• May 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2026

BAGONG OPISYAL NG MCHPC, INIHALAL

Posted on: April 1st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MULING nagsagawa ng eleksyon para sa mga bagong opisyal ang Manila City Hall Press Club (MCHPC), na isa sa pinakamatandang organisasyon ng mga mamamahayag sa bansa, nitong nakaraang Biyernes, Marso 27, 2026.

Sa naganap na eleksyon, naitalaga bilang Pangulo ng MCHPC si Ms. Jocelyn Domenden-Tabangcura na reporter ng Police Files Tonite habang ang nagbabalik na opisyal at dating Pangulo ng nasabing organisasyon na si JR Reyes, reporter at kolumnista sa pahayagang REMATE at Remate Online, ay nailuklok bilang Bise-Presidente.

Nanatili naman sa kani-kanilang pwesto sina Gene Adsuara ng People’s Balita bilang Kalihim at Emmanuel Mortega II ng DZXL bilang Ingat Yaman habang nanalo naman bilang Auditor si Archie Amado ng Radyo Aguila.

Nakuha naman ng beteranong reporter at kolumnista ng People’s Tonight at People’s Journal na si Edd Reyes ang pinakamataas na bilang para sa Director katuwang ang kilalang Anchor broadcaster at reporter ng Radyo Pilipinas na si Lorenz Tanjoco.

Sumunod na nakakuha ng may pinakamataas na bilang ay sina radio reporter Felix Laban ng DZME at ang kinikilalang reporter saan man sulok ng bansa na si Patrol 24 Jun Samson ng DWIZ.

Napabilang din sa mga Director sina Pot Chavez ng Manila Standard, DZBB reporter Manny Vargas, Bombo Radyo reporter na si Grant Hilario at DZMM radio reporter/anchor na si Steve Raz.

Nagsilbi naman bilang Comelec o tagapangasiwa ng eleksyon ang mga kinatawan ng National Press Club of the Philippines (NPC) na sina Director Dennis Napule at Director Jun Mendoza.

Ang naturang kaganapan ay sinaksihan naman ng mga beteranong reporter at kasalukuyang Adviser ng MCHPC na sina NPC Director at Radio reporter Aya Yupangco at ni DWWW anchor at People’s Bslita Consultant Archbishop Jemba Basco.

Ang MCHPC ay isa sa pinakamatandang samahan ng mga mamamahayag sa bansa na itinatag noon pang 1950’s. Ang nasabing samahan ay binubuo ng mga lehitimong reporter mula sa radyo, dyaryo, online, at telebisyon na nagkokober sa lahat ng kaganapan na nangyayari sa Manila City Hall. (Gene Adsuara)

PBBM, tinitingnan na magkaroon ng pag-uusap ang Pilipinas at Iran para sa ligtas na pagdaan ng PH-bound vessels sa Strait of Hormuz

Posted on: April 1st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang high-level engagement discussions sa Iran upang masiguro ang ligtas na pagdaan ng Philippine-bound vessels sa pamamagitan ng Strait of Hormuz sa gitna ng labanan sa Gitnang Silangan.

