• August 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 24th, 2026

Lolo na wanted sa murder, nasukol sa selda sa Valenzuela

Posted on: June 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA loob na ng selda nasukol ng mga awtoridad ang 63-anyos na lolo na wanted sa kaso ng pagpatay makalipas ang halos 34 taon na pagtatago nito sa Valenzuela City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner capili, ang akusado ay isang caregiver na residente ng Brgy., Malinta ng lungsod at kabilang umano sa talaan ng mga Most Wanted Persons ng Valenzuela City Police Station.

Kasalukuyang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS matapos maaresto sa hindi nabanggit na kaso.

Nang magsagawa ng pagsisiyasat ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, natuklasan ng mga ito na may nakabinbin na warrant of arrest ang akusado para sa kasong Murder na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 171 ng Valenzuela City, na may petsang September 8, 1992.

Kaagad namang isinilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa akusado sa loob ng nasabing facility ang naturang warrant na walang inirekomendang piyansa sa sa kanyang pansamantalang paglaya. (Richard Mesa)

‘You’re so happy and proud of yourself, but then italso takes a while to sink in,’ Eve Ridley talks about getting the role of Ruthye in “SUPERGIRL”

Posted on: June 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Eve Ridley wasn’t sure if she was going to hear back after her “Supergirl” audition for the role of Ruthye. She went through a series of auditions and there was a lot of time in between. 

“But then I did get the call with the news and it’s the best feeling ever,” shares the young Filipino-British actress. “It’s a feeling that you can’t describe, you know? You’re so happy and proud of yourself, but then it also takes a while to sink in. That’s when I read the comic and I did lots of research about Supergirl and her iconic look and the difference between Kara and Supergirl. And I loved it and I’m so happy that I got to be part of this amazing film.”

In “Supergirl,” Ridley plays the headstrong, focused and scrappy Ruthye Marie Knoll of the Danastia Clan, who is unwavering in her drive to avenge her family and serve justice to the man who killed them. She and Kara Zor-El, aka Supergirl (played by Milly Alcock), join forces on an epic, interstellar journey of vengeance and justice.

Watch the trailer: https://youtu.be/ofN8MuENzwM?si=vX9BbVYuGXrDolL4 Kara and Ruthye are unlikely allies, but they work. Says Ridley, “Ruthye’s quite upright and very composed and put together, but then Kara… she’s got that sort of energy where she doesn’t care what she says and she’s using a lot of slang language and it’s all really casual. You can see the difference between them and how it clashes. I think that’s really funny.”

Screenwriter Ana Nogueira says that Ridley and Alcock immediately hit it off. “Milly was like a big sister to Eve throughout this challenging thing that they both were doing, and I think all of that sisterly love and respect comes through on screen,” says Nogueira and adds, “Eve Ridley is just an unbelievable find, such a gem. She’s self-actualized, she’s just herself, nice and sweet, professional.” 

Working with Nogueira as well as director Craig Gillespie taught Ridley a lot about working in films. During one of their readthroughs before the start of shooting, Gillespie made a sketch of the cave scene, where he drew Ruthye and Kara, with arrows of where they’d move in that scene. “I loved how he envisioned that scene to be and the way that he explains things,” says Ridley. “And learning different terms and phrases that he used will really help me for my future as well, because different directors have different methods and ways.” 

Ridley also enjoyed working with her costars, who all helped her enjoy her first movie-starring experience. Prior to “Supergirl,” she had done work on TV, most notably on “The Witcher” and “3 Body Problem.” “Milly is such a dream to work with. I really look up to her,” says Ridley. “She taught me so much, and she’s such an amazing actress. And I think Kara is such a strong and emotional character and Milly really takes on all of those emotions and really showcases her talent. I loved working with her. She’s a bit like a big sister.”Matthias Schoenaerts, who plays the villainous Krem, made quite an impression on Ridley when they first met. “I met him on my second day of filming, when we were doing the scene where my family gets murdered,” shares Ridley. “I’d never met him before, and he was in full costume, hair, makeup… I hadn’t seen any pictures of what he’d look like, so I was too scared to even make eye contact with him. I was physically shaking. I thought I liked horror films, but this was a different kind of fear, and I think that really helped with the scene because it was the first time I was seeing him and the first time Ruthye was seeing him. So, to channel all those emotions, that really helped a lot. But under all of the prosthetics and under all of the makeup and the creepy voice, he is such a nice guy and he’s really fun to work with.” 

