguridad matapos niyang tanungin ang House prosecution counsel na si Atty. Mae Divinagracia tungkol sa mga bayaning Pilipino na gumamit din ng mga alyas.

Sa ika-19 na araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, araw ng Miyerkules, Agosto 26, isa-isang binanggit ni Padilla ang ilang alyas na iniuugnay sa mga personalidad noong panahon ng Katipunan.

“Ito po ang pinakamagandang panahon para maipaalala po sa inyo na ang ating mga bayani ay gumamit ng mga alyas: Dimasalang, Siling Labuyo, Tikbalang, Taga-ilog, Maypag-asa, Buwan, Magdalo, Liyon Kilat, Vibora, Lakambini, Paralitiko, Dimas, Alipato, Liwanag, Balite, at marami pa pong iba,” ani Padilla.

Tinanong niya si Divinagracia kung ano ang kahalagahan ng paggamit ng alyas.

Ipinaliwanag naman ng prosecution counsel na hindi siya maaaring magkomento rito dahil hindi siya tiyak sa mga dahilan ng paggamit ng alyas ng mga nabanggit na personalidad.

Pero aniya, sa ilalim ng Anti-Alias Law, pinahihintulutan ang paggamit ng alyas basta’t nakasaad o naibubunyag ang tunay na pangalan.

“So it’s not completely prohibited provided they also provide the real name,” ani Divinagracia.
(DARIS JOSE)

PBBM: Libreng Kolehiyo, mas maraming oportunidad para sa 2.62 milyong estudyante

Posted on: August 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , Araw ng Huwebes, Agosto 27, na patuloy na pinalalawak ng pamahalaan ang Free Higher Education, na ngayon ay pinakikinabangan ng 2.62 milyong estudyante.

Sa kanyang talumpati sa 58th Commencement Exercises ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Sinabi ng Pangulo na patuloy din ang mga scholarship at financial assistance program tulad ng Tertiary Education Subsidy (TES) at Tulong Dunong Program upang matulungan ang mas maraming kabataan na makapagtapos ng pag-aaral.

Bukod dito, inilunsad din ng pamahalaan ang Bagong Pilipinas Merit Scholarship Program para sa mga natatanging senior high school graduates na kukuha ng iba’t ibang degree program.

Patuloy din ang pagpapalakas ng technical-vocational education and training sa pamamagitan ng Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

“Ang bawat Pilipinong nakapagtatapos ng higher education o technical-vocational training ay higit pa sa diploma o sertipikong kanilang nakukuha,” ayon kay Pangulong Marcos.

Binigyang-diin ng Pangulo na ang edukasyon ay nagbibigay ng mas magandang pagkakataon sa buhay, hindi lamang para sa isang tao kundi pati sa kanyang pamilya.

“Ito ang tunay na bunga ng edukasyong mas abot-kamay, de-kalidad, at nagbibigay sa bawat Pilipino ng pagkakataong makamit ang mas magandang kinabukasan,” ani Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo na nananatiling nakatuon ang pamahalaan sa pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act upang mas maraming Pilipino, lalo na ang mula sa mahihirap at vulnerable na sektor, ang magkaroon ng access sa libreng kolehiyo at technical-vocational training.

Binigyang-diin din ng Pangulo na hindi sapat na makapasok lamang sa kolehiyo ang mga estudyante. Kailangan din silang mabigyan ng sapat na suporta upang makapagtapos.

Hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang mga nagsipagtapos sa PLM na gamitin ang kanilang kaalaman para makatulong sa bayan.

“Kaya sa ating mga nagsipagtapos: Nawa’y gabayan ng karunungan ang inyong pagkatuto, masukat ang inyong tagumpay sa mga buhay na inyong napabuti, at maiukol ang inyong mga tagumpay sa pag-unlad ng ating bansa,” ayon kay Pangulong Marcos.

Kaya ang paalala rin ng Pangulo sa mga nagsipagtapos ay “Saan man kayo dalhin ng buhay, manatili kayong tapat sa mga prinsipyo ng unibersidad na ito at gamitin ang inyong natutuhan upang makatulong sa pagbuo ng mas matatag, mas maunlad, at mas makataong Pilipinas,” ayon kay Pangulong Marcos. (DARIS JOSE)