Sa katunayan ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, inatasan ng Pangulo ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa bagay na ito.
Sa kabilang dako, hangad naman ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa Lazaro na makausap ang top diplomat ng Iran sa Maynila upang matiyak ang ligtas na pagdaan ng mga tangke na magdadala ng langis papasok sa Pilipinas habang hinahabol ng bansa ang oras para matiyak na ma-secure ang sapat na fuel bago ang nagbabadyang global shortage.
Nauna rito, nakipagpulong ang Pangulo sa mga miyembro ng UPLIFT (Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport) Committee, isang inter-agency task force na kanyang itinatag bilang tugon sa kanyang idineklarang national energy energy dala ng labanan sa Gitnang Silangan.
Ani Castro, inatasan ng Pangulo si Lazaro na makipag-usap kay Iranian Ambassador to Manila Yousef Esmaeil Zadeh bunsod na rin ng nagbabadyang pangangailangan ng Pilipinas ng fuel sources.
“Ayon po kay Secretary Tess Lazaro ng DFA, makikipag-usap po siya sa ambassador ng Iran, most probably po ay tomorrow. Kung hindi man po magkakaroon ng tomorrow, by next week po,” ang sinabi ni Castro.
“However, it was not clear if there would be oil tankers bound for the Philippines already,” aniya pa rin.
Kumpiyansa naman ang Pilipinas na magiging maganda ang takbo ng pag-uusap lalo pa’t maganda naman ang relasyon ng Maynila sa Tehran.
“Sa akin pong pagkakaalam at sinabi po rin naman ni Secretary Tess Lazaro, maganda naman po ang relasyon natin sa bansang Iran,” aniya pa rin. (Daris Jose)

PBBM, magse-Semana Santa sa Ilocos Norte

Posted on: April 1st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na uuwi sya sa kanyang bayan, sa Ilocos Norte ngayong Semana Santa.
”I will spend a few days in Ilocos Norte and I’ll be back on Manila by the weekend,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush intreview.
Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang Pangulo sa kung ano ang kanyang mga magiging aktibidad ngayong Mahal na Araw.
Nauna rito, nanawagan si Pangulong Marcos sa mga Filipino na palakasin ang pagkakaisa at pananampalataya habang ginugunita ang Semana Santa.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ng Pangulo ang publiko na maglaan ng oras para sa pahinga at pagninilay, at muling pagtibayin ang malasakit at paglilingkod sa kapwa.
Binigyang-diin din niya ang sakripisyo ni Jesus Christ, na aniya’y paalala na ang tunay na kadakilaan ay makikita sa sakripisyo, hindi sa kapangyarihan.
” For in every act of compassion, every hand extended to those in need, and every sacrifice made for the good of others, we keep alive the spirit of His message,” pahayag ng Pangulong Marcos.
Hinimok ni Pang. Marcos ang bawat Filipino na manatiling matatag sa pananampalataya, magtulungan sa gitna ng pagsubok, at magkaisa para sa mas maunlad at mahabaging “Bagong Pilipinas.”
Nagtapos ang Pangulo sa pagbati ng isang makabuluhan at mapagpalang Semana Santa para sa lahat.
” I wish everyone a meaningful and blessed Holy Week,” wika ng Pangulong Marcos. ( Daris Jose)

Half-day, work-from-home setup para sa mga empleyado ng gobyerno ngayong Miyerkules Santo- Malakanyang

Posted on: April 1st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPATUTUPAD ng Malakanyang ang half-day work-from-home arrangement sa Miyerkules Santo, Abril 1, 2026 para sa mga empleyado ng gobyerno.
“Ang announcement, April 1, for all government employees, tomorrow, 8:00 AM to 12:00 noon, work from home. From 12:01 PM hanggang 5:00 PM, wala na pong pasok,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, pinagbatayan ang Memorandum Circular No. 116, nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, na may pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., may petsang Marso 31, 2026.
Ang adjustment ay alinsunod sa pagdiriwang ng Semana Santa, isa sa pinakamahalagang ‘religious periods’ sa bansa, kung saan maraming Pilipino ang bumibyahe papuntang lalawigan o nagpapartisipa sa mga religious activities.
Sa kabilang dako, ang Maundy Thursday (April 2) at Good Friday (April 3) ay regular holidays, habang Black Saturday (April 4) ay deklaradong special non-working day.
Ang adopsyon ng work from home at suspension of work para sa mga pribadong kumpanya at tanggapan ay ipinauubaya na ng Malakanyang sa diskresyon ng kani-kanilang employers.
Samantala, ang Mahal na Araw ay isang relihiyosong pagdiriwang ng mga Kristiyano sa Pilipinas. Ipinagdiriwang dito ang mahahalagang kaganapan sa buhay ni Hesukristo, partikular ang Kanyang paghihirap, pagkamatay sa krus, at muling pagkabuhay.
Sa nasabing long weekend, tradisyonal na makikita ang pagdagsa ng mga byahero, dahil karaniwan na pami-pamilya ang nagbabalik sa kanilang home provinces o nagbabakasyon para magpahinga at magnilay-nilay. (DARIS JOSE)