Ridley also has a fun and sweet anecdote to share about Jason Momoa, who plays Lobo. “He almost brings a rock n’ roll Super-Villain vibe to Lobo, which I also really like. He’s such a great actor and he’s also really kind as well, because when he had to strangle me, he was always making sure that the blades on his gloves weren’t hurting me,” shares Ridley with a laugh. 

Ridley hopes that audiences will be inspired by Supergirl. “I think that she’s such an inspirational character, and especially younger children who are growing up watching all of these superhero films, they can really look up to Kara and think, wow, I want to be as brave as her when I’m older. If she can make her dream come true, so can I. I don’t need to just dream it, but I can make it reality. And I feel like Supergirl really is the definition of girl power. Every kid wants to find their superhero. I’m just happy I found mine.”

“Supergirl” lands in Philippine cinemas June 24. #Supergirl 

(ROHN ROMULO) 

Binasag na ang katahimikan sa isyu ng mana…LOTLOT, walang hinahabol dahil sapat na napalaki ng isang Superstar (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TULUYAN nang binasag ni Lotlot de Leon ang kanyang katahimikan Lotlot de Leon tungkol sa usapin ng mana matapos ang pagpanaw ng kanilang ina na Superstar at National Artist na si Nora Aunor.

Naganap ito sa presscon ng pelikulangaan ’40 Days’ na kung s ipinagdiinan muli na hindi siya naghahabol sa anumang mana mula kay Nora. 

Kaya naman daw niyang magtrabaho at magpakahirap dahil mula pagkabata ay natuto na siyang magsikap para sa sarili at hindi naging pabigat sa kanyang mga magulang.

Rebelasyon pa ni Lotlot na matapos mailibing si Nora ay kinausap niya si Ian de Leon tungkol sa ilang ari-arian na naiwan ng kanilang ina.

“Tinanong ko siya, ‘Ian are you willing to share the properties of Mommy with us?’ Tinanong ko ‘yan without Matet, Kiko and Kenneth knowing. Why? Kasi naawa ako du’n sa tatlo eh, hindi para sa akin kundi para doon sa tatlo kong kapatid dahil wala namang iniwan si Mommy sa kanila,” kuwento ni Lotlot.

Dagdag pa niya, “Tanggap naman namin na kung anong mayroon si Mommy, kay Ian ‘yan. Walang nanghihingi niyan, walang nang-aagaw at sinabi ko kay Ian, ‘If you’re willing to share the properties of Mommy with us, maraming salamat, kung hindi okay lang, walang problema.’ I just wanted to know if he would for the sake of the three.”

Pahayag pa ni Lotlot tungkol sa pamanang naiwan ni Nora.

“Sa kanya na lahat, wala akong hinihingi, wala kaming hinihingi.  Wala akong inaagaw,  walang inaagaw si Matet!,” say ng aktres.

“He can have it all, kasi para sa akin, sapat na natawag kong mommy si Nora Aunor.

“Sapat na napalaki ako ng isang Superstar.  Sapat na nabigyan ako ng pangalan ni mommy. He can have it all!”

At hindi na niyang napigilan na sabihing, “Galit ako, galit na galit ako.  Buong buhay ko sinakripisyo ko para sa mga kapatid ko, tapos sisirain mo lang!”

Inamin din ni Lotlot na isang taon na silang hindi nagkakausap ni Ian.

At dahil nga sa isyu ng man, maraming masasakit na salita at paratang ang natanggap niya at sa kanyang mga kapatid, tulad ng mga “walang utang na loob”, “suwail na anak”, at “walang kuwentang tao.”

Pero mas pinili niyang manahimik bilang respeto sa kanyang ina at sa kanilang amang si Christopher de Leon.

‘Born to Shine’, patuloy na sinusubaybayan…ZEPHANIE at OLIVE MAY, may bagong isyung haharapin (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: June 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PATULOY ngang sinusubaybayan ang hit GMA Afternoon Prime series na “Born to Shine.”

Bukod sa mataas na ratings at online views, lagi ring nakatatanggap ng positive feedback mula sa viewers ang programa. 

Komento ng ilang netizens sa GMA Network YouTube channel, “Ganda talaga ng Born to Shine. Lagi kong inaabangan ‘to ang galing ng mga artista. Nakakadala ang emosyon. 

“Tuwang-tuwa rin ako sa grupo nila ang gandang panoorin kapag nagpe-perform sila.”

Samantala, nangangambang magkalamat muli ang gumagandang relasyon nina Jeni (Zephanie) at Megan (Olive May). Mabibisto na ba ni Megan na half-sister niya si Jeni? Kanino mapupunta ang loyalty ni Megan? Sa sarili niyang ina o sa Yumi, ang grupong napapamahal na sa kanya?

