• August 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi naniniwala sa over exposure sa rami ng shows…KORINA, matagal nang plano pasukin ang politika napipigilan lang (ni: ROHN ROMULO) 


PARA sa second half ng taon, mas malaki, mas diverse, at mas maraming kuwento ang hatid ng TV5, na inilunsad sa ginanap na Tara, Kapatid, 2026 Midyear Media and Trade Celebration.

Patuloy na napapanood ang pinupuri ng netizens na “A Secret in Prague” nina Andrea Brillantes at Enrique Gil sa primetime at ang punum-puno ng inspirasyon na “My Bespren Emman” nina Shaina Magdayao at JM de Guzman na bahagi na ng Hapon Champion ng TV5.

Mas malawak naman na audience ang naabot ng bagong bihis na “Face to Face with Ate Koring” ni Korina Sanchez-Roxas.  Bukod dito mapapanood din sa Kapatid Network ang “Rated Korina” sa pagpasok nito sa ika-30 taon.

Happy naman si Korina asa pagre-reformat ng kanyang show. 

Mas magaan at positive vibes na ang mga topics ng show kung saan ipi-feature ang mga genius kids, mga Talentadang Pinay, Baby Bibo, at tips para mag-start ng business sa bahay at mga trending topics na puwedeng pag-usapan.

Pagbibiro pa ni Korina, “although I was very happy to help people, pero ngayon parang mabawasan na ang abono ko sa mga tao.“Nabawasan na rin siyempre yun kunot ng noo. Wala ka nang iniilagan. Biruin mo from bakbakan at nagiging referee, ngayon parang Korina na ako ng tahanan. “Ngayon nakangiti ka na from beginning to end.  So, I’m very happy the transition was very smooth and everybody is also nakangiti sa staff namin.”

Sa bagong “Face-to-Face with Ate Koring” makakasama rin sina DJ Laila Chikadora at Cheena Crab a.k.a. Pera Godmother.

Natanong din ang veteran journalist kung hindi ba siya nagwo-worry na baka over exposure na siya sa rami shows niya.

“No!  Because all the shows are watched,” katuwiran ni Ate Koring.

“Kung pinapanood at ang ibig sabihin ay gusto nila ang ginagawa ko.

“Minsan na ring sinabi na, I’m not sure if was Tito, Vic or Joey?

“Na nagsabi, ‘hindi totoo ‘yang over exposure basta’t gawin mo ng tama ‘yung ginagawa mo papanoorin at papanoorin ka pa rin.’”

Dagdag paliwanag pa niya, “So, I think of all the shows, iba-iba rin naman ang mga genre at laman or format. 

“So, I’m happy to be performing all these roles at parang artista rin di ba? Kung minsan komedyante ka, kung minsan kontrabida, o kaya minsan horror. Parang ganu’n na rin ang ginagampanan ko.

“And while it’s there and they want me, parang hindi ako naniniwala na doon lang ako sa bahay e.

“So, I really want to be productive and contributory to the Filipino.”

Samantala, binalak pala ni Korina na pasukin ang politika na parang itinatanggi pa niya noon.

Pag-amin niya, “Actually, matagal na akong may plano, dati-dati pa. Napipigilan parati. Palagay ko, mapipigilan na naman ngayon. Lahat sila, gusto akong tumakbo. Pero mahirap na.”

Sinabi rin niya na wala ng interest ang asawang si Mar Roxas na tumakbong muli. “Ayaw na niya, eh. I get it. Inaalok ngang maging talk show host, sabi ko, ‘Tumigil ka!’ Naging presidential candidate ka na. ‘Wag ka nang host-host pa ng programa d’yan’.”

Anyway, sa naturang launch, kasama ang much-awaited TV reunion nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal, ang “Mommy Guard.”

Pinalalakas din ng TV5 ang morning news pagsisimula sa Lunes, August 10 ng “Frontline sa Umaga.”

Kasama rin sa second half of 2026 offering ng TV5 ang “Star Worx: True to Life” at “Vibe Plus.”