Sa gitna ng tumataas na presyo ng langis dulot ng krisis sa Middle East… 130,000 PASAHERO NAKINABANG SA LIBRENG SAKAY SA MAYNILA

Posted on: April 1st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKINABANG ang halos 130,000 pasahero sa unang araw ng libreng sakay ng jeep sa Maynila nitong Lunes, Marso 30.

Sa huling datos na iniulat ni Manila Mayor Isko Moreno- Domagoso, nasa 129,665 pasahero ang napagsilbihan hanggang alas-9:30 ng gabi nitong Lunes.

Layon ng libreng sakay na programa ng pamahalaang lungsod na maibsan ang dinaranas na hirap ng mga Manileño sa gitna ng tumataas na presyo ng langis dulot ng krisis sa Gitnang Silangan.

Sa nasabing programa, sinabi ng alkalde na sabay-sabay na nakinabang ang apat na sektor kabilang ang driver, operator, commuter at gasolinahan.

Ayon kay Domagoso, garantisado ang boundary ng mga operator sa ilalim ng programa at sasagutin ito ng pamahalaang lungsod.

Para naman sa mga driver, mula sa karaniwang P200 hanggang P300 na netong kita kada araw, itinaas ito sa hindi bababa sa P1,000 na garantisadong kita. Ibinibigay ang kalahati ng bayad bago bumiyahe, at ang natitirang kalahati ay ibinibigay matapos ang kanilang biyahe.

Ang libreng sakay na mga jeepney ay umiikot sa anim na distrito ng Maynila habang ipinatutupad ang programa. (Gene Adsuara)

Gamitin ang pagkakataon na paglinayan ang kahulugan ng Mahal na Araw – Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III

Posted on: April 1st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA PAGSISIMULA ng Semana Santa, inanyayahan ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang mga kababayan na gamitin ang pagkakataon na paglinayan ang kahulugan ng Mahal na Araw.
“Sa pagdating ng Mahal na Araw, inaanyayahan ko ang bawat Pilipino na sandaling huminto at pagnilayan ang kahulugan ng mga araw na ito. Holy Week reminds us of sacrifice, forgiveness, and hope—mga aral na patuloy na gumagabay sa atin bilang mga tao at bilang isang bansa,” pahayag ni Dy.
Aniya, ang Mahal na Araw ay pagkakataon upang ipahiwatig ang mas malalim na pananampalataya sa Diyos at mas matibay na pagmamahal sa pamilya, at mas matinding malasakit sa kapwa.
At sa gitna na matinding kahirapan at hamon sa buhay, sinabi ni Dy na ang Mahal na Araw ay pagpapaalala rin na sa bawat kadiliman ay kasunod ang bukang liwayway ng liwanag, at ang pagasa ay laging may puwang sa puso ng bawat Pilipino.

“Nawa’y maging pagkakataon ito para sa mas malalim na pananampalataya, mas matibay na pagmamahal sa pamilya, at mas matinding malasakit sa kapwa. Isang mapayapa at mapagpalang Mahal na Araw sa inyong lahat. God bless you, and God bless the Philippines,” pahayag ni Dy.
(Vina de Guzman)

LTO AT MMDA, PUMIRMA NG MOA UPANG PALAKASIN ANG KOORDINASYON SA TRAFFIC ENFORCEMENT SA BUONG METRO MANILA

Posted on: April 1st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PUMIRMA ang Land Transportation Office (LTO), sa pangunguna ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa pamumuno ni Chairman Atty. Romando S. Artes, ng isang Memorandum of Agreement upang palakasin ang koordinasyon sa pagpapatupad ng trapiko sa buong Metro Manila.