Subaybayan ang “Born to Shine” mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA-7 at Kapuso Stream.

***

Chariz at Buboy, may chika sa politika

SAPAT bang dahilan ang politika para mag-friendship over? 

Iyan ang pag-uusapan nina Chariz Solomon at Buboy Villar sa trending vodcast ng GMA na “Your Honor.”

Makakasama nila bilang resource persons ang magbarkadang sina Inah Evans at Krissy Achino. Chika nilang dalawa, super solid ang kanilang friendship. Tipong magkasamang mag-ibig sa bar, magsapakan sa gabi, tapos besties ulit pagdating ng umaga. 

Pero may isang bagay raw na pwedeng sumubok sa kanilang samahan, ang politika.  Sey ni Inah, kapag nangurakot si Kagawad Chino, may totoong sapak siyang aabutin!

Abangan ang episode na “In aid of unfriending: FO dahil sa politika?” Mapapanood ang “Your Honor” tuwing Sabado, 8:15 p.m. sa YouLOL YouTube channel. 

Available rin ang hearing sessions sa Your Honor Spotify at Apple Podcasts.

Bilang isang lingkod-bayan, ina at Taclobanon…KARLA, apektado sa pamamaril ng dalawang Grade 9 students (ni: ROSE GARCIA) 

Posted on: June 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

DAHIL isang Taclobanon, apektado si Karla Estrada sa naging school shooting sa San Jose National High School. 

Dalawang Grade 9 students ang namaril.

“Bilang isang lingkod-bayan, ina at Taclobanon na nagtataguyod ng kapayapaan, mariin kong kinokondena ang naganap na pamamaril sa San Jose National High School. 

“Ang ating mga paaralan ay dapat manatiling ligtas na lugar para sa bawat bata. Nananawagan ako ng agarang at konkretong hakbang upang mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa ating komunidad.”

Kunsabagay, kahit naman hindi taga-Tacloban, naapektuhan sa pangyayaring ito.

***

DINGDONG, ‘di makapaniwala na kasama si ZIA bilang voice talents

ILANG taon mula ngayon o pagka-graduate ni Zia Dantes ng college, hindi kami magugulat kung tuluyan na niyang susundan ang yapak ng kanyang mga magulang.


Si Zia ang unica hija ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Bukod sa ganda, napaka-talented ni Zia who can sing and dance at ‘di na rin kami magtataka kung may talento rin sa pag-arte.

Heto’t kahit si Dingdong ay ‘di makapaniwala na kasama na niya si Zia bilang voice talents. 

Sabi ni Dingdong sa kanyang socmed post, “Parang kailan lang.. ngayon vumo-voice actors na tayo sa Sun Chaser, Ate Z. Always proud of you.”

Napapanood na sa You Tube ang Episode 1 ng Philippine animated web series na “Sun Chaser”. Kuwento ito ng teenager na si Jordan Santos, voiced by Manny Jacinto.  Tampok sa kuwento ang mga Pinoy mythology tulad ng dwende, manananggal at iba pa.

Boses ni Zia si Sessa na pinsan ni Jordan. At si Dingdong naman, kontrabida ang bobosesan na si Necrofrost.

Iba pang mga voice actors ay sina Charo Santos, AC Bonifacio at Liza Soberano.

Dahil proud sa pagiging ‘halfie’ at Filipino…ANNE, ire-represent ang ‘Pinas kahit saan makarating (ni: REY PINEDA) 

Posted on: June 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA mga kontrobersyang kinapalooban ng dalawang purong pinoy (hindi mga “halfies”, huh!) na produkto ng male pageants, samu’t saring opinyon ang kanilang natanggap.

Sa mga naging pahayag nina Brandon Espiritu at Jether Palomo, hindi nabigyang justification ang paghingi nilang nang tawad.

E, sa apelyido pa lang ng dalawang ito, may mag-iisip bang “halfies” ang mga ito

Karamihan ay nagbigay ng negatibong kritisismo. 

Isa sa mga masasabi natin na talagang “halfie” ay itong si Anne Curtis. 

Produkto si Anne ng inang Pinay at amang Australyano. 

Yan ang “halfie” ibig sabihin, pinagsama ang dalawang magkaibang lahi.

Hindi rin yata nakatiis itong si Anne!

Nanggigil na rin siguro dahil naging laman ng halos lahat ng social media platform ang isyu.

Nag-post tuloy ito at ipinagdiinan ang pagiging Pinoy nito at pagiging “halfie”. 

“I am proud to be halfie, but I am also proud of my Filipino roots. This is my home, where I choose to be. Everyone has their own opinion, but I will always be proud to be Filipino. 