Pag-uugnayin ng kasunduan ang mga sistema ng parehong ahensya sa pamamagitan ng plataporma ng LTMS ng LTO, na magbibigay-daan para sa mas mahusay na pagbabahagi ng datos at mas maayos na paghawak sa mga paglabag sa trapiko mula sa pag-aresto hanggang sa pagbabayad.

Iaayos ng MMDA ang mga sistema at proseso nito sa mga pamantayan ng LTO, kabilang ang sistema ng demerit, wastong mga pamamaraan sa paghatol at apela, at ang paggamit ng maraming opsyon sa pagbabayad. May mga pananggalang din na ipinapatupad upang matiyak ang angkop na proseso para sa mga motorista.

Nilinaw din sa MOA na ang pagkumpiska ng lisensya ay limitado lamang sa mga LTO-deputized enforcers, upang maiwasan ang kalituhan sa lugar.

Ito ay isang hakbang tungo sa mas pare-parehong pagpapatupad at mas malinaw na mga proseso para sa mga motorista sa buong Metro Manila.
(PAUL JOHN REYES)

Dahil sa bagong CLLEX segment, mababawasan ang travel time, rice transport cost – PBBM

Posted on: April 1st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong na ang bagong bukas na segment ng Central Luzon Link Expressway (CLLEX) ay makatutulong na mabawasan ang travel time at mas mapababa ang transport cost ng bigas, mapakikinabangan kapwa ng mga magsasaka at consumers.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pagbubukas ng four-kilometer section ng expressway sa Cabanatuan City, bahagi ng East-West Luzon corridor na mag-uugnay sa Tarlac hanggang Nueva Ecija.

Ayon sa Chief Executive, ang travel time sa pagitan ng Tarlac at Cabanatuan City ay mababawasan kung saan ang dating isang oras at kalahati ay magiging 20 minuto na lamang.

Aniya pa, ang pinaka-maiksing travel time naman ay nangangahulugan na mas mababang fuel consumption sa gitna ng tumataas na presyo ng langis at makatutulong na mapanatili ang presyo ng mga pangunahing kalakal lalo na ang bigas habang ang Nueva Ecija, kilala bilang “Rice Granary” ng Pilipinas ay nakapagpo-produce ng mayorya ng suplay ng bigas sa bansa.
“Ito ay makakatulong na makabawas sa transport cost at sa pagbawas ng transport cost mananatili ang presyo ng bigas,” ayon sa Pangulo.
Ang bagong road segment, ay inaasahan na makapagsisilbi sa 11,500 mga sasakyan araw-araw, libre ang toll-free hanggang Disyembre upang mahikayat na magamit ang road segment at mapagaan ang trapiko sa kahabaan ng MacArthur Highway.
“The CLLEX expansion is part of the administration’s broader push to open key road networks, improving mobility, reducing logistics costs, and mitigating the impact of rising fuel prices resulting from the Middle East crisis,” ayon sa ulat.
“It complements other recent infrastructure openings, including the CAVITEX-C5 Link Segment 3B and the new NAIA Expressway exit, under the government’s Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) strategy to address ongoing energy and transport challenges,” ayon pa rin sa ulat.
( Daris Jose)

Nakapasa sa Stanford at sa iba pang universities… ICE at LIZA, proud na proud sa anak nilang si AMARA

Posted on: April 1st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PROUD na proud nga ang celebrity couple na sina Ice Seguerra at Liza Diño dahil nakapasa ang kanilang anak na si Amara sa iba’t ibang universities abroad.
Sabi pa ni Liza, “emotional rollercoaster” daw ang naranasan ng kanilang pamilya dahil bukod sa pag-aabang sa college application results ni Amara ay nag-celebrate din sila ng 18th birthday nito.
At sa Facebook post ni Liza, sinimulan niya ito ng “I AM A PROUD STANFORD MOM!!!
“Our daughter just got accepted to STANFORD UNIVERSITY!
“Yup. THE Stanford University.
“Mechanical engineering.”
Pagpapatuloy ng kanyang post, “Never in a million years could I have imagined that my precious baby girl, who used to get B’s in Math, who had to take Kumon so her grades will improve just got accepted in one the top 3 universities IN THE WORLD.
“This week we’ve been celebrating Amara’s 18th birthday, but we’ve also been waiting on her college applications results. I didn’t realize this whole experience was gonna be such an emotional rollercoaster—not just for her but also for me and Ice.”
Dagdag pagmamalaki pa niya sa anak…
“And guess what?
“Columbia University- Accepted
“UC Berkeley – Accepted
“USC- Accepted
“Harvard University- Waitlisted
“Stanford University – ACCEPTED!!!”
“What?!? How to be you anak koooo? My God, I’m so so so so proud of you.
“Not everyone gets the privilege of choosing which school to go to.”
Pagtatapos pa niya, “But this isn’t luck. This is hard work.
“This is discipline. This is you showing up over and over again, even when it wasn’t easy.
“This is all you!
“So my love, embrace it. Be proud of it. Celebrate it because you have earned every single bit of this. And whatever you choose (I know you’ve chosen already), we’re right here with you. Always.
“We love you so much, Amara.”
(ROHN ROMULO)

Dahil sa mga ibinahaging larawan ni Sylvia… ARJO at MAINE, pinatunayan na ‘fake news’ ang balitang naghiwalay na

Posted on: April 1st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NANGGULAT ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez sa kanyang Facebook at IG post noong Lunes, Marso 30.
May caption ito na… “Thank you, kiddos, for surprising us last night. Love you all! Happy anniversary again, my husband Art—pangit! Love you most!”
Kasama ang series of photos na kuha sa bahay habang nagdi-dinner kasama ang pamilya para sa anibersaryo ng mag-asawa.
Dahil dito, napatunayan ng celebrity couple na sina Maine Mendoza at Congressman Arjo Atayde na isang malaking fake news ang pinakakalat na naghiwalay na sila.

Bukod kina Arjo at Maine, makikita rin sa mga larawan ang mag-asawang Ria Atayde at Zanjoe Marudo kasama ang anak nilang Sabino; Gela Atayde kasama ang napapabalitang boyfriend na si Zaijian Jaranilla; at si Xavi Atayde ang bunsong anak ng mag-sawa.

Nandun si Mamita Pilar Atayde at Ramon Atayde, na brother ni Papa Art.

Nagsimula nga ang balita na nagkakalabuan daw ang celebrity couple matapos mapansin ng netizens na wala si Maine sa mahahalagang okasyon sa pamilya Atayde.

Pero nilinaw naman agad ito ng publicist ng Atayde family na si Chuck Gomez na hindi tootoo ang balita. May sakit daw si Maine kaya hindi nakadalo sa joint birthday celebration ng mag-amang Art at Ria. Aniya,

Narito ang ilan sa mga comments ng mga netizens, na ang ilan dito ay tila pambabasag ng fans nina Arjo at Maine sa mga bashers at haters na naniniwala at nagpapakalat na naghiwalay na ang mag-asawa.

“Basag na naman mga umaasa sa hiwalayan ni Maine at Cong Arjo… Happy Anniversary po Mr and Mrs Atayde.”

“Oh sa mga naghahanap jan kay Maine ayan fresh na fresh! Di lang napost sa iba, dami na agad issue. happy anniversary po.”

“Thanks GOD! We love @mainedcm & Arjo together! Walang hiwalayan period. Happy anniversary po.”