“Whenever I am on the global stage, I represent the Philippines. The seat is for the Philippines. I am always proud. When they ask me where I am from, I say the Philippines. I will always be proud of that.”

Kahit sabihing hindi matatas managalog si Anne, nandun yung effort nito na paghusayan ang pagsasalita ng Tagalog.

‘Di tulad nina Espiritu at Palomo na hitsura pa lang, di mo pag-iisipang hindi mga purong Pinoy!

Inaming matagal na silang hindi nag-uusap…SAM, sobrang minahal si RHIAN at pinakamasayang bahagi ng kanyang buhay  (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA guesting ng dating Tutok to Win Partylist Representative na si Sam Verzosa sa “Fast Talk with Boy Abunda” inamin niya na ayaw na sana niyang pag-usapan ang paghihiwalay nila ex-girlfriend na si Rhian Ramos.

Hesitant pa raw siya sa interview dahil ilang buwan na ang lumipas at malamang ito na ang huling pagkakataon na magsasalita siya dahil masyado raw itong personal.Inamin ni Sam na sobra niyang minahal si Rhian at isa ito sa pinakamasayang panahon ng buhay niya.

“And I think this will be the last time to talk about it publicly because it’s very personal and I always choose respect and protect what we had, what we had is real. “Sobrang minahal ko si Rhian. 

I think and I felt those were the happiest days of my life and that’s why I’m so grateful at naging part ako ng buhay niya and ako rin sa kanya,” pahayag ni Sam.

Pagpapatuloy pa ng dating kongresista, “I have no anger, I just wish her peace, all the happiness and genuine success. Anbg gusto ko lang maalala ay beautiful and happy memories naming together.”

Natanong ni Kuya Boy si Sam kung may kinalaman ba ang pagkatalo niyang bilang Mayor ng Maynila sa paghihiwalay nila ni Rhian.“Wala po kasi matagal nang natapos ang eleksyon when we separated. And also I don’t want to connect the politics or yung sa kasal or whatever to what happened because ‘yung election nandoon si Rhian during my hardest battle sa buhay ko and I’m so grateful for that I felt the genuine love, care.  

“She fought for me, she believe in me, she believe in what I’m fighting for and when you have that person sa pinakamahirap na laban mo sa buhay, you never forget about that,” sey pa ni Sam.

Inamin din ni Sam na ayaw na ayaw ni Rhian na magkaroon ng boyfriend na politiko at nagkahiwalay sila noong tumakbo siya sa congress at muling nagkabalikan pagkatapos nito.

Sa apat na taong relasyon nila ni Rhian, ano ang mga natutunan ni Sam? 

“Not all relationships are perfect, love is not enough, there’s trust, loyalty, respect, peace of mind and that’s what matters.“Ang lagi kong sinasabi ito the greatest value in life, in love, in relationship, is not what you get but who become in the process.  And I became a better person because of her.”

Natanong ni Kuya Boy kung nawala ba ang respeto sa kanilang relasyon.“Kaya siguro kami nag-break Tito Boy, may mga bagay na nawala and that’s what I’ve learned,” sagot pa niya.Inamin din ni Sam na matagal na silang hindi nag-uusap ni Rhian.Wala naman raw maayos na breakup kaya medyo magulo, kaya kinailangan nila ng time and space para mag-heal.“Mahihirapan ka mag-move on or mag-move forward tapos makikita mo yun tao di ba? Mami-miss mo.“So, I think it’s what’s best for both of us.”

PNP, suportado na ibaba ang edad ng criminal liability sa 12 anyos

Posted on: June 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SUPORTADO ng Philippine National Police (PNP) ang panawagan na amyendahan ang Juvenile Justice and Welfare Act at mas ibaba ang edad ng criminal liability sa 12 taong gulang.

Tugon ito ni PNP Information Chief at spokesperson Police Colonel Allen Rae Co sa naging panawagan ni Sen. Robin Padilla na dapat ibaba sa 10 taong gulang ang edad na maaa­ring sampahan ng kaso matapos ang insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City.

” The PNP is supporting the lowering the age of criminal responsibility po,” ayon kay Co.

At nang tanungin kung anong edad ang sinusuportahan ng PNP, ang tugon ni Co ay “We are thinking 12 years old po.”

Sa ulat, naniniwala kasi si Padilla na panahon na para amyendahan ang Juvenile Justice and Welfare Act dahil dumarami na ang krimen na kinasasangkutan ng mga kabataan na hindi naman basta-basta puwedeng ikulong dahil sa batas.