“Kaya nakikipag-away ako eh kasi ndi ako naniniwala na magagawa un ni Arjo… Maganda ang pagpapakalaki sa kanya ng mga magulang niya… I love this family… God bless this family.”

“Happy Anniversary po Boss Art & Maam Jojo Campo Atayde . may our good continue to bless you so you will be a blessings to others too.”

“O AYAN NA may resibo na. OK NA?! konting kibot ang daming hanash!”

“Sa mga fake news yan na…”

“Yun mga Marines dyan, ayan na yun ebidencia na buo cla. Aysus! Masyado kayong advance mag-isip.”

“Happy happy anniversary to this beautiful and power couple Art Atayde and Jojo Campo Atayde !!! May your love story continue to unfold with each passing day, filled with laughter, adventure, and endless joy.”

***

MTRCB sa PUV operators: ‘G’ at ‘PG’ lang na pelikula sa byahe ngayong Semana Santa

NAGPAALALA ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga operator ng public utility vehicles (PUVs) at iba pang common carriers na tanging mga pelikulang “G” at “PG” lang ang dapat ipalabas sa loob ng sasakyan, laluna ngayong inaasahang dadagsa ang mga biyahero sa Semana Santa.



Sa memorandum na may petsang Marso 24, inatasan ng Board ang lahat ng operator na sumunod sa umiiral na patakaran sa pagpapalabas ng pelikula sa loob ng pampublikong transportasyon.



Ayon sa MTRCB, “tanging mga pelikula at/o trailers na may klasipikasyong General Patronage (G) at Parental Guidance (PG) lamang ang maaaring ipalabas sa loob ng mga common carrier.”



Ipinaliwanag ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto na ang “G” ay para sa lahat ng manonood at walang anumang eksenang makasasama sa mga bata. Samantala, ang “PG” ay maaaring may ilang sensitibong eksena o tema kaya kailangan ng gabay ng magulang o nakatatanda, laluna sa mga menor de edad.


Saklaw ng direktiba ang lahat ng common carriers tulad ng mga bus, barko at iba pang sasakyang pampubliko na nagpapalabas ng video o pelikula habang bumibiyahe.



Para masigurong nasusunod ang patakaran, tuluy-tuloy ang inspeksyon ng monitoring at inspection unit ng MTRCB.

Nitong nakaraang linggo, nagsagawa na ng dalawang inspeksyon ang Ahensya upang paalalahanan ang mga bus operator at pasahero sa tamang palabas sa loob ng sasakyan.



Ayon kay Sotto, layunin ng patakaran na maprotektahan ang mga komyuter, laluna ang mga bata, laban sa hindi angkop na palabas habang nasa biyahe.


“Ngayong Semana Santa, sabay-sabay ang paglalakbay ng mga pamilya. Gusto nating siguraduhin na ang napapanood sa loob ng sasakyan ay ligtas at angkop para sa lahat, laluna sa mga bata,” ani Sotto.



Dagdag pa niya: “Sa pagpapalabas ng ‘G’ at ‘PG’ na content, nakakatulong ang mga operator na maging maayos at family-friendly ang biyahe ng bawat pasahero.”



Bahagi ito ng kampanya ng Ahensya na “Responsableng Panonood,” na nagtataguyod ng tamang paggabay sa panonood ng media.



Nagbabala ang MTRCB na maaaring masuspinde o makansela ang permit ng mga operator na lalabag sa patakaran, bukod pa sa multa at iba pang parusa.



Samantala, sinabi ni Sotto na nakikiisa ang MTRCB sa buong bansa sa paggunita ng Semana Santa at hinikayat ang mga Pilipino na maglaan ng oras para magnilay.

“Panahon ito ng pagninilay at pagkakaisa. Nawa’y magdala ang Semana Santa ng pag-asa, lakas, malasakit at pagkakabuklod sa bawat Pilipino,” aniya.

(ROHN ROMULO)