Ipinaliwanag ng senador nais niyang ibaba sa 10 ang edad ng criminal liability dahil ito ang sinusunod ng mga bansa sa Europa.

Aniya, sa Europe mismo na sinasabing nandoon ang “human rights” ay 10 taong gulang ang sinusunod na edad para sampahan ng kasong kriminal ang isang nagkasala.

Idinagdag ni Padilla na sunud-sunod na ang mga naitatalang krimen na kinasasangkutan ng mga kabataan kaya panahon na upang aksiyunan ng Kongreso ang kanyang panukala. ( DARIS JOSE)

Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, kaisa sa pakikiramay ng publiko sa mga biktima ng pamamaril

Posted on: June 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KAISA si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa pakikiramay ng publiko sa mga biktima ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng iba pa.

“The House of Representatives joins the nation in mourning the students who lost their lives in this tragic incident. We extend our deepest sympathies to their families and loved ones, and we pray for the recovery of those who were injured,” anang Speaker. “Any act of violence that claims the lives of young people and disrupts the safety of our schools is a matter of grave concern. Schools must remain places of learning, security and opportunity for every Filipino child.”

Sinabi ni Dy na ang trahedya ay nagpapakita ng pangangailangan para sa mga government institutions, eskuwelahan, pamilya at komunidad na magtulungan upang maiwasan na maulit ang ganitong trahedya at mas maprotektahan ang mga bata.

“Ang paaralan ay dapat kanlungan ng kaalaman at pag-asa, hindi pugad ng takot at karahasan. Ito ang lugar kung saan nabubuo ang mga pangarap, hindi kung saan nagwawakas ang mga ito. Kapag may batang nasaktan o nasawi sa loob ng silid-aralan, hindi lamang isang buhay ang nawawala—may bahagi ng kinabukasan ng ating bansa ang nawawala kasama niya,” pahayag nito.

Suportado din ng lider ng kamara ang pagsasagawa ng masusing at walang kinikilingang imbestigasyon sa insidente.

“The House supports efforts to establish the facts, ensure accountability under the law, and determine what measures may be necessary to prevent similar incidents in the future,” ani Dy.

“Hindi sapat na alamin kung sino ang may kasalanan. Kailangan din nating suriin kung anu-anong mga senyales ang hindi natin napansin, at kung paano natin mas mapapalakas ang mga sistemang magpoprotekta sa ating mga kabataan bago pa sila tuluyang maligaw sa landas ng karahasan,” dagdag pa nito.

Nanawagan naman si Dy sa mga kaukulang government agencies, educators, parents, at local communities na palakasin ang mga inisyatibo para sa student welfare, mental health, conflict resolution at early intervention.

“This tragedy should compel all sectors to work together to strengthen school safety, promote the well-being of our youth, and address the conditions that can lead to violence. The House of Representatives stands ready to support policies and programs that advance these goals.” (Vina de Guzman)

PBBM, bukas na ipagbawal ang marahas na online games matapos ang Tacloban shooting

Posted on: June 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINABI ng Malakanyang na bukas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.sa panukalang higpitan o ipagbawal ang marahas na online games sa gitna ng labis na pag-aalala sa posibleng impluwensiya sa mga menor de edad kasunod ng shooting incident sa Tacloban City.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na pinag-usapan ang nasabing isyu matapos lumutang ang report na isa sa mga menor de edad na sangkot sa shooting incident ng San Jose National High School ay avid player ng isang ‘violent online game.’

“Napag-usapan po na ‘yung mga ganoong klaseng app ay dapat na ma-ban sa Pilipinas. So maganda pong mungkahi iyan at sana makagawa agad ng batas at open ang Pangulo sa ganyang mga panukala,” ang sinabi ni Castro.

Aniya pa, bukas ang administrasyon sa legislative measures na magre-regulate sa access sa violent online content, partikular na sa mga menor de edad.

Maaari rin aniyang maging mabilis ang pagkilos ng mga mambabatas para pag-aralan ang paghihigpit dahil sa nabanggit na insidente.

Ang pahayag na ito ay matapos na ipag-utos ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang temporary blocking ng online game GoreBox habang nakakasa ang imbestigasyon.

Sinabi ng CICC, ang precautionary measure ay bunsod ng inisyal na police findings na isa sa mga estudyante na umatake na regular na naglalaro ng online game.

Gayunman, binigyang diin ng mga awtoridad na sa ngayon ay hindi pa nae-establish ng mga imbestigador ang direktang ugnayan sa pagitan ng online game at pamamaril at ang imbestigasyon ay nananatiling nagpapatuloy. ( DARIS JOSE)